webnovel

KABANATA 5

Sobrang cute ng uniform namin at kasyang kasya sa akin. Naku rarami na naman ang followers ko sa instagram kapag nag post ako ne---

Napatigil ako sa pagikot ikot sa harap ng salamin habang hawak ang skirt ko ng maalala kong kinuha pala ng matandang hukluban na yun ang cellphone ko. Aish!

Napapadyak ako sa inis.

"Aish!! hindi ako sanay na walang hawak na cellphone!!!"

Nagulo ko ang buhok saka biglang natigilan.

Kung sundan ko kaya yung matanda na yon at kunin cellphone ko? Hahahahahaha nyemas ka! Wala man lang pasabi na kukunin mo cp ko?! Patay ka sa akin mamaya. Kakasuhan kita ng stealing!

Tumawa tawa ako ng parang tanga saka ngumisi.

Inayos ko ulit ang buhok ko saka naglagay ng kaunting kolorete sa mukha. Naku, hindi na kailangan ng marami kasi maganda na ako. Kapag dinamihan ko edi lalo akong gaganda diba? Hahahahaha paano naman yung iba? Ayoko silang maungusan. Hohohoho

Kinuha ko rin ang lipgloss ko saka ibinulsa sa blazer kong bagay na bagay sa akin.

Bago ako lumabas sa kwarto ay tumingin muna ako sa salamin para tignan kung maayos na ba talaga mukha ko. Pagkatapos ay lumabas na rin ako.

Hindi na namin nakasabay pa si Claire dahil sa kabilang building ito. Hiwalay sa aming mga seniors. So ibig sabihin hindi ko makakasama si CL? Awwwww gusto ko pa naman sanang magkaroon kami ng girl time alam niyo yon? Yung bibili kami ng lipstick at make up. Tapos lalagyan namin yung isa't isa ahaha! Friendship goals! Hindi naman sa iniiwan ko itong si Rica pero tingin ko kasi sakanya parang hindi siya mahilig sa mga ganong stuffs. Ang tingin ko sakanya mahilig sa mga bakbakan, mga palabas na patayan , mga ganun!

Sumakay kami sa golf cart saka bumaba sa isang malaki na namang building ng mga seniors. Old style ang itsura ng building. Kulay tsokolate ang labas at talaga nga namang mapapanganga ka sa tangkad.

Maraming bintana sa labas na makikita at dito pa lang eh dinig na dinig na ang mga ingay na nagmumula sa loob ng classroom.

Pagpasok namin ay may malawak hallway ka pang madadaanan. Mayroon ring escalator at information desk. Sosyal! My kind of style. The interior and exterior design of this building are all based in Britain and Switzerland. Narinig ko kay daddy this school landed top 15 on the world's top boarding school in the world. Well, studying in an International boarding school is indeed amazing!

Ang sahig ay gawa sa marmol at nakatatak ang malaking symbol ng academy sa buong hallway.

Sa magkabilang banda ng information desk ay may elevator. Taray!

Pumasok kami sa elevator saka pinindot ang 5th floor. Ng makarating ay rumampa kami sa isa na namang hallway at nagdire diretso sa isang laboratory room. Okay? So lab pala agad ang first class namin?

Pagpasok namin ay tumayo ang ilan sa mga estudyante at nag bow.

"Omo omo! No need to bow tak----

"Goodmorning class!"

Eeehhkk!

Akala ko sakin sila nag bow. Letse may titser pala sa likod ko.

"Dito tayo sa harap haha"

"Ha? Wag ayoko diyan uy"

"Halika na! Wag mong sabihing takot ka umupo sa harap" nginisian niya ako. Wala na akong nagawa ng hilain ako ni Rica saka naupo sa harap sa tabi ng pinto. Ayokong umuupo dito eh. Grabe kasi tumitig ang mga guro sa mga estudyanteng nakaupo sa harap.

Ganito kasi ang seating arrangement.

Yung mga nakaupo sa harap ay mga achievers! Mga matatalino, masisipag. Okay magdagdag ako, mga sipsip. Sa middle row naman yun mga okay matatalino rin naman kaso nahaluan ng katamaran, nahaluan rin ng mga madadaldal na ang lalakas ng loob dumaldal kahit dumadaldal din ang guro.

Tapos sa likod ay yung mga daydreamer. Mga maiingay, basagulero. Kadalasana magjojowa, cheater, mga borlog king and queen.

