webnovel

I SEE YOU

"Nadia Montalban ang pangalan niya. Twenty seven years old. Prostitute siya sa lugar na ito. Walang nakakaalam ng tinitirahan niya dahil wala siyang permanenteng tirahan." ani Jejomar habang binabasa ni Sierra ang mga impormasyon tungkol sa huling babaeng napagtanungan tungkol kay Inconnu isang linggo ng nakararaan.

Dahil kinutuban si Sierra sa babae, agad niya itong pinahanap kay Jejomar. May mga litrato ito sa folder, kasama ng mga ilang personal impormasyon nito pero ni isa doon ay hindi nito kasama si Inconnu.

Desperadong napahagod siya sa buhok. Nahilot niya ang sentido. Habang tumatagal, nai-stress na si Sierra. Gustong-gusto na niyang makita si Inconnu! Alam niyang mawawala lang ang ganoong negatibong damdamin oras na makita na niya ang lalaki.

"Walang nakakaalam kung nakakasama niya si Inconnu?" paniniyak niya.

Napabuntong hininga si Jejomar. "Wala ho. Pero huwag ho kayong mawalan ng pagasa. Hindi ako titigil. Hahanapin ko si Mr. Inconnu. Mga presinto ang pupuntahan ko ngayon. Magbabakasali akong may makitang impormasyon tungkol sa kanya," pangako nito.

Napatango na si Sierra. Kahit papaano ay nakahinga ng maluwag dahil nakasama niya si Jejomar. Nag-mental note siya na dadagdagan ang bayad dito oras na mahanap nito si Inconnu. Alam niyang napakahirap ng kanyang pinagagawa. Mahirap maghanap ng taong nagtatago at nagpapasalamat si Sierra dahil naging matyaga si Jejomar.

Saglit pa silang nagusap hanggang sa nagpaalam na ito. Siya naman ay naligo na. Kasalukuyan siyang naka-check in ngayon sa isang three star hotel. Kahit papaano ay maayos naman ang pasilidad doon. Hanggang ngayon kasi ay apektado din ang ibang mamahaling hotel sa Cebu kaya doon na siya tumuloy.

Habang nasa CR ay hindi pa rin maalis sa isip ni Sierra ang tungkol kay Nadia. Kinukutuban talaga siya sa babae. Nararamdaman niyang kilala nito si Inconnu. Ang mga reaksyon nito ang pinanghahawakan niya. Mukha itong guilty noon. Isa pa, bakit siya nito iniwasan agad kung wala itong alam kay Inconnu?

Muling kumabog ang dibdib ni Sierra. Dahil sa naisip ay naging solido ang desisyon niyang huwag tantanan ang babae. Matapos maligo ay lumabas na siya at muling nagpunta sa palengke. Ayon sa impormasyong ibinigay ni Jejomar kanina ay doon daw dumadaan madalas ang babae. Matao daw kasi ang lugar at madali itong makakuha ng customer doon.

Paikot-ikot siya sa palengke. Palinga-linga. Pinatalas niya ang pakiramdam at paningin. Maghahapon na noon. Siguradong anumang oras ay dadaan ang babae dahil na rin sa 'panggabi' nitong trabaho.

At napasinghap si Sierra ng mamataan ito. Nilapitan nito ang isang guwapong lalaking may hawak na cellphone, astang nagte-text. Nakatayo ang lalaki sa tabi ng nagtitinda ng bigas. Mukha itong disente. Puti ang suot na polo at slacks. Mukhang nilalandi na ito ni Nadia ng malapitan niya. Iyon nga lang, mukhang hindi iyon ikinatutuwa ng lalaki dahil nakasimangot na ito habang hinihimas ni Nadia ang braso.

"N-Nadia?" tawag niya.

Nakangisi itong nilingon siya at nawala ang ngiti nito ng makilala siya. Bigla itong namutla. Lalo siyang kinutuban sa reaksyon nito. Nasisiguro na ni Sierra na may kinalaman ito kay Inconnu!

"Nadia!" sigaw niya ng bigla itong tumakbo. Dahil sa pagkataranta, nagpaa na ito! Hindi na sinuot ang mataas na sandals! Palibhasa ay wala iyon hook kaya naging madali para dito na alisin iyon.

Gayunman, hinabol ni Sierra ang babae. Hindi na niya alintana ang mga taong nakakasalubong. Hindi niya ininda ang sakit ng katawan sa tuwing nasisiko at nasasagi siya. Walang ibang mahalaga kundi ang maabutan si Nadia! Lintik! Para itong pinaglihi sa palos! Hindi niya ito naabutan hanggang sa tuluyang nawala!

