"Anong nangayre?" Sabi ni Konsi Abet dun sa isang lalaking nag seserve sa labas ng food.
"Yung kasamahan ko po kasi na may dalang menudo natapunan po yung isang babaeng bisita."
"Ha? Sino?"
"Mabuti pa tignan nalang natin nag kakagulo na sa labas." Sambit naman ni Bruce kaya lumabas na muna sila ni konsi Abet at nakita nilang andoon sila Barbie sa pinangyarihan.
"Tumingin ka kasi sa dinaraan mo! Paano nalang kung natapunan talaga nyan si Barbie? Tapos mainit yon? Anong gagawin mo?" Ang nagagalit na sabi ni Kenny dun sa lalaking server na inaayos yung sahig sa na sayang na menudo.
"Sorry po talaga Sir hindi ko po sinasadya."
Napansin naman ni Barbie na may sugat yung kamay nung server na nag dudugo pa nga ng bahagya kaya lumapit ito.
"Kuya ayos ka lang po?"
"Ma'am?"
Nag hanap si Kelly na pwedeng ipang tali sa kamay nung server at nakita nya yung white na panyo sa bulsa ng vest nung server "gamitin ko na po ah."
"Po?"
Kinuha ni Barbie ang kamay nung server at gamit yung panyo nyang nakuha at itinali nya ito sa may sugat na kamay nung server.
"Mamaya linisin mo ang sugat mo kasi baka mainfection yan eh. Okay?"
"Opo Ma'am salamat."
Napa palakpak naman yung mga taong nakiki chismis dahil bumilib sila kay Barbie na hindi na galit sa server kung hindi tinulungan pa ito.
"Sige na, pumunta ka sa likod ako ng bahalang mag pa linis dyan. Linisin mo na muna yang sugat mo." Ang sabi naman ni konsi Abet.
"Salamat po Sir."
"Okay sige na po bumalik na po kayong lahat sa pagkain at mamaya lamang po ay magkakasiyahan na magsisimula na po ang party ng anak ko."
"Sige Konsi." Sabi ng ilang mga kalalakihan na para bang nakainum na rin kaya parang may mga tama na.
"Ayos ka lang ba Bie?" Tanong ni Bruce at tinignan ng masama si Kenny.
"Opo tito ayos lang po ako salamat po kay kuya..." tinignan n'ya yung lalaking nag ligtas sa kaniya.
"Ah... sorry my name is Jester." Iniabot nya ang kamay nya kay Barbie pero biglang humarang sila Kenny at Thew.
Sabay-sabay naman napa face palm sila Bruce, Unice, Juni at Lloyd.
"Ano bang..." Sambit ni Barbie at hinawi yung dalawa "ano bang ginagawa nyo? Alis!"
"Pero Bie..." Anila Kenny at Thew na nag katinginan pa pero nag ka iwasan din dahil naiinis sa isa't isa.
Barbie approached Jester at naki pag kamay "my name is Barbie thanks nga pala sa kanina." Then she smile.
Jester is being shy habang hawak ang kamay ni Barbie "welcome."
"Cough." Reaction ni Bruce at kinuha na ang kamay ni Barbie.
"Ah! Nga pala anak ko si Jester isa rin sya sa SK dito sa Barangay."
"Talaga po? Pero hindi ko po sya nakita nung nag pa feeding program sila Kenny."
"Ah, nasa school kasi ako nun kailangan kong mag Saturday class dahil nag hahabol ako sa klase."
"Eh? Transferee ka rin?"
"Ikaw rin?"
"Um."
"Wow. San ka napasok?"
Sumenyas naman si Bruce kay Abet "ah, nak mamaya mo na kausapin si Ms. Barbie samahan mo muna siya..."
"Ahem!" Ang reaction nila Kenny na parang inubo bigla dahil si Barbie lang ang ipinapaasikaso ni konsi Abet kay Jester.
"Ah... sorry ang mga ka SK mo asikasuhin mo rin."
"Opo Pa."
