"Walanghiya ka, punyeta!" Buong lakas nitong binigwasan ang anak.
Nawalan pa ito ng balanse kaya pasalampak itong sumadsad sa sahig.
Napahawak naman ito agad sa namumulang pisngi. Pagkatapos nitong agad na pahiran ng likod ng palad ang dumudugo nitong labi.
Ngunit agad din naman itong kumilos at paluhod na humarap kay Anselmo.
Habang nginig na pinagsasalikop ang mga palad.
"Patawad po Papa, hindi ko na po uulitin!" Nasa mukha nito ang labis na takot sa ama. Habang patuloy na naglalandas ang luha sa pisngi.
"Hindi ba sinabi ko na sa'yo na h'wag kang pakalat-kalat kapag may bisita ako. Ang tigas talaga ng ulo mo. Bwisit kang bata ka!"
Tila dumadagundong sa pandinig ang bawat salita ng kanyang ama na lalo namang nagpapanginig sa kanyang kalamnan.
"Patawad po Papa hindi na po mauulit!" Muling pakiusap niya sa ama.
Subalit tila bingi na si Anselmo sa pakiusap ng anak.
Muli nitong nilapitan ang binatilyo at tinadyakan pa sa tagiliran. Dahilan upang muli itong mabuwal.
Ngunit agad rin itong tumayo, tila ba sanay na sanay na ito sa pananakit ng ama.
Siya si Bradley Dominguez ang binatilyong anak ni Anselmo at naiwan ng asawa nitong si Almira.
Bagama't may kataasan ang binatilyo subalit may kanipisan naman ang katawan at sa idad nitong labing limang taong gulang. Hindi mo iisipin na may lakas at katatagan ito upang harapin ang parusa ng sariling ama.
Kakikitaan ito ng katatagan na saluhin ang lahat ng parusa na iginagawad ni Anselmo. Dahil sa kabila ng panginginig nito pilit pa ring nagpapakatatag.
"Bwisit ka nababanas ako sa pagmumukha mo! Sa tuwing nakikita kita kumukulo ang dugo ko sa'yo. Magpasalamat ka na lang at may pakinabang ka pa rin sa'kin!"
Bawat salita ni Anselmo tila ba karayom na tumutusok sa puso ng binatilyo. Mababakas sa mukha nito ang sakit sa bawat salita ng sariling ama.
Tila ba mas masakit pa ito kaysa sa tinamo nitong sampal at tadyak kanina kanina lang...
Kahit pa maaaring nag-iwan ito ng marka sa mukha at pasa sa kanyang katawan.
Patuloy lang na bumabalong ang luha sa mga mata nito. Kahit pa pilit nitong pinipigilan ang nararamdamang emosyon.
"Para kang bakla, umalis ka na nga sa harap ko! Manang-mana ka talaga sa..."
Hindi na nagawa pang ituloy ni Anselmo ang sasabihin ng bigla s'yang magsalita.
"Papa h'wag na po kayong magalit sa'kin, please. Babalik na rin naman po ako agad sa Manila. Kaya lang naman po ako pumunta dito kasi nagbakasali ako na narito na kayo. Gusto ko lang naman pong sabihin sa inyo na magkakaroon ng Recognition sa School namin. Kasama po ako sa magkakamit ng karangalan. A-ako po kasi ang top 1 sa klase namin Papa, kaya kailangan daw po na naroon kayo!"
Lakas loob nitong paliwanag sa ama, kasabay ng isang hiling na sana'y ikatuwa nito ang kanyang sinabi.
"So ano ngayon kung ikaw ang top 1 sa klase? Bakit hindi ba nila itutuloy na ibigay 'yun sa'yo kung wala ako? Kung talaga matalino ka at gusto ka nilang bigyan ng medalya. Kahit pa ikaw lang mag-isa mo isasabit nila 'yun sa'yo. Yan lang naman pala ang sasabihin mo nagpakapagud ka pa ng pagb'yahe dito. Kung hindi ka ba naman isang malaking tanga. Dapat alam mo na ang sagot ko d'yan! Bakit hindi mo na lang laklaking mag-isa 'yang makukuha mong medalya, bobo!"
Dinuro-duro pa ni Anselmo ang ulo ng binatilyo. Habang sinasabi nito ang mga katagang iyon at patulak pa itong iniwan. Kaya nagmuntikan pa itong masubsob kun'di lang nito maagap na naitukod ang braso.
Napapikit na lang ulit ang binatilyo sa narinig na salita ng ama.
Ganito naman lagi ang gawain ni Anselmo sa anak na si Bradley sa tuwing gagawa ito ng kamalian sa paningin ng kanyang ama.
