webnovel

C-105: ARE YOU, MY ALLY OR MY ENEMY?

Matapos niyang matiyak na walang sino man ang nakakakita sa kanya. Walang kilatis siyang naglakad patungo sa Library.

Nakakaramdam man ng kaba ngunit tuloy lang siya sa paglalakad. Hanggang sa marating niya ang kanyang pakay.

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya sa kanyang dibdib. Bago lakas loob na pinihit niya ang seradura ng pinto.

Laking pasalamat niya na hindi ito nakalock.

Kahit pa ang pakiramdam niya daig pa niya ang nagnanakaw ng mga sandaling iyon.

Dahil kahit welcome pa siya sa bahay na ito. Alam niya na hindi pa rin tama na basta basta na lang siya magmanman at pumasok sa kung saan.

Bukas ang Library sa lahat ng tao sa bahay, ngunit hindi ang pribadong opisina ni Dust.

Pero tuloy tuloy pa rin siyang pumasok sa loob nito.

Maganda at maluwang ang kabuuan ng Library sa bahay ng mga Torres. May visiting area rin ito sa loob at kumpleto ito sa mga kagamitan.

Sa paligid nito makikitang maayos na nakasalansan ang iba't-ibang klase ng libro. At sa bandang dulo nito naroon ang pribadong opisina na ginagamit ni Dustin.

Nasa isip niya na marahil naroon ang dalawa, si Dust at si Gavin

Hindi namalayan ng mga ito ang kanyang pagpasok. Kahit na ang marahan niyang paglapit sa may pinto.

Napatigil siya sa tapat ng pinto ng marinig na may nag-uusap nga sa loob.

Tiyempo namang bahagya pang nakaawang ang pinto kaya dinig niya ang pag-uusap sa loob nito.

Marahil hindi alintana ng mga ito na may papasok pa ng Library sa oras na iyon. Kaya't kampante ang mga ito na walang makaririnig sa kanilang pag-uusap...

"Bakit ba hindi mo na lang sabihin sa kanya ang totoo Dust?" Si Gavin ang narinig niyang nagtatanong.

"Sasabihin ko rin naman talaga sa kanya pero hindi muna sa ngayon.

'Humahanap pa ako ng

"Gusto ko munang makausap si Amara para sabay naming sasabihin sa kanya ang totoo."

'Ano kayang totoo ang sinasabi niya? Sabi ko na nga ba may inililihim sila sa akin. Pero bakit kailangang pa niyang kausapin si Amara?

'Bakit hindi ka na lang kaya makipagkasundo kay Joaquin. Para naman magkaroon ka ng koneksyon kay Amara?"

"Alam mo namang hindi ko makakasundo ang gagong iyon lalo na ngayon. Hindi ko alam kung bakit asar kami sa isa't-isa."

"Pinapatulan mo kasi, saka alam mo naman kung bakit 'yun galit sa'yo? Sabihin mo na kasi ang totoo para matapos na."

"Ano siya sinusuwerte? Pagkatapos ng lahat ng nangyari ganu'n lang ba 'yun. Saka hindi ko alam kung tanga siya o baka nagtatanga tangahan lang...

'Paano niya naisip na si Amanda ang asawa ko. Oo nga at lihim ang pagpapakasal namin noon ni Gellie at marami pa ang hindi nakakaalam na mag-asawa kami.

'Pero bakit niya naisip na kami ni Amanda, maliban na lang siguro kung may nagsabi nu'n sa kanya?

'Hindi kaya..." Saglit itong napahinto ng may biglang naisip.

"Si Chloe? Balitang malapit sa kanya ang walanghiyang babaing iyon.

'Ang sabi ni Gellie gustong gusto ni Chloe si Joaquin kaya hindi imposible na gawin nga niya ang mga bagay na iyon."

Ngayon naiintindihan na ni Amanda kung bakit ganu'n na lang ang paniniwala ni Joaquin.

Humanda sa'kin ang babaing iyon!

Kakalbuhin ko na talaga siya, naalala niya kahit na noong nasa Venice pa lang sila ni Joaquin kontrabida na sa kanila ang babaing iyon.