Taas ako akong umupo at breast out. Properly seated habang nakatutok sila sa akin. Ahaha! Ganyan nga. Tignan niyo ang future Miss Universe!

"Looks like we have a new student here, would you mind introducing yourself miss?" Uhm mukhang mabait itong titser ah? Dahil diyan bet na kita.

"My pleasure Maam" Tinanguan naman niya ako na may kasamang ngiti.

Nag thumbs up pa sakin si Rica kahit na wala pa naman akong ginagawa.

Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa gitna kung saan may platform pa kaya naman kitang kita ako ng lahat. Pakiramdam ko kakandidato ako sa itsura ko ngayon. Shit lang!

"Good morning classmates, good morning maam. Standing in front of you is an 18 year old stunner all the way from Mexico. Totoong Mexico hindi Mexico, Pampanga. Doon ako nanirahan mula pa noong bata ako para sa mga hindi nakakaalam. My name is Fluer Echo Del Fuent. Be good to me po" Nag pout ako saka kumaway ng parang isang kandidata ng Miss Universe.

Isang masigabong palakpakan ang narinig ko at ilan sa mga lalake ay nakita ko pang tumayo habang patuloy paring pumapalakpak. Bakas sa kanilang mga mata na nagagandahan sila sa akin ahaha! Tse!

"Thank you Miss Del Fuent, you may take your seat" Tinanguan ko si maam habang patuloy parin kumakaway. Thank you! Thank you my people.

Pagkaupo ko ay ramdam ko parin na nakatitig sila sa akin kaya naman nag flip lang ako ng hair saka umayos ng upo.

"Alright students tama na ang kakatitig kay Miss Fluer. We all know she's pretty but you will not see the answer on her face. Listen! Bring out one half sheet of paper! Pop quiz!"

Nawala ang ngiti ko at napalitan ng simangot.

What the heck?!

Anong pop quiz?!

Aligaga kong nilingon si Rica na naglalabas na ng papel, kinalabit ko siya.

"Anong pop quiz pinagsasabi niya?"

"Ahehe nakalimutan kong sabihin sayo na bago mag umpisa ang klase ay nagpapaquiz si maam, sorry hindi ko naman kasi alam na kaklase pala kita nung nakuha mo yung schedule kahapon kaya hindi kita nasabihan" Nag peace sign siya sa harap ko. Agad na nangunot ang noo ko.

"Ha?!"

Napalakas ata ang boses ko dahil napatingin sa akin si maam na hindi ko pa alam ang pangalan kasi naman bago lang ako dito.

"Miss De Fuent what are you waiting for? Bring out your paper"

"Ahh hehe yes maam" Nakangiwi ako habang nilalabas ang papel ko sa bag. Shet! Anong isasagot ko dito? Ok lang ba siya? Alam ng bago lang ako dito tapos isasama ako sa quiz?

Nang mailabas ko ang papel at maisulat ang pangalan ay saka siya pumwesto sa gitna. Doon mismo sa platform.

"Cover your papers! Maawa kayo sa katabi niyo dahil puro maling sagot ang pinapakopya niyo. Ayaw niyo naman cigurong ipakopya ang mga mali niyong sagot diba? Number 1" Biglang naging strict ang tono ng boses niya.

Shit! Ito na talaga! Sana may masagot ako.

"What is the name of the branch of science that deals with the study of celestial objects?"

The heck?! IDENTIFICATION?! Pero scratch that, alam ko naman ang sagot diyan eh. Ahaha! Sinulat ko ang sagot saka tinakpan ito ng palad ko.

"Number 2, How many constellati---

Natigil sa pagtatanong si Maam ng bumukas ang pinto.

"Yes miss? How may I help you?" Tanong ni maam saka niya naglakad papalapit sa pinto. Naging matunog ang bawat hakbang ng takong niya.

Ako naman walang pakialam. Pinagmasdan ko ang mga kaklase ko at pati narin ang mga papel nila kung may nasagot ba sila.

"Do you belong in this class?"

"Yes maam"

"Let me see your schedule"

Umingay ang buong klase at parang nasa palengke na kami.

"Pst Rica, sana man lang sinabihan mo ako na mag qiquiz dito, hindi tuloy ako nag advance reading. Pakopya ka ah? Haha" Ani ko pero ang gaga hindi nakikinig. Nakatingin siya sa pinto kaya naman nilingon ko ito at talaga nga namang kuminang ang mata ko ng makita ko si CL!

Omo!

"Come inside" Maya maya ay pumasok silang dalawa ni maam.

Bab berikutnya