At nung naka kuha na nga ang lahat ng kanilang makakain patuloy na nag uusap sila Barbie at Jester doon sa may terrace ng bahay nila konsi Abet dahil dun nalang may available na seat samanatala sila Kenny, Thew, Unice, Lloyd at Juni naman ay nasa isang bilog na mesa at doon kumakain.
Di naman nakakain ng ayos si Kenny at Thew dahil nakatingin lang sila dun kila Barbie at Jester.
"Tignan mo yung isang yon." Bulong ni Lloyd kay Unice "gigil yarn?" Dagdag nya pa.
Unice giggles "eh ano pa ang isang ito?" Anya at ang tinutukoy nya ay si Thew na ang sama rin ng tingin kay Jester.
"Tigilan nyo na yan hayaan nyo sila." Ang seryosong sambit naman ni Juni na nanahimik at kumakain na walang pakialam kila Kenny at Thew.
"KJ!" Sagot ni Unice.
"Tsss!"
"Nga pala, hindi ba taga dito naman yang si Jester? Bakit pala yan eh naging transferee?" Tanong ni Lloyd.
"Na kick out sya sa catholic school na pinapasukan nya." Sagot ni Juni.
"Eh? Sa catholic school pala sya?"
"Ohhh... yung all boys? Hindi ba parang ang mga napasok dun eh mga mag papari?" Tanong ni Unice at naka agaw yon ng atensyon nila Kenny at Thew.
"Oo balita ko ganun nga dun pero once na lumabag ka sa rules out ka na." Sagot ni Lloyd.
"Talaga?"
"Oo kasi yung isa kong pinsan dun na pasok gusto nya kasing mag pari at simula high school dun na sya nag aaral gang ngayon college na sya."
"Cough. Anong chance mo para mapatalsik ka sa ganoon school?" Tanong ni Kenny.
"Actually not literally mapapatalsik ka talaga sinabi lang na kick out kasi lalabas na pero iba ang meaning nun." Seryosong sagot ni Juni.
"What do you mean?" Tanong naman ni Thew.
"Simple lang, kapag di mo na kaya ang tension lalabas ka na pero dahil bawal ang babae sa buhay ng mga mag papari I mean "girlfriend" syempre pari nga di ba? Sa pag aaral nila ng high school dun nila makikilala ang sarili nila maraming rules kapag nag aral ka sa isang catholic school well, di lahat ng School ganun pero kasi yung school na pinasukan ni Jester kailangan kasi nila doong pag nilayan kung desidido ba silang mag pari habang nasa high school. Hindi ko alam ang ibang detalye pero sabi sakin ng kapatid ko na kaklase ni Jester nung elementary nag pa kick out raw ito. Di niya alam kung bakit pero sabi may issue raw."
"Issue?" Anila.
"Hindi ko na alam kung ano yon pero kung ako sa inyo wag nyo nalang alamin masyado kayong interesado sa buhay nung tao."
"Aba syempre, bilang SK sya." Sagot naman ni Unice.
"SK na di ginagampanan ang responsibility." Seryosong sagot naman ni Kenny.
"Pero kung iisipin napaka mahiyain nyang si Jester ni hindi na labas ng bahay." Opinyon ni Lloyd.
"Partida di nalabas ng bahay pero nanalo sa pagiging SK member." Sabi ni Juni.
"Of course, his dad is a konsehal malamang mananalo talaga sya." Sagot naman agad ni Thew.
"Tsss! Nag salita ang walang kamag anak na konsehal." Sambit naman ni Unice.
Thew smikred "kesa naman sa tatay eh kapitan." Then he stared at Kenny as if he wants a fight pero hindi sya pinatulan ni Kenny.
"Tama na nga yan, nakakahiya naman samin ni Juni na walang kamag anak." Sabi ni Lloyd.
Natawa naman si Unice sa sinabing iyon ni Lloyd at napatingin sa kaniya si Juni na para bang may something like jealousy.
"San ka pupunta bro?" Sambit ni Lloyd kay Kenny na bigla nalang tumayo.
