webnovel

Chapter 8: Trying to Be Calm

Sa bahay ng mga Solomon,

"Kuya…" Ang sabi ni Daryll na nasa kwarto ni Thew at naka upo sa may study area ng kwarto.

"Ano yon? May assignment ka bang hindi masagutan? Mamaya na tapusin ko lang ayusin mga gamit ko may practice kasi kami bukas ng umaga."

"Ah…hindi naman tungkol dun ang sasabihin ko."

"Hmm?"

"Si kuya Kenny…"

Napahinto naman sa pag aayos ng gamit nya itong si Thew "anong meron kay Kenny?"

"Ahm…ano kasi nakita ko sya kanina."

"Oh?" nag patuloy naman sya sa pag aayos ng gamit nya.

"Malapit pala sya kay ate Barbie..."

Bigla namang muli napa tigil si Thew at biglang nawala sa mood at ang sama ng tingin nya kay Daryll.

"A—Ano kuya nakita ko si ate Barbie kanina tapos hinatid ko sya sa may kanto papuwi sa kanila tapos sabi ni kuya Kenny sya na daw bahala kay ate Barbie baka raw kasi hinahanap na ako dito satin."

"Ano? So you mean si Kenny ang nag hatid kay Barbie sa bahay nito?"'

"Ah…O—Oo kuya parang ganun na nga… Kasi sabi ni ate Barbie malapit lang ang bahay nila kila kuya Kenny."

"ANO?!" Ang pagulat at pagalit na sambit ni Thew na napatayo pa sa pag kakaupo nya sa kama.

"A…Ah…eh…kasi kuya yun yung sabi sakin tapos sabi pa nga ni kuya Kenny kay ate Barbie "kanina pa kita hinahanap saan ka ba nag punta?" matagal na po ba sila mag kakilala? Pero hindi po ba bago lang si ate Barbie dito sa lugar natin?"

Napa isip naman si Thew "oo at hindi ko alam na magkalapit pala silang dalawa ng bahay… Sandali lang…dito ka na muna may itatanong lang ako kay Mom."

"Wala si Mom."

"Hmm? San nag punta?"

"Umalis sya hindi mo pa ba alam? Dadating si kuya Bon."

"Ahhh…ngayon na ba yon?"

"Um."

"Sige bababa na muna ko may gusto ka bang kainin?"

"Kahit ano nalang kuya."

"Okay sige intayin mo ko."

"Um."

Habang nababa ng hagdan si Thew may tinawagan sya sa phone nya "yes tito may bagong lipat ba dito sa baranggay natin?"

Tito ni Thew: Wala naman bakit mo naitanong?"

Thew: Pero hindi po sila Mr. and Mrs. Capagcuan at Mr. Gallardo ang kapatibahay nila Kap?"

Tito ni Thew: Oo sila nga.

Thew: May bagong dating po ba silang anak na babae?

Tito ni Thew: Hmm…parang wala naman ever since naman dalawang lalaki ang anak nila Mr. and Mrs. Capagcuan at si Mr. Gallardo naman ay nag iisa sa kaniyang bahay at wala naman akong na balita na may dumating syang ka anak. Pero tatanong ko rin sa iba ko pang maka konsehal kung meron hindi kasi ako duty sa brgy.hall ngayong araw.

Thew: Ahhh…ganon po pala sige po salamat at pasensya na po sa abala.

Tito ni Thew : Nga pala malapit na ang feeding program ng baranggay bilang isa ka sa SK Member dapat andun ka wag ka na munang umattend ng practice mo sa baseball isang araw lang naman iyon.

Thew: Oho, hindi ko naman po nakakalimutan wag kayong mag alala.

Tito ni Thew: Oh sya sige ibaba ko na ito aasahan kita sa Sabado.

Thew: Opo tito.

At nung matapos ang conversation nung mag tito "anong itinatago mo Kenny…" ang sambit ni Thew na malalim ang iniisip.

Samanatala sa bahay naman nila Kenny…

Naka upo sa sofa si Barbie at sinesermonan ni Kenny "hindi porket gusto ka ni dad eh malaya ka ng magagawa ang gusto mo sa pamamahay na ito. May curfew dito kapag wala ka pa ng 6pm hindi ka na makakapasok tandaan mo!"

"Huh! Edi wow…"tumayo si Barbie "alam ni tito na may extra class ako kapag hapon kaya hindi ko na kasalanan kung hindi ako makaka uwi ng 6pm."

"Ohh…sige pero simula bukas sabay na tayo."

"Ano? Hindi ba ayaw mong may makakalam na parehas tayo ng tinutuluyan? Tsaka bakit ba big deal sayo na umuwi ako ng past 6pm na? Na late lang ako ng 15minutes ang oa mo na diyan daig mo pa si Mama."

