Kinatok ni Illyze ang kuwarto ng Kuya Rolf niya. "Kuya, mauna na ako sa iyo. Six thirty na. Uuwi na lang ako mamaya. Huwag mo na akong isipin. Sabay naman kaming magla-lunch ni Romanov."
"Huwag muna!" pahabol nito. "Sabay na tayong pumunta sa stable. Matatapos na akong magbihis."
"It usually takes you an hour before you get dressed. Male-late ako sa date namin ni Rome. This is our first date and I have to make an impression. Bye!" aniya at di na pinakinggan ang pagpoprotesta ng kapatid.
Paglabas ay pinara agad niya ang dumaang golf cart at nagpahatid sa main stable. Iyon ang isa means of transportation sa buong riding club. But the golf cart was more of like a public transportation.
"Hmp! Plano pa niyang isabotahe ang date ko. Halos hindi na nga ako makatulog kagabi sa kaiisip kay Rome. Tapos gusto pa niyang ma-late ako."
Hindi niya alam kung anong nangyari kay Romanov at bigla itong bumait sa kanya. Marahil ay na-realize nito na di naman talaga ito masamang tao. Na hindi naman nito kailangang itaboy ang mga nakapaligid dito. O baka nasilaw ito sa kanyang kagandahan kaya nagbago ang isip nito tungkol sa kanya.
"Good morning!" bati niya sa isa sa mga stable boy nang pumasok siya sa main stable. "Nakita mo ba si Romanov Cuerido?"
"Ah, si Sir Romanov po, Ma'am? Nasa A-52 po na stall."
"Thanks," aniya at di naman nahirapang hanapin ang naturang stall at pati na rin si Romanov. He was patting his stallion's mare. Kung may isa marahil itong nilalang na ina-admire sa riding club, it would be his horse. "Good morning!"
Nagulat ito at lumingon sa kanya. "I-Illyze! Good morning."
"Mas maaga ka pa pala sa akin. Siya ba ang sasakyan natin?" tanong niya dito at pinagmasdan ang Stallion nito. It was a dark horse. Fit for his character. Baka mauulit ang nangyari nang una nilang pagkikita ni Romanov na nakasakay siya sa kabayo nito. That would be the perfect date. "Hi, I'm Illyze!"
"He is Thunder Emperor, my horse. Pero hindi siya ang sasakyan mo. You will have your own." Inilahad nito ang kamay sa papalapit na stable boy at akay-akay ang isang champagne colored horse. "That will be your horse."
"Wow! She's beautiful!" aniya at nilapitan ang kabayo. "What's her name?"
"Star Dancer," sagot ni Reichen na kasunod ng kabayo. Kasama rin nito si Eiji. "And she is the most gentle mare here."
"Nandito din kayo?" tanong niya.
"Magho-horseback riding din kami kasama ng Kuya Rolf mo," paliwanag ni Eiji. "Mas maaga nga lang kaming dumating ni Reichen."
"Nakita namin si Romanov na namimili ng kabayo na sasakyan niya para sa date ninyo. Wala siyang masyadong alam sa mga kabayo kaya tinulungan naming siya. Ipinahiram ko si Star Dancer sa kanya para sure na safe. Masyado ka namang malihim. Hindi mo man lang sinabi sa amin na may date pala kayo," tukso nito.
"Kuya Reichen!" saway niya dito at pinanlakihan ng mata. "But thanks for the help anyway." At least ine-ensure ng mga ito na walang problema sa date nila.
"Illyze! Bakit hindi mo ako hinintay?" madilim ang mukhang tanong ni Rolf.
"Mabagal ka kasi. Kita mo nga. Kanina pa naghihintay si Rome dito."
"Good morning," bati ni Romanov at bahagyang yumuko.
"Just take care of my sister," pormal na bilin ni Rolf. "No kissing on first date. Huwag kang magte-take advantage. Oras na malaman ko na…"
"Kuya, we are old enough!" putol niya sa sasabihin pa nito. Hindi na siguro nito kailangan pang isa-isahin sa kanila ang mga rules. Di na siya menor de edad.
"Sasama na rin kaya kami nila Eiji," hirit pa ni Rolf. "Mas marami, mas masaya. Marami kaming alam na lugar sa riding club na di pa napupuntahan."
"Kuya!" saway niya dito.
"Wala rin kaming planong maging chaperone," anang si Eiji.
Saglit na nagdilim ang mukha ni Rolf dahil nawalan ito ng kakampi. "O, sige. Umuwi na lang kayo bago magdilim."
"I will take care of Illyze," Romanov assured Rolf.
Nakahinga lang siya nang malalim nang nakalayo na sila sa stable at wala na sa paningin niya ang kapatid niya. "Pasensiya ka na kay Kuya Rolf. Masyado lang siyang overprotective sa akin. Dalawa lang kasi kaming magkapatid."
"Isn't that nice? You have an older brother to protect you."
"Yeah! But he is annoying most of the time. Tingin niya sa akin bata pa rin hanggang sa ngayon. But I love my brother. How about you? May kapatid ka ba?"
Umiling ito. "Wala. Nag-iisa lang akong anak. Patay na rin ang mga magulang ko dahil sa isang car accident."
"Oh, I am sorry!" usal niya. "May kamag-anak ka ba?"
"Parehong lumaki sa ampunan ang mga magulang ko. Wala silang ibang kamag-anak. Now that they are gone, I am practically alone."
"But perhaps you have friends," aniya sa pilit na pinasayang boses.
Tumalim ang mata nito. "I told you, I have no one."
Yumuko siya. "Sorry. Hindi ko naman alam…"
Napabuntong-hininga na lang siya. No wonder he was grumpy. He had nobody. Di niya alam kung paano ang pakiramdam ng mag-isa lang sa mundo. Kahit saan naman kasi siya pumunta, mabilis siyang magkaroon ng kaibigan. And he could have one if he wanted to. Paano nito natitiis ang pag-iisa? Paano nito nagagawa na talikuran ang isang masayang mundo?
"Where do you want to go?" tanong nito nang makarating sila sa sanga-sangang daan. "Do want to go to the lake or the forest?"
Umiling siya. Nakabawi na siya sa pagsusuplado nito. At least he is asking where I want to go. "I prefer the Mountain Trail."
"The road is tricky. Hindi madali iyon sa iyo."
"Nakasakay na ako sa camel noong nasa Dubai ako. I even tried it when I was in Cairo when I visited the Great Pyramid of Giza."
His lips compressed. "Wala tayo sa disyerto."
"I know how to ride a horse. Saka alam ko naman na hindi mo ako pababayaan. Naalala ko kasi na gusto mo sa Mountain Trail dahil tahimik. Walang masyadong tao di tulad sa Lakeside at sa Forest Trail." Isa pa, malaki ang possibility na makita niya ang Kuya Rolf niya at ang grupo nito sa dalawang lugar na iyon. Tiyak na bubuntutan sila nito at masisira ang date nila.
"Nakapunta ka na sa Mountain Trail noong unang araw mo dito."
"I love that place because it is where we first met."
Lumingon ito sa kanya. "So what? There is nothing special about it."
"That's not true. Destiny brought us together, Romanov."
Animo'y nababalutan ng maskara ang mukha nito. He was expressionless as he let his horse walk ahead. "Destiny? I hate it. It took everything away from me." Malamig ang mata siya nitong tiningnan. "And don't depend too much on it as well. It would only shatter your hopes and dreams."
Don't forget to comment, vote, and rate this chapter.
And Stallion Series is coming home soon. Abangan po ang vlog na gagawin ko para sa Stallion Series Homecoming. :)