Sabagay. Mas matinding gulo kung ibang lalaki ang makakita kay Tamara.
"Maliligo ako. Magbantay ka kung gusto mo. Titigan mo ako kung gusto mo basta huwag kang lalapit sa akin. Huwag ka ring magsasalita."
Iisipin na lang niya na walang ibang tao doon maliban sa kanya. Pero kaya ba niyang magpanggap kung nararamdaman niya ang init ng mata nito sa katawan niya? And she couldn't betray the steady beat of her heart either.
"Tumalikod ka na! Aahon na ako!" utos niya dito.
"So modest! My virgin wife. Magkunwari ka na lang na di mo ako nakikita tulad ng ginawa mo kanina," panunudyo nito.
"Reid!" iritado niyang saway dito.
Ibinuka nito ang tuwalya. "Umahon ka na diyan. Kapag nagkasakit ka, tayong dalawa ang magse-share sa isang tent," banta nito.
Mabilis siyang umahon at pumaloob sa tuwalya. "T-Thank you," aniya sa nanginginig na boses. Mas malamig na kasi nang umahon siya.
Ibinalot nito ang tuwalya sa katawan niya. "Next time, I won't allow you to bathe like this. Unless I hire a secluded place for us."
"Yes," masunurin niyang sagot.
She must be nuts. Bakit siya sumasang-ayon na lang dito? Hinipnotismo na naman ba siya nito? O manhid lang ang utak niya sa sobrang lamig?
He nuzzled her hair. "I miss you, Tamara."
"I miss… don't miss you!" biglang bawi niya at humakbang paurong. "Reid, hindi na ako babalik sa iyo." Lalo na kung mali ang dahilan.
Bumagsak ang mga kamay nito. "Hindi na kita pipilitin."
It was unlikely of Reid not to argue at all. Parang hindi ito ang Reid na kilala niya na walang balak na magpatalo kahit na sa maliliit na bagay. Sa halip tuloy na magalit siya, parang lumalambot ang puso niya.
"B-Babalik na ako sa tent ko," wika niya. Subalit parang ayaw namang humakbang ng paa niya palayo dito. Deep in her heart, she knew that the best place on earth was beside him.
"Maliligo rin pala ako," parang nanghaharuyo pa nitong anunsiyo.
Her whole body stiffened. "M-Maliligo ka?"
Nakatulala siya dito habang tinatanggal nito ang saplot sa katawan. He was doing it with so much ease. Anong sinabi ng mga strip teasers sa mga gay bar? He was a natural. Parang sa hot spring siya nagbabad bigla at di sa malamig na ilog.
Nilingon siya nito. "Gusto mo rin akong bantayan?"
"Ha? Bakit naman kita babantayan?" naguguluhan niyang tanong.
"Baka may babaeng makinood. Ikaw lang naman ang may karapatan na makakita sa akin habang naliligo ako," wika nito habang lumulubog sa tubig.
"Kung natatakot kang may makakita sa iyo, babantayan kita." Tumalikod siya. "Pero hindi ako titingin."
Nakagat niya ang labi. Ano pa bang ginagawa doon kung ayaw talaga niya itong makita? At kung di naman siya aalis doon, bakit kailangan pa niyang tumalikod? Di ba dapat ay mag-enjoy na lang siya sa view?
Napakaganda ng katawan ni Reid. Bakit niya ipagkakait sa sarili niya?
"Huwag ka nang mahiya, Tamara."
Naipadyak niya ang paa sa sobrang frustration. She was tempted. So tempted to look and appreciate and drool. Whew!
"No, thanks! I am not interested with your body."
"Talaga?" paniniyak nito.
Bahagya siyang lumingon. "Sawa na ako diyan."
"Even if I kiss you?"
Nag-panic siya nang marinig ang labusaw ng tubig. Ibig sabihin ay umaahon na ito. Baka nga halikan siya nito. Kanina ay malakas pa ang loob niya dahil may nakapagitan sa kanila. Kaya pa niyang panghawakan ang sarili niya.
Oras na hawakan siya nito o halikan, alam na niya ang susunod na mangyayari. Magiging sunud-sunuran na siya sa gusto nito. Ano nang gagawin niya?
Itinaas niya ang isang kamay. "Huwag kang lalapit. Diyan ka lang!" aniya habang dahan-dahang umuurong.
"What are you afraid of, Tamara? Alam mo namang wala akong gagawin sa iyo na di mo nagugustuhan."
