webnovel

Chapter 26

"HE told me that he loves me. Bakit naman niya nasabi iyon?" naguguluhang tanong ni Jenna Rose habang nakatitig sa kawalan. Natuloy ang party sa garden ng guest house ng riding club subalit nasa labas lang siya at nakaupo sa fountain na nasa harap ng guesthouse. Parang di niya kayang makihalo sa mga tao sa loob lalo na't lumulutang ang utak niya.

There were two things that bothered her. First was the kiss. Ni hindi niya napaghandaan ang eksenang iyon. Mabuti na lang at inalalayan siya ni JED. She was not a great kisser. Pero para sa isang substitute sa commercial, sana man lang ay mas nagawa niya nang maayos. Mas na-motivate pa sana niya ang sarili kung paano ang dapat gawin. So much for their first kiss.

Or maybe the last as well. Kung di dahil sa commercial, baka di niya ako halikan. After all, he was still that distant star for her.

"At iyong sinabi niya na mahal niya ako. Nasa script din ba iyon? Bakit late na yata niyang sinabi. Tapos na ang cut, di ba? Baka nakalimutan lang niya at di na lang pinansin ni Romanov dahil pagod na silang lahat." Inangat niya ang kamay habang nakatitig sa isang bituin na parang iyon si JED. "And I wonder if you will really be mine like the one at the song. Parang hindi."

"Bakit mag-isa ka lang dito?"

Nagulat siya nang marinig si JED at dali-dali niyang ibinaba ang kamay. Narinig kaya nito ang monologue niya? Sana naman ay hindi. Kundi ay baka mapahiya siya dito. "W-Wala. Gusto ko lang kasi na tahimik."

Umupo ito sa tabi niya. "Nakakapagod mag-shooting nang buong araw. No wonder you prefer to be alone."

"W-Wala naman akong masyadong ginawa." Napagod siya sa sobrang tensiyon. At ngayon ay naglaho na ang katahimikan niya dahil dumadagundong na naman ang dibdib niya sa sobrang kaba. Sa dinami-dami ng makakasama niya, bakit ito pa? Di pa nga siya nakakabawi sa kissing scene nila. "J-JED, I am sorry. Hindi ko alam ang gagawin ko kanina sa eksena. Ang totoo substitute lang naman ako. Sabi nila basta na lang ako tumayo doon at ngumiti. Nagkamali yata sila ng bigay ng script sa akin. Mabuti na lang hindi pinaulit."

Pagak siyang tumawa subalit naroon naroon pa rin ang tensiyon. Subalit sa huli ay nanlambot siya nang makitang nakatitig lang sa kanya si JED.

"You thought that kiss was just an act?"

Nagulat siya. "Ha? Act? Natural arte lang iyon dahil commercial lang iyon. Di ba nasa script ninyo iyon? Galit ka ba dahil di ko nagawa nang maayos?"

Umusod pa ito palapit sa kanya. "Yes, it was scripted. My script."

Umawang ang labi niya. "Ha? Script mo? Hindi kita maintindihan…"

"Maybe this will explain everything."

He bent, caressing her mouth with his until she began to burn. At sa pagkakataong ito, wala nang sumigaw ng 'Cut'. Nobody could stop them. And the thought that he was all hers made her heart flip.

"That kiss is not scripted this time. Walang camera. Walang ibang tao. It is just the two us now." He pressed his forehead against hers. "But that scene awhile ago, I plotted it. Walang model na nag-quit. From the start, you were the one chosen for that scene. Kaya nga pati ang damit, sa iyo naka-fit."

"Bakit mo naman gagawin iyon?"

He laughed a little. "Silly. Because I want the world to know that you are the woman I love. So I can finally tell you that I love you."

Kung umugong ang tainga niya nang halikan siya nito, parang nabingi naman siya nang sabihin nitong mahal siya nito. "You love me?"

"Hindi mo ba narinig kanina nang sabihin ko?"

"Akala ko kasi kasama lang iyon sa eksena na nakalimutan mong sabihin. Saka imposible naman na mahalin mo ako." He didn't even like her.

Bab berikutnya