MATAMANG PINAGMAMASDAN ni Isaiah mula sa labas ng kwarto ang babaeng kasama sa bus na nahulog sa bangin dalawang araw na ang nakakalipas. Ito lang ang bukod tanging walang pagkakakilanlan sa lahat ng pasaherong nakuha sa naturang bus. Wala ni-ID o kahit anong pwedeng magturo sa pamilya nito. Lahat ng pasahero ng bus ay namatay at bukod tanging ito lang ang naabutan nilang humihinga pa.
Tumilapon ito mula sa bintana na naging dahilan para magkaroon ito ng severe head injury. Sumailalim na ito sa mga operasyon at nanatiling comatose. Madami aparato ang nakakabit dito kaya naman naaawa siya sa babae.
Jane Doe ang bansag dito ng mga nasa ospital dahil sa kawalan nito ng pagkakakilanlan. Si Isaiah ang tumayong guardian nito at tanging authorize person na maaring pumirma sa lahat ng records nito sa ospital.
"May 70% chances na maari pa siyang magising mula sa pagka-comatose. Kung kelan, walang makakapagsabi." Ani nang tinig na bigla na lang niyang naulinigan.
It was Georgette Manzano the attending neurosurgeon of Jane Doe. Kaibigan ito ng yumao niyang kasintahan at ninang nang kaisa-isang niyang anak na si Alyana. Hinarap niya ito at nginitian.
"She has no immediate family aside from you and I bet she's someone not from this town. Maaring dayo siya dito at hinahanap na siya kung saan 'mang bayan siya nakatira."
"Posible nga iyan. I'll call every town near this town to ask for a missing person there." Tumango lang si Georgette bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi.
"Will you give her home while looking for her family?"
"Maybe." Simple niyang sagot dito.
"Alyana will wonder who is she when you brought her home." Sambit pa nito sa kanya.
"My daughter is smart as her mother."
Iyon lang at nagpaalam na siya sa doktora. Kailangan niya pa sunduin ang anak niyang si Alyana sa school nito. Dalawang oras ang kailangan niyang imaneho mula sa bayan ng San Miguel hanggang sa Santa Luisa kung saan siya nakatira. Nagkataon lang na napadaan siya sa pinangyarihan ng aksidente at siya pa ang nakakuha kay Jane Doe.
Habang nagmamaneho, naisipan niyang ibukas ang radyo ng owner type jeep na minamaneho niya. A news flash regarding with Aurum Kingdom's missing Princess is currently playing. Hinayaan lamang niya iyon at hindi inintindi. Makalipas ang dalawang oras na biyahe ay narating na din niya ang eskwelahan na pinapasukan ni Alyana. Inihimpil niya iyon sa gilid at bumaba mula doon. Sinuot niya ang kanyang shades at matamang nilakad ang daan papunta sa gate.
"Daddy!" Sigaw na nagpangiti sa kanya.
Tumatakbong lumapit sa kanya ang anak. Niyakap siya nito saka pinugpog ng halik sa pisngi. "Binisita mo po ba yung babaeng tinulungan niyo ni lolo?" Nakwento dito ng tatay niya ang tungkol kay Jane Doe kagabi habang nakain sila ng hapunan. Na-curious si Alyana kaya nagpupumilit itong sumama sa kanya para makita ito sa ospital. Dahil may pasok sa school ay hindi siya pumayag.
"Can I visit her tomorrow? Wala naman po pasok sa school bukas. Wala din po ako assignments."
"Why do you want to see her?" tanong niya sa anak.
"Maybe if I talk to her she'll wake up from her deep sleep." Inosenteng sagot ni Alyana.
Alam naman niyang naghahanap lang ito ng mother figure. Maine, his wife died after giving birth to Alyana due to heart failure. Hindi sinabi sa kanya ng yumao niyang asawa na may sakit ito sa puso at hindi maaring magbuntis. Ang mamili sa pagitan ni Maine at Alyana ang pinaka-mahirap na desisyong nagawa niya. Lalo pa't pinipilit noon sa kanya ni Maine na piliin niya si Alyana.
"Lolo said also that she's pretty and maybe she can be my mom."
"What?"
"Its been a long years since mommy died and you need someone who will take care of you, daddy."
Ginulo niya ang buhok ng anak saka kinuha mula dito ang bag at bitbit na baunan. His daughter is really matured thinker. At kahit kailan hindi niya pinadama sa bata na nasaktan siya sa desisyong napili ni Maine noon. He knew what his daughter wants. Gusto lang nito nang isang kunpletong pamilya na may mommy itong matatawag.
"Can I come with you tomorrow, daddy?"
"Sure but promise me you'll behave, okay?"
"I'll promise that, daddy. Yehey!" anito saka humawak na sa kamay niya.
Nginitian niya ito bago nagsimulang maglakad papunta sa sasakyan niya. Madami pa'ng kwento ang anak niya at mukhang hindibito mauubusan kahit na kailan. Iyon lang ang libangan niya, ang makinig dito at sa mga kwento nitong tungkol sa mga kung ano anong bagay.