"Do you want to be an equestrian when you grow up, Trizia?" tanong ni Saskia sa pinakabata niyang estudyante. Sampung taon lang si Trizia at pinaka-promising sa mga batang tinuturuan niya.
"Yes. Gusto ko rin po magkaroon ng Stallion boy na boyfriend," sagot nito at humagikgik. Nagimbal siya. Sampung taon pa lang ito ay boyfriend na ang iniisip nito. Halos lahat ng mga babae ay ang mga ito ang bukambibig kahit na bata.
She patted the kid's head. "Matagal pa naman iyon."
"Basta kayo po ang idol ko, Teacher Saskia. Kasi po magaling na kayong horse rider, may boyfriend pa kayong taga-Stallion Riding Club," nakangising wika nito. "I want to grow up like you."
Di niya alam kung paano ipapaliwanag sa bata na di iyon totoo. Damn the gossip. Pati mga estudyante niyang bata ay nadadamay. It was too much.
"Trizia, I will see you next week." At kinintalan niya ito ng halik sa pisngi.
Nang dumating siya sa office ay naroon na rin ang tatlo niyang kaibigan. Maagang natapos ang klase ng mga ito. "This is bad. Malaking percentage ng mga estudyante natin ang ayaw nang mag-aral sa atin."
"Hindi ba naglabas na ng official statement ang Stallion Riding Club na hindi totoo ang bali-balita na iba-ban nila ang estudyante natin?" tanong niya. "Hanggang ngayon ba di pa rin tapos ang isyu na iyan."
"Ang totoo, natakot ang mga members ng riding club na makipag-date sa estudyante natin dito. They branded us as amazons. Tinuturuan daw natin na manggulpi ang mga lalaki," paliwanag ni Chrisnelle.
"Of course it is not true," kontra ni Jaerrelin. "We are so sweet."
"Kaso dahil nga sa nangyari kay Saskia, natakot na sila. Pugad daw tayo ng mga feminist. You know how much those boys hate feminist groups. You know how chauvinistic they are. They want females who are docile and meek."
"At dahil sa akin, nawala ang reputasyon ng pagiging docile at meek ng mga babae dito? Na feminist tayo at man-hater at kung anu-ano pa."
Dahan-dahang tumango ang mga ito. "Parang ganoon na nga."
"I don't really care about other people's opinion. Pero pinaghirapan ni Tita Artemis na itayo itong riding school. I promised to take care of it for her. It is not fair na masira ang reputasyon natin."
"Sabi sa isang blog ng fanatic ng riding club, ginagamit lang daw natin ang Stallion Riding Club at si Reichen para maka-gain ng popularity."
Mariin siyang pumikit. Lalong sumasakit ang ulo niya. She was a world class equestrian. She worked hard for it. Di siya papayag na maliitin lang mga taong makikitid ang utak at walang alam sa pagmamahal niya sa trabaho niya, sa equine sports, sa mga kabayo at sa mismong riding school. Dahil lang ba sa isang pagkakamali ay masisira ang lahat ng pinaghirapan niya?
She had a great vision not only for her riding school but for the future of horse sports in the country as well. Gusto niyang makapag-produce ng mga international equestrian champions. Gusto niyang magkaroon ng Filipino na gold medallist sa equestrian event. She couldn't give up that dream.
"Hindi tayo pwedeng magpatalo," mariin niyang wika.
"Anong gagawin natin? Susugurin ba natin sila? Gusto mo bang mag-protest din tayo sa harap ng riding club?" tanong ni Jazzie. "Pwede tayong makakuha ng simpatya sa mga feminist groups. Galit sila sa mga members ng riding club."
Matalim niya itong tiningnan. "Bakit naman ako magra-rally? Lalo lang nilang sasabihin na amazona tayo at feminist."
"Anong gagawin natin?" tanong ni Jaerrelin.
"We have to prove our worth. Kailangan nating ipakita sa kanila na magaling tayong horsewomen. Ipakita natin kung ano ang itinuturo natin sa mga estudyante natin. At kahit kailan, di natin gagamitin ang ibang tao para lang mag-gain ng popularity," panggagalaiti niya.
"May plano ka na ba?" tanong ni Chrisnelle.
"Hindi ba may mga monthly competition sa riding club?"
Tumango si Jazzie. "Alam ko malapit na ang anniversary nila. May open tournament sila kapag iyon ang okasyon. Open sila sa ibang individual at riding club para sumali sa competition nila."