"Nadia!" sigaw niya. Wala na siyang pakialam kung umalingawngaw man ang boses niya buong palengke. Dahil sa lakas ng boses ay nakatawag siya ng pansin. Nagsipaglingunan ang mga tao sa kanya hanggang sa napasalampak na lang siya sa lupa dahil sa kawalang magawa...

Naiyak siya. Hindi niya rin napigilan. Ang bigat-bigat na kasi ang dibdib niya. Ilang minuto siyang umiiyak hanggang sa tumigas ang dibdib niya. Anuman ang dahilan ni Nadia kung bakit siya nito iniiwasan, malalaman din niya. Hindi niya ito titigilan! Kung ito lang ang nagiisang tao na magiging link niya kay Inconnu, pagtitiisan niya. Umaasa siyang darating ang araw ay makikita din niya ito.

Napatango siya sa naisip.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Kumusta? May balita ka na ba?" pigil hiningang tanong ni Sierra kay Jejomar. Hindi pa ito nakakaupo, iyon agad ang bungad niya. Palibhasa ay hindi na siya mapakali. Ni hindi na siya nakakatulog. Ramdam ni Sierra na nalalapit na ang pagtatagpo nila ni Inconnu.

Magmula ng huli silang magkita ni Nadia ay hindi na niya ito tinigilan. Iyon nga lang, tuluyan na itong naging mailap. Dahil doon ay humingi na siya ng tulong kay Jejomar. Sinabi niya ang lahat ng napansin sa babae at nangyari. Nag-decide silang dito mag-focus dahil na rin sa wala silang mabalitaan tungkol kay Inconnu sa mga presinto.

Nagpatuloy pa rin si Sierra sa pagmamatyag sa palengke. Gayunman, nitong huli ay hindi na nagagawi doon si Nadia. Mukhang nagiba ng puwesto dahil sa loob ng halos dalawang linggo ay hindi na ito nagpupunta doon. Kaya hindi na siya nakakatulog. Isip siya ng isip at dasal ng dasal na sana ay mahanap na rin ito ni Jejomar.

Isang mahabang buntong hininga ang sinagot ng lalaki bago naupo sa harapan niya. Hindi ito nagsalita kundi inilabas na lang ang isang folder mula sa attaché case na dala. Napalunok si Sierra ng iabot nito iyon sa kanya.

"I found out something," panimula nito habang binubuklat niya ang folder. Bumungad sa kanya ang ilang litrato at parang lumubog ang puso niya sa nakita...

"Nasundan ko si Nadia isang araw. Tama ka. Hindi na siya sa palengke nagpupunta kundi sa plaza na para mag-pick up ng customer. Pagkatapos nilang mag-check in sa isang pipitsuging inn, sinundan ko siya kung saan siya umuuwi. At iyang litratong iyan ay kuha sa isang maliit na aparment malapit sa kabisera. Kalilipat lang nila d'yan. Dati silang nakatira malapit sa palengke kaya doon mo sila madalas makita noon. Kasama niyang umuuwi ngayon doon si... Inconnu." seryosong paliwanag ni Jejomar kung papaano nito nakuhanan ang dalawa.

Hindi mapigilang maiyak ni Sierra. Sa loob ng ilang buwang paghahanap niya sa binata na punong-puno ng pagasa ang dibdib niya, iyon lang pala ang makikita niya. Magkayakap ang dalawa at magkahalikan! Limang litrato iyon. Iba-ibang anggulo pero tuluyang iyong nagpaguho ng mundo ni Sierra.

At doon ganap naintindihan ni Sierra ang lahat. Mukhang kilala siya ni Nadia dahil hindi siya nito iiwasan kung hindi. Ibig lang sabihin ay nasabi ni Inconnu sa babae ang tungkol sa kanya. Napalunok siya. Nanlulumo ang pakiramdam.

So hahayaan mo na lang silang dalawa? bulong ng isip ni Sierra. Naikuyom niya ang kamao dahil doon. Dama niya ang pait, ang sakit pero kahit nasasaktan, ayaw pa rin ng kalooban niya na hayaan sila. Kailangan ay magpaliwanag ni Inconnu sa kanya!

Karapatan niya iyon bilang babaeng nagmamahal dito. Oo at wala sila nitong usapang pormal. Oo at ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ay dahil lang sa deal pero kahit na. Mahal ni Sierra si Inconnu. Sobrang mahal niya kaya hayun siya, hinanap ito sa gitna ng peligro. Hindi naman siguro kalabisang maghanap siya ng kasagutan.

"Pupuntahan ko siya..." malamig na anas ni Sierra at pinunasan ang mga luha.

"Come again?" hindi makapaniwalang tanong ni Jejomar.

