Nanganib ang buhay ni Violeta ng tanggapin niyang maging endorser ng Sweet Booster. Doon niya nakilala si Cenon—ang kanyang guwapong anghel. Hindi ito nagdalawang isip na tulungan siya hanggang sa naging maayos ang lahat. Agad nahulog ang loob niya sa binata. Pero may malaking problema. Matapos siya nitong tulungan, iniwasan siya nito. Naging pursigido siya hanggang sa napalambot niya ito. Sa huli, umamin ito sa kanya: naging loyal ito sa ex-fiancee nito dahil magmula ng mamatay iyon, tumira na ito sa sementeryo.
Pero handa na daw itong magsimula at nais siyang makasama. Agad siyang pumayag dahil mahal niya ito. Nagtiwala siya sa damdamin nito. Naging maayos ang lahat hanggang sa natuklasan niyang hindi pala siya dapat nagtiwala sa damdamin nito sa kanya.
Dahil sa huli, natuklasan niyang mahal pa rin ni Cenon ang namayapa nitong nobya…