Kung minsan nga kahit yata tama pa ang gawin n'ya mali pa rin sa paningin nito.
Kaya naman sanay na sanay na s'ya sa ganitong ugali ng kanyang ama. Alam naman kasi niya kung bakit galit ito sa kanya. S'ya kasi ang may kasalanan kung bakit namatay ang kanyang Mama.
Kaya naiintindihan n'ya ito kung bakit ganu'n na lang ang galit nito sa kanya. Kaya kahit ano pa ang gawin nitong pananakit sa kanya, uunawain na lang n'ya ito hangga't kaya niya.
Besides, even when he didn't want and wanted too. He is the only father I had and I am the only son of Anselmo Dominguez.
Kaya naman mahal na mahal pa rin niya ito. Kahit ano pa man ang maging pagtrato nito sa kanya? Hindi ba iyon naman talaga ang pagiging mabuting anak para sa mahal niyang ama?
Lalo na at silang dalawa na lang sa pamilya.
Kaya kahit pakiramdam niya hindi anak ang turing nito sa kanya, okay lang... Dahil alam niya nasaktan din niya ang kalooban nito noong mamatay ang kanyang Mama.
Iniisip na lang niya na kapag sinasaktan siya nito. Kahit paano nababawasan din ang sakit ng loob na idinulot niya rito.
Ito lang din kasi ang paraan niya upang mabawasan rin ang bigat ng kanyang kalooban sa kanyang nagawa. Kahit pa hindi naman niya ito sinasadya.
"Ano pa ang ginagawa mo? Tumayo ka na d'yan! Bakla ka ba at ngawa ka ng ngawa? Hindi mo ako makukuha sa kadramahan mo. Tumayo ka d'yan at makinig ka!"
Napaangat bigla ang mukha ni Bradley dahil sa narinig. Curious din s'yang naghintay sa susunod pa nitong sasabihin.
"Sige na, pumapayag na ako na kumuha ka ng Medisina."
"Talaga po Papa?" Dahil sa tuwa mabilis siyang napatayo at ibig sanang sugurin ng yakap ang kanyang ama.
Subalit itinulak lang siya nito palayo. Gulat man sa ginawa ni Anselmo, nag-uumapaw pa rin ang kaligayahan sa kanyang puso. Dahil sa pangarap talaga niyang maging isang Doctor.
Mula pa nang bata siya pangarap na niya ito. Dahil sa simula pa lang nakikita na niya ang hirap ng dinaranas ng kanyang Mama.
Dahil sa sakit nito sa puso, nangako siya dito na balang araw magiging Doctor siya at siya ang gagamot dito. Subalit magtatapos pa lang siya ng Elementarya ay bumigay na ito. Iyon ay dahil sa kanya, siya ang may kasalanan ng lahat.
Kaya mas lalong nag-umigting ang kagustuhan niyang maging isang Doctor. Para matulungan niya ang mga katulad ng Mama niya na nangangailangan ng serbisyong medical.
"H'wag ka munang magpakasaya dahil hindi pa ako tapos at saka p'wede ba? h'wag ka ngang naglalapit sa akin at baka tuluyan na akong mabanas sa'yo." Inis na saad pa nito
"Pasensya na po Papa!" Bahagya pa siyang lumayo sa ama. Muli naman itong nagpatuloy.
"Papayag na akong kumuha ka ng Medisina. Pero sa isang kondisyon. Doon ka muna mananatili sa Tita Elvira mo sa Spain." Tuloy tuloy nitong pahayag.
"Pero Papa gusto kong dito na lang mag-aral para magkasama pa rin tayo."
Sabi niya sa nakikiusap na mga mata. Subalit paismid at pagak na tinawanan pa ito ni Anselmo.
"Ano bang kalokohan 'yan? Kaya nga gusto kong doon ka muna sa Tita Elvira mo dahil hindi kita maaasikaso. Alam mo namang lagi akong busy sa negosyo at wala ka namang maitutulong sa akin. Dahil wala ka namang kwenta at pag-dodoctor pa ang gusto mong pag-aralan. Kaya wala ka ring magiging silbi sa'kin kaya mabuti pang du'n ka na lang sa Tita mo!"
"Pero p'wede naman dito na lang ako mag-aral. Promise hindi po ako magiging abala, Papa. Hindi ko kayo guguluhin susunod naman ako sa gusto mo. Kahit po paminsan-minsan lang tayo magkita." Pakiusap pa nito sa ama.