Hinagip ng kamay niya ang damit nitong naiwan sa batuhan. "Kapag lumapit ka sa akin, itatapon ko ito sa ilog."
Namaywang si Reid at humalakhak. His nakedness was kissed by the faint moonlight. Parang isa itong sinaunang diyos ng mga katutubo na bumaba sa lupa para akitin ang mga mortal na tulad niya.
"My hypocrite wife. Sa bibig mo na mismo nanggaling na gusto mo nga akong makitang walang damit. Ikaw pa mismo ang magtatapon ng damit ko sa ilog para matiyak na wala akong isusuot."
"That's not what I…." Di niya alam kung paano magpapaliwanag. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa hawak na damit nito at dito mismo. Binitiwan niya ang damit na parang napaso. "Magbihis ka na nga!"
Saka siya nagtatakbo palayo habang pulang-pula ang mukha. Habol niya ang hininga nang makarating sa tent nila ni Shiela. Nahihimbing na ito sa pagtulog kaya di nito naramdaman ang pagdating niya.
Hanggang kailan siya tatakbo? Hanggang kailan siya iiwas? Darating ang panahon na wala na siyang susulingan. Siya na mismo ang lalapit dito.
HANGANG-HANGA si Tamara at ang iba pa habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa harap nila. Nasa lugar sila na tinatawag na Maburaho kung saan matatagpuan ang wild horse sanctuary.
May maliit iyong lawa na itinuturing na sagrado ng mga katutubong Aringan na nakatira sa di kalayuan. Berdeng-berde ang mga damo sa paligid. Halos pantay ang mga iyon na parang alagang-alaga. It was picture perfect.
"Ito ang Lake Monandra," wika ni Jin. "Tahimik dito dahil pinangangalagaan ito ng tribong Aringan. Naniniwala sila na ang mga kabayo ay may mataas na uri ng ispiritwal na kapangyarihan."
"Katulad sa paniniwala ng mga Native Americans?" tanong niya.
"Tama. Kaya naging sagrado ang lawang iyan dahil diyan umiinom ang mga kabayo. Pero nag-aalala kami dahil nitong nagdaang mga taon, padalang nang padalang nang makita ang mga kabayo sa lugar na ito," paliwanag ni Jin. "Kaya kung magkakaroon ng pag-aaral ang mga eksperto at makikita namin ang problema, baka sakaling makatulong ang mga matataas na opisyal sa amin."
"Gusto talaga naming makatulong," wika ni Kadji. "Kailanga nating ipreserba ang kalikasan para sa susunod na henerasyon."
"Madalang ang mga wild horses dito sa Pilipinas," wika naman ni Reid. "Kahit pa sa malalaking bansa tulad ng US, nanganganib sila. They are slaughtered."
Hindi lang pala basta tungkol sa pagkita ng pera ang alam ni Reid. Bukas din ang isipan nito sa mga panganib na hinaharap ng mga kabayo.
"Dadaan muna tayo sa Aringan para humingi ng permiso. Ancestral domain nila ang lupaing ito. Kaya bago tayo mag-document ng kahit ano, kailangan muna nating magpaalam sa kanila," paliwanag ni Jin.
Kumapit si Shiela sa braso nito. "Hindi ba sila namumugot ng ulo."
"Mga sibilisado silang tao. Iba man ang suot nila o pananalita, di naman sila naiiba sa iyo," depensa ni Jin. "Isang Aringan ang nanay ko. Nag-asawa lang siya ng isang tagabayan kaya doon ako nakatira."
"No offense meant, Jin. Huwag ka nang magalit."
"Mababait ang mga Aringan sa mga bisita," nakangiting sabi ni Jin. "Inaasahan na rin nila na dadating tayo."
"Sinabi mo ba?"
Umiling ito. "Alam na agad iyon ni Apo Tulka."
Sinalubong sila ng malalakas na tunog ng tambol pagpasok nila ng tribo. Mga babaeng nakasuot ng makukulay na katutubong damit na nilala ang nagsasayawan.
Isang matandang lalaki ang lumapit sa kanila ni Reid. Hinawakan nito ang kamay ni Reid. "Ikaw ang hari." Ginagap nito ang kamay niya. "At ikaw ang kapangyarihan ng hari." Pinagsalikop ng matanda ang palad nila. "Di maaring maghiwalay dahil di mabubuhay ang isa nang wala ang isa."
Gusto mo bang mabasa ang iba pang Stallion Boys in print with signature? Order here:
Facebook: My Precious Treasures
Shopee: www.shopee.ph/sofiaphr