webnovel

Huh? Bakit? Kailan... (1)

Ilang mura ang nabanggit ko sa isip ko habang nagpapanic ako sa ilalim ng tubig pero hindi nagtagal at nakaramdam din ako na may humila sa akin. Hindi nga pala binitawan ni Stan ang kamay ko. Pasasalamat, takot, at tuwa ang naramdaman ko kaya hindi ko na napigilan at todo yakap ako sa kanya nang hinigit niya ako paahon.

Narinig ko na medyo napatawa siya. "Ito ba yung ganti mo sakin noong huli nating punta sa beach?"

Hindi ko siya sinagot at mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap sa leeg niya. Naramdaman ko ang braso niya sa may baywang ko at naging mas kampante na ako pero hindi pa din ako bumitaw.

"Akala mo ba mamamatay ka na?" sabi ulit ni Stan. "Kasama mo kaya ako."

Sa sobrang lapit namin sa isa't isa, ramdam ko ang paghinga niya lalo na ang hinga niya sa tenga ko na halos makiliti ako dito. At higit sa lahat, ang balat niya. Hindi suot ni Stan ang tank top na regalo ko sa kanya. Bigla akong na-conscious. Shit. Inalis ko agad ang pagkakayakap sa kanya pero agad ko din itong ibinalik nang napansin kong nasa malalim na bahagi pa din kami. Hindi naman ako lumubog dahil hawak naman niya ako.

Dinala naman niya kaagad ako doon sa akyatan kung saan kami nahulog pero sa pagkakataong ito, pinauna niya ako sa pag-akyat habang siya ay nasa likod ko at umaalalay.

Pagka-ahon ko sa pool, napabuntong hininga ako at napaupo sa gild. Parang pagod na pagod ako at wala na akong ibang gustong gawin kundi ang matulog. "Hinding hindi na ulit ako sasama sa kaibigan ni ate."

Tumawa si Stan. Nakaupo din siya sa may gilid ng pool pero nakasanaw pa din ang paa niya sa tubig. "Ayaw mo ng ulitin? Akala ko pa naman gumaganti ka na sakin."

"As if namang kaya ko yun," sagot ko sa kanya.

"Dapat kasi tinanggihan mo na lang."

"Naka-abang kaya silang lahat."

Tumayo na si Stan at naglakad papunta sa akin. Inilahad niya ang kamay niya. "Tumayo ka na dyan at magbihis ka na."

Inabot ko ang kamay niya at tinulungan niya akong tumayo. Hindi na din ako nakipagtalo sa kanya dahil yun din naman talaga ang balak ko. Kinuha ko ang bag ko at dumiretso na sa banyo. May ilang tao pero hindi puno kaya nakapagshower din kaagad ako. Pagkalabas ko, nakita ko si Stan hindi kalayuan. May dala din siyang bag at suot na din ulit niya yung regalo ko.

"Bat nagbihis ka na din?" tanong ko sa kanya

"Hmmm."

Nag-antay pa ako ng konti pero hindi pa din niya itinuloy sa halip ito ang sinabi niya. "Tara na nga. Nagugutom na ulit ako."

Kahit na medyo curious pa din ako, hindi ko na ulit tinanong dahil hindi naman ako nagrereklamo na nagbihis na kaagad siya. Oo, tuwang tuwa ako at kulang na lang magtatalon ako pero dahil malakas ang self control ko ngayon, syempre hindi ko ginawa.

"Ayaw niyo na kaagad?" tanong ni Mama pagbalik namin doon sa kubo.

Nagpunta si Stan malapit kay na Mama. Mukhang magtatanong ng makakain samantalang ako, naupo sa may gilid malapit sa pasukan ng kubo. Itinaas ko ang dalawang paa ko at niyakap ito. Humikab ako at ramdam na ramdam ko na ang pagkaantok ko. Maaga naman ako nakatulog kagabi. But I was so relieved that Stan is finally talking to me again that everything felt light and I was beyond contented.

"Inaantok ka? Anong oras ka ba natulog ha?"

Ipinaling ko ng konti ang ulo ko para tingnan si Stan. May hawak siyang mangkok. Hindi ko siya sinagot at naupo na siya sa tabi ko. Napangiti ako habang tinitigan ko siya. Nandyan na uli yung best friend ko. Nasa harap ko na.

Tinapik niya ang hita niya. Hindi ako gumalaw. "Nahiya ka pa? Dali na at mahiga ka na."

Bago ko pa nagawang tanggihan si Stan, hinigit niya ang braso ko at napahiga na ako ng patagilid. "Tigas naman ng hita mo."

"Sympre, muscles yan eh," sagot niya.

"Muscles your face." Umayos ako ng higa padiretso.

Hawak ni Stan ang mangkok sa kaliwa niyang kamay habang nakatingin sa akin. Tinitigan ko siya. Ah. Namiss ko 'to. "Akala ko hindi ka pupunta."

"Tinanghali lang ako ng gising," sagot niya tapos sinubuan niya ako ng mangga pero masyadong malaki ang pagkakahiwa nito kaya kagat lang ang nagawa ko. Kukunin ko na sana kanya para hahawakan ko na lang pero naisubo na niya ito bago ko pa nagawa. Naka-ilang piraso din kami na ganun ang nangyari. Kakagat lang ako at siya na ang uubos. Hindi nagtagal at naubos din namin yung mangga.

Mayamaya ay kinuha niya yung bag ko na hindi nalalayo sa paanan ko at inilipat sa kabilang side niya. Napatingin din ako habang kinakalkal niya ito pero hindi ko pinigilan kahit noong kinuha niya ang cellphone ko. Tumagilid ako paharap sa kanya at unti unting napapapikit na ang mga mata ko.

"Akala ko forever mo na akong hindi papansinin," sabi ko nang nakapikit na ako.

"Pwede ba naman yun?" narinig kong sagot niya at nakatulog na ako.

Bab berikutnya