webnovel

Chapter 26: Care or Not to Care

"Ring…Ring…"

Sinagot ni Kenny yung natawag sa kaniya at ang akala nya ay si Barbie yung tumatawag sa kaniya "ano Barbie? Nasan ka na? Gabi na uwi pa ba yan ng matinong babae? Kapag hindi ka pa…umuwi dine malilintikan ka na talaga sakin isusumbong pa kita kila daddy. Hello? Barbie!!!"

"Si—Sir? Hindi po ako si Ma'am Barbie."

"Hmm?" Tinignan nya yung name ng tumatawag at nakita nyang si Chinchay pala iyon at hindi si Barbie "so—sorry…akala ko kasi…"

Chinchay: He…He… ayos lang po Sir mukhang hindi pa rin po pala na uwi si Ma'am Barbs pero 7pm palang naman po kaya baka on the way na po iyon.

Kenny: O—Oo nga po pasensya na po kala ko kasi talaga kayo si Barbie.

Chinchay: Okay lang po.

Kenny: Bakit po pala kayo na patawag? May kailangan po ba kayo?

Chinchay: Ah… wala naman po Sir sasabihin ko lang na baka hindi po ako maka pasok bukas kasi may lagnat po kasi si Rewin.

Kenny: Ahhh… ganun po pala kamusta na po sya ngayon?

Chinchay: Eto po medyo mataas pa rin ang temepratura kaya pag hindi pa po bumaba gang mamaya baka dalhin na po namin sya sa hospital.

Kenny: Nako, opo dalhin nyo na uso pa naman po ang dengue ngayon at isa po sa symptoms ang mataas na lagnat.

Chinchay: Yun nga po Sir eh kanina nga nag nosebleed rin sya kaya baka hindi na po muna talaga ako makakapasok bukas. Pasensya na po Sir.

Kenny: Wag nyo po kaming alalahanin ayos lang po ang importante maging okay na po si Rewin at kapag may kailangan kayo tumawag lang po kayo okay?

Chinchay: Maraming salamat po Sir.

Kenny: Wala po yun masuklian man lang po namin ni Daddy ang kabaitan at tulong nyong ibinibigay samin lalo na sa pasaway na si Barbie.

Chinchay: Hehe… wala po yun kung kay Ma'am Barbie lang sanay naman na po ako dun parang kayo lang rin kasi sya kapag nag tatampo kayo sa daddy nyo. At nga po pala tumawag sakin ang daddy nyo baka sa makalawa pa raw po ang uwi nya.

Kenny: Ohh… opo nabanggit sakin ni daddy pero ate Chinchay hindi po ba na sabi sa inyo ni Barbie kung saan sya pupunta?

Chinchay: Ay, hindi po ba nya nabanggit na kila na Ma'am Unice po sya?

Kenny: Ano?! Andun lang pala sya?

Chinchay: O-- Opo Sir kaya wag na kayo masyadong mag alala kay Ma'am mukhang okay naman sila ni Ma'am Unice.

Kenny: Si—Sino pong nag aalala? A—Ako? Hindi po no!

Chinchay: Ohhh… kaya pala, sya sige na po at tawagan nyo na sya para hindi na kayo nag aalala dyan ng kunwari.

At binabaan na nya si Kenny "ate Chinchay? Hello? Hello?!"

Lumapit naman si Jerlon kay Kenny na may dalang popcorn "oh? Sinong kaaway mo?"

"Wala!"

At nilayasan ni Kenny si Jerlon "hoy! Saan ka pupunta?"

"Ikaw na munang bahala sa bahay may pupuntahan lang akong kabundukan."

"Ano?! Anong bundok ang pinagsasabi mo? Bumalik ka nga dine! Kenny!!!"

Dali-dali na ngang umalis ng bahay itong si Kenny para mag tungo sa bahay nila Unice kahit na nag kukunwari syang walang pakialam kay Barbie gaya nga ng sabi ni Chinchay.

Samantala sa bahay nila Unice nakain ng icecream sila Barbie at yung dalawang mag pinsan habang nag mo-movie marathon.