Nagngingitngit na bulong ni Amanda sa sarili ng marinig ang sinabing iyon ni Dust.

Ngunit sa kabila ng kanyang pagngingitngit patuloy pa rin siyang nakinig sa pag-uusap ng dalawa.

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa kanila ang totoo at huwag mo na silang pahirapan.

'Anong malay mo baka sakaling makatulong pa si Joaquin sa'yo? Para madali mong maka-usap si Amara. Alalahanin mo siya lang ang may contact sa kanila..."

Patuloy rin siyang naghintay sa isasagot pa ni Dust...

Ngunit nanatili lang na tikom ang  bibig nito. Lalo na itong hindi nakasagot ng muling magsalita at magtanong si Gavin. 

"Maiba ako alam na rin ba ni Amara kung sino ka talaga?"

"Hindi! S'yempre hindi at sa tingin ko wala pa rin talaga siyang alam tungkol sa totoong pagkatao ko hanggang ngayon!"

'Huh' a-anong ibig sabihin ni Kuya Dustin sa totoong pagkatao niya?!'Tanong ng naguguluhan na ring isip ni Amanda.

Kaya naman kahit nangangawit na siya sa pagkakatayo sa likod ng pinto. Patuloy lang siyang nakinig sa pag-uusap ng mga ito. 

Hindi na mahalaga sa kanya ngayon kahit may makakita pa sa kanya na nakikinig sa pag-uusap ng iba ng mga oras na iyon.

Siya lang naman ang topic ng pag-uusap ng mga ito. Kaya wala nang mahalaga sa kanya ngayon kun'di ang marinig ang mga susunod pang pag-uusap ng dalawang lalaki.

Kaya patuloy pa rin siyang nakinig.

Hanggang sa....

"Ang ibig mo bang sabihin wala man lang ideya si Amara sa tunay mong relasyon sa kanila? Hindi pa rin niya alam na Anak ka ni Anselmo?!"

HINDI!

Natutop niya ang bibig, daig pa niya ang nabingi sa narinig!

Totoo ba talaga ang mga narinig niya?

Si Dustin...

A-anak ba talaga siya ni Anselmo?

A-anak ito ng taong pumatay sa Papang at Mamang niya.

A-anong ibig sabihin nu'n?

Hindi, hindi p'wede!

Dahil sa narinig walang pasintabing itinulak niya pabukas ang pinto.

Lumikha ito ng ingay na ikinalingon nila Dustin at Gavin.

Pagkabigla ang unang rumehistro sa mukha ng mga ito, lalo na sa mukha ni Dustin ng mga sandaling iyon.

"A-Amanda?!"

Gulat at halos magkasabay pang pagtawag ng dalawa sa kanyang pangalan.

"Totoo ba ang  narinig ko ha', totoo ba?

Talaga bang anak ka ni Anselmo?

'TOTOO BA?!

'SUMAGOT KAAA!"

____

Sunod-sunod na napailing si Dustin ng makita niyang nakatayo si Amanda sa pintuan ng kanyang opisina.

Hindi siya makapaniwala at hindi rin niya inaasahan na ganito ang mangyayari at kahihinatnan ng pag-uusap nila ni Gavin ng gabing iyon.

Ang buong akala niya nasa itaas na at nagpapahinga na ito sa sarili nitong kwarto kasama ang kambal.

Bakit ngayon pa, hindi sila okay ngayon ilang araw na rin silang hindi nagkikibuan.

Hindi p'wede!

Kung kailan pa balak na sana niyang makipagkasundo dito.

Balak na sana niyang kausapin ito tungkol kay Joaquin. Kung kailangang sabihin na niya dito ang totoo, gagawin naman talaga niya.

Sasabihin na sana niya ang katotohanan sa pagitan ni Liscel at Joaquin. Dahil gusto na niyang maging maayos ang buhay nito.

Ngunit tila huli na!

Magagawa pa ba niyang pigilan ang mga susunod na mangyayari at ang kahihinatnan ng lahat ng ito?

