webnovel

Chapter 33: Gloomy Day

Wala sa mood ng pumasok si Thew sa classroom nila and he look so gloomy at ang mga kaklase nila ay nag sisiiwas sa kaniya.

"Anong problema ni Thew?" Ang tanong ni Uno kay Gaile na mainit rin pala ang uli.

Thump!

Ibinagsak ni Gaile ang kamay niya sa desk na para bang nag aamok ng away.

"Easy man, easy. Nag tatanong lang naman ako."

"Get lost!" She glared at him furiously.

"O— Okay eto na. Ang iinit ng ulo."

Pag tayo ni Uno syang dating naman nila Barbie at Kenny kaya nilapitan nya ang mga ito agad "pre...." Aniya na para bang nag susubong kay Kenny pero nag bago ang mood nya dahil napansin niya na ang sweet nung dalawa kaya napa bulong sya.

"Pre, ang sweet nyo ah holding hands while walking ba yan?"

"Heh! Mag tigil ka nga."

Tinanggalang naman ni Barbie ang kamay ni Kenny sa kaniya "hey..."

"I'm going to sit."

"Sandali lang tutulungan kita."

"Hindi na, kaya ko at nakakalakad ako baka kainin na ko ng buhay ng mga babae dito."

At napatingin si Kenny sa mga kaklase nila at ang sama ng tingin nila Ellaine kay Barbie.

"Ang iinit nga ng ulo ng mga tao ngayon dito." Ang pa bulong-bulong na sambit ni Uno.

Lumapit naman ang tropa ni Ellaine kay Kenny at nag patuloy naman sa pag lalakad nya ito ng si Barbie kahit pa pilay-pilay pero binati n'ya muna si Gaile bago maupo.

"Hey, morning." Ang bungad ni Barbie kay Thew pero hindi sya agad nito pinansin. "Thew!"

"O— Oy..."

Naupo si Barbie sa upuan at nakita ni Kenny na nag uusap na yung dalawa kaya iniwan nya si Ellaine pero hinawakan sya nito.

"Kenny, wait."

Tumingin ng masama si Kenny kay Ellaine "so—sorry..."

Pag alis ni Kenny nag paliwanag naman si Uno kila Ellaine "way mo ng uulitin yon yun ang ayaw na ayaw ni Kenny ang hahawakan sya."

"Bakit si Barbie okay lang?" Ang sambit naman ni Hannah.

Napatingin naman sila kay Kenny na umupo rin sa tabi nila Barbie at Thew bilang magkaka seat mate silang tatlo.

"I admire her... dalawang heartthrob ng campus ang malapit sa kaniya. Sana all." Sambit naman ni Dana at ang sama ng tingin sa kaniya nila Ellaine. "Ha... Ha... pero syempre mas better kung tayo yung close sa kanila. Di ba girls? Ha... Ha..." Dagdag pa n'ya na para bang ninenerbyos.

"Shut up bitch. Humph!" Ang naiinis na sambit ni Ellain at pa dabog na umupo sa upuan n'ya kasama ang mga alipores n'ya.

Uno signed "bakit kasi sila Kenny at Thew pa eh andito naman ako."

"Is there something you want to talk about Mr. Gumabao?" Ang bungad ni Ms. Elmundo na nasa likod na ni Uno.

Pero hindi alam ni Uno na si Ms. Elmundo yung nasa likuran n'ya "sabi ko yung mga girls..." napahinto s'ya sa pag sasalita nung lumingon s'ya.

"Back to your sit!"

"Ye— Yes Ma'am."

At nag tawanan naman ang klase dahil kay Uno "quiet!!!" Sigaw naman ni Ms. Elmundo.

Habang ipinapatong ni Ms. Elmundo ang gamit nya sa may desk pabulong bulong si Kenny kay Barbie "how's your ankle? Di na ba makirot?"

Narinig naman iyon ni Thew kaya tinanong rin nito si Barbie "ayos ka lang ba? Gusto mo bang ibili kita ng gamot?"

"No need, dahil pinainom ko na sya kanina." Ang naiinis na sambit naman ni Kenny na ang sama ng tingin kay Thew at ganoon rin naman ito sa kaniya.

"Huh! Babysitter na pala ang campus crush ngayon."

"Anong sabi mo?!"

Dahil pinag gigitnaan si Barbie nung dalawa inawat nya ang mga ito "tumigil na kayo!" At napalakas ang sabi niya kaya nakaagaw iyon ng atensyon ng lahat lalong lalo na ni Ms. Elmundo.