"Hahaha… kala ko ba gusto nyo ng horror eh bakit tinatakpan nyo ng unan yang mukha nyo?" Ang sabi ni Barbie.

"Ha? Si—Sinong nag tatakip ng unan? Si Unice lang kaya." Ang sabi naman ni Thew na dali daling tinapon ang unan nyang hawak at tinamaan si Unice.

"Thew!!!" Ang pagalit na sambit naman ni Unice.

"Ano?!"

"Kainin nyo na yang icecream nyo kakatago nyo ng mukha nyo tunaw na yan para na yang sabaw. Hahahaha…"

Pabulong bulong naman si Thew kay Unice "bakit kasi yang movie pa na yan ang pinili mong panoorin?"

"Ba! Bakit ako?! Naki oo ka rin naman sa movie na yan eh tapos nakiki ano ka dyan."

"Tsss… kumuha ka na nga lang ng bagong icecream tunaw na yang kinakain natin nakakahiya kay Barbie."

"Heh! Edi ikaw ang kumuha."

"Dalian mo na!"

"Ayoko nga!!!"

Napatingin naman sa mag pinsan si Barbie "hmm? Nag aaway ba kayo?"

"Ha? Hi—Hindi sabi ko nga kay Unice kumuha ng ibang flavor ng ice cream. Ha…Ha…ha…" bumulong pa sya kay Unice "kumuha ka na bukas may 500 ka sakin."

"Ayoko nga natatakot ako baka tulog na sila Mommy wala ng tao sa baba."

Nag tanong namang muli si Barbie "ayos lang ba kayo?"

"O—Oo naman sabi ni Thew sya na raw ang kukuha ng ice cream di ba couz?"

"Ano?!"

"Bilisan mo na kung ayaw mong sabihin ko kay Barbie na natatakot ka ring bumaba." Pabulong na sambit ni Unice.

"Ha…ha…ha… si—sige…"

Unice smirked "bilisan mo na!"

"Tsk… Oo na!"

Papalabas na sana si Thew ng pinto ng bigla may nag doorbell "ay butiki." Ang naging reaction nya.

"Pffft… hahahaha… gulat na gulat? Tsong, doorbell lang yon!" Ang panunuksong sambit ni Unice kay Thew.

"Ayos ka lang ba Thew?"

"Ha? O—Oo naman na gulat lang ako. Ha…ha…ha…"

"Oo magugulatin talaga yan. Pffft…hahahaha…"

"Unice!"

"Ano na naman?! Buksan mo na nga lang yung pinto baka kung sino na yung nag doorbell."

"Bakit bahay ko ba ito?"

"Bie, si Thew oh."

Natawa lang si Barbie dun sa mag pinsan at nag volunteer na sya nalang ang mabubukas ng pinto pero hindi pumayag si Thew kaya ito na ang nag bukas ng pinto.

"Thew?"

"Ke—nny?"

"Anong ginagawa mo dito? Nasan si Barbie?"

"Huh! baka nakakalimutan mo wala ka sa teritoryo mo."

"Nasan si Barbie?!"

"Wala sya dito."

"Huh! Wag mong intaying mag wala ako dito kapag hindi mo nilabas si Barbie!"

"Magwala? Ang SK Chairman mag eeskandalo sa bahay ng may bahay? Dahil lang sa isang babae? Huh! Are you insane?"

"Wala akong pakialam sa mga pinagsasabi mo. Ilabas mo si Barbie!"

Ang hindi alam ni Thew bumaba na rin sila Barbie at Unice para gulatin sana sya kaso nakita nila si Kenny.

"A—Anong ginagawa mo dine?" Ang sabi ni Barbie.

"Bie!!!" Ang sambit ni Kenny at hindi nya na napigilan ang sarili at nayakap niya ito at kinagulat naman iyon nung mag pinsan lalong lalo na nga itong si Barbie.

"A—Anong…"

"Umuwi na tayo."

"Ha? A—eh…kasi…"

Tinulak naman ni Thew si Kenny para layuan si Barbie "umalis ka na hindi muna uuwi si Barbie."

"Ano?! Bie, umuwi na tayo!"

