webnovel

Chapter 21: Kenny’s Special Treatment for Barbie

"Kung may problema kayo ni Kenny wag nyo kong idamay dahil gusto ko lang mag punta sa guidance office." Ang pa galit na sinabi ni Barbie at binangga nya ang balikat ni Ronmar then she rolled her eyes pero hindi sya naka alis ng tuluyan dahil hinarangan sya. "Get lost!" Dagdag pa nya.

"Huh! Do you think basta ka nalang makakalagpas dito ng walang binibigay samin?" Ang sambit ni Ronmar pag lingon nya kay Barbie.

"What sh*t are you talking about Manong?"

"Ano?! Manong? Huh! Hawakan nyo yan!!!"

Galit na nga itong si Ronmar kaya iniutos nya sa mga alipores nya na hawakan si Barbie kahit na nag pupumiglas ito "bitawan nyo ko!!!"

"Alam mo bang ikaw lang ang kauna-unahang tumawag sakin ng Manong. Tapos gusto mong umalis lang ng basta dito sa teritoryo ko?" hinawakan nya ang pisnge ni Barbie na para bang may pag nanasa.

"Pervert!" kinagat nya ang daliri ni Ronmar.

"IKAW!!!" sinampal nya si Barbie ng pagkalakas at kinagulat yun ng lahat "subukan mong ulitin yon hindi lang yan ang mangyayare sayo!" dagdag pa nito at nanahimik lang at ang sama ng tingin sa kaniya ni Barbie.

"Kuya tama na yan!!!" Ang sigaw ni Yveth na kasama si Lyra.

Nagulat naman si Barbie dahil tinawag ni Yveth si Ronmar na kuya "anong ginagawa mo dito? Pumunta ka na sa classroom mo."

"No! I won't go! Pakawalan mo na sya!!!"

"Wag kang makisali dito!"

Hindi naman na kumibo si Yveth dahil napatingin sya kay Barbie at napansin nitong namumula ang kanang pisnge nito kaya lumapit sya doon sa may hawak kay Barbie "bitawan nyo sya."

Hindi naman kumibo sa kanya yung mga alipores ni Ronmar na may hawak kay Barbie "no! Wag nyong sundin ang isang yan."

"I said LET GO OF HER!!!"

Dali-dali namang binitawan ng mga alipores ni Ronmar si Barbie "halika na iaalis na kita dito." Ang sabi ni Yveth at isinama na nya si Barbie papaalis doon at iniwan nya si Lyra.

"Hey, wait for me girl… Wag mo kong iwan dito." Ang sambit ni Lyra at humabol dun sa dalawa.

Wala namang kibo na si Ronmar ng isinama ni Yveth si Barbie "mukhang ngayon ko lang nakita concern si Yveth sa ibang tao bukod kay Thew." Ang sabi naman ni Jezer ang bestfriend ni Ronmar.

"Wala akong panahon sa kaniya sino yung bagong yon?"

"Sya si Barbie Zamora ang sinasabing pinsan ni Kenny at ang balita mag kasama sila sa iisang bahay."

Napalingon naman sila Ronmar at Jezer at yung iba pa nilang alipores sa likuran dahil biglang may sumulpot "at sino ka naman?" Anila.

"Ako si Sam isa sa ako sa journalism student dito sa AGA at kaklase ko rin sila Kenny at yung Newbie na si Barbie."

"At anong kailangan mo dito? Grade 8 kalang tama?" Ang sabi ni Jezer.

"Ahm…nandito ako para interviewhin si Ronmar tatanungin ko lang sana kung this time makakapasa na kayo sa pagiging grade 9."

"ANO?!!!!" Ang pagalit na sambit ni Ronmar.

"Ako ng bahala sa isang yan pre. Boys, lam nyo na." Ang sabi ni Jezer kaya dinakip ng alipores nila si Sam at ipinasok sa kanilang classroom.

"Waaahhh...bitawan nyo ko…."

"Heh!!!" Ang sabi sa kaniya ng mga ito.

Napaisip naman si Ronmar kung bakit ganoon nalang mag alala ang kapatid nyang si Yveth kay Barbie.

"Dito ang guidance office wag mong kalimutan." Ang sabi ni Yveth then she left pero bago yun nag pasalamat muna sakaniya si Barbie.

"Tsss… feeling close." Ang sabi ni Lyra.

"Lyra let's go!!! Ang sigaw naman ni Yveth kay Lyra.

"Coming!!!"

Napangiti naman si Barbie at naka hinga ng malalim "nakakabagot ang maging transferee napakalaki naman kasi ng AGA nagkanda ligaw-ligaw na naman ako."

