"She's really a slut!"
Halos maggiyagis ang ngipin ni Liyah habang pinagmamasdan ang larawan ni Eyna kasama si Florence Cerudo. Hindi ang mga kaibigan nitong babae ang kasama nito sa Phuket kundi si Florence.
"Matagal na siyang gusto nito Florence. Ayaw lang ng parents ni Eyna sa kanya. At ngayong kasal na si Eyna at nawalan na ng hold kay Eyna, magagawa na nila ang kahit anong gusto nila. Alam mo ba na binili rin ni Florence ang gustong beach house ni Eyna sa Phuket at iniregalo dito?"
Gusto niyang maiyak sa matinding sama ng loob. Nasa isang sulok sila ng restaurant sa Siam Polo Park. Hindi siya makaiyak dahil baka may makakita sa kanila. Subalit masamang-masama ang loob niya.
"The bitch is doing it for money! Ni hindi niya naisip na mahal na mahal siya ng kuya ko at ito ang igaganti niya."
"May mga babae na walang pakialam sa estado nila basta magkapera lang o kaya sumikat. At marami akong nakilalang katulad nila dito sa Bangkok. Siguro kaya pinakasalan niya si Elvin dahil alam niyang maraming pera."
"My brother wants to save up for the future. Pangarap nga ninyong magtayo ng sarili ninyong polo farm, hindi ba?"
"Pero masyadong maluho si Eyna. At ang hindi maibigay sa kanya ng asawa niya, hahanapin niya sa iba."
Nakuyom niya ang palad niya. "Kailangang malaman ito ni Kuya Elvin!"
"Anong dapat kong malaman?" untag ni Elvin sa kanila.
"K-Kuya!" gulat niyang bulalas.
"A-Andiyan ka pala, pare," wika ni Thyago.
Di nila alam ang gagawin dahil hindi pa naman sila handang sabihin kay Elvin ang totoo. Gusto pa sana nilang makahanap ng mas matibay na ebidensiya bago sabihin dito.
"O, bakit parang putlang-putla kayo. Ano ba ang kailangan kong malaman?" Dumako ang tingin nito sa nakakalat na pictures sa table. "Ano iyan?"
"Kuya, ano…"
Bago pa nila ito napigilan ay dumampot ito ng isang picture. Naningkit ang mga mata nito. Nakuha nito ang picture na naglalakad habang magkahawak-kamay si Eyna at si Florence sa beach.
Naningkit ang mata nito at tiningnan ang iba pang pictures. There was disbelief in his eyes. "Anong ibig sabihin nito?" pasigaw nitong tanong.
"Sweetheart, what's wrong?" tanong ni Eyna na naroon din pala. Mukhang magkasama itong magla-lunch at ang kapatid niya.
Halos malukot ang picture na hawak ni Elvin sa tindi ng galit nito. "Anong ibig sabihin ng mga pictures na ito?" At galit na hinarap si Eyna.
Namutla rin si Eyna nang makita. "H-Hindi ko alam."
"Akala ko ba mga kaibigan mo ang kasama mo sa Phuket?"
"Oo. Nagkataon lang na nagkita kami ni Florence doon dahil may beach house din siya. Hindi ko alam kung bakit pictures lang namin na magkasama ang nandito. Pinagbibintangan mo ba ako na nagtataksil sa iyo?"
"Hindi ba niloloko mo naman talaga ang kapatid mo?" aniyang di na napigilan na sumingit. "Kitang-kita naman sa ebidensiya."
"Matagal na kaming magkakilala ni Florence pero di ibig sabihin may ginagawa kaming masama," protesta ni Eyna. "Masyado lang silang malisyoso para isipin na may relasyon kami. You know that I love you, Elvin."
"Mamahalin mo pa rin ba ang kapatid ko kahit na wala na siyang pera at hindi na niya maibibigay ang luho mo? Sigurado ka na hindi mo siya iiwan para kay Florence Cerudo na mas hamak na mas maraming pera?" tanong niya.
Mangiyak-ngiyak siyang hinarap ni Eyna. "Bakit ginagawa mo ito sa akin, Liyah? Bakit gusto mong maghiwalay kami ng kapatid mo?"
"Because you don't deserve my brother." Those tears irritated her. "Huwag mo na kaming paikutin dahil alam na namin ang kulay mo."
Humagulgol ito ng iyak. "Why are you hurting me? Alam ko naman na hindi mo ako gusto, Liyah. Pero bakit hindi mo kami patahimikin ni Elvin. Sinusubukan ko naman na maging mabuting asawa sa kanya."
"Eyna, be fair! Nandito na ang lahat ng ebidensiya. Niloloko mo ang kaibigan ko," anang si Thyago na hindi na rin nakapagtimpi.
Sa gulat nila ay sinugod ni Eyna si Thyago. "I hate you! I hate you!"
"Eyna, ano ba ang nangyayari sa iyo?" anang si Elvin at pinigilan ito.
"Hindi mo ba nakikita, Elvin? Magkasabwat sila para paghiwalayin tayo. Your sister wants to get rid of me. Nagseselos siya sa atensiyon at pagmamahal na ibinibigay mo sa akin. Habang hindi naman matanggap ni Thyago na mas pinili kita kaysa sa kanya," bintang ni Eyna.
Nanlaki ang mata niya. "No! That is not true!"
Nakuyom ni Elvin ang palad. "May gusto ka pa rin sa asawa ko?"
Itinaas ni Thyago ang mga palad. "Elvin, hindi ko gagawin ang sinasabi niya. We went out once and that was as far as we went. At kahit kailan hindi kita tatraidurin para lang sa babae."
