webnovel

Kabanata III (Gremoiah at Karshmarh)

[Kabanata 3]

Isa akong prinsesa, paano nangyari yon?

PAKI-EXPLAIN!

"Can anyone explain to me what is happening?!" Iritableng tanong ko sa harap ng tinawag nilang reyna.

"Kuya! Mama! Papa!"

"Ano ang nangyayari sa iyo anak?" tanong nang tinatawag nilang reyna.

"A-anak? N-nanay kita?" Nagtatakang tanong ko.

"Ano ba ang iyong tinuturan anak, ako ang iyong ina at siya ang iyong ama. Wala ka bang maalala?" Pagturo niya sa lalaking nakatayo sa harap naming nang sinabi niya na siya ang aking ama, at mangiyak ngiyak siya nang itanong niya sa akin kung wala ba akong naaalala.

No, they must've been joking, this can't be happening!

"Serafina nandito na ang mangagamot na si Lucian." Sabi ng tinatawag nilang hari na agad naman inilayo sa akin ang reyna.

Tinignan ko yung tinatawag nilang reyna na ngayon ay bakas sa mga mukha niya ang takot at pag aalala. Bigla naman pumasok ang isang matandang lalaki na balbas sarado, nakasuot ng simpleng kasuotan na kulay puti.

"Lucian! Tulungan mo kami, may masamang nararamdaman ang aming pinakamamahal na anak." Sabi ng reyna. Ako ba yung tinutukoy niya?

"Mayroon siyang mga itinuturan na hindi namin maintindihan, mayroon siyang tinatawag na hindi namin kilala. Hindi kaya ay nawawala na sa pag-iisip ang aming anak?" sabi naman ng tinawag nilang hari. Ako ba yon?!

Kinilabutan ako nang lahat sila ay tumingin sa akin habang nakaupo ako sa kama. Ok, so this is creepy.

Katapusan ko na ba? Mamamatay na ba ako? HELP!

Nakita ko naman na papalapit na sa akin ang tinatawag nilang mang gagamot na si Lucian. Oh no! He's giving me goosebumps.

Tinignan ko ang nagsabing mga magulang ko sila, seryoso lang silang nakatingin sa akin habang magka-yakap. Ang mga babae na may tela sa ulo ay nakatingin lang din saakin, maging ang mga dalagang may magagandang kasuotan. Ano nanaman ba to?!

Ayoko na!

"Wala siyang sakit." At tumigil ang lahat ng may marinig kaming boses mula sa pintuan. Lahat ng tao sa kwarto na ito ay napatingin sa direksyon ng nagsalita.

Maliit na babae lang siya, mas maliit lang siguro ng kaunti saakin. Nakalugay ang napaka haba niyang buhok na aabot hanggang sa kaniyang tuhod. Mayroon din siyang panapin sa ulo niya.

"Babaylan Elseth. Ang aki—"hindi na naituloy ng reyna ang sasabihin niya dahil naglakad natin siya sa akin. Babaylan? Hindi ba fortune teller yun, manghuhula sa tagalog? Nasa Quiapo ba ako?!

"Marahil ay dala lamang ito ng pagkakahilo niya kanina, at batid kong nagkaroon siya ng napaka samang panaginip na hanggang ngayon, ay hindi niya pa din matanggap. Marahil gawa ng mga tala." Paliwanag ng tinawag nilang babaylan.

If only you knew girl! Eto na yata ang pinaka masama na panaginip ko sa buong buhay ko.

"Maari niyo po ba kaming iwanan, ama. Mahal na hari, mahal na reyna. Mga binibini?" Pagkatapos ng sabi niya na iyon, ay nag bow naman sila maliban sa hari at reyna. Naglabasan na din ang lahat, at tanging ako at ang babaylan nalang ang nandito. So, great! I am stuck now with who they call a babaylan.

I must've been dreaming.

"Maligayang pagbabalik, prinsesa Cyndria." Tugon nang babaylan na nasa harapan ko.

"A-ano ba ang sinasabi mo diyan?! H-hindi ko maintindihan!" Gusto ko na umiyak, mababaliw na ako. Kung panaginip man ito, parang awa niyo na, mama, papa. Gisingin niyo na po ako. Sa di ko namalayan na pagkakataon, tumulo na ng tuluyan ang luha ko.