"Hoy!!!" May biglang sumigaw na isang lalaki.

Hinanap naman ni Barbie yung sumigaw at pag lingon nya sa bandang kanan nya sumalubong sa kaniya si Kenny at nagulat syang niyakap sya nito "ano? ayos ka lang? Anong ginawa sayo ni Ronmar?"

Sa gulat ni Barbie hindi sya maka sagot kay Kenny "may ginawa ba sya sayo? Mag SALITA KA!!!"

Binatukan naman sya ni Barbie "ang oa mo buset! Hindi ako binge."

"Sorry, nag alala lang naman ako."

"Bakit ba nandito ka? At layuan mo nga ko!" Itinulak nya si Kenny ng bahagya "baka ma chismis na naman ako sayo lalo ng lumalala ang galit ng mga estudyante dito sakin." Dagdag pa nya.

"Wala akong pakialm!"

"Ano? Baliw ka na bang talaga? Kung ginagawa mo ito dahil kay tito Bruce pwes itigil mo na dahil hindi nga bagay sayo ang maging mabait sakin. Nakakasuka!"

"Huh! Ano? Nakakasuka? Pero pag dating kay Thew ayos lang na mag care sya sayo?"

"So? May problema ka? Mag kaibigan kami at higit sa lahat nag kakaintindihan kami hindi gaya mo. Tsss…maka pasok na nga sige, dyan ka na."

At iniwan na nga ni Barbie si Kenny sa labas ng guidance office "aba't! Sya na nga itong inaaalala ako pa rin ang masama! Haysss…bahala ka sa buhay mo!" then he left.

Ang hindi alam ni Kenny may nagtatago lang doon sa isang gilid at nakita rin ng mga ito ang nangyareng pag akap ni Kenny kay Barbie "mag pinsan ba talaga sila?" Ang tanong ni Niro habang si Thew naman clenching his fist and ang sama ng tingin habang papaalis si Kenny.

"Bro, ano? Dito nalang ba tayo? Kala ko susundan mo si Barbie?"

"Hindi na. Bumalik na tayo."

"O— Okay…"

***

Ang nangyare kanina bago matagpuan ni Kenny si Barbie…

Nasa cafeteria si Kenny kasama si Uno ng biglang may narinig sila na usap-usapan tungkol sa isang Newbie na napag tripan daw nila Ronmar.

"Hindi kaya si Barbie yung tinutukoy nila?" Ang sabi naman ni Uno kay Kenny habang nakain ng sandwich.

"Hindi lang naman si Barbie ang newbie dito kaya wag kang paranoid."

"Eh? Hindi ba si Barbie lang naman talaga? Late na masyado ang registration at halos malapit na rin matapos ang school year sa tingin mo may iba pa bang transfer student bukod kay Barbie na malakas sa principal ang makakapasok ng AGA?"

Napaisip naman si Kenny sa sinabing iyon ni Uno sa kaniya dahil nga na ang daddy nya ang principal ng AGA kaya madaling naka pasok si Barbie ng Academy.

"Oo narinig ko pa nga palaban daw yung newbie kaya sinampal raw ni Ronrmar yung babaeng newbie." Ang sabi nung isang chismosang estudyante sa kapwa nya estudyanteng mga nag chichismisan din.

"Talaga? Grabe naman babae yun at lalaki sya kahit kailan talaga basag ulo ang mga yon. Dapat isumbong ang mga yon sa SC."

"Wala namang magagawa si President Jemie sa mga yon dahil malaki ang donation ng pamilya nila Ronmar dito sa AGA kaya nga nagagawa nila ang gusto nila dito."

"Pero hindi ba ilang taon sa grade 9 yung tropa ni Ronmar bakit kaya hindi sila makapasa pasa?"

"Ang sabi kasi nag rerebelde ang mga yun sa mga magulang nila kaya ganoon nalanag sila ka pasaway na kahit babae pinapatulan nila."

Napatayo naman si Kenny sa kinauupuan nya "hmm? San ka pupunta bro?" Ang sabi ni Uno.

"I need to go dyan ka na."

"Ha? Hoy!!!"

Napansin naman ng ibang mga kababihan si Kenny na umalis ng cafeteria "hindi ba pinsan nya yung newbie? Kaya siguro pinag iinitan sya nila Ronmar."

"Ay, oo hindi ba kagalit ni Ronmar si Kenny dahil naiinis ito dito?"

"Oo dahil ang sabi pinili daw nung nililigawan ni Ronmar eh si Kenny pero yung babae raw hindi naman tinanggap ni Kenny."

"Oo kaya yung babae lumipat nalang ng school kasi napahiya. Kaya ito namang si Ronmar lalong nagalit kay Kenny."