"Ayos lang Brad sleepover lang naman sya dito ako ng bahala sa kaniya. He…He…He…" Ang sabi naman ni Unice.

"Hinde! Uuwi sya at hindi ako aalis dito hangga't hindi ko sya kasama!"

"Huh! Ano ka ba nya tatay?" Ang naiinis namang sambit ni Thew.

"Tatay na kung tatay pero uuwi sya samin sa ayaw mo at sa gusto."

Nagtitigan sila ng masama kaya inawat naman sila ni Barbie "tigilan nyo na nga yan!"

"Kaya nga para kayong mga bata." Ang sabi naman ni Unice.

"Oo na uuwi na ko. Tara na."

"Ha? Pero sabi mo dito ka tutulog kila Unice." Ang sambit naman ni Thew.

"Nextime nalang nalimutan ko kasi may kailangan pa akong tapusin na assignment alam mo naman transferee ako kaya sorry Unice."

"No worries, I understand naman mahirap rin kasi talagang maging transferee ang daming kailangang gawin."

"Yah… maybe sa ibang araw mag sleepover ako dito."

"Um. I'm happy to hear that."

"Thanks for earlier nag enjoy talaga ako."

"Welcome, gala uli tayo nextweek."

"Um."

At tumingin ng masama si Barbie kay Kenny at umalis na sila sa bahay nila Unice.

"Bie!!" Ang pahabol na sambit ni Thew.

"Hmm?"

"Bukas sunduin kita."

"Ha? Ah… eh…"

"Hindi na kailangan sakin sya sasabay."

Gigil na gigil naman na sa galit si Thew kaya kinuwelyuhan nya si Kenny "kanina ka pa ano bang problema mo?!!!"

"Tinatanong mo? Ikaw! Ikaw ang problema ko! Lagi kang epal!"

"Ikaw ang epal!"

"ENOUGH!" Ang pa sigaw na sambit ni Barbie at hinila na si Kenny "sige na Thew aalis na kami umuwi ka narin."

"Bie!!!"

Hindi naman na huminto si Barbie sa inis nya at halos kaladkarin na rin nya si Kenny at nung makalayo layo na sila sa bahay nila Unice binitawan nya rin ito.

"Ano bang problema mo at nagkakaganyan ka?!" Ang pa galit na sambit ni Barbie kay Kenny.

"Ha? Wa—Wala naman akong problema."

"Cut it out! Wala na tayo sa harap ni Thew kaya tigilan mo na yang kakaarte mong parang alalang alala ka sakin."

"Bakit sa tingin mo hindi totoong nag aalala ako sayo?"

"Huh! Alam ko namang ginagawa mong lahat ng ito para maging maganda ang impression sayo ng daddy mo."

"Ang dami mong sinasabi bilisan mo umuwi na tayo. Nung isang araw lang ayos na tayo ngayon tinotoyo ka na naman."

"Heh! Wag mo kong paandaran Kenny dahil hindi tayo close."

"Huh! So, yung pag tawag mo sakin ng Ken-Ken wala lang pala yon? Sinabi mo pa kila Unice na bff tayo? Tapos hindi parin tayo close? Aba naman Barbie ano bang trip mo?"

"Baka hindi mo alam narinig ko kayo ni kuya Jerlon at sinabi mo na kaya ka lang mabait sakin para lang sa isang kondisyon sayo ni Uncle."

"A—Ano?"

"Kaya tigilan muna ko. Bumalik na tayo sa dati na walang pakialam sa isa't isa hindi ko na rin aasahang maging close tayo dahil simula ngayon strangers na uli ang tingin ko sayo."

"A---Ano bang pinagsasabi mo? Kala ko ba nagkaintindihan na tayo na hindi na ulit babanggitin ang tungkol kay daddy."

"Oo akala ko rin pero nung narinig ko kayo ni kuya Jerlon na nag uusap parang diring diri kang maging kaibigan ako. Kaya kung ayaw mo sakin edi ayoko rin sayo. Sino ka ba?" then she walked away.

"Barbie!!!"

Sabi ko na Barbie.... Charot! Hahahaha.... next chapter na po goooo.... (っ^▿^)

lyniarcreators' thoughts
Bab berikutnya