Determinado niya itong tinitigan. Alam niyang magmumukhang tanga siya kay Jejomar pero wala na siyang pakialam.Ang mahalaga, magkaharap na sila ni Inconnu. Once and for all ay malaman na niya ang totoo!

"Pupuntahan ko si Inconnu. Okay lang kung ako na lang ang pupunta." malamig niyang sagot.

Natigilan ito hanggang sa seryoso siyang tinitigan. "Sasamahan ko ho kayo doon. Hindi ligtas sa lugar nila. Balita ko, madalas magkaroon ng krimen doon. Mas magandang samahan kita,"

Tumango na siya. "Salamat. Tara?" aya niya. Tumango na rin ito at tuluyan na silang nagpunta kay Inconnu.

Halos thirty minutes din ang lumipas bago sila tuluyang nakarating sa lumang apartment. Napalunok si Sierra habang nakatanaw doon. Napahawak siya sa dibdib. Pakiramdam niya, sa ganoong paraan ay maawat niya ang pagwawala ng puso. Gusto na niyang batukan ang sarili dahil nasasaktan na nga siya sa natuklasan ay nandoon pa rin ang hindi maitagong pananabik na makita si Inconnu.

"Nasa itaas siya. Nasisiguro ko dahil nakabukas ang bintana nila." untag ni Jejomar.

Napalunok si Sierra at lalong kinabahan. Gayunman, tinatagan niya ang dibdib. Huminga siya ng malalim at lumabas. Inalalayan siya ni Jejomar makalabas ng taxi. Sinabayan siya maglakad hanggang sa gate ng apartment. Hanggang baywang lang nila iyon kaya naabot ni Jejomar ang lock at nabuksan. Ilang sandali pa ay nakapasok sila at kumatok sa pinto.

Parang nilamutak ang puso ni Sierra ng pumihit ang doorknob. Kinabahan siya habang dahan-dahan iyong bumubukas. Pakiramdam niya ay tumigil ang oras habang hinihintay niyang bumungad ang kunsinumang taong nasa likod ng pinto.

At biglang natulala si Sierra ng tuluyang nagbukas iyon at nakita niya si Inconnu—ang lalaking matagal ng laman ng isip niya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" malamig na tanong ni Inconnu matapos itong matulala katulad ni Sierra. Dahil sa pagkakalapit nila ni Inconnu ay hindi nakaligtas sa paningin ni Sierra ang malaking pagbabago nito. Una, hindi na dilaw ang mga mata ni Inconnu. Abuhin na ang mga mata nito at alam niyang mata na iyon ng isang normal na tao. Naalala niya ang sinabi ni Baldassare. Isang mortal na ito at siguradong isa sa mga nabago sa pisikal na anyo ni Inconnu ay ang mga mata nito. Gayunman, nasa mga mata pa rin nito ang pagiging wise at mapagobserba. Pansin niyang patingin-tingin ito kay Jejomar. Mailap din ang mga mata nito. Tila nakikiramdam sa lahat ng pagkakataon.

Hindi na rin ito nakasuot ng all dark suit. Simpleng sweat shirt at pantalon na lang ang suot nito. Bakas na ang kasimplehan pero hindi pa rin maitatago ang kaguwapuhan. Bahagyang pumayat na ito ito pero hindi pa rin iyon naging kabawasan sa kakisigan. He still possessed an intimidating aura and an overwhelming presence, making it hard for her to breathe.

Parang mayroong sadistang kamay ang pumisil sa puso ni Sierra dahil sa tono ni Inconnu. Para sa kanya ay matagal sila nitong nagkita. Dapat ay sabik sila sa isa't isa pero bakit ganoon? Parang nababalutan ito ng yelo ngayon sa kalamigan?

Ah, dahil ba iyon kay Nadia na nakatayo sa likuran nito ngayon? Halos walang suot na saplot ang babae. Isang roba na abot lang sa ibaba ng pangupo nito ang haba noon. Dahil doon ay nakita niya ang maganda, makinis at mapuputing hita nito. Doon din niya napansing kahit na walang make up ang babae ay maganda pa rin ito. Hindi na siya magtataka kung makakalimutan siya ni Inconnu...

Ang saklap. Parang kailan lang ay nababaliw itong makasama siya pero ngayon ay nawalan na talaga ito ng init at pananabik. Dapat na ba siyang sumuko? Dapat na ba siyang umalis?

Nanginig ang baba ni Sierra kakapigil maiyak dahil sa sobrang sama ng loob. Lumunok siya. Nalasahan niya ang pait ng puso. Pero napakapigil siya. Nandoon na siya kaya magkakaliwanagan na sila ni Inconnu!

