webnovel

Chapter 12

"NASAAN na kaya ang lalaking iyon? Sabi niya, pupunta na siya rito before lunch at sabay na kaming kakain sa labas. Ala-una na pero wala pa rin," pagsisintir ni Sindy habang palakad-lakad sa foyer at hinihintay si Gabryel. Hindi siya nagluto dahil na rin sa utos nito. Pagkatapos ay male-late naman pala ito.

Sinubukan niyang tawagan ito sa cellphone pero out of coverage area pa rin. "Brye, nasaan ka na ba? Inip na inip na ako rito."

Kahit gaano pa kaganda ang bahay nito, hindi rin siya makatagal na maghapong nakakulong. Excited kasi siya na makita ang buong Stallion Riding Club.

Nag-ring ang cellphone niya pero hindi si Gabryel ang tumawag kundi si Miles, isa sa mga readers niya na naging kaibigan niya. Sa Rider's Verandah kasi ito nagtatrabaho, isang restaurant sa loob ng club. "Hoy, bruha! Ang sabi mo, pupunta ka rito para mag-lunch. Aba! Ala-una na. `Di ka pa ba magpapakita?"

"Gutom na nga ako, eh! Wala pa kasi ang kaibigan ko." Dahil naka-mind-set na siyang kakain sa labas, wala siya sa mood na magluto kahit gutom na siya.

"Hay, naku! Iwan mo na siya at sumunod ka rito. Hindi ka dapat nagpapagutom dahil lang sa lalaking iyan. Masarap ang smoked oyster and salmon namin. Luto iyon ng boss ko kaya masarap."

"Iyon ba si Gino? Iyong boss mo na crush na crush mo?"

"Heh! Huwag ka nang manukso. Punta ka na lang dito."

"O, sige, pupunta ako riyan, `tapos ituro mo sa akin si Gino." Humagikgik siya. Excited kasi siyang intrigahin ang love life ng ibang tao. "Paano pumunta riyan?"

"May golf cart na umiikot sa paligid ng club. Magpahatid ka lang sa Rider's Verandah, `tapos hanapin mo ako. Okay na iyon."

Sinunod niya si Miles. Hindi na nga niya na-appreciate ang ganda ng paligid sa sobrang gutom. Pagdating sa Rider's Verandah ay sinalubong siya ni Miles. "Aba! Paganda ka nang paganda, sister. Iba na talaga ang in love."

"Anong in love? Ikaw, kumusta na?"

"I am starving to death. At ayokong makasama sa kamalasan ko sa buhay ang pagkakaroon ng ulcer. No thanks, really."

Ibinigay nito ang menu sa kanya. "Basta um-order ka ng gusto mo."

"Hi! You are Sofia Jade, the romance novel writer?" tanong ng isa sa mga service crew sa kanya. "I am Quincy. I am one of your readers. Hindi ko alam na halos magkaedad lang tayo. Akala ko kasi, matatanda na ang mga writers."

"Nice meeting you, Quincy." Hindi lang siya masyadong makapagsalita dahil gutom na siya. Pero natutuwa siya kay Quincy dahil madaldal ito. Mukhang marami siyang makukuhang impormasyon dito tungkol sa riding club.

Nag-text siya kay Gabryel at sinabing sa Rider's Verandah na sila magkita.

Hinihintay niyang dumating ang order niya nang may lumapit na lalaki sa kanya. "Hi, I am Eiji Romero."

"Hi! I am Sindy Arevallo," aniya at kinamayan ito.

Eiji was a popular tennis player. He excelled in acrobatics tennis. She never thought he was a member of the Stallion Riding Club. Now this is interesting.

"I hope you won't mind if I join you. Who are you with?"

"A friend..." Hindi pa niya nasasabi ang pangalan ni Gabryel ay may isa pang guwapong lalaki na lumapit sa mesa niya.

"Hi, Miss! `Mind if I buy you a drink? By the way, I am Rolf Guzman."

Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Tumikhim si Eiji at tumayo. "Pare, naliliitan ka yata sa akin at `di mo ako nakita. Kanina ko pa siya kausap."

"Ah, ganoon ba? Kaso, mas guwapo ako, pare," pabirong sabi ni Rolf. Subalit sa kabila ng pabirong tono, naroon pa rin ang seryosong kompetisyon. At ang ayaw niya sa lahat ay mag-away-away ang mga ito dahil lang sa kanya.

Hindi pa niya alam kung paano mamamagitan sa dalawa nang may sumingit pang isang lalaki. "Hi, Miss! Pasensiya ka na sa kanila. Ganyan talaga ang mga kaibigan ko. Kaya mabuti pa, sa akin ka na lang makipag-date."

Mas malakas pa pala ang lakas ng loob nito kaysa sa dalawang nauna. "Why should I go out with you? I don't even know your name."

"I'm Reichen Alleje," anito saka inilahad ang kamay.

"T-the world-renowned equestrian? Iyong lumabas sa commercial ng Piagget Platinum Watch?" Hindi yata mauubusan ng guwapo sa lugar na iyon.

