"Nandito ako!" sigaw niya habang nakahawak sa lubid na tali.
Namaywang ito sa kabilang dulo ng tulay. "Bumalik ka na dito. Malapit nang umulan. Mahihirapan kang bumalik mamaya dahil madulas. Saka wala kang masisilungan diyan. Di pa naaayos ang silungan diyan."
Tumingala siya. Anumang oras ay baka bumagsak ang ulan. Nagsimula na siyang maglakad pabalik. Nasa gitna na siya ng hanging bridge nang marinig niyang palakas na palakas ang langitngit ng tulay. Parang pababa din siya nang pababa. Ramdam niya ang tensiyon sa bawat hakbang niya.
"Gianpaolo, babagsak ang tulay!" sigaw niya.
"What?" bulalas nito. "Huwag kang mag-panic! Relax!"
She didn't have time to relax. Bilisan niya ang paglakad niya. Bawat hakbang ay nararamdaman niyang may posibilidad na mabuhay pa siya. Maaring paranoid siya. Kung makatawid man siya sa tulay at di iyon bumagsak, walang problema. Pero kung bumagsak ang tulay kasama siya, isa iyong malaking problema.
"Dafhny, huwag kang magmadali."
Ilang hakbang na lang siya sa kay Gianpaolo nang tuluyang bumagsak ang tulay. Tumili siya at maagap na kumapit sa lubid na tatangnan ng tulay. Umuga-uga iyon. Nanlaki ang ulo niya nang makita ang matarik na bangin na babagsakan niya.
"Dafhny, hold on!"
"Gianpaolo," mangiyak-ngiyak niyang usal. Ayaw na niyang magtagal pa doon. Hindi siya makakatagal na humawak sa lubid. Nananakit ang kamay niya.
"Huwag kang bibitaw!" mariing wika ni Gianpaolo at pilit na hinila ang tubid na kinakapitan niya. Itinapak niya ang paa sa gilid ng stone cliff para makaakyat.
Inilahad ni Gianpaolo ang palad nang abot-kamay na niya ito. Mahigpit siyang kumapit at ubod-lakas siya nitong hinila para makasampa siya.
Napaiyak siya sa pinagsamang takot at relief. Napakalapit na niya sa kamatayan. Akala niya ay hindi na siya mabubuhay.
Niyakap siya nang mahigpit ni Gianpaolo. Nakasalampak sila pareho sa lupa. Walang sinuman ang gustong bumangon. Sa palagay niya ay nanghihina rin ito katulad niya. "Hush now, Dafhny. You are safe now."
Patuloy siyang umiyak habang yakap nito. She was glad that he was there. At wala siyang ibang nais nang mga oras na iyon kundi ang manatili sa bisig nito.
"MAY kalumaan na ang tulay pero akala ko safe na daanan iyon. Looks like I miscalculated it. I'm sorry, Dafhny. Hindi ko alam na mapapahamak ka dahil sa kapalpakan ko," hinging-paumanhin ni Rudolph.
Nakaupo siya sa kama sa kuwarto siya at halos lahat ng kasamahan niya ay naroon para tingnan ang kalagayan niya. Buhat siya ni Gianpaolo pabalik sa Casa Rojo. Nang makita sila isa sa mga tauhan ay saka sinabi ni Gianpaolo na bumagsak ang hanging bridge.
Hawak niya ang mainit na kape. Hindi pa siya lubusang nakakabawi dahil naroon pa rin ang trauma. Ramdam niya iyon sa hawak na mug ng kape. Nanginginig pa kamay niya. "It is not your fault. Di mo naman gustong mangyari ang aksidente," aniya at pilit na ngumiti para mabawasan ang guilt nito.
"Buti na lang nandoon si Soulmate. Nakakatakot yata iyon!" sabi ni Arneth.
Nasa tabi lang niya si Gianpaolo. Nakaakbay ito sa kanya o kaya ay nakahawak sa kamay niya. Ayaw siya nitong iwan. Utang niya dito ang buhay niya.
"Gagawa na ba kayo ng bagong tulay?" tanong ni Gianpaolo.
"Oo. Di lang bagong tulay ang dapat naming ilagay. Maraming parte ang dapat ding lagyan ng safety barrier para sa kaligtasan ng lahat. Alam ko na gusto mong I-maintain ang natural na ganda dito pero importante na maging ligtas ang mga nandito," wika ni Rudolph.
"Gusto ko pa ring paimbestigahan ang nangyari," giit ni Gianpaolo. "Di ako titigil hangga't di ko natitiyak na di sinabotahe ang tulay."
"Iyan din ang gusto kong mangyari," sang-ayon ni Roland. "Hindi ko mapapatawad ang sinumang gustong manakit kay Dafhny."
Ipinikit niya ang mata at sumandal. "Gusto ko nang magpahinga."
Matapos magpaalam sa kanya ang lahat ay silang dalawa na lang ni Gianpaolo ang naiwan. Inayos nito ang kumot niya. "Gusto mo ba na iwan na kita paa makapagpahinga ka na?"
Dumilat siya at hinawakan ang kamay nito. "Dito ka lang sa tabi ko."
Umupo ito sa tabi niya at kinabig ang balikat niya. "Then I won't let you go. Ayoko rin naman na mawala sa tabi mo. Kahit na saan ka pa pumunta, di kita iiwan. Ayokong mawawala ka sa paningin ko kahit na magalit ka pa sa akin."
"Hindi ako magagalit sa iyo. I owe you my life." She let out a weak smile but it was the best she could do. "Kung wala ka kanina, baka patay na ako. Mawawalan na ako ng lakas ng loob na lumaban para sa buhay ko."
Hinalikan nito ang kamay niya. May benda iyon dahil nasugatan sa paghawak niya sa lubid. "Pakiramdam ko kanina ako rin ang nakabingit sa bangin. Kahit na nasa lupa ang paa ko, hawak ko naman ang buhay mo. I was so scared that I'd lose you. Mababaliw ako kapag nawala ka."
Nangilid ang luha sa mata niya. sanay siyang nagtutuksuhan sila nito. Pero nang mga oras na iyon ay parang siya ang pinaka-importanteng tao sa buhay nito. "I won't die yet. Ngayon pa lang ako nagiging masaya kasama ka."
Di ito nagsalita subalit niyakap lang siya nang mahigpit. "Hindi na ako papayag na maulit ito. I promised to protect you. I won't fail anymore."
Nakadama siya ng kapanatagan nang ipikit niya ang mga mata. She felt so safe as if she didn't cheat death a while ago. Alam kasi niya na habang nasa tabi niya si Gianpaolo, mananatili siyang ligtas.
---
What do you think of this chapter?
Please don't forget to give review, spirit coins and gifts to show your appreciation.