"I'm here because I want to see you," pigil hiningang sagot ni Sierra. Pilit nagpapakahinahon sa gitna ng delubyong iyon. Lumunok siya bago ulit nagsalita. "P-Pinahanap kita dahil nabalitaan ko kay Baldassare—"

"You what?" nagiinit ang ulong putol nito. Tiim na tiim ang bagang.

Sa kabila ng pinakitang inis nito, pinanindigan na ni Sierra iyon. "I called a demon."

Napasinghap si Sierra nang haklitin ni Inconnu ang braso niya. Saglit siyang nakaramdam ng takot pero hindi siya nagpahalata. Sinalubong pa rin ni Sierra ang mga galit na titig ni Inconnu. "You know what? It is useless. So don't you dare do that again, you hear me?" mariing asik ni Inconnu.

Nagtiim ang bagang niya. "Nagtawag ako dahil gusto kitang makita. Dahil hindi ka nagpapakita, nagtawag ako ng ibang demon para humingi ng tulong. Si Baldassare ang lumabas. Ibinigay niya ang mga sagot na gusto kong marinig kaya nandito ako ngayon. At ngayon, ito ang makikita ko!" mariin din niyang sagot.

"Sierra—"

"Mahal kita kaya ko ito nagawa!" luhaang bulyaw niya saka marahas na inagaw ang kamay. Pare-pareho silang nagulat sa biglang sabog niya. Maging siya ay nagulat pero sa huli, minabuti niyang ituloy na ang pagsabog. Iyon na rin naman ang huling pagkakataong magkikita sila nito dahil tingin ni Sierra ay dapat na rin niyang itigil ang kahibangan kay Inconnu. Naghuhumiyaw na ang katotohanan. Hindi na iyon kailangang ipagduldulan pa ng paulit-ulit.

"I love you, Inconnu. Kahit buong mundo ang makalaban ko dahil sa pagmamahal na ito, mamahalin pa rin kita. Gagawin ko pa rin ang lahat para mapasaya at makasama ka. Mahal kita kahit alam kong niloko mo ako! Kahit hindi mo sinabi sa akin ang totoo tungkol kay Buer, mahal pa rin kita..." luhaang amin ni Sierra.

Mariing naipikit ni Inconnu ang mga mata at natutop ang noo. Nadurog ang puso ni Sierra sa nakikitang paghihirap ni Inconnu hanggang sa napabuga ito ng hangin at desperadong napaungol.

"I-I don't love you. Please, leave," hinihingal na taboy nito. Mukhang nagtitimpi rin na huwag sumabog.

"Inconnu..." hindi makapaniwalang anas ni Sierra. Ang sakit-sakit sa kaloobang marinig ang ganoong salita mula dito. Parang pinatay na siya!

"Magmula ng bumalik ako dito, malaki na ang nagbago. Nakilala ko si Nadia. Minahal ko siya sa igsi ng panahon—"

"No! Don't say that!" halos histerikal niyang sigaw. Hinding-hindi niya kayang marinig iyon. Umaasa pa rin siya na magbabago ito ng isip dahil nalaman nito ang tunay niyang saloobin dito.

"I love her so please! Umalis ka na at huwag babalik! Huwag mo kaming guluhin! And stop summoning demons, you hear me? Wala ng demon ang nakikipag-deal ngayon. Lahat ng demon na nakikipag-deal, patay na. Ang isa, kaharap mo. Kung may masa-summon kang demon, hindi na iyon makikipag-deal kundi kukuhanin na lang ang kaluluwa mo. So please, just stop there. Wala ka na rin namang magagawa. Kahit mag-summon ka ng isang batalyong demon, hindi mo ako makukuha. Hindi ako babalik sa'yo dahil walang demon ang makakapagpabago ng damdamin ko!"

"Inconnu!" luhaang bulalas niya.

"Can't you see? I tricked you. Hindi ko sinabi ang tungkol kay Buer. Ibig lang sabihin noon ay ginusto kitang lokohin!" giit nito saka napabuga ng hangin. "You know, just go now. Nakakagulo ka na!" mariin nitong taboy at isinara na ang pinto.

Luhaang napamaang si Sierra hanggang sa napahagulgol na sa mga palad. Pakiramdam niya ay tuluyan ng isinara ni Inconnu ang pinto nito para sa kanya. Sobrang sama noon sa dibdib. Parang mamatay na siya sa sobrang sama ng loob.

Hindi na niya alam kung ilang minuto na siyang pinatatahan ni Jejomar. Hindi maalis sa isip ni Sierra na pagkatapos na lang ng naging sakripisyo niya para kay Inconnu ay doon lang pala mauuwi ang lahat.

Tama ba ang daddy niya? She should have guarded her feelings? Damn it. The realization broke her heart all over again...

Bab berikutnya