Magagawa pa ba niyang pigilan ang pagkatuklas nito sa katotohanan na dapat naman talaga, noon pa nito nalaman.

Pero hindi, hindi dapat ngayon! Dahil hindi pa siya handang makita itong nasasaktan.

Habang nasusuklam sa dugong nag-uugnay sa kanilang dalawa.

Pero paano na?

Ngayon higit kailanman, ngayon siya dapat maging matatag at malakas upang maging pinaka responsable sa lahat.

Dahil kailangan na niyang harapin ang katotohanan na ang lahat ng pinaghirapan niyang buuin at ang lahat ng ginawa niya ay nakatakda na ring mawalan ng silbi.

Mula pa noong mga bata sila wala naman siyang pinangarap kun'di ang tawagin nitong Kuya at ituring siya nito bilang tunay nitong kapatid.

Naging obsesyon na nga niya na isang araw mamahalin din siya nito bilang kapatid. Bukod kay Gellie ito lang at ang kanyang Ina ang itinuturing niyang pamilya wala nang iba.

Wala na ang kanyang Ina pati ba ito mawawala na rin sa kanya.

Dahil batid niya na ngayon ay kasusuklaman na siya nito. Dahil sa dugong dumadaloy pa rin sa kanyang mga ugat.

Ang dugo ng isang kriminal na pumatay sa kinikilala nitong Ama at maging sa Ina nito.

Nararamdaman na niya ang unti unti nang pagguho ng pundasyon na unti unti rin niyang binuo.

Mula pa man noong mga bata pa sila para sa kanilang dalawang magkapatid. 

Pero ngayon wala na, dahil parang nakikita na rin niya ang nakatakda nitong pagkawasak.

Ano na ang gagawin niya ngayon?

Manong sana nandito ka pa, para matulungan mo akong payapain ang kalooban ng mahal mong Anak. Bulong niya.

Manong, ano na ang gagawin ko ngayon, ngayong alam na niya na Anak ako ng taong iyon na labis rin niyang kinasusuklaman.

Dapat ko na bang sabihin sa kanya ang totoo?

Paano ko pa magagawang panatilihin sa isip niya na ikaw lang ang kanyang Ama at wala nang iba?

Kung tadhana na ang gumagawa ng paraan upang malaman niya ang katotohanan na iisa lang ang aming pinagmulan? 

Manong patawarin mo ako kung hindi ko na magagawa pang protektahan ang iyong Anak.

Bulong ni Dustin sa kanyang sarili habang inaalala nito ang yumaong si Darius.

___

Napatid ang paglalakbay ng kanyang isip ng sugurin na siya ni Amanda. Ngunit mabilis itong napigilan ni Gavin.

"Walanghiya ka, sinungaling ka! Ang tagal mo akong niloko, akala ko pa naman mabuti ka ngang tao.

'Iyon pala sinungaling ka!" Sigaw ni Amanda kay Dust.

"Amanda, p'wede ba tumigil ka muna pakinggan mo muna ang sasabihin ni Dust." Mungkahi ni Gavin.

"Pakinggan? Bitiwan mo nga ako isa ka pa! Pareho lang naman kayo pinagloloko n'yo ako.

'Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mo?! Ngayon alam ko na kung bakit naroon ka ng araw na iyon sa Hacienda.

'Tauhan ka ni Anselmo at tauhan ka rin ni Dustin! Walanghiya kayo pareho...

'Anong plano n'yo ha', anooo?!"

"Pambihira, hindi ka ba talaga nag-iisip, kung may plano man kaming masama sa'yo o kung gusto ka naming patayin.

'Baka matagal na, o baka nasa isang safe house ka pa rin at pinahihirapan.

'Hindi ganitong buhay reyna ka at may magandang buhay."

"Isusumbat ba niya sa'kin ang lahat ng ito? Hindi kaya ginawa lang niya ito.

'Dahil na rin sa guilt?

'Ano bang malay ko kung parte lang naman ito ng mga ninakaw ng Ama niya sa amin?!" Baling ulit ni Amanda kay Dustin.

"Pambihira ibang klase rin pala talaga itong kapatid mo kung mag-isip, parang may pinagmanahan ah'?!"

