"Gagawin mong boarding school ang Artemis Equestrian Center?" di makapaniwalang usal ni Reichen habang papunta sila sa boutique ng fashion designer ni Jenna Rose na nasa riding club para sa fitting ng dress para sa commercial. "That is a very ambitious project. Are you serious about it?"
"Paano kung malayo ang lugar na panggagalingan ng batang mapipili namin? Uso naman ang rider's boarding school sa ibang bansa. Bakit di ko gagawin sa Artemis? I consulted Tita Emie about it and she approved," aniya at pinulot ang twig na nalaglag sa tabi ng daan at inikot-ikot sa daliri.
Malapit lang ang boutique mula sa Rider's Verandah kung saan sila nanggaling. Ilang araw na lang ay simula na ng shooting ng Stallion Shampoo and Conditioner. Katulad ng dati, sa Stallion Riding Club ang location ng shooting.
Pati ang ibang mga kaibigan ni Reichen ay gustong tumulong sa project niya. Sasagutin naman ng mga ito ang academic scholarship ng mga bata. Hindi naman mahigpit ang riding school niya sa pagpapadalaw ng bisita at pwede rin namang umuwi ang mga bata sa bahay ng mga ito basta tiyaking makaka-attend sa klase.
"May maitutulong ba ako?" tanong ni Reichen.
"No. It's okay. I can handle it. Nag-apply na ako ng loan sa bank." Kulang ang pera na hawak niya. Personal project niya ang boarding school. Di na niya sinabi sa pamilya niya ang problema dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito. Isa pa, gusto niyang ipakita na kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.
"Ako na lang ang magiging creditor mo. No, make that business partner."
"Siguro naman may iba ka ring business na inaasikaso. Thanks for the help. Pero kaya ko nang ayusin ang problema ko."
He patted her head. "Kaya nga business partner na lang. Ang totoo, I live like a bum. Yes, I have my own profession. Pero parang empleyado lang ako sa riding club. Wala naman kasi akong pangarap. Wala akong plano sa buhay. Hayaan mo naman akong maki-share sa mga pangarap mo."
"Don't you find my plans ridiculous?"
Umiling ito. "You have a better vision, Saskia. And I admire you for that. Samantalang ako, simple lang ang pangarap ko. I just want to become a very good horseman. Nang makuha ko na iyon, parang tumigil na ako sa pangangarap. Since then, naging boring at monotonous na ang buhay ko."
"Boring ba iyon? Maraming babae ang nagkakandarapa na makipag-date sa iyo. See? You have a fan's club. Maya't maya nagra-rally para sa iyo. You are like a celebrity. A stud!" pabiro nitong sabi.
"I don't really want to be a stud. I just want to be like any ordinary man. Yes, I love the attention but it wears of. At the end of the day, I am alone. I just want to find a woman who will stay with me once the crowd is gone."
Reichen Alleje, the desire of every woman in the country. Di niya alam na nakakaramdam din pala ito ng lungkot. Sa dinami-dami ba ng babae na nakakasama nito, walang kahit isa na nagtatagal sa tabi nito?
"Hindi ka naman mahihirapan na maghanap ng ganoong babae."
He beamed. "Really." Ginagap nito ang kamay niya. "Will you stay beside me, Saskia? Hindi ako aalis sa tabi basta sabihin mo lang."
"Hindi naman ako makakaalis sa tabi mo dahil slave mo ako," paalala niya. "Nabo-boring na nga ako sa pagiging slave ko. Wala ka bang iuutos sa akin?"
"Wala pa kasi akong maisip, eh! Siyempre busy pa tayo."
Ang totoo, ayaw niyang maubusan ng rason si Reichen para manatili sa tabi niya. She was enjoying his company more and more every passing day. Kaya nang malaman niyang kasama ito sa commercial, natutuwa siya dahil lagi silang magkakasama. Di na rin siya naiinis kapag may nanunukso sa kanila.
"Reichen!" tawag ng isa sa mga lady guest ng riding club na lumabas ng boutique. Lalapit ito nang hilahin ito palayo ng kasama nitong babae.
"Huwag mong lapitan. Nandiyan ang girlfriend niyang amazona. Baka paduguin din niya ang ilong mo."
