webnovel

The Dog and Cat

Aerin POV

"What? What do you mean my personal bodyguard?" Gulat na tanong ko kay Lucas bago nagpalipat lipat ng tingin sa kanya at sa magandang babae na sinasabi nitong bago kong body guard.

Napatango ito. "Yes."

"Hindi ba ikaw---

"I am just only her assistant now Aerin. Billy, was more skillful than me." Napailing na lamang ako in disbelief. Bago natawa ng pagak.

"Ipagkakatiwala niyo ang buhay ko sa taong ito? Sa taong hindi niyo pa naman lubusang kilala." Nagagalit ako dahil hindi ko na yata alam kung pati ba ito ay pagkakatiwalaan ko pa. Malay ba nila kung saang lupalop nang galing itong babaeng ito? Papaano kung isa pala siya sa mga tao na gustong magpapatay sa akin.

"She's not what do you think she is Aerin." Nanlilisik ang mga mata na muling napatingin ako kay Lucas. Nag uunahan sa pagtaas at baba ang aking dibdib dahil sa anytime soon ay parang gusto ko nalang sumabog sa galit.

"Hoy!" Tawag ko sa isang guards na nandodoon din mismo sa loob ng garahe. "Come here" Sabi ko pa na kaagad din naman na lumapit ito.

"Senorita." Parang takot na takot pa sa akin na sabi nito.

Mabilis na napadako ang mga mata ko sa baril nito na nakalagay sa kanyang gun pocket. Walang sabi sabi na hinablot ko iyon at itinutok sa babaeng nasa harapan ko parin ngayon habang nandodoon parin ang nakakabwesit na niyang mga ngisi.

Narinig ko ang pagsinghap nito pati na rin si Lucas dahil sa sobrang gulat sa ginawa ko. "Aerin, ibaba mo yang hawak mo." Malumanay na sabi ni Lucas sa akin bago humakbang papalapit upang pigilan ako.

"Stay there, Lucas." May pagbabanta na sabi ko rin rito bago muling ibinalik ang mata sa babaeng nasa harapan ko.

Ngunit tila ba hindi man lamang ito natitinag sa akin at sa halip na matakot sa baril na hawak ko ay natawa pa ito ng mahina at mas lumapit pa sa akin. Itinutok pa nito sa dulo ng baril na hawak ko ang kanyang sintido.

"Full the trigger, Aerin. Marunong ka bang gumamit niyan?" Panghahamon pa na sabi nito sa akin. "Come on." Dagdag pa niya.

Napalunok ako at para bang unti-unting kumalma dahil sa kanyang sinabi. Napaiwas ako ng tingin mula rito.

"Kapag itinutok mo ang baril sa isang kaaway, sisiguraduhin mong itutuloy at ipuputok mo. Dahil pupwede iyong gamitin ng kaaway laban sayo." Wika pa niya, bago hinawakan ang baril na nakatutok sa kanya. "Hindi ito laruan." Sabi pa at tuluyan na nga nitong kinuha mula sa pagkakahawak ko.

"Lucas." Pagtawag nito kay Lucas. Bago inihagis ang baril pabalik rito.

"Sa ayaw at sa gusto mo. Ako ang makakasama mo sa araw-araw." Biglang sumeryoso ang mukha nito na kanina lamang ay wagas kung makangiti. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pag galaw ng panga nito na mahahalata mong pati siya ay tuluyan ng naubusan ng pasensya sa akin.

"Isa pa, hindi ko rin naman ginustong maging bodyguard mo. Nagkataon lang na isa ka sa susi para sa katuparan ng misyon ko." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na ito sa amin bago tuloy tuloy na naglakad palabas ng garahe.

Dahil doon ay hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapakunot ang noo at mapa isip.

Anong ibig nitong sabihin sa kanyang sinabi? Ano namang misyon ang tinutukoy nito? At bakit isa ako sa susi?

Frustrated na napapasabunot na lamang ako sa aking buhok habang nandidito sa gilid ng pool. Nakalubog ang mga paa ko sa tubig habang nagmumuni muni ng kung anu-ano. Nawalan din ako ng ganang kumain ng hapunan. Hindi, wala talaga akong gana. Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakaramdam ng gutom.

