"OH, GOSH! I never thought you are my big boss' friend. Ang alam ko kasi, puro movers and shakers lang ang friends ni Sir Gabryel," excited na sabi ni Kylie nang makasabay ito ni Sindy papasok sa subdivision.
Nagkasabay sila sa paggo-grocery kaya sabay na rin silang umuwi. Hindi siya nito pinapansin dati pero nagulat siya nang ito pa ang nag-offer sa kanya na sumabay sa taxi. Dahil siguro nalaman nitong kaibigan niya si Gabryel.
"Medyo matagal na rin kaming magkakilala."
"Kailan pa? Elementary? High school? College?" Niyugyog pa nito ang braso niya. "Mukha kasing close na close kayo sa isa't isa. O baka ex-boyfriend mo siya?"
"No. Hindi ko siya naging boyfriend."
"Hay! Alam mo ba na iiwan ko ang boyfriend ko kapag si Sir Gabryel ang nanligaw sa akin? Nakakatulala naman kasi ang kaguwapuhan niya. Sabihin mo naman sa akin kung ano ang pantasya mo kay Sir Gabryel `pag kasama mo siya."
"Ha? Hindi ko naman siya pinagpapantasyahan."
"Come on. Normal lang na pagpantasyahan si Sir. Abnormal ka kapag hindi."
Bata pa lang ay magkasama na sila ni Gabryel. They watched each other grow. Nakita niya ang lahat ng kalokohan nito, pati kalokohan sa mga babae. Wala na siyang oras na pagpantasyahan pa ang binata.
Palapit sa apartment nila ay natanaw na niya ang nakaparadang itim na Mercedes-Benz. Kinabahan siya. Pamilyar sa kanya ang sasakyan na iyon. "Magkano ang taxi natin?" tanong niya at tiningnan ang metro.
"Huwag na. Ako na ang magbabayad. Basta magkuwentuhan tayo tungkol kay Sir Gabryel at tungkol sa mga naging girlfriend niya," humahagikgik na sabi nito.
"Next time na lang natin sila pagkuwentuhan, ha? Mukhang may bisita ako."
"Iyang Mercedes-Benz na iyan? May pinagkaka-utangan ka ba?"
Ngiti lang ang isinagot niya at nagpasalamat. Pagbaba ng taxi ay lumabas ang driver nilang si Mang Jose. "Señorita, nasa kotse po ang mama at Ate Trish ninyo," malumanay na sabi nito.
Parang napunta sa lalamunan niya ang kanyang puso nang lumabas ang dalawang babae mula sa backseat ng sasakyan. Her mother Elizalde Arevallo looked at her with shock. "Oh, God! Sindyrella! Look at yourself. You've changed a lot." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "What have you done to yourself, daughter?"
Hinalikan niya ito sa pisngi. Parang hindi man lang niya maramdaman na na-miss siya nito dahil panlalait agad ang nakuha niya. She was wearing a plain white sleeveless blouse, cutoff pants and a pair of simple strap sandals. Nag-grocery lang siya. She didn't have to dress up. "You look great, `Ma." Humalik din siya sa pisngi ng kapatid na si Jasmine. "How are you, sis? May pamangkin na ako?"
Before she left, her sister married the young mayor of Altamerano. It was an arranged marriage. According to her mother, they needed a little political power. Iyon na rin ang mitsa ng pag-alis niya. Dahil pilit na itinutulak siya nito kay Gabryel, kailangan na niyang tumakas bago pa matulad ang kapalaran niya sa ate niya.
"Paano ako magkakaanak kung magkakaroon sila ng tita na sakit ng ulo na tulad mo?" anito at iningusan siya. Mukhang hindi rin ito masaya na makita siya.
She gave them a tight smile. She didn't receive any warmth from them. "Tumuloy kayo sa loob, `Ma. It is more comfortable inside the house."
Magkahawak-kamay ang mama at Ate Jasmine niya nang papasok sa apartment, as if they were about to enter a haunted house. Lalo niyang nakita ang panlulumo sa mukha ng dalawa nang bumaha ng ilaw sa apartment niya.
Tumikhim ang mama niya. "Hija, buksan mo ang aircon. Medyo mainit."
"Electric fan na lang, `Ma. I prefer fresh air, remember?" Pero ang totoo ay wala naman siyang pambili ng aircon. It was the least of her concern.
"Hindi nabanggit sa amin ni Gabryel na sa ganito kaliit na apartment ka lang nakatira." Nakataas ang kilay ng Ate Jasmine niya nang igala nito ang mga mata sa paligid. "Mas malaki pa ang maid's quarters natin dito. Daig ka nila dahil may aircon sila."
It was a bit exaggerated. May kalakihan naman ang apartment niya. But compared to their hired help who were treated like family, they were more blessed.
Tumatak sa kanya ang pangalang binanggit nito. Of course, Gabryel was the only one who could tell them about her. Dahil sa pride ng pamilya niya, wala namang balak ang mga ito na hanapin siya. Nagkataon lang na may nakakilala sa kanya kaya natutuliro ang mga ito na sagipin ang pangalan nila sa kahihiyan.
Coming from the old rich of Altamerano, her mother was always on high to uphold the family honor. Bata pa lang siya ay palagi nang itinuturo nito ang karapat-dapat para sa isang Arevallo. Mula sa mga kaibigan, eskuwelahan, isusuot, kakainin at pati yata ang hanging ihihinga niya ay itinakda na rin nito. She was ten when her father died. Lalong humigpit ang mama niya. At ipinapaliwanag nito palagi sa kanya na ginagawa lang nito iyon para mapanatili ang karangalan at kayamanan ng pamilya nila. Until the whole thing choked her up.
"Why get a bigger one if I live alone here?"
"Why not get a condo unit?" nakangiting tanong ng mama niya. "We have a unit in Makati and at the Bonifacio Global City. Doon ka na lang."
"I love it here, `Ma. You know how much I hate heights." At kapag tinanggap niya ang offer ng mga ito, ang ibig sabihin ay magpapasailalim na siya sa mga ito.
"But this is not an appropriate place for my daughter!" Lumabas na rin ang kinikimkim na sentimyento ng mama niya. "Ni wala kang DVD or television."
"I have a TV-RF and a DVD-ROM on my laptop," pagmamalaki niya. "Why don't you take a seat and I will get you some coffee?"