"Tumigil ka na nakapagdesisyon na ako, pumayag na nga ako sa gusto mo na pag-aralin ka ng Medisina. Dahil kung ako ang masusunod kahit hindi ka na mag-aral. Napakagastos pa nang napili mong kurso, akala mo naman marami kang pera."
"P'wede naman po akong magtrabaho habang nag-aaral at saka p'wede rin po akong kumuha ng scholarship sa school. Para hindi kayo mahirapan sa gastusin ko."
Suhestyon pa ng binata mapapayag lang nito si Anselmo.
"Eh' talaga pa lang hindi mo ginagamit 'yang utak mo e' tanga! Para ano, para ipahiya ako dahil hindi kita magawang pag-aralin? Kaya ako laging napipintasan ng mga kaanak ng Mama mo, dahil rin sa kagagawan mo siguro nga panay ang sumbong mo!"
"Hindi naman po Papa!"
"Punyeta nangangatwiran ka pa! Kung gusto mo talagang magkasundo tayo, sumunod ka na lang sa gusto ko. Pagkatapos ng Graduation aalis ka na agad o kaya h'wag ka nang mag-atend ng Graduation ceremony deretso ka na agad sa Tita mo sa Spain."
"Pero Papa gusto kong umattend ng Graduation. Bakit po ba gusto n'yong umalis ako agad? Dahil po ba sa babaing bisita n'yo kanina, dito na rin po ba siya titira?"
"Wala kang pakialam, h'wag mo na siyang bigyan ng atensyon!" May diin at kalakasan nitong salita.
"Pero Papa wala po ba akong karapatang magtanong? A-anak n'yo naman po ako, hindi ba dapat ko ring malaman kung ano ang mga ginagawa n'yo?" Lakas loob niyang salita sa ama kahit pa puno siya ng kaba at hindi na siya halos makahinga.
Dahil alam naman n'ya na posibleng ikagalit nito ang mga tanong niya.
"Aba't talaga pa lang gago ka! Ano bang pakialam mo ha? Hindi porke anak kita may karapatan ka nang pakialaman ako, wala kang pakialam sa kahit anong gusto kong gawin. Itanim mo 'yan sa kokote mo kung ayaw mong lalong masaktan sa'kin, naiintindihan mo!"
Saad ni Anselmo sa anak habang daklot nito ang harap ng damit ng binata na tila ba parang papel lang nitong nilalamukos.
Pero kahit balot pa siya ng takot sa kanyang ama. Patuloy pa rin siyang lakas loob na nagtanong. Napuno kasi siya ng kuryosidad kanina habang pinagmamasdan niya ang mga ito mula sa malayo.
Nang makita niya ang babae nakaramdam siya agad ng kaba, takot, pag-aalala at panibugho.
Dahil nakita niyang masaya ang kanyang Papa. Saya na kahit yata kailan hindi niya nakita sa mukha ng kanyang ama kapag siya ang kasama nito. Simula pa yata ng isilang siya sa mundong ito.
Pero bakit sa babaing iyon, sino ba siya? Ngayon niya lang ito nakita pero tila ba makakahati pa niya ito sa atensyon ng kanyang Papa.
Dahil sa sama ng loob, hindi niya napigilang isatinig ang sumunod niyang tanong...
"Sino po ba talaga siya Papa, magiging asawa mo ba siya o anak mo s'ya sa ibang babae?"
"Aba't talaga pa lang gago ka! Sinabi ng h'wag mo ng pakialam 'yun, pero ang tigas talaga ng ulo mong bwisit ka!"
Muli siya nitong hinatak sa damit at binigwasan sa panga at hindi pa ito nasiyahan sinuntok pa siya nito sa tiyan at tinadyakan, kaya muli siyang sumadsad sa sahig.
Halos hindi na siya makatayo sa tinamong pambubugbog ng ama. At tanging pagluha lang ang kaya niyang gawin ng mga oras na iyon.
Dahil kahit magmakaawa pa siya alam niyang hindi siya titigilan ng kanyang ama sa oras na nagalit na ito.
Pero ito na ang pinakamatinding pananakit sa kanya ni Anselmo. At ang lahat ng ito ay dahil sa babaing iyon.
Kasabay ng pagtitiis niya sa sakit nangako siya sa kanyang sarili.
Pagbalik niya makikilala rin niya ang babaing iyon. Dahil hindi niya ito hahayaang agawin ng tuluyan sa kanya ang kanyang ama ito na lang ang meron siya ngayon. Kaya hindi siya papayag na mawala pa ito sa kanya.