Hanggang ngayon kasi, hindi parin nawawala sa aking isipan ang magandang imahe ng babaeng iyon. That girl, Billy.

I can't believe she's my personal bodyguard now. I mean, parang kailan lang noong iniligtas din ako nito sa masasamang tao, siyam na buwan na ang nakalilipas.

Tapos ngayon? Nandidito na siya sa loob ng pamamahay ko? Hindi lamang pala siya nandito, kung hindi iisang bahay na lamang ang aming tirahan ngayon.

Hindi ko rin tuloy maiwasan ang hindi mapaisip kung anong buhay ba ang meron ito at kung saan ito nakilala ni Lucas. At kung bakit parang napaka laki na kaagad ng tiwala nito sa Billy na iyon.

Maganda siya. Oo, hindi naman maitatanggi yun. Pero hindi sapat iyon para pagkatiwalaan siya ng ganon lamang kadali.

Naiiling na lamang ako sa aking sarili habang iniisip mga bagay na iyon. Kung ano man ang totoo nitong pagkatao ay nakasisiguro akong matutuklasan ko rin iyon.

Bigla ko nalang din naalala ang mga nangyari kanina sa garahe. Maging ako, hindi ko rin alam kung bakit nagawa ko ang bagay na iyon. Hindi naman ako marunong gumamit ng baril. Kaya siguro ganoon na lamang ang naging galit nito sa akin.

Tama nga rin naman siya. Marahil ikapahamak ko pa pagdating ng araw ang pagtutok ng baril lalo na at hindi ko naman alam kung papaano gamitin.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi ko parin maiwasan ang hindi makaramdam ng pagkainis sa kanya. Hindi naman dahil sa insecure ako, alam ko naman sa sarili ko na maganda ako 'no?

Huh! Isa kaya akong Hamilton. Pagmamayabang ko pa sa sarili. But there's something about her na hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa kanya.

"Thinking about me?" Naputol ang malalim kong pag-iisip ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. And speaking of. There she is, standing like a goddess. Wait..hindi ko sinabi yun ha.

Hindi ko na naman tuloy maiwasan ang hindi makaramdam ng pang iinit ng ulo.

Hindi ako lumingon rito o nag abala na sagutin ang kanyang katanungan. Wag nga siyang feeling close. Isa pa, hindi kami friend 'no?

Naramdaman ko ang pag galaw nito mula sa aking likuran. Pumwesto ito sa tabi ko sa gilid ng pool bago naupo rin doon kasama ko.

"Here." Iniabot nito sa akin ang isang solo pack ng Ice cream pati narin isang kutsara. Hindi ko mapigilan ang hindi magningning ang mga mata ng makita ko iyon lalo na ang paborito kong flavor.

Gusto ko na sanang mapangiti rito ngunit buong pwersang pinigilan ko iyon dahil nakita ko na naman ang nakangising itsura nito.

Bakit ba palagi itong nakangisi? Nakakainis lang! Pagmamaktol ko sa aking sarili.

"Come on. Take this." Sabi pa niya bago muling iniabot sa akin ang hawak na Ice cream. "Wag ka ng mahiya. Alam kong paborito mo yan." Dagdag pa niya dahilan para ako na naman ang mapangisi sa kanya.

"Are you stalking me?" Hindi makapaniwala na tanong ko rito bago napailing.

"No? Why would I? Type ba kita para kailangang i-stalk ko pa?" Kalma ka lang Aerin. Paalala ko sa sarili.

"Lucas told me na hindi ka pa raw kumakain since yesterday. So...nakiusap ito sa akin na dalahin ito sayo dahil alam niyang paborito mo ito. Sige na, baka nagugutom kana."

Wow. Concern?

"I'm not." Muling pagsambit nito dahilan para mapatingin ako sa kanyang magandang mukha. "I'm just doing my job." Dagdag pa niya. Mind reader na rin ba siya?

"Medyo malapit na mangalay ang kamay ko." Reklamo pa niya. Napairap ako bago tuluyan ng kinuha mula sa kanya ang Ice cream.