Gumuhit ang ngiti sa labi niya. "Get ready, girls. Sasali tayo sa open tournament nila. Ipapakita natin sa kanila na di tayo dapat minamaliit."
NAGLA-LUNCH si Saskia kasama ang mga kaibigan sa Artemis' Cafeteria na matatagpuan sa loob ng riding school. Dahil nabawasan ang estudyante nila, mas nakapag-focus na sila sa paghahanda sa nalalapit na open tournament. Sa group competition sila sumali.
She loved the feeling. Iba pa rin ang pakiramdam ng nakasakay sa kabayo at naghahanda para sa isang competition. It fires her up. Isang buwan pa bago ang open tournament. Sapat na ang panahong iyon para makapag-practice sila.
Mataas ang kompiyansa nila na aangat sa competition. All of them were professional horse riders. Makikita ng mga iyon na di sila pipitsuging mga babae na nagpapapansin lang. Ah! Gusto niyang makita na mapahiya ang lahat ng nang-aakusa na wala silang kahit katiting na talento.
"Hi, girls!" bati ni Paz Dominique pagpasok ng cafeteria.
"Paz Dominique!" Humalik siya sa pisngi nito. "What's up?"
"Himala na bigla kang dumalaw," sabi naman ni Jaerrelin."
Malungkot ang mukha nito. "Girls, I have bad news for you."
"Binasted ka nung guy na sinusundan-sundan mo sa riding club kaya ka napadalaw sa amin, no?" anang si Jazzie.
"Sabihin mo sa amin kung sino iyan. Malamang chauvinist naman iyang guy na gusto mo. Alam mo, sakit ng ulo naming ang mga lalaki sa riding club na iyan. Talagang ilalampaso naming sila sa open tournament," wika naman ni Chrisnelle.
"Sorry. Pero na-decline ang application ninyo para sa tournament."
"Ha?" Tumayo siya sa kinauupuan. "At bakit naman?"
"Kasi para sa mga lalaki lang ang open tournament."
Napanganga siya. Noon lang siya nakakita ng open tournament na puro lalaki lang ang pwedeng sumali. Saan bang panahon galing ang mga chauvinistic na lalaking iyon? Akala niya ay ang Spanish Riding School na lang ang lugar sa mundo na di tumatanggap ng mga babae? Nag-open tournament pa ang mga ito kung hindi lang din naman pasasamahin ang mga babae sa competition.
"I won't have this!" tinanguan niya ang mga kasama. "Girls, pupunta ako sa Stallion Riding Club. Makikipag-usap ako mismo sa mga organizer ng tournament nila. I deserve a better reason than that."
"Saskia, calm down. Baka di nila kayo harapin," anang si Paz Dominique na takot na takot. Kilala siya nito kapag galit. She won't easily back down.
"Duwag sila kung ganoon. Kung natatakot ka na mag-eskandalo ako doon, huwag ka na lang sumama, Paz Dominique," aniya at sumakay ng Ford Ranger.
Pakiramdam niya ay solo lang niya ang laban na iyon. It was her idea to join the open tournament. Siya din ang dahilan kaya napag-initan ang riding school niya ng mga Stallion boys at ng supporter ng mga ito. Siya ang dapat na humarap.
Pagdating sa gate ng Stallion Riding Club ay hinarang siya ng guwardiya. "Ma'am, di po kayo pwedeng pumasok kung wala po kayong pass mula sa isa sa mga members ng riding club."
"I want to talk to one of the organizers of the open tournament. Kung hindi mo ako pwedeng papasukin, sabihin mo sa kanila na harapin nila ako dito sa labas." Kung lalaki nga ang mga ito, di naman siguro natatakot ang mga ito na harapin siya.
"Ma'am, tumuloy po kayo sa Red House," anang guwardiya at ibinigay sa kanya ang direksiyon. Iyon ang administrative office ng Stallion Riding Club. Katapat lang iyon ng Rider's Verandah.
Nakakaiyak ang bagal ng internet sa Pilipinas. Mass update sana ako ngayon hanggang kay Reid Alleje pero mukhang malabo.
Feel free to follow me here:
Facebook: Sofia PHR Page
Twitter: sofia_jade
Instagram: @sofiaphr
Youtube: Sofia's Haven
Patreon: www.patreon.com/filipinonovelist - I will post Stallion Island books here soon. Di ko pa maipo-post sa Webnovel kasi scheduled na kadugtong ito ng Stallion Series.