webnovel

Sa Ilalim ng Itim na Payong (1)

Grabe, ang lakas ng ulan. Halos hindi ko na matanaw ng ayos ang paligid at ang ingay ay natatabunan ng malakas na patak ng ulan. Madami ng estudyante ang nagsisi-alisan. Yung iba, nag-aantay na baka tumila na agad ang ulan at kasama na ako doon. Nakalimutan ko kasi ang payong ko kasi umulan din kagabi. Nasa may lobby ako ng school namin. Sina Aya ay nasa practice pa. Nagpaalam kasi ako na kung pwede hindi muna ako umattend ng practice ngayon dahil magbubunutan ngayon para sa piano competition sa Sabado.

Hindi nagtagal umunti na ng umunti ang tao sa lobby. Ang puting tiles ay maputik at may mga bakas ng sapatos. Katatapos ko lang makipag-usap kay Ms. Martha dahil sinabi ko na medyo mahuhuli ako ng konti gawa ng ulan. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako kailangan doon dahil pwedeng si Ms. Martha na ang bumunot para sa akin. Oo, ginawa ko lang dahilan yun para makatakas ako ng practice.

"Ay! Anak ka ng baka!" napasigaw ako bigla ng may tumapik sa balikat ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at muntik muntik ng malaglag ang cell phone ko.

"Shit ka!" lumingon agad ako doon sa nanggulat sa akin. Wala akong pakialam kung sino man siya. "Bat ka nanggugulat?"

Pagkakita ko doon sa may salarin, wala akong nagawa kung hindi ibuka ang bibig ko dahil nagkamali ako. Dapat pala hindi na lang ako sumigaw. Dapat pala hindi na lang ako lumingon. Tama sila, nasa huli talaga ang pagsisisi. Dahan-dahan kong sinara ang aking bibig at nagdasal na sana panaginip lang ang lahat pero tila walang silbi ang aking dasal dahil narinig ko ang malalim niyang boses habang tumatawa ng mahina at pigil.

Nilingon ko agad ang paligid. Mayroon pa din nakatingin sa amin at mayroon din naman na walang pakailam. Hawak ko pa din ang cell phone ko malapit sa puso ko dahil sa gulat kanina. Huminga ako ng malamin bago nagsalita, "Anong ginagawa mo dito?"

"Uuwi na?" sagot niya habang itinaas ng konti ang dala niyang foldable na payong na kulay itim.

"Huh?" ang una kong reaksyon. Inilagay ko na ang cell phone ko sa bulsa ng blazer ko, "Tapos na ang practice?"

"Hindi pa pero pinayagan na nila akong umalis dahil konti lang naman ang linya ko at may pupuntahan kasi ako ngayon."

Totoo naman ang sinabi niya. Mas marami pa akong lines kesa sa kanya. Tumango na lang ako dahil wala naman akong maisip na isasagot sa kanya. Mga tatlong araw pa lang ako na-attend ng practice at hindi din ako umattend noong Sabado. Hindi ko pa nga saulo lahat ng lines ko at tsaka Martes pa lang naman ngayon.

"Sabay ka na sa akin?"

Tiningnan ko lang siya. Hindi ako makapaniwala na lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ni Keith. Si Keith na ex ko. Si Keith Garcia na bumalik sa buhay ko na parang walang nangyari.

"Wala kang payong diba?" tanong pa uli niya.

"Pero," simula ko. Ayokong sumabay sa kanya.

"Tara na. Baka mamaya bumaba pa dito sina Aya at makita na nandito ka pa," paliwanag niya.

Kaya ayun, nakumbinsi niya agad ako na sumabay sa kanya at magkasukob kami sa iisang payong. Lahat ng lumipas na araw at buwan na pag-iwas ko sa kanya ay nauwi lang sa ilalim ng payong. Buti na lang hindi malayo ang lobby papunta sa gate. Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad. Hindi din maiwasan na mabasa ang balikat ko at bag dahil iniiwasan kong magkadikit ang aming balikat. Tila ba, tatalon na ang puso ko sa dibdib ko at parang nag-slow motion lahat pati ang patak ng ulan.

"Okay ka lang? Risa?" tawag ni Keith sa akin. Napa-exhale naman ako bigla. Nakalimutan ko pala huminga. "Kanina pa kita tinatawag."

Bab berikutnya