_______
Barrio Magiliw,
Halos limang taon na rin ang nakalipas ng huli n'yang makita ang lugar na ito. Ang lugar kung saan naging napakasaya ng kanyang kabataan noon kasama pa ang buo n'yang pamilya.
Nagkakantahan at nagsasayawan sila habang sinasabayan ang pagkanta ng kanilang ama. Ganu'n sila palagi noon, masaya sila basta magkakasama.
Ang kubong ito na binuo ng kanyang Papang sa tulong ng mga taga Baryo. Ang kubong ito ang naging saksi sa lahat ng mga masasayang araw nila dito sa Baryo.
Hindi n'ya ito ipagpapalit sa kahit saan pang naglalakihan at naggagandahang bahay na nakita na niya. Dahil ang Papang niya ang nagkumpuni at nagpaganda nito. Sino ba makapagsasabi na isa lang itong kubo.
Kung gawa ito sa mahusay na kamay at malikhaing isip ng kanyang ama. P'wede nga niya itong ilaban sa pagandahan ng kubo dito sa Pilipinas.
Kung ito'y pagmamasdan para itong isang native rest house sa gitna ng bukirin. Idagdag pa na malapit lang sila sa ilog na may napaka-gandang falls. Kaya nga natuto silang lumangoy noon.
Kaya siguro hindi rin ito nagawa pang ipasira ni Anselmo noong umalis sila. Dahil kung utak negosyante ka siguradong mas kapakinabangan ang maiisip mo sa lugar na ito. Dahil maaari mo pa itong pagkakitaan.
Kahit pa medyo luma na rin ito ngayon. May mga bahagi na ring nasira dahil na rin marahil sa katagalang walang nakatira at nag-aayos nito. Pero konting ayos lang at barnis siguradong babalik na ito sa dati nitong ganda. Kahit nga siya lang kaya na niyang ayusin ito.
Sayang nga lang at hindi pa niya ito magagawa sa ngayon.
Habang patuloy pa rin niyang pinagmamasdan ang bahay at ang paligid.
Hindi niya naiwasang patuloy na balikan sa kanyang isip ang mga masasayang alaala nila sa lugar na ito. Ang mga masasayang araw at sandali na kasama niya ang kanyang Papang, Mamang at maging ang kanyang kapatid.
Subalit agad rin itong nagbago mula ng dumating si Anselmo at ginulo ang buhay nila. Dito rin nagwakas ang lahat ng mga masasayang sandaling iyon. Pati na rin ang kanilang mga munting pangarap noon.
After all, their lifes has changed at all. Na kahit kailan hindi nila inasahan na ganito pala ang mangyayari sa kanilang buhay.
"Papang, nami-miss na kita kayo ng Mamang!" Bulong pa n'ya sa sarili, habang tigmak na nang luha ang kanyang mga mata.
Kahit abot tanaw na niya ang dati nilang bahay. Nanatiling nakatayo lang siya sa harap ng tarangkahan nito. Hindi niya magawang pumasok ng mag-isa.
Dahil mas nararamdaman niya ngayon ang kahungkagan ng nag-iisa at hindi na kasama ang kanyang pamilya. Dahil mag-isa na lang siya ngayong nagbalik.
"H'wag kang kikilos ng masama! Sino ka anong ginagawa mo rito, magnanakaw ka no?" Nagulat siya ng bigla na lang may nagsalita sa kanyang likuran.
Napataas na rin ang kanyang kamay. Dahil may bagay na nakatutok sa kanyang likod. Hindi n'ya alam kung riple ba o itak?
Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita, sadyang pinalaki pa niya ang kanyang boses...
"Hindi po ako masamang tao, wala po akong gingawang masama... Relax lang po!" Sinikap niyang kausapin ito ng maayos upang pakalmahin.
Saka siya dahan-dahang lumingon upang makilala ang kanyang nasa likuran. Hinayaan naman siya nitong humarap, ngunit bahagya itong lumayo sa kanya...
"Tatay Kanor!"
"Huh! Da-Darius?"
*****
By: LadyGem25
Hello po,
Marahil 'yung iba d'yan nakalimutan na ako?hahaha.. Dahil sa tagal ng updated!
PEACE....❤️❤️❤️
Kaya siguro hindi na sila nagvovotes o baka tuluyan ng hindi nagbasa?
Kaya sa patuloy pa ring nagbabasa nito maraming salamat sa inyo o iyong matiyagang paghihintay.
Kahit pa mag-isa na lang s'ya tatapusin pa rin natin ito...
Kaya votes, comments at penge nmn po ako ng reviews n'yo... Please?!❤️
SALAMUCH!❤️❤️❤️