"OA? Sige umuwi ka ng des oras ng gabi isusumbong kita sa nanay mo. Lalo pa ngayon na wala sila dito ni daddy."

"Ano? Wala sila dito?"

"Oo at isang linggo silang wala ni dad."

Pandalas namang kinuha ni Barbie ang phone nya sa bag at nakita nya ang message ng nanay nya "nak, hindi ako makakauwi kasama ko naman ang tito Bruce mo one week kami dito sa Manila inaasikaso kasi namin yung sa na sunog nating bahay dito. Kaya makisama ka muna kay Kenny wag kayong mag aaway okay? Love you ingat ka."

"What? So, tayo lang ang nandito? No way! AYOKOOOOOO…"

Dali-ali si Barbie na umakyat at nag sara agad ng kwarto nya ni lock niya pa ito bago sumalagmak sa kama nya.

"Mama naman kasi bakit umalis sya na hindi ko alam? Tapos hindi pa sya uuwi agad? Haysss…kainis.

Nag pagulong gulong sya sa kama nya at may bigla syang naka isip ng idea at bumangon at tinanggal ang suot nyang necktie sa uniform nya at tinali sa may noo nya "okay, kailangan kong maging alerto ngayon dahil wala si Mama at kami lang ng bwiset na iyon dito sa bahay." Kinuha nya yung extra pepper spray nya sa cabinet at inilagay sa ilalim ng unan nya pati na rin yung electric na batuta nya.

"Ayos, ngayon ready na ko."

Nakita naman nyang bukas yung bintana ng kwarto nya kaya dali-dali nya itong isinara pero bago iyon nakita nyang may mga kausap si Kenny.

"Hmm? Sino naman ang mga yon?" dali-dali naman syang nag tago dahil ang isa sa mga yon ay napatingin sa kaniya.

"Sino yon?" Ang sabi nung isang lalaki na si Juni.

"Hmm?" Ang reaction naman ni Kenny at nakita nyang sa kwarto ni Barbie nakatingin si Juni "ahh…wala namang tao dun baka multo."

"Multo?"

"Oo may multo sa bahay namin eh."

"Chairman talaga modern na ang panahon ngayon di na uso yon." Ang sabi naman nung isang lalaki na nag ngangalang Lloyd.

"Kung ayaw nyong maniwala edi wag anyways siguraduhin nyong ayos na ang mga gagamitin para sa Sabado at isuot nyo ay yung uniform nating pang SK.

"Yes Chairman." Ang sagot nila kay Kenny.

Nag palinga-linga naman si Lloyd "hindi na naman dumating si Thew?"

"Kailan ba naman umattend yun ng meeting?" Ang sabi naman ni Juni.

"Wag ka nga aattend daw si Thew sa Sabado yun ang sabi sakin ni dad." Ang sambit naman ni Unice ang nag iisang babae sa SK.

"Tsss…hindi yon aattend tamad yon eh sasabihin nya "may practice kami ng baseball" san ka naman ayaw nya lang."

"Oo nga tama si Juni di ko nga alam bakit binoto ng mga kabataan bilang SK Member yung pinsan mo yon." Ang sabi naman ni Lloyd.

"Sorry ka, naluloklok na sya."

"Tsss…"

"Tama na yan umattend man o hinde tuloy ang feeding program sa Sabado kaya kayo gawin nyo ang mga part nyo. Okay?"

"Yes Chairman." Anila.

"Nga pala, balita ko wala daw si Kap sabi sakin ni dad." Ang tanong naman ni Unice.

"Oo mga one week rin sila mawawala ng bestfriend nya."

"Ohhh…so totoo pala na may ibang tao dito sa bahay nyo?" Ang sabi naman ni Lloyd.

"So, yung babae kanina yun ba yung anak ng bff ng daddy mo pakilala mo naman kami." Ang sabi ni Juni at umakbay pa sya kay Kenny "maganda ba? single?" dagdag pa nito.

"Heh!" Tinulak nya ni Juni at tumalikod na para pumasok "sige na mag si uwi na kayo tapos na ang meeting." Dagdag pa nya.

"Chairman…pakilala mo kami."

"Mag tigil ka! Uwe!!!"

"Kenny!!!"

Hinila naman na sya ni Unice at Lloyd at sinabing "uwe!!!"

Nang makapasok naman si Kenny sa loob ng bahay nila "tsss…pakilala daw, bakit artista ba yung babaeng yon? At ano hihingi sila ng authograph. Bwiset!"

Nagulat naman si Kenny na biglang naka harang sa harapan niya si Barbie "ay kabayo! ANO BA?!"