"Ang sabi mo hindi ka papayag na mapunta ako sa iba. Na gagawa ka ng paraan para bumalik ako sa iyo. Kaya ganito ang ginagawa mo sa amin ni Elvin. Kahit kailan hinding-hindi kita mamahalin," bulalas ni Eyna.
"What?" di makapaniwalang usal ni Thyago.
Nagulat sila nang lumipad ang nakakuyom na kamao ni Thyago at tumama sa panga nito. Bumagsak si Thyago at mabilis niya itong dinuguan. Nagimbal siya nang makita niyang dumudugo ang gilid ng labi nito. Mabilis naman na umawat ang mga tao sa paligid dahil gusto pa ring sumugod ni Elvin.
"Kuya, bakit ginawa mo iyon?" sigaw niya.
Dinuro sila ni Elvin. "Pinagkakatiwalaan ko kayong dalawa. Pagkatapos ganito pa ang gagawin ninyo sa akin?"
"Mas pinaniniwalaan mo pa rin siya kaysa sa amin?" di makapaniwala niyang wika. "Hindi naman nagsisinungaling ang mga pictures, ah!"
"Walang dahilan si Eyna para lokohin ako," mariing wika ni Elvin. "Habang gusto ninyong sirain ang kaligayahan ko."
"Hindi ka magiging masaya habang kasama mo ang babaeng iyan, Kuya! Bakit hindi mo buksan ang mga mata mo?" Ni hindi man lang nito naisip ang pagmamalasakit niya dito. Sila pa ang nabaligtad at lumalabas na masama.
"She is my wife!" Mahigpit na niyakap ni Elvin si Eyna. "At poprotektahan ko siya mula sa inyo. I won't allow you to hurt her.Siya ang pinaka-importante sa akin."
"You are crazy, Elvin!" bulalas ni Thyago at nagpilit na tumayo.
"Shut up! Ayoko nang makita ka pa kahit kailan. Traidor kang kaibigan." Nilingon siya ni Elvin. "And you are leaving my house, Liyah."
Isang malaking bato ang dumagan sa didbib niya. Pinapaalis na siya ng kapatid niya sa bahay nila at sa buhay nito. "W-Wala akong kasalanan, Kuya."
Gusto lang naman niyang tigilan na ng asawa nito ang panloloko dito. Her brother was living in a dream without knowing that it was really a nightmare. Tuluyan na itong nabulag sa pagmamahal nito at walang kinikilala.
"Let's go, Liyah!" Hinila siya ni Thyago palayo. "Wala nang nakilala ang kapatid mo kundi ang babaeng iyon."
NAKAPLAKDA si Liyah sa kama. Natuya na ang luha sa pisngi niya habang nakatitig sa eleganteng kisame ng hotel na tinutuluyan niya. Ilang oras na mula nang umalis siya ng bahay bitbit ang ilang piraso ng damit niya. Hindi naman niya kayang hakutin ang lahat ng gamit niya pero babalikan din niya iyon kapag may tiyak nang plano.
Nag-ring ang doorbell. Hindi naman siguro iyon ang hotel staff. At isang tao lang ang sinabihan niya kung nasaan niya. Si Thyago.
Dali-dali niyang binuksan ang pinto. "Liyah!" Niyakap siya nito. "Are you okay? Nag-alala ako dahil di mo agad sinabi kung nasaan ka."
"Umalis na ako sa bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ayoko na munang makita si Kuya." Sabi niya ay di na siya iiyak subalit napaiyak siya nang maramdaman ang mainit na yakap nito.
Si Thyago na lang ang kakampi niya nang mga oras na iyon mula nang talikuran siya ng kapatid niya. Dahil tulad niya ay naging biktima din ito ng pagpili ng kapatid niya kay Eyna at paniniwala sa kasinungalingan ng babae.
"Kaya mo bang mag-isa, Liyah?"
Tumango siya. "Gusto ko na ngang kumuha ng apartment. Kung tutuusin kaya ko naman talagang mag-isa. Ako pa nga ang nag-aalaga kay Kuya."
"Mas gusto mo ba talagang lumayo sa kanya?"
Huminga siya nang malalim. "Kakayanin ko. To be accused of being a liar was too much. Di ko matatagalan na manatili sa isang lugar habang sinungaling ang tingin niya sa akin. Magsama sila ng asawa niya."
Napakagaling talagang magpaikot ni Eyna. Sila pa ni Thyago ang nabaligtad ngayon. Sila pa ang masama. Sayang lang ang pagmamalasakit nila.
Mahigpit na hinawakan ni Thyago ang kamay niya. "Liyah, I am leaving Thailand soon. Tinapos ko na ang kontrata ko sa King Power."
"What? Aalis ka na?" Nangilid ang luha niya. Akala niya ay kaya na niyang mag-isa. Pero di niya kaya na mawala rin si Thyago sa buhay niya. Ito na lang ang nag-iisang naniniwala na di siya sinungaling.
"Magkikita lang kami ng kapatid mo dito. Masisira ang diskarte ng team dahil sa differences namin. And I don't want to hurt him anymore."
Niyakap niya ito nang mahigpit. She didn't want to let go. "P-Paano na ako? Ikaw na lang ang inaasahan kong kakampi." She didn't know how to survive now.
"Gusto mo bang sumama sa akin?"
Inangat niya ang tingin. "Saan?"
"Stallion Riding Club."
---
Gusto mo bang mabasa ang iba pang Stallion Boys in print with signature and other PHR books? Order here:
Facebook: My Precious Treasures
Shopee: www.shopee.ph/sofiaphr