"The one and only." Bahagyang yumukod ito saka nakalahad ang mga palad na binalingan sina Eiji at Rolf. "Sorry, guys! But she's mine."

"Wrong," singit ni Gabryel. "She's mine."

Natigagal siya rito. Ano ba ang sinasabi nito? There was a possessive hint in his voice and in his eyes. Her heart beat faster. Sa lahat kasi ng nagkakagulong lalaki sa kanya, dito lang tumagal ang titig niya. Samantalang palagi naman silang nagkikita na dalawa. Ganoon ba kalakas ang epekto nito sa kanya?

"Don't be such a crass, Gabryel. Kadarating mo lang," sabi ni Rolf. "At kung paguwapuhan lang naman ang pag-uusapan, pakakainin lang kita ng alikabok."

She stiffened when Gabryel put his arm around her shoulders. Pigil na niya ang hininga habang nararamdaman ang init ng katawan nito. Nang nagdaang araw lang ay magkatabi sila sa hammock at nanariwa ang alaala niyon, pati ang halik nito. Pero hindi naman niya magawang tumutol. Having him near her felt so good.

"Boyfriend nga ako ni Sindyrella. Ako ang Prince Charming niya."

`Sounds like a fairy tale to me. Parang nakakakilig. Parang totoo.

Hindi siya sobrang apektado sa mga nakakakilig na eksena sa mga nobela niya. Ngayon lang yata siya kinilig nang todo. Parang nangangarap siya nang gising.

"Ang baduy naman ng entrance mo, pare," sabi ni Reichen. "May Prince Charming-Prince Charming ka pang nalalaman."

Pagkatapos ay nagtawanan ang tatlo. Pinagka-kaisahan ng mga ito si Gabryel. Humigpit lang ang pagkakaakbay ni Gabryel sa kanya. Mukhang wala itong balak magpatalo.

"Mabuti nang baduy kaysa naman basted," kantiyaw nito.

"Sabi niya, kaibigan lang ang kasama niya rito," sabi ni Eiji.

"Parang kaibigan kasi ang turingan namin ni Sindy." Pinisil nito ang balikat niya. "Hindi ba, sweetheart?" anito, pagkatapos ay pinisil pa ang baba niya.

Nang ngitian niya si Gabryel at napansin nito na hindi naman siya kumokontra, saka lang niya na-realize na talo na nga ang mga ito.

"`Nice meeting you, Sindy," sabi ni Reichen. "Sayang. Hindi dalawa ang puso mo."

Tinapik ito sa balikat ni Gabryel. "Pare, sa iba mo na lang gamitin ang ka-corny-han mo. I am sure marami ka pang babaeng mabibiktima riyan." Reichen didn't take offense and just laughed. Mukhang sanay na sa pakikipag-inisan kay Gabryel.

"They are your friends?" she asked.

"Yes. Most of the members are my friends." Sa isang iglap ay nawala ang ngiti nito at naging seryoso. "Bakit ka umalis ng villa? Hindi ba, sinabi ko sa iyo na hintayin mo lang ako?"

Napapagod na tiningnan niya ito. "Bored na bored na ako. Saka gutom na rin ako. Akala ko nga, `di ka na darating dahil `di mo naman sinasagot ang tawag ko. Tinawagan ako ni Miles. She is one of the crew here. Reader ko siya at kaibigan ko rin. In-invite niya ako na mag-lunch na. Treat niya."

"Look what you've done. You created a circus because you are not with me."

"Hindi ko naman kasalanan na nagtalo sila." Nagulat na lang siya nang sunud-sunod na maglapitan ang mga ito sa kanya at isa-isang nagpapa-cute.

"You don't know beans about men. They could act like wild stallions over a mare. Since you were unescorted, they took it as a given that you are unattached and they could take you out on a date. All of them."

"Well, I am single. So what? Puwede naman akong makipag-date."

His eyes narrowed. "Not in Stallion Club. Most of the members here are notorious playboys. You don't know how to handle them because you are still a greenhorn about men. I don't want you to get into trouble. So while you are here, I am your boyfriend. Naiintindihan mo ba?"

"Paano kung may magustuhan ako at alam niyang boyfriend kita? Hindi na ako puwedeng makipag-date. Paano pa ako magkaka-boyfriend?"

"Not in this club. Not with my friends. Alam ko ang likaw ng bituka nila. Most of them love to play. It is not your game."

"I write romance novels. Alam ko ang ugali ng mga lalaki. Hindi na ako bata. I know how to handle them."

"They are not characters in your novels. `Di mo sila mapapaikot. And this is the Stallion men's world. Our world. We dominate here and we have our own rules. Kaya sundin mo na lang ako. Hayaan mong isipin nila na boyfriend mo nga ako habang nandito ka. Mas safe ka sa akin."

She wondered if she was really safe with him. Because in that Stallion world, he was the only man she couldn't handle.

Humihinga pa ba kayo, Stallionatics? Galaw-galaw naman diyan.

And see you on September 15, 2019 sa SMX Mall of Asia for my Manila International Book Fair Book Signing. Pwede kong i-sign ang Stallion Books ninyo at iba pang books.

Sofia_PHRcreators' thoughts
Bab berikutnya