Nag simula namang hanapin na ni Kenny si Barbie at habang hinahanap nakasalubong nya si Thew "sandali lang Kenny."

Napahinto naman si Kenny sa sinabing iyon sa kaniya ni Thew "hinahanap mo rin ba si Barbie dahil nag aalala ka sa kaniya o dahil yun ang sabi ni Uncle sayo na gawin mo?"

Lumingon si Kenny at sinabing "none of your business." Then he continue to run while looking for Barbie.

"Bwiset!!!" Ang naiinis na sambit ni Thew.

"Pre!" Ang bungad naman ni Niro kay Thew habang may dala syang pagkain pero parang hindi sya narinig ni Thew kaya inulit nya "huy pre!"

"Ha?"

"Ano ba kasing tinitignan mo? Tsaka anong gingawa mo dine? Pinahanap ka sakin ni Coach."

"Bilis, samahan mo ko."

"Ha? San?"

"Hanapin natin si Barbie bago pa ko maunahan ng iba."

"Ano? Bakit? Nasan ba sya?"

Hinila naman na sya ni Thew at hindi na pinakinggan ang sinasabi nya "wag ka ng marami pang sinasabi."

At gaya nga ng inaasahan naunahan ni Kenny si Thew na mahanap si Barbie.

"Oh, ayun na si Barbie pero…" napahinto si Niro dahil nakita mismo ng kaniyang mga mata na niyakap ni Kenny si Barbie kaya naman napatingin siya kay Thew at yun na nga ang nangyare hindi na sila lumapit kay Barbie at pinili nalang na mag tago sa isang gilid ng guidance office.

Sa kasalukuyan,

Hapon na at uwian na rin sila Barbie inihatid lang sya ni Gaile sa waiting shed…

"Sigurado ka ba? Ayaw mo talagang ihatid ka namin?" Ang sabi ni Gaile na nakasakay sa kotse na white kasama ang daddy nya na driver.

"Hindi na ayos lang tsaka may pupuntahan pa kayo."

"Pero pwede ka naman namin ihatid, diba daddy?"

"Oo pwede naman."

"Hindi na po tito ayos lang po talaga ako."

"Siya sige ingat ka."

"Opo kayo rin po."

Nag wave na rin si Gaile at nag paalam "ingat ka chat mo ko kapag nakauwi ka na."

"Um. Kita kits nalang bukas."

"Okay byie."

At pagkaalis nga nila Gaile na upo muna si Barbie sa may waiting shed ng may biglang bumisina sa kaniya "sakay na." Ang sabi ni Kenny na lulan ng kaniyang motor.

"Ayoko nga."

"Ano? Sumakay ka na!"

"Ayoko nga!"

"Haysss… uulan na oh gusto mo bang abutan ka pa dine ng malakas na ulan?"

"Tsss… ayos lang kesa naman sumabay ako sayo."

"Sige, bahala ka sabi nga pala sa balita kanina may parating raw na bagyo at sa tingin ko malakas na pag kulog at pag kidlat na naman ang mararanasan."

Napaisip naman si Barbie sa sinabing iyon ni Kenny "kulog…kidlat? Tapos mag bagyo? Paano kung wala akong masakyan?"

Kenny smirked "sumakay ka na kung ayaw mong maanod dine ng baha."

"Tsss…oo na! Pero hindi ibigsabihin nito na close na tayo."

"Huh! Feeling ka naman."

"Tsss… Whatever."

At sumakay nga si Barbie sa motor ni Kenny at nakita yon ni Uno na nakasakay sa kaniyang motor "hmmm? Si Kenny nag paangkas sa motor nya? Imposible at sino yon si Barbie ba yon?"

At sa kabilang side ng kalsada nakita rin ng tropa ni Ronmar na iniangkas ni Kenny si Barbie "talaga palang close ang mag pinsang yon sa pag kakaalam ko wala pang inaangkas yang si Kenny na kahit sino sa motor nya ngayon palang." Ang sabi ni Jezer at hindi naman kumibo si Ronmar na nakatingin lang kila Kenny at Barbie na papalayo lulan ng motor.

Ohhh... talaga nga palang masyadong strict si Kenny pag dating sa motor nya.... Uhhhh... something is not right kaya abangan n’yo po ang susunod na kabanata. (ง^_^)ง

.

.

.

.

*Sorry po kung isang update lang ngayon at hindi po ako maka daily update medyo busy lang po talaga. Sorry po talaga and salamat po sa inyong mga nag babasa at nag bibigay ng votes. Godbless po. ♡(˃͈ દ ˂͈ ༶ )

lyniarcreators' thoughts
Bab berikutnya