"Hindi ko siya kapatid, walanghiya ka bitiwan mo nga ako!"

"Gavin, tumigil ka na, bitiwan mo na siya!"

"Hahayaan mo na lang ba siya na pag-isipan ka ng masama. Bakit ba hindi mo na lang sabihin sa kanya ang totoo ng tumigil na siya sa kadadakdak!"

"Hindi naman talaga ikaw ang kausap ko ah', bakit ba ikaw ang kuda ng kuda?"

"Dahil hindi mo alam ang sinasabi mo, paano kung sabihin ko sa'yong..."

"Gavin, sinabi nang tumigil ka na!" Bulyaw ulit ni Dust.

"Please!" Ngunit agad rin itong bumawi sa mahinahon nang salita.

"Hmp! Bahala ka na nga sa babaing 'yan."

Binitiwan na siya nito at saka lumabas ito ng opisina. Ngunit hindi naman tuluyang umalis. Nanatili lang ito sa may pinto at sumandal sa ding-ding. Halata sa mukha nito ang pagkainis.

"Ano pa ba ang totoo na dapat kong malaman? Malinaw naman na ang lahat. Dahil noon pa man niloloko mo na ako!

'Maging ang Papang niloko mo! Siguro kung alam lang niya na Anak ka pala ng walanghiyang iyon!"

"Mali ka, hindi ko kailanman niloko si Manong Darius. Dahil sa simula pa lang alam na niya kung sino ako?

'Pero hindi siya nagdalawang isip na tulungan ako. Ganu'n kabuti ang Papang mo, kaya ng hilingin niya na protektahan at alagaan kita.

'Ginawa ko ang lahat para matupad 'yun!"

"Sinungaling, niloko mo pa rin ako. Maiintindihan ko pa na hindi mo sinabi sa'kin noong mga bata pa tayo.

'Pero ngayon, marami ka nang sinayang na pagkakataon na dapat sinabi mo sa'kin kung sino ka ba talaga?"

"I'm sorry!" Mabigat ang loob na saad nito.

"Sorry, nagpapatawa ka ba?

'Akala mo ba mababawi ng sorry mo lang ang lahat? Sorry lang p'wede nang mabago ang lahat.

'Pwede ko nang kalimutan ang mga ginawa mo dahil nagsorry ka na.

'Kaya ba tinutulungan mo ako, dahil ang akala mo p'wede nang pampalubag ng loob ang lahat ng kabutihang ginawa mo sa'kin at makakalimutan ko na, na Anak ka ng walanghiyang iyon?"

"Hindi, hindi ganu'n maniwala ka naman! Kahit kailan hindi kita nilinlang, tinulungan kita, dahil para sa'kin pamilya tayo.

'Bukod kay Gellie alam mong ikaw at ang mga bata lang ang pamilya ko.

'Alam ko naman na hindi ko na mababago ang lahat. Kagaya rin ng hindi ko na p'wedeng baguhin pa ang pagkatao ko.

'Dahil kung p'wede lang matagal ko na sana iyong ginawa. Kung p'wede nga lang sanang pumili ng magiging Ama?

'Isa lang ang paulit-ulit kong pipiliin at hihilingin sa Diyos.

'Sana pareho na lang nating naging Ama si Manong Darius."

Kung p'wede lang talaga! Bulong ni Dustin sa sarili.

"Pero hindi na iyon mangyayari pa, kaya huwag ka nang umasa at mangarap dahil hindi na iyon matutupad!

'Dahil kahit kailan hindi mo na mababago ang katotohanan na ang walanghiya mong Ama ang pumatay sa Papang!" Muling sigaw ni Amanda.

Hindi na rin nito napigilan pa ang emosyon. Dahil sa labis na sama ng loob napaiyak na ito ng tuluyan.

"A-Amanda..." Tinangka itong lapitan ni Dustin, subalit tinabig lang siya nito.

"Hindi ko sinasadya na ang taong iyon ang maging Ama ko alam mo 'yan at lalong hindi ko sinasadya na masaktan ka...