"Uuwi na."
"Eh? Pero hindi pa mag sisimula ang event."
Napatingin si Kenny kay Barbie na busy maki pag usap kay Jester then he walks away at hindi na nag paalam.
"Huy!!!"
"Let him be." Sabi ni Thew na tumayo na rin.
"Oh? Aalis ka na rin?" Tanong naman ni Unice.
"Yeah."
At umalis na nga rin si Thew at iniwan yung tatlo nag wave naman sya ng kamay kay Barbie para mag paalam.
"Eh? Aalis na sya?"
"Sino?" Tanong ni Jester.
Napatingin naman si Barbie dun sa kinauupuan kanina nila Thew kanina at napansin nyang umalis na rin pala si Kenny.
"Eh? Umalis na rin si Kenny?"
Tumingin naman si Jester sa tinitignan ni Barbie.
"Baka may gagawin?"
"Ewan ko. Pero sabi sakin ni Kenny..."
"Hmm?"
"Ah... wala, nasan na nga ba tayo?"
Nag pa tuloy naman sa pag uusap yung dalawa pero habang kausap ni Barbie si Jester iniisip nya si Kenny dahil ang sabi nito sa kaniya ay di sya iiwan nito doon.
Samantala,
Naglalakad na ngang pauwi si Kenny at tinawag ito ni Thew.
"Hoy!"
Hindi naman tumigil sa pag lalakad niya itong si Kenny kahit lingonin si Thew.
"Hoy!!! Kenny!!!"
At tumakbo na nga itong si Thew para lang maabutan si Kenny at nung naabutan nya na ito.
Hingal na hingal si Thew "huh! Varsity ka pero hingal na hingal ka sa kakaunting tinakbo mo?"
"Heh! Kulang lang ako sa practice."
"Tsss! Mukha mo."
Naupo naman si Kenny sa may waiting shed at naupo rin si Thew dahil nga hinihingal sya.
"Sabihin mo, bakit mo ko sinusundan?"
"Hoy, una hindi kita sinusundan. Pangalawa, hindi ako aso para sundan ka."
"Oh, really? So, bakit ka nandito?"
"Ah... eh..."
"Hindi ka parin nag babago di ka pa rin marunong mag sinungaling."
"Gaya mo ko sa inyo ni Saman..."
Napahinto sa pagsasalita si Thew at iniba ang topic "cough. Sa tingin mo ayos lang na kasama ni Jester si Barbie?"
"Edi bumalik ka don para malaman mo."
"Ha? Hindi ka nag aalala?"
"Why should I?"
"Hi— Hindi ba..."
"Ano? Na gusto ko si Barbie? Kung lahat ng makakasamang lalaki ni Barbie pag seselosan ko baka di ko na s'ya palabasin ng bahay kailanman."
"Yo— You..."
"Oo, yun ang sagot ko sa tanong mo nung nakaraan na nasa guidance office tayo. May gusto ako kay Barbie at alam kong ikaw rin. Pero sa pagkakataong ito magiging selfish na ko."
"Huh! Hahahahaha...."
Tumawa naman ng tumawa si Thew...
"Problema mo?"
"Ang isang tulad mong manhid at torpe na sabi ang mga bagay na yon? Nag papatawa ka?"
"Siguro para sayo oo kasi tumatawa ka na."
Thew smirked "kahit kailan talaga panira ka ng kasiyahan ko. Pero eto lang din ang masasabi ko hindi ko hahayaang sayo na naman mapunta ang atensyon ng taong mahal ko."
Kenny smirked "dare ba yan? Fine, I accept it basta ba wag kang iiyak kapag hindi ikaw ang pinili."
Kinuwelyuhan naman ni Thew si Kenny "bakit? Nagagalit ka? Kung noon nag patay malisya lang ako kay Samantha dahil gusto mo sya pero ngayon sigurado na ko hinding hindi na ko magiging manhid pag dating kay Barbie. Tandaan mo yan Thew." Then he pushes away Thew and continued heading home.