"Sa pagdanak ng dugo sa ilalim ng ulan, kasabay nito ay ang pag ulan ng mga tala." Dinig ko na sabi ng babaylan.

Hindi ko siya maintindihan.

"Naganap na ang nakatakda, tumingin ka sa iyong bintana." Nakatakda? Ano ba ang mga sinasabi niya?

Inalalayan niya ako upang maka-tayo at iniharap sa bintana. Meteor shower, yun ba ang sinasabi niya na pag ulan ng mga tala?

"Sa pagdanak ng dugo sa ilalim ng ulan, kasabay nito ay ang pag ulan ng mga tala. Sa pag ulan ng mga tala, kasabay nito ay ang pagbabalik sa nakaraan. Ikaw ang tinutukoy ng mga tala, Thalia, maligayang pagbabalik aming mahal na prinsesa Cyndria." Pagtapos niya sa kanina niyang sinabi kaya napalingon naman ako ulit sa kaniya.

T-TEKA, ALAM NIYA ANG PANGALAN KO!

"Alam mo ang totoong pangalan ko! So ibig sabihin panaginip ko lang ito?" Napatawa naman ako ng bahagya, pinaglalaruan nanaman ako ng utak ko.

"Alam ko ang lahat ng tungkol sa iyo, ako ang iyong babaylan. Nababasa ko ang lahat sa mga tala." Tugon ng babaylan na nasa harapan ko pa din hanggang ngayon.

T-teka nga.

Sa pagdanak ng dugo sa ilalim ng ulan, kasabay nito ay ang pag ulan ng mga tala.

Pagdanak ng dugo, ang alam ko may sumaksak sa akin bago kami magkita ni kuya, at umuulan din noon. Yun lang naaalala ko. Pagdilat ko naman ng mata ko, biglang nandito na ako. At may meteor shower.

Kasabay nito ay ang pag ulan ng mga tala.

Hindi kaya? Totoo lahat ng ito?!

"Kung kilala mo ako, nanaginip lang ako diba?" Tanong ko sa babaylan.

"Sa pagbalik mo sa nakaraan ay siyang pagtibok muli ng puso mo."

Pagtibok muli ng puso ko? Anong –

"Patay na ba ako?!" tanong ko sa babaylan. Hindi maari.

"Huwag ka mag-alala, nandito ako upang gabayan ka lagi. Gagabayan ka namin ng mga bituin, hanggang sa muling maganap ang inyong pagmamahalan. Sana sa pagkakataon na ito ay magkaroon na kayo ng magandang katapusan." Malalim na sabi ng babaylan, tinalikuran niya na ako para maglakad papalayo sa akin.

"A-anong pangalan mo? H-hindi mo naman sinagot ang tanong ko." Nakakainis na, wala naman siyang sinagot e. Hindi ko pa maintindihan ang sinasabi niya, tas lalayasan niya ako ngayon?

"Ako po si Elseth mahal na prinsesa. Buhay na buhay pa po kayo, magkikita pa po kayo ng iyong iniibig na tunay." Ngumiti lang siya sa akin at yumuko na bilang pag galang tsaka lumabas ng kwarto.

Napahinga nalang ako ng malalim pagbalik ko sa kama, so eto na ito. Wala na talaga ako magagawa, kundi ang ipagdasal nalang na sa pag gising ko bukas ay normal na ulit ang lahat.

**

Kinaumagahan, dahan dahan ko minulat ang mata ko, sa pagbabaka sakaling na normal na lahat. Laking pagka dismaya ko nga lang nung makita ko ang malaking bintana kung saan ko tinanaw ang meteor shower kagabi.

Nandito pa din ako.

Hayst. Tama nga siguro ang babaylan, sa pag ulan ng mga tala ay pag balik sa nakaraan. So, wala na ako magagawa kundi panindigan na ito. Sa mundo at panahong kinalakihan ko ako ay si Thalia Hermosa, at ngayon naman dito sa mundo at panahon kung nasaan ako, kung saan ay hindi ako nabibilang, ako ang kanilang prinsesa Cyndria.

Panindigan na ito.

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga, may nakita naman akong dalawang babae na nag aayos at iglang napayuko nung tumayo ako.

"Anong pangalan ninyo?" tanong ko sa dalawang babae. Isang may edad na at isang bata bata pa.

