webnovel

Fourteen Roses (2)

Nasamid ako bigla at napanlakihan ko siya ng mata. Wala nga palang may alam ng date ko kundi kaming tatlo at siguro si Denise din at malamang alam na din ni Stan.

"Hindi mo kilala ate," sagot ko sa kanya. Mangungulit pa sana siya kaso kailangan niya ng magayos ng buhok niya at ng kung ano ano pa. Napangiti na lang ako at naupo ulit sa harap ng piano. Hindi katagalan pinuntahan ako ni ate at hinigit dahil aayusan din daw niya ako.

After 50 years natapos din akong ayusan ni ate, nagpalit na din ako ng damit at pumunta na sa baba. Hay naku, napaaga tuloy ako. Pagtingin ko sa orasan 3 pa lang. Tagal ko pa mag-iintay. Tinitingnan ko ang sarili ko sa harap ng piano. Kinulot ng ate ko yung laylayan ng buhok ko at yung bangs ko, nawala! Hinawi kasi dun sa side. Expose na expose tuloy yung noo ko.

"Atee!" sigaw na narinig ko. Paglingon ko sina Tommy pala yung kambal pati sila Mama at Nana galing mga Tita ko.

Ayun, ang ganda ko daw at kung ano ano pang echos. Napuri pa nga ni Mama si ate dahil ang ganda daw namin parehas. Hanggang sa nagring na yung cellphone ko. "Hello?"

"Risa?" sabi nung tumawag, "Andito na nga pala ako."

Bigla ako nakaramdam ng kaba, "Ahh. Sige lalabas na ako." Tapos binaba ko na yung phone.

"Ma, alis na ako. Andyan na yung sundo ko," paalam ko sabay dampot ng mga gamit ko.

"Hindi mo lang ba ipapakila yung date mo anak?" tanong ni Mama. Lalong bumilis yung tibok ng puso ko.

"Oo nga," gatong pa ni ate.

"Sa susunod na lang po. Nagmamadali kasi kami," pagsisinungaling ko sa kanila ng biglang nagring yung bell.

Lumabas na ako ng salas at pumunta sa pinto upang buksan. Silang lahat nasa likod ko, nag-aabang. Feeling ko hindi na ako makahinga sa sobrang kaba. Binuksan ko na yung pintuan at nagulat ako sa nakita ko, si Jared nakaputing long sleeves at may hawak na isang bouquet ng white roses. OMG!

"Magandang Hapon po," bati niya kila Mama saka niya inabot sa akin yung 12 roses, "Ako nga po pala si Jared."

Bago pa siya matapos magpakilala, hinigit ko na siya palabas ng bahay namin at sumigaw na lang ako, "Ma, alis na kami. Text ko na lang kayo mamaya."

Mukhang nagulat si Jared dahil nasa loob na agad ako ng kotse. Nakaseat belt na din. Yung roses at gamit ko nasa lap ko lang. Ready to go na.

Tatawa-tawa siya nung pumasok ng kotse. "Late na ba tayo?"

"Hmm-" napatigil ako, "Hindi pa naman."

Nagseatbelt na din siya at nagstart na ng kotse. Tumingin siya sa akin, kinakabahan pa din ako, "Bagay nga pala yung ayos mo sayo Risa, lalo kang gumanda. Match pa tayo ng damit."

Biglang nag-init ang mukha ko at tila lahat ng dugo ko ay umakyat na sa mukha ko. Kinikilig ata ako. Sino bang hindi? Nagpasalamat ako sa kanya pero hindi pa din ako makatingin ng diretso sa kanya. Match nga kami ng damit, parehas kasi kaming nakaputi. Yung dress na binili ko ay kulay puti na may design na beads na kulay itim at medyo paballoon yung palda. Matching white sandals din ang suot ko.

Humingi din ako ng pasensya dahil sa inasal ko kanina, "Ui, sorry kanina ah. Hmm, nahihiya kasi ako kay na mama hindi ko kasi nasabi na may date ako, eh ang alam nila wala kasi kasama ako sa organizers."

Dahil mabait si Jared sabi niya okay lang daw yun at may susunod naman daw siguro na pwede na talaga siyang magpakilala. Alam ko medyo hindi ko pa talaga kilala si Jared pero magaan na ang pakiramdam ko sa kanya lalo na dahil alam kong tumutugtog din siya.

Nakarating naman agad kami sa school. Wala pa masyadong tao, malamang dahil maaga pa. Tinext ko naman agad si Dan, kung saan pupunta. Hindi ko din tuloy alam kung paano na tong si Jared, alangan naman iwan ko na lang dito. Nagreply naman kaagad si Dan, tinatanong niya kung nasaan daw ako.

Napabaling ang atensyon ko dun sa bulalak na hawak ko dahil tahimik at tanging radyo lang ang nagsasalita at hindi ko naman alam yung kanta. "Thank you nga pala sa flowers pati sa pagpayag na maging date ko kahit biglaan lang."