Tumalikod na lang ang dalawa at naglakad palayo. Nilingon niya si Reichen. Parang balewala lang dito ang usapan ng dalawang babae.
"Sorry, Reichen. Nilayuan ka ng admirer mo dahil kasama mo ako."
"I don't really mind. Hindi ko rin naman sila mae-entertain dahil kasama kita. Sa iyo lang ang atensiyon ko," anito at ginagap ang kamay niya.
Kaya di niya magawang mainis kay Reichen. He was not that typical ungentlemanly playboy. He made a woman feel that she was the only one in his life. At kapag kasama niya ito, wala na itong ginawa kundi titigan lang siya. Binabati rin nito ang mga babaeng kakilala pero matapos iyon ay siya ulit ang kakausapin nito.
"I don't really mind if you talk to them or flirt with them. Hindi naman kita boyfriend. Hindi ka obligadong I-monopolize ang atensiyon mo sa akin."
"I only want my eyes on you. I don't care about them."
"Hindi ka ba naiilang na kasama ako? Lahat na lang tawag sa akin amazona at under naman sa iyo. Di ba masakit sa ego mo iyon?"
Humalakhak ito. "Anong ego? Bakit naman ako masasaktan? Mga duwag lang ang mga lalaki na takot sa mga babae na malalakas ang personality. Di ako nai-intimidate sa iyo. Parang mas macho pa nga ako kapag kasama kita. Sige nga. Sino sa kanila ang kayang makipag-date sa isang amazona? Ako lang!"
Umingos siya. "Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa iyo." Sa halip na mapahiya ay nagmamalaki pa ito kapag magkasama sila.
Hinila siya nito papasok ng boutique. "I want to see the dress on you. Kagabi ko pa iniisip kung ano ang isusuot mo sa commercial."
She was awed when she fitted the dress that she would use for the commercial. It was a black off shoulder dress with puffed sleeve. Maikli ang harap ng damit na sumasakop sa kalahati ng hita niya at pahaba sa likod. Binagayan iyon ng gold Spartan sandals. She was like a primitive amazon princess.
"Wow! You look so pretty! Sabi na nga at bagay sa iyo ang dress. You are simply perfect for the commercial," humahangang wika ni Neiji nang makita siya.
"Bumalik ka sa fitting room! Take it off!" galit na utos ni Reichen at itinulak siya papasok ng fitting room. Di pa ito nasiyahan at hinarangan ang pinto.
"Reichen, ano ba ang nangyayari sa iyo?"
"Masyadong maikli ang damit. Habaan ninyo! It is showing off her legs."
"That is the purpose of the costume. To show off her legs," wika ni Neiji.
"Shampoo ang pino-promote niya. Buhok lang naman ang ipo-focus. Bakit kailangan pang makita ng buong Pilipinas ang legs niya?" tanong ni Reichen. "Hindi siya lalabas sa commercial kapag iyan ang suot niya."
Bumuntong-hininga siya at nagbihis. "Reichen, the dress is okay. Kapag isinuot ko iyan, sa side saddle naman ang gagamitin ko pagsakay sa kabayo. And I see nothing wrong with the dress."
"Dadagdagan ko na lang ng lace," apela ni Jenna Rose. "Hindi ito ang oras para magselos ka, Reichen. Kahit ibalot mo pa si Saskia, maganda pa rin siya. It will show off no matter what."
"But she's mine," mariin nitong sabi.
"Ilalagay namin sa press release na girlfriend mo siya," wika ni Neiji.
Saka lang kumalma si Reichen. "Tama iyan. Tama iyan. Sabihin mo rin na magpapakasal kami. Tama. Magpapakasal na kami."
Magaan niyang sinipa ang binti nito. "That's a little overboard, Reichen. Gusto mo ba na makarating ito sa parents ko. Oobligahin ka nila na pakasalan ako. And I am sure, your parents will feel the same."
"I am just trying to protect you," katwiran nito. "Basta iyon ang ilagay sa press release. I want the world to know that you are mine."
She sighed. She didn't know what to do with him. He was incorrigible.
Yes, he owned her because he was her slave. Pero hanggang saan ba ang pwedeng angkinin nito sa kanya?
Sino ang buhay pa? Sino ang mga first honor sa pagbabasa kay Reichen? 'Yung kapo-post pa lang may comment na. Hahaha!
Mabuhay po kayo.