"Ako po si Ireliah mahal na prinsesa, at siya naman po ang aking anak na si Frea. Maraming salamat po talaga prinsesa dahil kami ang napili ninyo na maging alalay ninyo bukod sakanila binibining Ysmay at binibining Irithel at Lolita" Sambit ng babae na mejo may edad na.

So mag nanay pala sila, sino naman sina Irithel at Lolita?

"Wala po iyon." Tanging nasabi ko nalang. Wala e, hindi ko naman talaga sila kilala.

"Frea anak alalayan mon a ang prinsesa na maligo dalhin mon a ang mga damit niya at lilinisin ko na ang kwarto niya." Utos ni aling Ireliah sa anak niya, na agad naman sinunod nito.

"Mahal na prinsesa, tayo na po." Hiyang pag tawag sa akin ni Frea. Sumunod naman ako dahil hindi ko naman kabisado ito no!

Pumasok kami sa isang pinto na nasa loob lang din nang kwarto, sobrang laki ngkwarto na ito isang buong bungalow house na yata ito eh.

Napanganga ako nang makita ko ang paliguan ko. Makalumang makaluma siya, pero ohmy! Ang ganda ganda niya!

Tanging mga kandila lang ang nagbibigay liwanag sa buong banyo, mero naman sinag ng araw ngayonmula sa mataas na bintana. May mga barrel, siguro doon naka imbak ang tubig. May fire place din na nagdadagdag ng init. Pero, ang nagpamangha talaga sa akin ay ang bath tub. Oo tama, may bath tub, gawa siya sa kahoy, malalim ga-tuhod. Para lang siyang malaking barrel, at, mainit ang tubig.

Somehow, I am impressed. Napangiti nalang ako.

"Tutulungan ko na po kayo prinsesa." Nagulat ako nang bigla niya hinawakan ang damit ko. Napaatras ako kaya napabitaw din siya, at napayuko ng matagal.

"P-pasensiya na po prinsesa." Sambit niya habang nakayuko pa din, ang mga kamay niya na nakahalukipkip sa harapan niya, napansin ko naman na nanginginig ang mga ito.

Nilapitan ko si Frea at hinawakan ang mga kamay niya,halata pa sa kaniya ang pagkagulat.

"S-sorry- -este, patawadin mo ako, kung ikaw ay natakot ko. Hantayin mo nalang kaya ako sa labas, at doon mo ako tulungan magbihis mamaya?" Pagkumbinsi ko sa kaniya habang nakangiti, tumingin naman siya sa akin at nabakas sakaniyang mukha ang saya. Tumango lang siya at ngumiti, kinuha din niya ang damit na susuotin ko mamaya at lumabas.

Tinanggal ko na ang damit ko at naglublob. Walang sabon, pero ang napakabango ng tubig dahil sa sandamakmak na petals ng bulaklak ang nasa tubig. Malinit-inti din ang tubig kaya naman masarap magbabad, para kang nasa hot spring.

Ipinikit ko ang mga mata ko, kung totoo man ang sinabi ng babaylan kagabi, hindi ko man naiintindihan ng lubusan kung ano man ang ibig niyang sabihin o kung ano ba talaga ang purpose ng nangyayari sa akin ngayon dito, alam ko na kaylangan ko magampanan ng tama ang role ko sa kakaibang play na ito.

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng katok, "Prinsesa, ayos lang po ba kayo? Mahigit isang oras nap o kayo jan, papasok na po ako." Tawag ni Frea.

Mahigit isang oras?! Ano, nakatulog nanaman ako?!

"Ah—Ah, wag muna! Paahon palang ako." Sigaw ko para marinig niya, ano ba naman ang ginagawa mo Thalia.

Hindi kase ako confident sa katawan ko, dagdag pa yung balat ko sa batok.

Umahon na ako mula sa pagkaka ahon, ibinalot ko na sa katawan ko ang bath robe na puti. Nanginginig naman ako sa kabab ago lumabas. Bigla naman yumuko si Frea at si Aling Ireliah paglabas ko.

"Uhm—Ah—p-pwede bang t-tumalikod muna kayo habang nagbibihis ako? N-Nahihiya kasi ako e." utal-utal kong sambit, nakita ko naman na napasinghap sila at akmang titingin na saakin.

