webnovel

Possessive

Lala's Pov

Nandito ako ngayon sa opisina ko sa ospital namin. Nabunutan ako ng tinik ng tanggapin ng pamilya ko ang mga pagkakamaling nagawa ko. Masaya ako kasi tanggap nila ang baby ko. Sa totoo lang masaya ako dahil magkakaanak na ako. Natigil ako sa pagmumuni muni ko ng may kumatok sa pinto ng office ko.

"Pasok!" sabi ko. Bumukas ang pinto at pumasok si Hera.

"Miss Lala may naghahanap po sa inyo. Zeus daw po pangalan nya, papapasukin ko po ba?" tanong ni Hera.

"Sige papasukin mo." sabi ko. Lumabas naman si Hera at maya maya ay pumasok si Zeus.

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko.

"Gusto lang kitang bisitahin. Bakit masama ba?" tanong nya.

"Paano mong nalaman na nandito ako?" tanong ko. Nakapagtataka naman kasi wala naman akong sinabi kung saan ako nagtatrabaho.

"I have my ways." sagot nya.

"Ano bang kailangan mo? Marami pa akong gagawin." sabi ko pa ulit.

"Gusto kita sanang ibitahan na maglunch mamaya." sabi nya.

"Busog ako." sabi ko.

"Samahan mo na lang akong kumain. Malay mo magutom ka na pagnakita mo ang pagkain."

"Marami pa akong tatapusin. Hindi ko alam kung may time pa ako para maglunch kaya umalis ka na." pagtataboy ko sa kanya.

"Hihintayin kita." sabi nito.

"Bahala ka na nga." sagot ko. Makulit din ang isang ito.

Masyado akong naging busy kaya hindi ko namamalayan na may tao pala sa office ko. Nailang ako kasi nakatingin lang ito sakin.

"May dumi ba ako sa mukha at kanina ka nakatingin sakin?" naiiritang tanong ko.

"Wala naman, pinagmamasdan ko lang ang magandang tanawin sa harap ko." sagot nya. Napailing na lang ako.

Tinuloy ko na lang ang ginagawa ko. Mamaya duon naman ako sa kompanya ko pupunta. Once a week lang ako napunta dito sa opisina ko sa ospital. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. Pinipigilan ni Hera si Edward na pumasok.

"Lala kausapin mo naman ako!" sabi ni Edward.

"Sige na Hera, ako nang bahala sa kanya." sabi ko. Lumabas naman si Hera at nagsimula nang magsalita si Edward.

"Lala, patawarin mo na ako. Mahal na mahal kita, hindi ko kaya na mawala ka. Wala na kami ni Sandra at hindi na ako nakikipagkita pa sa kanya. Please naman bumalik ka na sakin." sabi nya.

"Tapos ka na ba? Kung tapos ka na ay makakaalis ka na." sabi ko.

Lalapit sana sakin si Edward nang biglang humarang si Zeus sa kanya. Kumunot naman ang noo ni Edward.

"Sino ka ba at humaharang ka dyan!" sabi ni Edward.

"Subukan mong lumapit sa kanya at hawakan sya. Babaliin ko talaga ang kamay mo." sabi ni Zeus.

"Aba matapang ka ha! Sino ka ba? Umalis ka dyan! Kailangan kong makausap ang girlfriend ko!" sigaw ni Edward.

"Wala ng tayo Edward. Tapos na ang lahat sa atin." sabi ko.

"Hindi pa tayo tapos! Pupuntahan ko ang mga magulang mo para malaman nila ang lahat sa atin!" sigaw ni Edward.

"Sige pumunta ka. Tutal alam na nila na niloko mo ako ay malamang maghanda ka na sa gagawin nila." sabi ko.

Natigilan naman ito. Sinasabi ko na nga ba na takot ito sa pamilya ko. Lalapit sana ulit sa akin si Edward ng biglang suntukin ito ni Zeus. Napaupo naman si Edward sa sahig habang hawak hawak ang pisnge na sinuntok ni Zeus.

"Tigilan mo ang girlfriend ko. Sinabi na di bang tapos na kayo." sabi ni Zeus. Hindi na lang ako nagsalita.

"Girlfriend? Ang bilis mo naman akong ipagpalit Lala?" tanong ni Edward.

"Bakit mas mabilis ka naman di ba? Ipinagpalit mo ako kay Sandra habang tayo pa." sabi ko. Natahimik naman ito.

Pagtayo ko nakaramdam ako ng sakit ng puson ko. Napansin ko na may dumadaloy sa hita ko. Hinawakan ko ito at nang tignan ko ang kamay ko, may dugo ito. Syet ang baby ko.