"Hindi ko akalain na magugulatin pala ang SK Chairman. Tsss…anyways, wala naman akong pakialam don gusto ko lang sabihin na nag text si tito."

"Si daddy? Nag text sayo? Bakit sakin hinde?!"

"Anong malay ko? Tsaka wala…akong…pakialam…"

"Ikaw!!!"

"Hep! Before you get mad pinasasabi nyang ikaw na daw bahala sa lahat at kapag may ginawa ka raw mali lagot ka sakaniya pag uwi nya! At sabi nya rin na…"

"Ano?!"

"Tsk…alam mo nevermind tutulog na ko."

Aalis na sana si Barbie ng hinila siya si Kenny papalapit sa kaniya at nagkatinginan sila "cough…so—sorry…"

Tinulak naman sya ni Barbie "ano ba?!"

"Nag sorry na nga di ba? Wag ka ngang feeling."

"Tsss…sige sasabihin ko na yung last na sinabi ni tito pero screenshot ko nalang para ikaw mismo ang mag basa dahil nakakaasiwa! At kahit wag mo ng gawin dahil kaya ko ang sarili ko. Bye!"

Kenny smirked "bahala ka!"

***

Kinabukasan maagang nagising si Kenny dahil hindi sya nakatulog buong gabi…

"Ate Chinchay, ano ang almusal?" Ang low energy na sambit ni at Kenny at naupo.

"Sinong Chinchay ang sinasabi mo eh wala naman sya dito." Ang bungad ni Barbie na nasa kusina.

"I—Ikaw? Bakit ikaw ang nandito?"

May subong sandwich si Barbie "maagang kong nagising pakilam mo? tsaka mag luto ka ng umagahan mo."

Nag luto si Barbie ng kaniyang umagahan at iniwan sa kusina si Kenny "haysss…bwiset talaga!!! Bakit kasi kailan ko pang makasama ang babaeng yon dito!"

Kumuha lang ng loaf bread si Kenny at nilagyan ng butter at nag brew sya ng kape at naupo sa may dining area kung saan nandon rin si Barbie na nakain ng kanin na ang ulam ay hotdog at itlog tapos may loaf bread rin sa side.

"Oy, yan lang kakain mo?" Ang bungad ni Barbie kay Kenny na ang sama ng mukha kaya hindi na kibo.

"Okay, wala naman akong pakilam eh."

"Pwede ba manahimik ka! At hindi tayo close kaya wag kang feeling!"

"Tsss…asa ka naman na magiging close tayo sa isa't isa at never yon mangyayare itaga mo sa bato!"

Tumayo na nga si Barbie kahit di pa sya tapos kumain "san ka pupunta?" ang tanong naman ni Kenny.

"Nawalan na ko ng gana nakakasuya kasi pagmumukha mo!"

"HOY!!!!"

"Sige magalit ka! Tignan natin kung anong sasabihin ni tito kapag nag sumbong ako."

"Aba't!!! Ikaw!!!"

"Adios! Tsss…"

At nang makarating nga sa AGA si Barbie bumungad sa kaniya ang mga kababainhang may galit sa kaniya at binuhusan sya ng mga ito ng tubig.

"ANO BA?!" Ang galit na galit na sambit ni Barbie.

"Ohhhh…galit na ang ating newbie nakakatakot." Ang sambit ni Ellaine na para bang nang aasar pa tapos inutusan nya pa yung mga alipores nya na pag babatuhin ng itlog si Barbie.

"SUMOSOBRA NA KAYO!!! AHHHHHHH!!!" Sa galit nya sinugod nya si Ellaine tapos nag high kick sya pero pinigilan nya ang sarili nya na tumama ang paa nya sa mukha ni Ellaine.

Nakaramdam ng awa si Barbie kay Ellaine dahil naalala nya na transfer student sya at hindi sya pwedeng gumawa ng eskandalo "kapag hindi nyo ako tinantanan baka hindi ko na kayo matantsa!!! NAIINTINDIHAN NYO!!!" then she walked out na parang walang nangyari at hindi nya alintana basang basa ang uniform nya at ang dungis nya dahil sa mga itlog na ibinato sa kaniya.

Tapos nakatulala lang naman si Ellaine at para bang tumigil ang mundo ng mga kababaihang galit kay Barbie.

Nanlaki naman ang mga mata nila Ellaine ng makita nila si Kenny na nakita ang buong pangyayare. "Ano sa tingin mo ang ginagawa nyo?!"

"Ke—Kenny sandali lang." Ang kinakabahang sambit naman ni Ellaine.

"GET LOSS!!!"

Have some idea about my story? Comment it and let me know. ᕙ(^▿^)ᕗ

lyniarcreators' thoughts
Bab berikutnya