webnovel

Chapter 11

PARANG GUSTO na lang ni Nicola na tumumba at magkunwaring nawalan ng malay nang sumara ang pinto ng conference room. Sila na lang dalawa ni Crawford ang naiwan sa loob. The air was suddenly too thick and she could hardly breathe. Di pa nga siya nakaka-recover sa pagdedemandang pinaplano ng kampo ni Crawford, ngayon ay baka lalo pa siya nitong I-intimidate ngayong silang dalawa na lang.

Malakas na malakas ang kaba niya. Tingin niya dito nang mga oras na iyon ay leon na maaring lumapa sa kanya anumang oras.

"I apologize about that," usal nito. Nagulat siya dahil di niya inaasahan ang sasabihin nito. She thought it might be pretense. But his eyes were softer. Awtomatiko rin itong ngumiti. Ngiti na kayang magpanginig sa tuhod niya. Wala na ang pormal na lalaking nakita niya kaninang pumasok siya.Ito ang totoong Crawford.

"Bakit kailangan mong mag-sorry?"

"Well, I obviously don't want our reunion to be like this. How are you, Nicola? It has been a long time. Huling nakita kita, graduation pa natin ng high school. And it was what? Twelve years ago."

Nanatili siyang pormal. Di siya magpapadala sa pagiging mabait nito. He came there as an enemy and she should treat him with hostility. She shouldn't let her guards down. Baka bigla siya nitong salakayin.

"I am great! This is the worst day of my life because we meet again. Sa palagay mo ba magiging okay ako kung may demandang nakaumang sa ulo ko?"

"That is only according to my lawyer's discretion, Nicola. Hangga't maari, gusto ko itong I-handle sa lalong madaling panahon. I don't want to make things worse by bringing more attention from people who aren't really a part of this issue. Kaya nga gusto kong tayong dalawa lang ang mag-uusap."

She smiled sweetly. "That's so nice of you, Crawford. Should I thank you for being generous and considerate?"

Minasahe ng daliri nito ang noo nito. "Please, stop being sarcastic. Masakit na ang ulo ko dahil sa pagkakasampal mo sa akin. At hanggang ngayon, di ko pa rin alam kung bakit mo ginawa iyon. Di pa ako nakaka-recover, kumalat na ang video. I tried to gatekeep it. Pero kumalat na ang video dahil kuha iyon ng mga may cellphone cameras ng mga nasa supermarket. And it is getting worse every minute. Kahit ang mga kaibigan ko sa media, di ko na rin ma-control."

"Great!" she muttered. "Nakita mo na ba kung gaano karaming kaibigan mo sa media ang nag-aabang sa akin sa labas? How about your female fans that are yelling like crazy? Andiyan pa siya, kasama ang mga banner nila."

"I am sorry about that. It is beyond my control. Susubukan ko silang pakiusapang umalis kung kaya ko lang. And while I do that, kindly tell your friends from the feminist group to stop bothering me."

Tumaas ang kilay niya. "Friends? Sino sila?" Wala naman siyang naalalang may kaibigan siya sa feminist group.

"Aren't you a part of them? Hindi mo ba sila hiningan ng tulong?"

Umiling siya. "Hindi ko nga sila kilala."

"Well, they were acting as if they know you so well. Nagpoprotesta sila sa condo ko, sa opisina ko… at kung di pa sila naharang pati sa Stallion Riding Club gusto rin nilang magprotesta." His face became grim this time. Mukhang hindi maganda ang experience nito sa mga 'kaibigan' niya. "Sinabi rin nila na handa silang tulungan ka sa kaso mo laban sa akin."

Napanganga siya. "Kaso? Anong kaso?"

"Sexual harassment… at kung anu-ano pa. Lahat ng news at tsismis, pinatulan nila. Na may naiwan daw akong anak sa iyo." Mariin nitong isinuklay ang daliri sa buhok. "Oh, hell! I didn't even get the chance to kiss you. Paano naman tayo magkakaanak?"

"Wala akong planong magsampa ng kaso laban sa iyo. Dahil wala naman akong isasampang kaso. Kaya ba gusto mo rin akong idemanda?" Kung bakit kasi kung sinu-sino na ang sumasawsaw sa problema nila.

"Kaya nga kinakausap na kita para hindi na ito lumala pa. If you have anything against me, we don't have to end up in court. Pareho na tayong napeperhuwisyo dito. At sa ating dalawa, ako ang mas kawawa. Importante ang credibility at ang reputasyon ko. At sa nangyayari, di maiwasan ng ibang tao na magduda sa image ko."

Umismid siya. "You aren't squeaky clean, Crawford."

Saglit itong natigilan. "Hindi kita uusisain kung bakit galit ka sa akin. Can we deal with it some other time? Let's help each other. Tapusin natin ang issue na ito."

That slap was a defense mechanism. Pero wala naman siyang plano na guluhin ang kanya-kanya nilang buhay ni Crawford. "Sige. I will cooperate with you. Do you have any idea how to get through this?"

"You have to apologize to me in public."

Daig pa niya ang sinampal sa suhestiyon nito. "No way! Hindi ako magso-sorry sa iyo. In your dreams, Crawford! Kung sinampal man kita, dapat lang sa iyo 'yon!" sigaw niya at lumabas ng conference room.

Mariin siyang pumikit para kalmahin ang sarili nang pumasok siya sa restroom. "How dare him! Ako pa ang magso-sorry sa kanya. Idemanda na lang niya ako pero hinding-hindi ako magso-sorry sa kanya."

Nakaalis na si Crawford nang bumalik siya sa desk niya. Nagri-ring na ang cellphone niya noon. "Miss Tesorio, I am Rosita Cruz from Soltera Women's Group. We would like to invite you for dinner tonight. We want to help you."

Bab berikutnya