webnovel

Chapter 15

"Huh? Pardon?" anang si Khamya na parang nabingi sa sinabi ni Beiron. Di pa rin siya makapaniwala na kaharap niya ito. Kaya naman parang lumulutang pa ang utak niya at wala siyang maintindihan sa sinasabi nito.

Tumindi ang kaba niya nang ilapit nito ang mukha sa kanya. She remembered the time he kissed her. Paano siya naka-survive sa panahong wala ito sa buhay niya? How could she still miss him so much?

"Darling, I said you are fired," he said sweetly.

Maang siyang napatitig sa mukha nito. Mukhang di ito nagbibiro. Tinatanggalan siya nito ng trabaho. She had never seen him this serious. Gusto niyang magprotesta at sigawan ito pero di niya alam kung saan sisimulan. Sa nakikita niya ay mukhang mas matindi pa ang galit nito sa kanya. Di ba dapat ay siya nga ang magalit dito?

"W-Wait! Hindi mo siya pwedeng basta-basta na lang sesantehin sa trabaho," protesta ni Tamara. "Dahil lang babae siya basta mo lang siya aalisan ng trabaho. That is so unfair!"

"This is not a gender issue," mariing wika ni Beiron.

"Then what? Iyon lang naman ang problema ninyo dito. Ayaw ninyong maka-trabaho ang mga babae. Dr. Licerio is good. Tingnan mo muna ang credentials niya bago mo siya alisin sa trabaho," pagtatanggol ni Tamara sa kanya.

"She worked for three years at the Philippine Biotechnology Institute. Naging research din siya sa Al Ishaq Biotechnology Research Center," he recited. "Just tell me if I miss anything."

"Alam mo naman pala na maganda ang record niya. Bakit basta-basta mo na lang siyang aalisin? Wala naman siyang masamang record. Ako mismo ang nag-interview sa mga referrals niya," wika ni Tamarra.

"Hindi ko gusto na magtrabaho siya dito," walang gatol na wika ni Beiron at itinuon ang tingin sa kanya. "At alam ni Dr. Licerio kung ano ang dahilan."

That was not true. Di niya alam ang dahilan kung bakit gusto nitong mawalan siya ng trabaho. Kung ito ang Beiron na kilala niya dati, kayang-kaya niya itong sagut-sagutin. But she didn't know how to handle this new Beiron. Nanghihina siya kapag kaharap ito. Di niya ito kayang labanan.

"I think Dr. Licerio is perfect for the project," depensa ni Reid. "Maganda ang naging recent training niya sa Al Ishaq. Sayang at di niya natapos ang training niya. But I guess her knowledge is enough to start the project. I am actually dying to see her project proposal."

"I just want her terminated," mariing wika ni Beiron.

"She has a contract with us," wika ni Reid. Kahit paano ay ipinagtatanggol naman siya ng boss niya. She should be thankful for that.

"I will buy that contract!" anang si Beiron.

"Hey! You just can't buy me out!" protesta niya. Matapos ang bilihan ng kontrata ay ano? Ihahagis siya nito sa kangkungan?

Itinaas ni Reid ang kamay at natigil ang pagpoprotesta niya. "Malapit nang magsimula ang project. At di mo rin pwedeng basta-basta iutos na tanggalin siya. Ako lang ang may karapatan na tanggalin siya sa trabaho."

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Akala siguro ni Beiron ay kaya nitong pasunurin ang lahat. Well, definitely not Reid Alleje. May sarili itong isip. Isa pa ay ito ang may-ari ng riding club at hari doon. She felt so safe.

Naningkit ang mata ni Beiron. "Kung hindi mo siya tatanggalin, hindi na ako ang magpi-finance sa cloning project. Mapo-postpone ang project mo."

Nagkibit-balikat si Reid. "She's still the best person for the job. Naka-ready na rin ang proposal niya. I think she can handle it perfectly. Kung mawawala siya, mahihirapan akong humanap ng ipapalit sa kanya."

"Ako ang hahanap ng kapalit niya. Ilan ba ang gusto mong kapalit niya? Kahit sampu kaya ko siyang palitan."

Naalarma siya. Mukhang makukumbinsi ni Beiron si Reid na tanggalin siya. She felt so helpless. Kahit pa siguro anong protesta niya ay walang makikinig.

