INIISA-ISA ni Yoanna ang groceries na bibilhin sa listahan. Kung aasahan kasi niya ang mga kasambahay, walang alam sa pagba-budget ang mga ito. Puro kulang-kulang pa kapag inutusan niyang bumili ng grocery.
"Stallion Shampoo and Conditioner," aniya nang madaanan ang naturang produkto. Dumampot siya ng dalawang malaking variant. Malakas kasing gumamit ng shampoo ang mga kasama niya. Mukhang ipinangsasabon pati sa katawan.
"Maggo-grocery ka lang pala, bakit hindi ka pa nagsabi sa akin?"
Nang lumingon siya ay nakita niya si Kester sa likuran niya at tumitingin-tingin din ng shampoo. "M-Maggo-grocery ka rin?"
"Hindi. Sinundan lang kita. Baka kailangan mo ng tagabitbit."
"I don't need one. Kaya ko nang mag-grocery na mag-isa."
"Yes, I know. But I still want to help."
She sighed helplessly. "Kester, why do you follow me around? Nitong nakakaraang araw, kahit saan yata ako pumunta nandoon ka. Nakikita kita."
He touched a few strands of her hair. "I just want to."
"Sige. Kung bubuntot ka sa akin, mabuti pa ngang pakinabangan kita. Ikaw ang magtulak ng cart at magbitbit mamaya, ha?" malambing niyang sabi. Subalit naiilang siya dahil nakatitig ito sa kanya habang nakasunod sa kanya. "What?"
"Wala. Gusto lang kitang titigan. Nakasimangot ka man o nakangiti, maganda ka pa rin. Is that even possible?"
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. "Kester, hindi bagay sa iyo na maging bolero. Kung sasabihan mo akong maganda, mas maganda siguro na I-base mo na lang sa scientific or medical research. Baka maniwala pa ako."
"I am stating a fact. Di na kailangan ng research doon." Dinampot nito ang Stallion Shampoo and Conditioner. "Anyway, it must be the shampoo."
"Okay, Doc! That is enough! Sa counter na po tayo," iiling-iling niyang sinabi. "You really ought to see a psychiatrist. You are not the Kester I use to know."
"Anong klaseng Kester ba ang kilala mo dati?" tanong nito.
"Masungit, masungit at masungit."
"At ngayon?"
Nilingon niya ito. "I don't know you at all. One minute, you care for me. Tapos bigla ka na lang magsusungit."
"Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko. Paano ko ipapaliwanag? Baka mamaya may explanation ako na ibigay, di mo rin naman tanggapin."
"Ano namang explanation ang ibibigay mo?"
Di ito nakasagot sa tanong niya dahil nag-ring ang cellphone nito. "Hello. Okay, Pa. I will bring her there."
"Is that Tito Fred?" tanong niya.
Tumango ito. "He wants to talk to you. Dalhin daw kita sa Manila."
TENSIYONADO si Yoanna nang makaharap si Gudofredo. He was holding a glass of whiskey. Mukhang malalim ang iniisip nito. Nasa study room sila sa ancestral house ang mga Mondragon sa Manila. "Tito, bakit po ninyo ako gustong makausap?"
Sila lang dalawa ang nasa kuwarto. Kahit si Kester ay nagtataka rin kung bakit gusto siyang makita ng Papa nito nang sarilinan.
"I am sorry, hija, This is really urgent." He looked worn out. "Ayoko mang abalahin ka pero ikaw lang ang makakatulong sa akin."
"Is this about Alastair? May nangyari po ba sa kanya sa Hong Kong?"
Huminga ito nang malalim at may inilapag na brown envelope sa harap niya. Nang buksan niya ang laman ay halos himatayin siya. Sumambulat sa kanya ang mga larawan nina Alastair at Burke sa Hong Kong. Compromising photos. Sweet na sweet ang mga ito. They were even kissing at a public place.
"T-Tito… paanong…"
Binayo nito ang mesa. "I can't believe it. My son is a gay! Nagkahinala na ako sa riding club pa lang. Alam ko na hindi ikaw ang tumitili. I had a feeling it was him. Nang tumanggi siyang maging member ng riding club, pinalagpas ko iyon. Dapat palalagpasin ko ang mga hinala ko. There had been that nagging feeling that he might not be normal. It won't let go. I hired a private investigator. At nalaman ko na matagal nang bakla ang bunso kong anak!"
Mariin siyang pumikit. Parang gusto na niyang mamatay ang mga oras na iyon. Ni wala siyang magawa para depensahan ang kaibigan. "Oh, God!"
"Alam mo na ba ang tungkol dito, Yoanna?"
Di siya makatingin nang diretso dito. "I am sorry, Tito."
He let out explicit words and curses in rapid Spanish. "You know about this all along. Alam mo nang may mali sa anak ko! At wala kang sinabi sa akin?"
"Tito, wala po akong karapatan na magsabi sa inyo. Mas gusto po ni Alastair na siya mismo ang magsasabi sa inyo. Hindi naman po niya intensiyon na lokohin kayo. Di lang po niya alam kung paano. Kumukuha lang po siya ng tiyempo."
"At kailan pa niya sasabihin? Kapag nalaman na ng iba?"
"Malapit na po iyon. Mahal po niya kayo at…"
"Kung mahal niya ako, hindi niya gagawin ang kahihiyang ito. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao oras na malaman na may isa akong anak na bakla. No! I won't allow it to happen. This is a disgrace! Mas gusto ko pang itakwil siya kaysa magkaroon ako ng isang anak na bakla!" sigaw nito.
"Huwag po ninyong gawin iyan, Tito." Masasaktan tiyak si Alastair. Importante kasi dito ang pamilya nito. That's why he was trying to prove his worth.
"Gusto mo bang tulungan ang kaibigan mo para mapatawad ko siya?"
Pinagsalikop niya ang kamay niya. "Paano po?"
"Marry my son, Yoanna. Marry Alastair."
Nanlaki ang mata niya. "Pakakasalan ko po siya?"
Nagpalakad-lakad ito sa carpet. "Iyon lang ang paraan para di malaman ng ibang tao ang sekreto niya. Mapagkakatiwalaan kita dahil kaibigan mo ang anak ko. Di mo ilalagay ang pamilya namin sa kahihiyan. Parang anak na rin ang turing ko sa iyo, hija. I am willing to help you with your career. I will even build your own hotel if you want. Maging bahagi ka ng pamilya ko."
"Kailangan po bang itago ang pagkatao ni Alastair?" Isa lang naman ang pangarap ng kaibigan niya. Ang maging Malaya. Ang matanggap ng lahat at irespeto.
"Gusto ko ng normal na buhay sa anak ko. Ang magkaroon siya ng masayang pamilya. Wala akong anak na abnormal. Wala akong anak na bakla."
"Paano po kung hindi ako pumayag sa kasal?"
"Then Alastair would loose everything."