"Ms. Zamora, stand up!!!" Ang pagalit na sambit ni Ms. Elmundo

At tumayo namang agad si Barbie pero pinipigilan sya nung dalawa pero ang sama ng tingin nya sa mga ito kaya pandalas syang binitawan sa takot.

"What's the shout all about Ms. Zamora? Do you want to go outside and not to comeback to my class anymore?"

"So..."

Mag sosorry sana si Barbie pero sabay na tumayo yung dalawa ni Kenny at Thew at sinabing "wala po syang kasalan Ma'am."

"Anong nangyayare?" Sambit ng ilan sa mga kaklase nila.

"What's with her ba? Nakakainis!" Ang naiinis na sambit naman ni Ellaine.

At nag simula na ngang umingay ang bulong klase kaya lalo namang nagalit si Ms. Elmundo "QUIET!!!!"

Para namang may dumaang anghel sa classroom pag sigaw ni Ms. Elmundo at nanatiling nakatayo naman yung tatlo "all of you bring out your 1/4 sheet pad of paper we will be having a quiz! Napaka iingay nyo! Nasa classroom kayo at wala sa palengke! And for the three of you get out! Tumayo kayo sa labas ng classroom nyo habang nakataas ang kamay hawak ang bag nyo until my class end. Understand?!"

"Yes Ma'am." Sambit nung tatlo.

Paglabas naman nung tatlo na dala ang kani-kanilang bag "ako nalang mag dadala ng bag mo Bie." Sambit ni Thew.

Tumayo naman na ng ayos at itinaas na ni Barbie ang kamay niya na dala ang bag "no need may kamay ako."

Kenny smirked "epal kasi." He whisper.

"Anong sabi mo?!"

"Bakit? Epal ka naman talaga kung hindi dahil sayo di tayo mag kakaganito!"

"Aba't!!!"

"Sige, subukan nyo na namang mag away malilintikan na talaga kayo sakin." Ang nagagalit ng sambit ni Barbie at tinignan nya ng masama yung dalawa at sa takot tumahimik na nga ang mga ito at ginawa ang ipinag uutos sa kanila ni Ms. Elmundo.

Samantala sa teacher's office...

"Welcome back Sir." Ang sambit ni Sir Mariano na adviser nila Barbie kay Bruce na kababalik lang galing Manila.

"Ah, actually kararating ko lang dito na ako dumiretso dahil may kukunin ako sa office ko."

"Ohh... kaya po pala hindi kayo naka uniform." Ang sabi naman ni Ma'am De Leon na teacher ng grade 7 sa Filipino.

"Ah, oo aalis rin kasi ako agad kaya sige ha maiwan ko na muna kayo. Kung may kailangan kayo bukas ko nalang aayusin pakilagay nalang lahat sa desk ko ang kailangang primahan."

"Ahm... andon na Sir wag lang kayong mabibigla. Hehe." Ang sabi naman ni Sir Parra teacher ng grade 10 sa computer subject.

"Mukhang sa tagal kong na wala madami na kong naiwang gawain."

"Hindi naman po sa ganun. Hehe..."

"Siya sige na maiwan ko na muna kayo."

"Sige po Sir." Anila.

Pag alis ni Bruce napag usapan ng mga teacher ang panandaliang pagkawala nito "alam na kaya ni Sir yung nangyare kahapon?" Ang tanong ni Sir Parra.

"Baka naman nabanggit na ni Sir Ramirez." Ang sagot naman ni Ma'am De Leon.

"Oo baka nabanggit na rin ni Kenny." Sambit naman ni Sir Mariano.

"Nga pala, anong mangyayare sa grupo ni Ronmar?" Tanong naman ni Ma'am De Leon.

"Dahil minor pa rin naman ang mga iyon hindi sila pwede ikulong nasa pangangalaga sila ngayon ng DSWD. Mabuti na rin iyon para naman tumahimik ang AGA. Laging may gulo kapag naririto ang grupo ni Ronmar." Sagot naman ni Sir Parra.

"Oo nga mga bully. Mga gawa ang asal dahil may kaya sa buhay kung ako sa mga magulang ng mga batang iyon patitigilin ko ang mga barumbadong iyon sa pag aaral. Ang titigas ng mga ulo hindi nakikinig sa mga teacher."

"Wala naman tayong magagawa hawak ng pamilya ni Ronmar ang AGA." Ang sabi naman ni Sir Mariano.

