webnovel

Chapter 13

Nakahanda na ang ngiti sa labi ni Illyze. Napaghandaan na kasi niya ang pagsusungit ni Romanov. Subalit lalong lumapad ang ngiti niya nang mapagmasdan itong mabuti. Mamasa-masa pa ang buhok nito sa pawis dahil sa pagdya-jogging. He was wearing a black sports sando and a light gray jogging pants that only magnified his physique. Bigla niyang naisip na di pa siya nag-aagahan.

Ito ba ang kampon ng dilim na sinasabi nila? He looks good enough to eat for breakfast. Dapat natunaw na siya sa sikat ng araw. Pero parang ako yata ang natutunaw dahil sa kanya.

"Good morning!" todo ang ngiting bati niya dito. "Nag-enjoy ka ba sa pagdya-jogging? Nagutom ka siguro. Naghanda ako…"

She stopped in mid-sentence when his scowl deepened. Ibaling nito ang malalamig na mata sa housekeeper na si Aling Doray. "Anong ibig sabihin nito? Bakit kayo nagpapapasok ng ibang tao? Kabilin-bilinan ko na huwag magpapapasok ng mga tao nang wala akong permiso."

Naputol ang lahat ng iniilusyon niya nang marinig ang galit sa boses nito. Akala pa mandin niya ay matutuwa ito na makita siya. Ibang tao. Ibang tao na pala ang tingin nito sa kanya kahit na pinipilit niyang kaibiganin ito.

"W-Wala kayong sinabi, Sir," anang si Aling Doray na nanliliit sa titig pa lang nito at di makatingin nang diretos. "Sa ibang villa po kasi…"

"Iba sila at iba ako. Dapat masunod ang gusto ko!"

"Pasensiya na kayo, Sir. Bago pa lang ako dito," sabi ni Aling Doray at pinilipit ang hawak na basahan. "Saka mukha naman pong mabait si Ma'am Illyze. Sa katunayan, tinulungan ko po siya na maghanda ng…"

"Kaya sinuway ninyo ang utos ko?" putol pa ni Romanov.

"It is not her fault!" singit niya sa usapan ng dalawa. "Ako ang pumasok nang walang permiso. I should have waited for you instead. Nagluto ako ng breakfast para sa iyo dahil hindi ka nakasamang mag-dinner kagabi. Gusto ko lang namang magpasalamat sa pagtulong mo sa akin. Kung minamasama mo ang ginawa ko, then I apologize. Aalis na ako. Basta huwag mo lang pagalitan si Aling Doray."

Saka siya patakbo na lumabas ng villa nito. Tuloy-tuloy siya sa pagtakbo hangga't hindi nakakapasok sa gate ng villa ng Kuya Rolf niya. Hindi naman espesyal ang trato sa kanya ni Romanov. Marahil ay ilusyon lang niya iyon. He would never appreciate her. Tulad ng ibang tao sa paligid niya, itinutulak din siya nito palayo.

"Anong nangyari?" tanong ni Rolf nang papasok na siya ng kuwarto niya. "Natikman ba ni Romanov ang iniluto mo?"

"Itutuloy ko lang ang tulog ko, Kuya," nakayuko niyang sabi. "Inaantok pa ako." She locked the door once she entered her room.

She pressed the remote of the venetian blinds. Kusa iyong sumara at natakpan ang magarang villa ni Romanov sa tapat. "I guess it is useless. Hanggang kailan ko ba ipipilit na si Romanov ang destiny ko? Hanggang kailan ko ipipilit ang sarili ko sa kanya? Kailangan ko pa bang ituloy ang kalokohan ko sa kanya?"

Ipinikit niya ang mga mata. Malungkot siya dahil personal niyang nakita kung bakit Count Dracula ang tawag ng marami kay Romanov. He didn't want other people around him. Iiwan din ba niya ito kahit di pa siya napapalapit dito?

See you on September 15, 2019 sa SMX Mall of Asia for my Manila International Book Fair Book Signing. Pwede kong i-sign ang Stallion books ninyo at iba pang books. May new book din ako na lalabas sa event.

Sofia_PHRcreators' thoughts
Bab berikutnya