'K-kapatid kita, magkapatid tayo!" 

"Hindi! Hindi kita kapatid kaya huwag mo na ulit sasabihin 'yan!

'Dahil kahit kailan hindi ko gugustuhin na maging kapatid ka...

'Hindi!

'Hindi ko matatanggap na ang Anak ng taong pumatay sa Papang ko ay kasama ko ngayon at nagpapanggap na kapatid ko.

'Kahit pa alam ko na naging mabuti ka sa'kin. Hindi pa rin 'yun sapat para gustuhin kong makasama ka pa.

'Pasensya na, pero kahit hindi mo kasalanan ang lahat. Hindi pa rin tayo p'wedeng maging isang pamilya."

Tumingin pa ito sa kanya at hindi maikakaila sa mga mata nito, na puno ito ng galit ng mga oras na iyon.

Pakiramdam niya paulit-ulit na sinusuntok ang kanyang dibdib at ang sakit sakit ng kanyang pakiramdam.

"Dahil kung ipipilit ko pang makasama ka. Maalala ko lang ang iyong Ama at kung paano niya pinahirapan at unti-unting pinatay ang Papang ko.

'Pasensya na pero hindi ko na gustong manatili pa dito kasama mo aalis na'ko.

'A-ayoko na dito!"

"Amanda please, hindi mo naman kailangang umalis.

'Kahit alang-alang man lang sa mga bata manatili ka na lang dito.

'Kung ayaw mo akong kausap hindi kita kakausapin. Kung ayaw mo akong makita, sisikapin kong iwasan ka.

'But please stay with us! Para din naman ito sa kabutihan mo o kaya isipin mo na lang ang mga bata."

"Kabutihan ko? Ah' talaga, ano nga ba ang pakialam mo sa kabutihan ko ha'?

'Hindi ba, mas papabor pa nga sa'yo kung masasaktan kaming mag-iina. Dahil mawawalan na kayo ng problema."

"Ano bang pinagsasabi mo? Kahit kailan hindi ko hinangad na mapahamak ka at ang mga bata alam mo 'yan!

'Nalalabuan ka lang dahil galit ka ngayon! Please huwag mo namang punuin ng galit ang dibdib mo.

'Nakikiusap ako pag-isipan mo sana ang mga sinabi ko. Huwag na kayong umalis."

"Hindi mo na ako dapat pang pinakikialaman. Dahil wala naman tayong kaugnayan sa isa't-isa. Kaya wala ka nang pakialam pa, ano man ang gawin ko sa buhay ko. Naiintindihan mo ba?"

"Amanda!"

"Pasensya na pero hindi na ako p'wedeng manatili pa dito. Aalis na rin kami ngayon ng mga bata."

"Gabi na hindi ba p'wedeng bukas na lang, ganu'n ka ba talaga kagalit sa'kin. Para umalis ka agad agad?

'Wala na ba talagang halaga sa'yo ang pinagsamahan natin. Hindi ko man lang ba naiparamdam sa iyo kung gaano kayo kahalaga sa'kin?"

"Sa tingin mo ba may halaga pa 'yun ngayon.

'Niloko mo ako! Alam mo ba noong unang makita kita kahit wala pa akong maalala.

'Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa'yo.

'Kahit hindi pa maganda ang impresyon ko sa'yo noon at natatakot rin ako sa'yo.

'Pero may bahagi sa pagkatao ko ang komportable kapag kasama ka. Dahil pakiramdam ko safe ako palagi.

'Nang bumalik na ang alaala ko at naalala ko na kung sino ka ba talaga? Napakasaya ko noon.

'Dahil sa'yo nagkaroon ulit ako ng pag-asa at nabuhayan ulit ako ng loob. Pakiramdam ko noon kahit wala pa sa tabi ko si Amara at nalaman ko rin na wala na ang Mamang.

'Lumakas pa rin ang loob ko dahil alam ko nariyan ka na at hindi na ako mag-iisa. Dahil magkakampi tayo at alam kong hindi mo ako iiwan kahit kailan.

'Dahil pakiramdam ko kahit wala na ang Papang parang nariyan pa rin siya kapag nasa tabi kita.