"HUWAG! H-huwag kayo mag alala, tatawag ako kapag kailanganin ko ang tulong niyo, please naman—este, m-maliwanag ba?" Juko lord, grabe ang kaba ko. Nakita ko naman na tumango tango sila bilang pagsang-ayon at tumalikod na.

Agad kong kinuha ang damit ko, paano ba ito isuot?

Una kong kinuha ang undies tsaka sinuot ito, medyo hindi kumportable. Sunod ay ang corset, hanggang dibdib ito, so eto pala ang nag iipit para kunwari malaki ang hinaharap, OMG! Mabuti nalang at nasa harap ang tali na pang higpit, kaya ko na kahit ako lang, huling huli ay ang gown. Makintab ito at madulas, kulay pink siya at may puti naman sa bandang leeg at wrist. Sinuot ko na ito, fit siya sa akin sa upper body ko, habang ang palda naman ay medyo palobo at may pa-lukot lukot effect pa. Napakagada niya.

"Tapos na po ba kayo prinsesa?" tanong ni aling Ireliah.

"Opo, tapos na po ako magbihis." Sambit ko habang nakatingin pa din sa sarili, good lord, ang ganda ko.

Humarap na sila sa akin at agad akong nilapitan. Pinaupo na ako ni Frea para maayusan.

"Mag-madali ka anak, anong oras na. Baka nasa hapag kainan na ang hari at reyna." Utos ni aling Ireliah sa anak niya.

"Napaka ganda niyo po talaga mahal na prinsesa, ang mga kulot niyo na buhok, na siyang nagbibigay lalo ng kaiibamong ganda." Sambit ni Frea habang sinusuklay niya ang buhok ko. Hinayaan lang niya na nakalugay ang buhok ko, kumuha lang siya ng kapiraso sa kabilaang gilid upang itrintas ito.

Ang nakakamangha dito ay ang make-up nila. Ang eyeshadow at eyeliner na itim ay galling sa uling, ang blush on at lipstick ay galling sa atsuete at katas ng bulaklak kulay pula. Oh my! Ayoko naman malagay sa akin ang mga yun, wala na nga sabon ditto magdudumi pa ako.

Tinignan ako ni Frea. "Lubhang nakakainggit at nakakabighani ang taglay ninyong ganda mahal na prinsesa, hindi niyo na kailangan ang mga pangkulay na ito para sa inyong mukha. Ang inyong kilay ay natural na maganda ang pagkaka ayos, ang inyong pisngi at labi ay kulay rosas. Kung ako man ay magkaka-anak, sana ay kasing ganda mo po."

Napangiti nalang ako sa pagpuri ni Frea, all my life I considered myself as 'wala lang, panget, at typical na babae.' Never in my life akong nakarinig ng pagpuri.

"Maari na po tayong bumaba mahal na prinsesa." Sabi ni aling Ireliah, at pinapili na ako ng sapatos, what I really like here, is yung mga shoes hindi siya high heels. Pinili ko ang pink na sapatos, terno sa gown ko.

At sabay-sabay na kaming lumabas ng kwarto.

"Sa wakas! Cyndria anak napaka tagal mo naman mag-ayos." Salubong sa akin ni reyna Serafina, ang aking ina sa panahon na ito. Sweet pa din naman kase niyakap niya ako at inalalayan umupo.

"Napakaganda talagang aking anak, hindi ba Althous?" tanong niya sa hari, na siya naman ama ko sa panahon na ito.

Tumingin kami pareho sa kaniya at parehing naghahantay ng kaniyang sagot.

Ngumiti lang siya, "Oo naman. Maswerte ang Gremoia at Karshmarh dahil magkakaroon sila ng napaka gandang reyna balang araw." Sambit niya. OMG! Magiging reyna pa ako?!

"Oo nga pala Cyndria, maghanda ka dahil pupunta tayo papuntang Karshmarh. Upang makilala ang mapapangasawa mo at panandalian kang manirahan doon." Tugon pa ni ama.

PFFT.

Walang pakundangan kong naibuga ang kinakain ko, na ikinagulat naman ng lahat. Sorry na walang poise e!

Tama ba narinig ko? Mapapangasawa?! Maninirahan panandalian doon?! What the heck?!

Bab berikutnya