"Zeus! Tawagin mo si Hera!" sigaw ko. Napalingon naman ito sakin at nanlaki ang mata nito dahil sa nakitang dugo sa kamay ko. Agad naman itong lumabas at pagpasok kasama na si Hera.

"Hera tumawag ka ng Oby gyne at papuntahin mo sakin. Dalian mo!" sigaw ko.

"Zeus buhatin mo ako papunta sa kama ko. Hindi ko na kaya pang maglakad." utos ko.

Inihiga ako ni Zeus sa kama ko na nasa gilid ng opisina ko. Umupo naman sa tabi ko si Zeus. Maya maya dumating si doktora Aquino. Pinaalis muna si Zeus at isinara ni Hera ang kurtina sa gilid ng kama ko. Chineck up naman ako ni doktora. Pagkatapos akong masuri binuksan na ni Hera ang kurtina.

"Sinabi ko naman sayo Lala, wag kang magpapastress. Makakasama sa inyo ng baby mo yan. Mabuti na lang at hindi malala. Mahina pa ang kapit ng bata kaya alagaan mo. Bibigyan kita ng pampakapit sa bata." sabi ni doktora.

"Salamat po doktora." sabi ko.

"Sige aalis na ako. Ibibigay ko na lang sa sekretarya mo ang mga irereseta ko." sabi nya at umalis na.

Pipikit na sana ako nang may biglang magsalita.

"Buntis ka Lala?" tanong ni Edward. Nandito pa pala ito. Nilingon ko ito.

"Oo Edward, kaya tumigil ka na." sabi ko.

"Hahaha! Tang ina Lala ang tagal na natin. Hindi mo ako mapagbigyan, tapos ngayon buntis ka na?" sabi ni Edward.

"Pwede ba palabasin nyo na sya. Ayoko nang maistress pa." sabi ko.

Kinaladkad naman ni Zeus si Edward palabas. Napapikit na ako sa sobrang panghihina ko. Naririnig ko na lang ang mga sigawan nila hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Nagising ako nang may humahaplos sa ulo ko. Nagmulat ako nang mata at nakita ko si Zeus sa tabi ko.

"Gising ka na pala. May gusto ka bang kainin?" tanong nya.

"Kanina ka pa ba nandito? Hindi ka pa umaalis simula kanina?" tanong ko.

"Paano ako aalis? Hindi ko naman kayo maiwan ng baby natin." sabi nya.

"How sure na ikaw ang ama nito?" tanong ko.

"Sigurado ako. Kasi ako ang nakauna sayo." sabi nya.

"Paano kung may iba pa akong nakatalik bukod sayo?" tanong ko.

"Alam kong hindi ka ganung babae. Pwede ba tumigil ka na kasi sigurado akong akin ang batang dinadala mo. Simula ngayon madalas mo na akong makikita sa tabi mo. Kailangang alagaan ko kayo ng baby natin." sabi ni Zeus.

"Teka lang pumayag ba ako?" tanong ko.

"Hindi na mahalaga yun. Sa ayaw at sa gusto mo pananagutan kita. Simula ngayon akin ka na." sabi nya. Nakakainis, napakapossessive nito.

"Bilihan mo ako ng pagkain. Gutom na ako." sabi ko.

Agad naman nitong kinuha ang cellphone at may tinawagan. Maya maya ay pumasok si Tom at Wilson na may dalang pagkain. Ngumiti ang mga iyo sa akin. Naghain naman ang mga ito sa lamesa at saka umalis.

"Gusto mo bang sa kama ka na kumain?" tanong ni Zeus.

"Hindi na. Kaya ko nang kumilos." sabi ko. Pero nagulat ako ng buhatin nya ako at dahang dahang inupo sa sofa kung saan nandun ang mga pagkain.

"Sabihin mo kung may gusto ka pa at ipapabili ko sa mga tauhan ko." sabi nya.

"Anong gusto mo tumaba ako? Ang dami na nito tapos papabili ka pa." sabi ko sa kanya.

Kumain naman kami ng pagkain na pinabili nya. Pinagmasdan ko ang mukha ni Zeus habang nakain ito. Ang gwapo talaga nito. Gusto kong pisilin ang matangos nyang ilong at halikan ang mapula nyang labi. Natigil naman ako sa iniisip ko.

"Ano ba yan kung ano ano naman ang iniisip ko. Pinagpapantasyahan ko ang lalaki sa harap ko."  sabi ko sa sarili ko.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Maya maya ay biglang pumasok ang parents ko. Nanlaki ang mata ko dahil naalala ko na nandito si Zeus.

"Lala!" sigaw ni daddy. Naku patay na! Galit na si daddy.

Bab berikutnya