"Excuse me. Baka gusto ninyo kaming isama sa meeting ninyo," pilit ang ngiting singit ni Tamara. Natahimik na kasi ang iba pang nasa kuwarto at nakikinig na lang sa transaksiyon nina Beiron at Reid. "Mamaya na kaya ninyo pag-usapan iyan. magdesisyon na lang kayo kapag tapos na ang presentation ni Dr. Licerio."

"Are those people good enough?" patuloy na tanong ni Reid kay Beiron. Parang wala itong narinig sa sinabi ni Tamara. "Sigurado kang kaya mo siyang palitan ng sampung kasing galing niya? Dr. Licerio is very dedicated. Hindi siya madaling ma-distract. At kailan mo naman maidadala ang mga taong iyan."

"Hoy!" bulyaw ni Tamara. Kasabay niyon ay lumipad ang sapatos nito at tumama sa braso ni Reid.

Dahan-dahan itong nilingon ni Reid. Mariin ang mga labi nito at matalim ang mata. Lahat yata sila sa silid na iyon ay natakot para kay Tamara. "Why the hell did you do that?" he asked in a calm yet deadly tone. Tahimik ang buong silid habang nagduwelo ang tingin nito at ni Tamara.

"Ah, I finally got your attention, Your Highness." Namaywang si Tamara. "Kanina pa ako nagsasalita dito pero wala kayong pakialam."

"And what is your problem?" iritadong tanong ni Reid.

Nalipat ang labanan. Mukhang si Reid at si Tamara na ngayon ang maghaharap. Kung maari lang sana ay tumakas na siya. Ayaw niyang maipit sa giyera ng dalawa. Ayaw din niyang tumagal pa sa kuwartong iyon kasama si Beiron. Di rin kasi niya maintindihan ang sarili kung bakit di niya ito kayang labanan. Sa halip na magalit siya dito ay parang gusto pa niya itong yakapin.

"Ikaw at ang pinsan mong insensitive tulad mo."

"You called us insensitive?" Beiron asked with slitted eyes. Of course, his oh-I'm-so-perfect mind setting couldn't take it.

"Totoo naman, ah! Hindi ba? You just fired Khamya. And you discuss her future infront of her as if she didn't exist at all. Tama ba iyon?" palaban na tanong ni Khamya. Hanga siya dahil dalawang lalaki na ang kinakalaban nito. Matapang ito.

"Wala kang alam," mariing wika ni Beiron.

Tamara sat comfortably at the swivel chair. "Then tell us about it. Magkwentuhan tayo. We have all day to listen to you."

Mariing nagdikit ang mga labi ni Beiron. Halatang tinitimpi lang ang inis. Perhaps Tamara was the most infuriating woman he met in his life.

"Reid, can't you handle your woman?" Beiron asked in an irritated tone.

Hinawakan ni Reid ang braso ni Tamara at pilit na pinatayo. "Halika. Mag-usap tayo sa opisina ko."

"Teka. Magku-kwentuhan pa kami ni Beiron," protesta nito at pumiksi.

"You don't have all day to listen his stories. Akala mo ba natutuwa ako sa iyo? This is too much. Kailangan mo nang maparusahan."

"Anong kasalanan ko?" inosenteng tanong ni Tamara.

"Binato mo ako ng sapatos," galit na wika ni Reid.

Humalakhak si Tamara. "Serves you right. Kulang pa nga iyon sa iyo. Gusto mo pati isang sapatos ko ibato ko rin sa iyo para mabawasan ang kasungitan mo?"

Umangat ang gilid ng labi ni Reid. Sa isang iglap ay buhat na Reid si Tamara at isinampa sa balikat na parang sako ng bigas. Umalingawngaw ang kantiyawan mula sa mga miyembro ng riding club kasabay ng sigaw ni Tamara.

"You can't manhandle me like this! Ibaba mo ako!" protesta nito.

"Di kita ibababa hangga't di ka natututo ng leksiyon. Sa susunod kilalanin mo muna kung sino ang kinakalaban mo," mariing wika ni Reid.

"T-Teka, ang sapatos ko!" wika ni Tamara habang pilit nagpupumiglas.

Inabot ng kamay ni Reid ang isang sapatos ni Tamara at ihinagis. "Mahirap na. Baka ibato mo pa ulit sa akin."

"I hate you, Reid Alleje! I hate you!"

Gusto mo bang mabasa ang iba pang Stallion Boys in print with signature? Order here:

Facebook: My Precious Treasures

Shopee: www.shopee.ph/sofiaphr

Sofia_PHRcreators' thoughts
Bab berikutnya