"Ano ka ba? Okay lang yun at tsaka wala din naman talaga ako gagawin ngayon," ihiniga niya yung ulo niya sa manibela, "Bagay pala sayo ang walang bangs nu?"

Naconscious naman ako bigla kaya napatakip ako ng noo. Blush naman kaagad ako. Natawa lang siya pero nakatingin pa din sa akin. Hinawakan niya yung kamay ko na nakataklob sa noo ko, "Oh, bakit mo tinatakluban? Sabi ko naman bagay sayo ah."

"Hindi lang kasi ako sanay na wala akong bangs."

Bigla kong nahila ang kamay ko ng naring yung cellphone ko. Si Dan, natawag. Hindi daw niya ako makita kaya bumaba ako ng kotse at tamang tama nakita ko agad siya.

Mukhang nagulat siya noong nakita niya ako. "May date ka pala? Bakit hindi mo sinabi?"

"Last minute na kasi at tsaka hindi ko naman inakala na may date din ako nu. So ano na?"

"Siya, siya. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Isama mo na lang yang date mo sa backstage. Medyo madami pa tayo gagawin."

Dinilaan ko siya habang pabalik na siya ng gym dahil sumunod na lang daw ako. Nagpaalam ako kay Jared kung okay lang na sumama siya sa akin sa gym. Pumayag naman siya, iniwan ko na yung roses sa sasakyan at ayun, pagpasok ko sa backstage, mukhang nagulat ata silang lahat na may kasama akong lalaki. Tanong sila ng tanong kung sino si Jared. Ang wala lang pakailam ay si Dan at Keith.

Maaga naman namin natapos ang preparations para sa ball at hindi na din namin kailangan magstay sa backstage. Kasama na namin ang buong barkada with their dates of course na kabarkda din namin. Buong barkda means kasama din si Stan pati si Denise. Ang kulang lang ay si Lance dahil ang kasama niya si ate kaya nandun siya sa tables ng seniors.

Pinakilala ko naman sa kanilang lahat si Jared kaso biglang umepal si Stan dahil bigla niyang tinawag si Keith at sa amin na daw sumama dahil dati din naman naming barkada. Wala na akong nagawa, alangan naman gumawa pa ako ng eksena dun.

Hindi nagtagal nagsimula na din yung program at kainan. Si Jared ang nasa kaliwa ko at si Aya naman sa kabila. "Dala mo ba yung regalo mo Jared?"

Napatingin siya sa akin, "Ano? Hindi ko narinig ng ayos?"

"Sabi ko, kung dala mo ba yung regalo mo?"

Hindi pa din ata niya narinig, "Ano?"

"Sabi ko-" inilapit niya ang kanyang tenga sa mukha ko, natigilan naman ako.

Huramap naman kaagad siya kaya mas lalo akong natigilan dahil sobrang lapit ng mukha siya. Binulong niya, "Ano nga ulit? Hindi ko talaga marinig ng ayos."

Lumingon na ulit siya at ako, ilang segundo bago nakapagsalita ulit. Dala naman daw niya. After nun, wala na akong nakita kundi si Keith at yung girlfriend niya. Sabi ko sa sarili ko, kakalimutan ko na siya at susundin ko na ang payo sa akin ni Mia at Aya pero parang hindi ko ata kaya, naiiyak na ako, hindi ko sila kayang panuorin. Ngayon na lang ulit kami nagkaharap simula nung friday the 13th tapos ganito to pa, sobrang malas pa din ba ako?

Hindi na ba talaga niya ako mahal? Mukhang hindi na. Malamang hindi na. Ang tagal na noong iniwan niya ako tapos pagbalik niya may girlfriend na ulit siya, ako lang ang naiwan. Ako lang umasa na magkakabalikan kami. Ang sakit. Ang sakit palang umasa sa wala. Isang beses, napatangin siya sa akin at nahuli niyang nakatingin ako sa kanilang dalawa, nginitian lang niya ako.

Parang pinamumukha niya sa akin na sobrang saya niya at wala na siyang pakialam kahit hinalkan ko siya. Hindi ako makahinga at pumatak na nga ang mga luha kong pilit kong pinipigil. Wala na talaga kami. Kahit bumalik siya, wala na talaga. Ang sakit sa dibdib, hirap na hirap na ako sa paghinga. Sayang din yung make-up ko, nasira lang.

Bakit parang ang bilis ng mga pangyayari? Kanina masaya naman ako, bakit ngayon parang magugunaw na ang mundo ko?

Nagulat na lang ako ng may humawak ng kamay ko, akala ko si Aya pero si Jared pala. Hindi ko siya matingnan dahil sobrang panget na ng ayos ko at tsaka ayaw kong makita niya ako na naiyak.

"Risa, okay ka lang ba?" tanong niya sa akin ng pabulong.

Tumango na lang ako kahit naiyak pa din ako. Mukhang hindi siya nakumbinsi dahil nagsalita pa ulit siya, "Aalis lang kami saglit pero babalik din kaagad kami."

Bab berikutnya