"Sandali lang!!!"
Huminto naman si Kenny pero hindi na lumingon.
"Totoo bang nag patay malisya ka lang noon kay Samantha? Ikaw ang gusto nya at hindi ako."
"Kung ano ang sinasabi nya sayo totoo ang lahat ng yon."
"Pero bakit?!"
Humarap si Kenny kay Thew ng mga oras na yon "bakit? Simple lang ayokong mawala ang kaibigan ko sakin. Mahalaga kayong dalawa sakin ni Samantha kaya hindi ko kayang ibalik ang nararamdaman niya sakin."
Lumapit si Thew kay Kenny at sinapak nya ito.
"Sinayang mo lang ang pagmamahal sayo ni Samantha!"
"Hindi ko sinayang!" Gumanti sya ng sapak kay Thew.
"Hindi sinayang? Na depressed sya kaya sya namatay!"
Sinapak na naman ni Thew SK Kenny at ganoon rin ito sa kaniya gang sa napadaan si Jemie at ito ang umawat sa kanila.
"Tumigil kayo!!!" Sigaw ni Jemie na pumagitna sa dalawa.
"Se— Senior." Sabay sambit nung dalawa.
Sa magkaparehong oras nasa isang gilid si Barbie at nag tatago.
"Sighhh... buti nalang dumating si Senior.
"Barbie?" Bungad ni Gaile.
"Ay palaka!"
"Bakit ka nandito?"
Hinila ni Barbie si Gaile dahil makikita sila nung tatlo "dito ka."
Nayakap ng di oras ni Barbie si Gaile tinakpan rin nito ang bibig "mmm..."
Namula naman ang mukha ni Gaile...
"Sorry, ayos ka lang?" Tinanggal na nya ang kamay kay Gaile dahil napansin nyang namumula ang mukha ni Gaile.
"Ahem. O— Oo okay lang."
Sa isip-isip ni Gaile "ang lapit nya sakin pano naman ako magiging okay?"
"Bakit pala andito ka?"
"Ha? Pupunta dapat ako sainyo kaso sinusundan ako ni Jemie kaya naman niligaw ko sya."
"Ohh... kaya pala andito si Senior."
"Ha? Nasan?" Nag palinga linga sya at hinanap si Jemie.
"Chill andun sya."
Sumilip si Barbie at itinuro din naman nya kay Gaile yung tatlo.
"Hmm? Anung pinaguusapan nila?"
"Di ko alam pero kanina nag uusap sila Kenny at Thew tapos nag sapakan na aawat sana ko buti nalang dumating si Senior."
"Ohh... kaya ka ba nag tatago ka dito?"
"Oo sinundan ko kasi sila. Nasa debut kasi kami tapos di ko alam na umalis na si Kenny well, nakita kong umalis si Thew kasi nag babye sya sakin pero nag alala ako kaya yun nakita ko nga sila nag aaway na."
Gaile sighed "kaya pala ganyan ang suot mo pero siguradong kung hindi ikaw si Samantha na naman ang pinagaawayan ng dalawang kupal na yon."
"Sino si Samantha?"
"Bukod kasi sakin at kay Unice si Samantha ang isa sa pinaka malapit kila Kenny at Thew.."
"Eh? Pero nasan sya? At bakit sya pinagaawayan nila Kenny at Thew? Narinig ko nga kanina sa usapan nila yung name na yun kaso di ko maintindihan medyo ang layo ko kasi sa kanila eh."
"Si Samantha ang first love ni Thew."
"Ehhhh?"
"Yeah. Kaso ang gusto ni Samantha eh si Kenny."
"Hmm?"
"Mahirap ipaliwanag pero kasi puppy love lang naman yun nung elementary lang kasi kami nung na reveal yun tapos sa kasawiang palad maagang nawala si Samantha kaya ayun di na mag bati sila Kenny at Thew."
"Wait, so yung Samantha patay na?"
"Um. Little sister rin sya ni Jemie."