webnovel

Chapter 22

Ipokrita ka kung di ka interesado kay Hiro. Paulit-ulit na umalingawngaw ang salitang iyon ni Mayi. Parang nananadya naman na narinig niyang kumakanta si Hiro mula sa hot spring. It was a song about a love. He used to sing it for her.

"Isa pa itong Hiro na ito. Parang nananadya. Parang nang-aakit!"

Napatingin siya sa mga kawayang bakod na humaharang sa hotspring. She was not interested to see a naked man before. Until tonight. Until Hiro. Dati kasi ay masaya na siya sa emosyon na pinagsasaluhan nila ni Hiro. They had never been intimate physically. Pero ngayong mas matured na siya, iba na ang sitwasyon. She could feel her hormones urging to take a look at his naked body.

She closed her eyes and imagined him under the hot spring and bathing on moonlight without anything on. Bigla siyang dumilat habang habol ang hininga. "O, sige! Tama ka nga, Mayi. May kulang sa buhay ko. Pero di mo na ako mapagta-tawanan. Makakakita rin ako ng naked guy, by hook or by crook!"

Maingat pero desidido siya nang lapitan ang gate na kawayan ng hotspring. Nakayapak lang siya para di marinig ni Hiro ang yabag ng paa niya. "Curious lang naman akong makita siya. Wala naman sigurong masama. Kaysa naman sa porn pa ako makakita ng naked guy na pandidirihan ko naman, si Hiro na lang. Live action pa. Virgin pa rin ako pero at least hindi pathetic virgin."

Sinubukan niyang sumilip sa pagitan ng mga kawayan. Masyadong masinsin ang pagitan niyon kaya di niya makita. Mukhang peep-proof iyon. Dahan-dahan siyang lumipat sa pagitan ng mga kawayan, nagbabaka-sakali na may makikita. Pero sa malas ay wala siyang makita. Sa kauusod niya ay nakarating na siya bakod na may natatanimang halaman. Maingat siyang sumingit doon.

Nakakita siya ng maliit na siwang. Natanaw niya na nakalusong sa hot spring si Hiro. His broad shoulders were naked so did his legs. Nakasandal ito at nakakatang ang ulo sa makinis na bato na nakapaligid sa hot spring habang nakatingala sa buwan at kumakanta. Parang naghihintay ito sa diyosa ng buwan na bumaba mula sa langit at saluhan itong maligo.

Pakiramdam tuloy ay uminit ang paligid kahit na malamig ang hangin. Ngayon ay alam na niya kung ano ang pakiramdam ng gumagana ang hormones.

She sighed. "Kailan ka kaya aahon diyan para makita ko ang lahat sa iyo? Sa susunod kapag mas makapal na ang mukha ko, sasamahan na kita sa hot spring. Sa ngayon, pagsasamantalahan ko muna ang katawan mo sa tingin."

Masyado siyang naka-focus sa paninilip kay Hiro nang maramdaman niyang may kumagat sa paa niya. Hahaplusin sana niya ang paa nang magsunud-sunod ang kumagat sa kanya. Nanlaki ang mata niya nang makita ang mga langgam na ginagawang pulutan ang paa niya.

Di niya napigilang tumili at nagtatakbo palayo sa bakod. Hindi siya magkandatuto sa pagpagpag sa paa niya. "Langgam! Langgam!"

***

A favorite scene of mine. How about you?

Share me your thoughts.

Sofia_PHRcreators' thoughts
Bab berikutnya