'Pero nagkamali lang pala ako ng pang-unawa. Dahil kahit kailan hindi kayo maaaring maging magkatulad.

'Dahil iba ka, ibang iba!

'Naalala ko rin ang sabi noon ng Papang magtiwala lang daw ako sa'yo. Dahil ikaw ang magiging kakampi habang buhay.

'Pero kakampi nga ba kita o kaaway?

'Kung nagawa ng Papang na magtiwala sa'yo sa kabila ng alam niya kung sino ka?

'Pasensya na pero hindi ako! Dahil hindi ko pa kaya, hindi ko na kayang magtagal dito na kasama ka!

'Dahil kinasusuklaman ko ang iyong Ama!"

Bigla na itong tumalikod at umalis....

"Amanda, Amanda sandali makinig ka muna sa'kin, please!

'AMANDA!"

Habol pa ni Dust kay Amanda ngunit tuloy tuloy na itong umalis at tuluyan na siyang tinalikuran.

Naiwan siyang hindi alam ang gagawin at kung paano pa niya ito pipigilang umalis.

Ngayong kaaway na ang tingin nito sa kanya at hindi na kakampi.

Paano pa niya mababago ang isip nito ngayon?

Kung hindi na ito magtitiwala pa sa kanya.

Hindi na rin niya nagawang pigilan pa ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

Dahil sa masakit na pakiramdam na kanina pa niya pinipigilan.

Dahil alam niyang nabigo siyang kunin ang pagmamahal ng kanyang kapatid.

_____

Paglabas ni Amanda sa pintuan nasalubong pa niya si Gavin sa may pinto. Tila ba ito naman ang nakinig sa kanila.

"Basta ka na lang ba aalis at iiwan mo na ba talaga sila?"

"Wala ka nang pakialam umalis ka d'yan!" Taboy niya kay Gavin at tinalikuran na ito.

Ngunit agad siya nitong hinawakan sa braso at hinatak na pabalik.

"Amanda, sandali ano bang nangyayari sa'yo ha'? Hindi lang kayo nagkakaintindihan ni Dust.

'Kung uunawain mo lang siya at intindihin. Maiintindihan mo rin kung bakit kailangan niyang magsinungaling sa'yo."

'Sandali ano ba ang pakialam mo kung tutuusin pareho lang kayo niloko n'yo ako! Kaya p'wede ba bitiwan mo ako."

"Hindi kita bibitiwan hangga't hindi nalilinawan 'yang utak mo! Gabi na tulog na ang mga bata hindi ba p'wedeng bukas ka na lang mag-alsa balutan?"

"Alam ko ang ginagawa ko kaya p'wede ba bitiwan mo ako sabi!"

"Hindi ka na bata kaya huwag kang umarte na parang batang hindi nag-iisip.

'Saan ka pupunta, maghohotel? Dahil sa pagkakaalam ko wala kang gaanong kaibigan dito sa Manila. Kaya saan ka titira ha'?"

"Problema ko na 'yun kaya h'wag mo nang problemahin!"

"Ibang klase ka talaga, kanino ka kaya nagmana?"

"Wala kang pakialam!" Sinabayan niya ng sipa sa binti nito kaya naman bigla siya nitong nabitiwan.

Sinamantala niya iyon para tumakbo at tuloy tuloy s'yang pumanhik ng hagdan.

"Ahh' a-aray ko, buwisit!"

"Hayaan mo na siya, hindi mo na rin siya mapipigilan!" Si Dustin habang nakatayo na rin sa may pinto ng opisina nito.

"Bakit kasi hindi mo pa sinabi sa kanya na iisa lang naman ang pinagmulan n'yo. Pareho lang kayo at iisa lang ang Ama n'yong dalawa!"

"Para ano, para kasuklaman rin niya ang sarili niya?"

"Ano ba ang gusto mo ikaw ang lang kasuklaman niya at patuloy siyang magalit sa'yo.

'Dahil sa huli patuloy ka na namang magsisinungaling sa kanya ganu'n ba 'yun?"

