webnovel

You will never walk alone

Title: YOU WILL NEVER WALK ALONE

Written by: Jancarl Dayos

———

Hindi ko alam kung anong binabalik nito ni Samuel. Kanina niya pa hawak-hawak ang kamay ko at kung saan-saan kami naglalakad. Halos kalahating oras na kami naglalakad at hindi parin kami humihinto.

"Sandali lang." Sabi ko atsaka huminto sa paglalakad. Napansin ko lang na umiikot lang kami at at pangatlo na 'to.

"Bakit?" Tanong nito. Naglakad ako ng kaunti at sumandal sa pader sa gilid.

"San ba talaga tayo pupunta? Paikot-ikot lang tayo eh. May pupuntahan ba talaga tayo?" Tanong ko.

"Basta sumama ka nalang. Magpahinga ka muna mga 2 minutes tapos lakad tayo ulit." Sagot nito. Hindi nito sinagot ang tanong ko kaya nagsimula na akong magtaka. Kilala ko 'to si Samuel at alam ko kung may kung kakaiba itong ginagawa.

"Tara na!" Sabi nito sabay hawak sa kamay ko. Hinatak ko ang kamay ko kaya napalingon ito sa akin at napatigil sa paglalakad.

"Baket pagod ka pa ba? Sige magpahinga ka muna." Sabi nito. Napapaiwas ito ng tingin at alam kong dahil yon sa seryosong tingin ko sakanya. Sandaling pumaibabaw ang katahimikan sa aming dalawa.

"Sige na uwi na tayo. Sorry napagod kita." Basag nito sa katahimikan. Umiling ako at nakatitig lang sakanya.

"I know you. Ano bang balak mo?" Seryosong tanong ko sakanya.

"Gusto ko lang maglakad-lakad kasama ka." Sagot nito. Alam at ramdam ko na totoo ang sinasabi niya pero alam ko rin na meron pang ibang dahilan.

Huminga ako ng malalim bago tumayo at lumapit sa kanya. Napatingin lang ito sa akin nang hawakan ko ang kamay niya. Nagsimula kaming maglakad at agad naman siyang sumunod. Gaya ng ginawa namin kanina ay inikot-ikot lang namin ang lugar nang tahimik. Matapos ang ilang lakad ay bigla itong bumitaw sa paghahawak at umakbay sa akin. Bumagal din ang lakad niya kaya sinabayan ko siya.

"Actually, tinetest kita." Napatingin ako sakanya sa sinabi niya. Sinasabi ko na nga ba eh.

"Bakit? Wala ka bang tiwala?" Nagtatakang tanong ko.

"Meron, kaya nga sinubukan kita para mapatunayan pa yon lalo."

"Anong test?" Tanong ko. Relax lang ako habang naghihintay sa susunod niyang sasabihin. Alam kong seryoso ito kaya hindi ito ang tamang oras para i-turn on ang topak.

"Kung mapapagod ka ba." Sagot niya. Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang palabasin.

"Ang purpose ko dito ay gusto kong malaman kung hanggang saan mo kayang maglakad kasama ako. Gusto kong malaman kung susuko ka ba kapag napagod ka o magpapahinga lang. Gusto kong subukan kung handa ka bang samahan ako sa lakad hanggang sa pagtanda..." Tumango-tango ako sa sinabi niya at naintindihan ito.

"Alam mo, darating at darating tayo sa point na mapapagod tayo pero hinding-hindi tayo aabot sa point na susuko nang dahil lang sa pagod. Mahal kita. Gusto rin kitang makasama hanggang sa pagtanda. Sabay tayong maglalakad at sabay din tayong magpapahinga nang magkasama... You will never walk alone." Paliwanag ko sa side ko. Tahimik ito at walang ibang nasagot kundi ngiti lang. Humalik ito sa noo ko at hinayaan ko lang siya. Ngumiti ito at nginitan ko lang siya.

"I love you."

"I love you too!" Sagot ko.

—The End—

Bab berikutnya