"Hindi na ngayon." Ang bungad naman ni Ma'am Loyola ang sanggang dikit ni Sir Ramirez ang head teacher.

"Oh? Hindi ba nasa ibang district 5 kayo ni Sir Ramirez? Bakit andito ka?" Ang tanong naman ni Ma'am De Leon.

"Ahh... tapos na at alam nyo ba may bago na tayong director dito sa AGA."

"Ano?" Anila.

"Hindi ano kung hindi sino?!"

"Sandali lang, kung totoo man yang sinasabi mo bakit napalitan si Mr. Alvarez?" Ang tanong naman ni Sir Mariano.

"May bago na kasing nag mamay-ari nitong Campus."

"Ano?!" Anila.

"Hindi nga ano kung hindi sino?"

"Eh sino ba?"

"Ang mga Tang."

"Tang? Sila yung may ari ng halos lahat hotel and resorts dito sa rehiyon natin?" Ang sambit naman ni Ma'am De Leon.

"Oo sila nga."

"Oh? Bakit naman magkaka interest sila ngayon sa isang academy ng tulad ng satin? Hindi naman tayo kalakihang school compare sa iba." Ang sambit naman ni Sir Parra.

"Hindi nga, pero kilala ang school natin sa beauty and brains na mga student." Ang proud na sambit ni Sir Mariano dahil nasa klase niya ang two heartthrob ng campus nila.

"Actually, hindi ko rin alam kung bakit pero ang tsismis may anak raw dito yung bagong director." Ang sambit naman ni Ma'am Loyola.

"Oh? Sino raw?" Anila.

"Ewan ko. Kung sino man yon ang swerte nya."

Samantala ng makarating naman si Bruce sa opisina niya bumungad sa kaniya ang mga papeles na kailangan nyang basahin at pirmahan bilang halos dalawang linggo rin syang nawala sa AGA.

"Anak ng! Dahil sayo Amanda napakarami kong kailangang basahin dito."

Napaupo nalang s'ya ng di oras pero naalala nyang may kailangan syang i-check kaya dali-dali syang tumayo at binuksan ang computer n'ya na para bang may hinahanap s'ya.

Pero dahil loading pa ang pag bubukas ng computer n'ya binuksan nya ang drawer n'ya at nakita nya doon ang files ni Barbie.

"Oh, andito lang pala."

Hinasa nga ng masinsinan ang mga credentials ni Barbie at napamangha s'ya sa mga grades nito pero natawa s'ya dahil ang baba ng grado ni Barbie sa math "kabaliktaran naman s'ya ni Kenny."

Habang nag nabasa napansin n'ya na walang father's name na nakalagay sa files ni Barbie "baliw ka talaga Amanda anong gusto mong gawin sa anak mo? Hindi n'ya talaga nilagyan ng name ang tatay Barbie? Ano sa tingin n'ya ang anak n'ya putok sa buho? Nakakaloka!"

Ring... Ring...

"Hmm?"

Kinuha agad ni Bruce ang phone n'ya sa bulsa at hindi naka phonebook sa kaniya yung bumber.

"Hello? Sino to?"

"Best!"

"Amanda?"

"Oo ako nga!"

"Lintek ka! Nasan ka? Pupuntahan kita."

"Sira! Ano pupunta ka ng Canada? Agad-agad?"

"Siraulo! Nasa Canada ka nga?"

"Oo, may trabaho na ko dito kaya wag ka ng mag alala."

"Aba talagang sira ang ulo mo! Bakit di mo sinabi sakin? Mababaliw talaga ako sayo."

"Sorry na."

"Hayssss... parang kang tanga! Nasan ka nga?"

"Oo na, wala ako sa Canada nasa Manila lang ako pero wag mong sasabihin kay Barbie ayokong mag alala s'ya sakin. May gusto lang akong alamin kaya ikaw na munang bahala sa anak ko."

"Ano?! At ano naman ang kailangan mong alaming babae ka?"

"Kung paano ko matatalo si Jeron!"

"Ano?! Ay talagang... baliw ka na AMANDA!!!!"

"Basta, bantayan mo muna si Barbie lalong lalo na sa mga Tang balita ko nasa lugar natin dyan ang mga yon."

"Bahala ka! Umuwi ka at mag uusap tayo!"

Toot... Toot...

Binabaan na nga ni Amanda ng phone si Bruce.

"Amanda? Hoy! AMANDA?!!!"

Bab berikutnya