"Dapat ba talagang sa'kin pa rin manggaling at ako ba talaga ang dapat magsabi nu'n sa kanya?

'Alam kong kahit hindi ko sabihin sa kanya, sasabihin rin iyon ni Amara sa oras na magkita sila.

'Sigurado rin ako na kapag umalis siya sa poder ko. Mas magpupursige siyang makita si Amara kapag umalis na siya dito.

'Mas mabuti siguro na si Amara ang magsabi sa kanya ng totoo at hindi ako. Dahil sa pagkakataong ito kay Amara siya magtitiwala."

"Ang sabihin mo pinanghihinaan ka ng loob. Dahil natatakot ka na baka hindi niya matanggap ang katotohanan. Kaya gusto mong ipasa kay Amara para mapatagal mo ang sitwasyon."

"Kagagaling lang niya sa sakit at hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kapag nagkasakit siya ulit baka tuluyan na niya tayong makalimutan.

'Mas mabuti na ito dahil kahit alam ko na galit siya sa'kin, atleast nakikilala pa rin niya ako." 

"Bahala ka nga, kung wala kang gagawin, ako may magagawa pa. Hindi ko siya hahayaang tumira kung saan.

'Sa akin na lang muna sila, habang galit siya sa'yo. Alam kong mawawala rin ang galit niya sa'yo. Kapag nakapag-isip isip na 'yun." Saad ni Gavin.

"Sana nga at sana makumbinsi mo rin siyang sumama sa'yo. Please, ikaw na ang bahala sa kanya."

"H'wag kang mag-alala Bro, hindi siya uubra sa'kin.

'Sige na, ako na bahala sa kanya!"

"Salamat Bro, tumawag ka sa'kin kapag nasa bahay na kayo!"

"Okay!" Tinapik nito sa balikat si Dustin at tuloy tuloy na itong lumabas ng Library.

Eksakto naman na pababa na ang mag-iina na may dalang mga gamit. Karga ni Amanda ang isa sa kambal at si Liway naman sa isa.

Kasunod na rin ng mga ito sina Gelli at si Lyn.

"Kung hindi ka rin lang magpapapigil doon na lang muna kayo sa bahay ko tumuloy."

"Hindi na, okay lang kami ako na ang bahala sa tutuluyan namin."

"Talaga bang paiiralin mo pa rin ang katigasan ng ulo mo? Tara na sa ayaw at sa gusto mo sa'kin kayo tutuloy!"

"Yan ba ang iniutos sa'yo ng Boss mo? Bitiwan mo nga ako!" Piksi niya dito.

"P'wede ba Amanda tumigil ka!"

"Sandali ano ba talaga ang nangyayari ha'. Nasaan ba si Dust?" Usisa na Gellie.

"Pasensya na kailangan na talaga naming umalis." Tugon ni Amanda. Habang si Lyn napailing na lang sa nangyayari.

"Amanda, sandali bukas na lang kayo umalis sige na kawawa naman ang mga bata." Pakiusap na ni Gellie.

Ngunit hindi pa rin siya nagpapigil tuloy tuloy pa rin siya sa pag-alis. Kaya napasunod na rin sa kanya si Gavin.

"Pasensya na Ate Gellie kausapin mo na lang si Dust ako na ang bahala sa kanila aalis na kami."

Nagmadali na nga ito sa pagsunod sa mag-iina.

"Ano ba Amanda tumigil ka nga! Sige na Ate Liway sumakay na kayo sa kotse ko."

"Liway!"

"Sige na, Ate Liway!" Tila naman bantulot pa ito ngunit mas pinili nitong sundin si Gavin.

Kaya tuloy tuloy na itong lumapit sa Ferrari matapos pindutin ni Gavin ang Lock binuksan na ni Liway ang pinto.

Deretso at maingat na itong pumasok sa loob habang hawak nito ang natutulog pa ring si Quian na isa sa kambal.

"Ano bang ginagawa mo bakit ba hindi mo na lang kami pabayaan hindi kami sasama sa'yo?!"

"Sige huwag kang sumama pero maiiwan sa'kin si Quiyel."

