webnovel

Chapter 24

PARANG karaniwang araw lang iyon para kay Jenna Rose. Tulad nang dati ay nagdya-jogging siya bago ang simula ng trabaho. It was so weird. Di nga siya nakatanggap ng flower shop mula kay JED. Santambak na lobo naman ang ipinadala sa kanya. Mukha tuloy may children's party sa boutique niya.

"Hindi ko alam kung dapat akong matuwa tuwing magkikita kami at ginagawan ko siya ng pabor. Lagi siyang sobra kung magbigay." She found it sweet. Kinikilig nga ang mga tauhan niya. Pero di naman talaga iyon ang kailangan niya. Mas mahalaga sa kanya ang nararamdaman ni JED para sa kanya kaysa sa mga bagay na pwede nitong ibigay sa kanya.

"Good morning!" narinig niyang bati ni JED.

Muntik na siyang umurangod na naman sa kalsada nang makitang kasabay na niya itong nagdya-jogging. "JED, bakit ka nanggugulat?" singhal niya.

"Sorry. Magugulatin ka kasi."

"Why are you running? Hindi ba mas gusto mo ang mag-horseback riding?"

"Paano kita makakasabay mag-jogging kung nakasakay ako sa kabayo?"

"Bakit kailangan pang kasabay mo akong mag-jogging?"

"Para kumpleto ang araw ko. Do you like the balloons?"

Tumigil siya sa pagtakbo. "JED, ano na naman ito? Will you stop sending me things that I don't need? I appreciate them because they are pretty. But please…"

"Okay lang sa iyo na mag-breakfast tayo ngayon."

Natigilan siya sa pagpoprotesta dahil nag-iba ito ng strategy. "B-Breakfast?"

"Oo. Siguro naman okay lang sa iyo 'yon." Hinila nito ang kamay niya. "Halika, diyan lang tayo sa Rider's Verandah. My treat."

Di na siya makakontra at sumunod na lang dito. It was like an early morning date. Di niya maiwasang makaramdam ng kilig. "Kumusta ang shooting kahapon?"

"Thanks for fixing my shirt. Hindi halatang may sulsi. You are really good."

"JED, huwag mo nang uulitin iyon, ha? Why did you ruin your shirt?"

Nawala ang ngiti nito. "Why don't you ask yourself?"

"Magtatanong ba ako sa iyo kung alam ko?"

Ngumiti ito. "Let's not discuss it. Ikaw, bakit di ka sumali sa commercial? You have a nice hair. Bagay kang maging model."

"Hindi kaya ni Neiji ang talent fee ko. Kuripot iyon," pabiro niyang sabi.

"But I really think you would look good on it," titig na titig nitong sabi. "Ihahatid na kita sa boutique. Huwag kang kokontra."

Di niya maiwasang ngumiti habang naglalakad sila at nakatuon sa kanila ang atensiyon ng buong riding club. But she was comfortable to be with JED. Masarap kasi itong kakwentuhan. Naiilang nga lang siya kapag tumititig ito sa kanya. Parang gusto siyang tunawin.

"Goodluck na lang sa commercial shooting mamaya."

He brushed his lips across her cheek. "See you later then."

Malapad ang ngiti niya nang pumasok sa boutique. Nakita niya ang mga nanunuksong tingin ng mga tauhan. "Anong nginingiti-ngiti ninyo diyan?"

"Wala po, Ma'am. Magtatrabaho na kami," sabi ni Karyl.

Ganado siyang magtrabaho nang bumungad ni Arnette "We are in big trouble," Sa itsura nito ay parang hinabol ito ng sampung rapist.

"Pwede bukas na lang ang trouble?" Abala pa siya sa pagkakabit ng rhinestones at sequence sa gown na kailangan sa gabing iyon. Mamayang gabi na ang final shooting ng commercial ng Stallion Shampoo and Conditioner.

"Kulang kami ng model. Di pa bumabalik from Milan. Stranded siya doon."

"Then hire another one. It is not a hard job."

"Nakapili na kami ng kapalit niya."

"So wala na palang trouble kung ganoon."

"Ikaw ang napili ni Sir Neiji at ni Direk Romanov para pumalit sa kanya."

"Ano?" mataas ang boses niyang tanong. "Bakit naman ako?"

"Ikaw ang fitting model ang gown na isusuot ng model na iyon. And you are pretty. You have a pretty hair. Pang-Stallion ka!"

"Ano naman ang gagawin ko doon? Kakain ng apoy?"

"You will just stand there and smile."

Here are my social media handle:

Instagram: sofiaphr

Facebook: Sofia PHR Page

Facebook store: My Precious Treasures

Shopee: Sofiaphr

Sofia_PHRcreators' thoughts
Bab berikutnya