"T-thanks." Nag dadalawang isip na pagpapasalamat ko rito.

Napangiti ito dahil sa narinig. Hindi ko na naman tuloy mapigilan ang hindi ma amazed dahil sa kanyang pag ngiti. Dahilan para mas lalo itong maging maganda sa aking paningin.

"Marunong ka naman palang magpasalamat." Bulong nito ngunit narinig ko parin naman.

Pagkatapos ko siyang purihin? Ganon lang ang igaganti niya sa akin? She's so argh! Whatever.

"Ano bang kailangan mo at bakit ka nandito?" Naiinis na tanong ko sa kanya bago sumubo ng isang kutsarang Ice cream.

Napapapikit pa ako upang namnamin ang lasa nito. "Para dalhan ka ng makakain?" Patanong na sagot naman niya sa akin. "Baka mamatay kana sa gutom eh." Dagdag pa niya.

"Anong sabi mo?!" Biglang singhal ko sa kanya bago napatayo mula sa pag kakaupo sabay nameywang na rin.

"Hoy! Unang una, hindi ako nagugutom. At pangalawa, hindi ko sinabing dalhan moko ng makakain dahil marami ako niyan!" Halos pasigaw na naman na sambit ko rito habang siya naman ay nakatulala lamang sa buo kong mukha.

Ilang sandali lamang ang lumipas ay isang malutong na tawa ang pinakawalan nito.

"You should see your face right now hahaha." Wala paring tigil sa pagtawa nito. Iyong tawa nakakapikon. Alam niyo ba yun?

Oh my god! Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Ang ganda niya sana kaya lang nakakainis ng sobraaaa! Grrrrr!!

Dahil sa sobrang pagkainis ay walang sabi na lumapit ako rito bago siya itinulak sa pool. This time, ako na naman ang natawa dahil sa naging itsura niya.

"What the hell! What did you do?!" Inis na singhal rin nito sa akin habang nasa tubig. At kulang nalang eh may lumabas na, na dragon sa kanyang mga mata.

"Boom! Ang bilis ng karma." Sabi ko pa rito at napangisi bago napasubo muli ng Ice cream.

Akala niya ha! Hindi ko man magawang matinag siya o mainis, okay lang. Because there's always a timing.

"Alam mo bang kabibihis ko lang ng damit ko?" Inis na sabi pa nito bago napahinga ng malalim.

Maang na napatingin ako sa kanya habang nakatayo parin sa may gilid ng pool. "So? Nasaan pake ko?" Pamimilosopong sagot ko pa sa kanya.

Lumapit ito sa tapat ko upang umahon na ng tuluyan mula sa malamig na tubig, nang bigla naman ako nitong hinawakan sa laylayan ng dress ko. Huli na ng makapag react ako dahil nasa gitna na rin ako ng swimming pool at basang basa ng tubig.

"Well, I still won." Mayabang na sabi nito habang nandoon na naman ang kanyang nakakainis na mga ngisi bago tuluyan ng napaahon sa pool.

Walang nagawa na napahinga na lamang ako ng malalim bago napahawak sa aking noo. Feeling ko madali akong mamamatay dahil sa sobrang pagkainis sa babaeng ito.

Ini-extend nito ang kanyang kamay upang tulungan ako sa pag-ahon. Napairap na lamang ako. Aarte pa ba ako? Ang lamig kaya ng tubig.

Hahawakan ko na sana ang nakalahad na kamay nito ng biglang napa aper lamang ito sa akin bago napa ngiti.

"Ops! Nakakangalay pala sa kamay. Subukan mo nalang tumawag ng mga guard para tulungan ka sa pag-ahon." Pagkatapos ay walang sabi na tinalukuran na ako.

"Billyyyyyy!!!" Inis na sigaw ko sa pangalan nito habang papalayo siya. Doon lamang din napatakbo papunta sa direksyon ko ang tatlong guards para tulungan ako.

May araw rin siya sa akin. At humanda talaga siya! Hinding hindi ko 'to palalagpasin.

Bab berikutnya