Walang kahirap hirap na nakuha nito sa kamay niya ang bata.

Isang kamay lang kasi niya ang may hawak dito at pareho pang may bitbit siyang gamit sa dalawang kamay habang kalong niya ang Anak.

Kaya naman nawalan siya ng pagkakataon na mapigilan pa ito.

Bahagya pang umingit ang bata dahil sa biglang paglipat.

Ngunit saglit lang tila nakomportable na rin ito agad ng bahagyang ipaghele ni Gavin.

"Ngayon mamili ka, sasama ka ba o aalis kang mag-isa? Kilala mo ako hindi ako marunong magbiro.

'Kaya sige na huwag ka nang umarte pa, sumakay ka na sa kotse at ako na ang bahala sa mga gamit."

Tiningnan muna niya ito ng masama, ngunit wala rin naman siyang nagawa. Hindi rin niya gustong malagay sa alanganin ang mga Anak.

Siguro nga dapat na kalimutan muna niya ang sariling kagustuhan. Kaya naman sa huli ito pa rin ang nasunod.

Tila nakakita naman ito ng tagumpay nang lumakad siya pabalik at huminto sa sasakyan nito. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago binuksan ang pinto ng sasakyan.

Sumunod sa kanya si Gavin at maingat na iniabot ulit sa kanya ang bata.

"Nakita mo imbes na panatag na tulog nila gusto mo pang abalahin.

'Isara mo na nahahamugan na ang mga bata. Pambihira ka oo ngayon ka pa tinopak!"

"Gusto mo bang bumaba kami ulit?"

Umiling na lang ito at ito na rin ang nagsara ng pinto. Matapos nitong ilagay ang lahat ng gamit nila sa sasakyan. Sumakay na rin ito agad at pinaandar na ang sasakyan.

___

Wala pang sampung minuto nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Hindi naman kasi sila lumabas ng Alabang dahil kumabila lang sila ng Village.

Tahimik lang sila at walang kibuan hanggang sa makarating at pumasok sa bakuran ng bahay ni Gavin.

Nagulat na lang siya ng pagbuksan siya nito ng pinto.

"Bumaba na kayo para mapanatag na ang tulog ng mga bata. Ako na ang magbaba ng mga gamit."

"Ngayon lang ito, bukas na bukas din maghahanap na ako agad ng matutuluyan namin."

"Huwag kang makulit Ate, dahil baka itali kita. Dumito kayo hangga't gusto n'yo. Huwag kang mag-alala hindi naman ako madalas dito. Kaya hindi mo rin ako madalas makikita.

'Kaya malamang sa hindi ka agad magsawa sa pagmumukha ko! Walang tao dito kun'di mga katiwala ko. Mabuti nga na narito kayo may titira na."

"Para na rin akong hindi nakalaya kay Dust kapag nanatili kami dito."

"P'wede ba Ate Amanda itigil mo 'yan! Hindi si Dust ang kaaway mo kun'di si Anselmo. Iba si Anselmo kay Dust. Mag-ama lang sila pero hindi sila magkatulad!"

"Mag-ama pa rin sila at hindi na iyon magbabago at kahit ano pa ang sabihin mo. May kaugnayan pa rin silang dalawa.

'Hindi mo pa rin maiaalis sa akin na magtanong at mag-isip...

'KUNG KAKAMPI KO BA TALAGA SIYA O KAAWAY?"

*****

BY: LadyGem25

(05-15-21)

Hello Guys,

Kumusta ulit? Pinilit ko talaga na ipost na ang chapter na ito ngayon. Baka kasi maging bc na tau ulit sa mga susunod na araw?hehe..

Maraming salamat po sa inyong paghihintay at pagsuporta.

H'wag kayong mag-alala tatapusin natin ito. Hintay hintay lang tayo palagi sa mga susunod pang kabanata.

Pero s'yempre huwag n'yo rin kalimutan ang...

MAG-VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS, PLS!!

STAY HEALTHY AND GOD BLESS PO SA ATING LAHAT!

SALAMUCH

MG'25 (05-15-21)

LadyGem25creators' thoughts
Bab berikutnya