webnovel

Chapter 9

"Akala ko nakalimutan mo na kasi," usal ni Jemaikha. Three years din kasi niya itong naging nobyo. At kung naalala nito ang maraming bagay tungkol sa kanya, ganoon din siya dito. She still remembered almost everything about him.

"At hindi ko rin nakakalimutan na tuwing birthday mo lang ikaw tumatanggap ng regalo. So consider it as my gift."

Hindi na niya magawang tumutol. She was still in a high to know that he still knew a lot of things about her. Maging ang size nga ng paa niya ay alam pa rin nito. She was glad that he still cared. Kahit na wala na sila.

"Ang totoo wala naman akong planong mag-celebrate ng birthday ko. I don't have any reasons to celebrate after all."

"You are a wonderful person, Jem. And you should celebrate your birthday. Iyon na lang ang time mo para magsaya, di ba?"

Kung makakasama siguro kita, bakit hindi? But she couldn't voice it out. Isa lang namang ilusyon na magkakasama sila sa birthday niya.

Tatawagin na nito ang saleslady para magpakuha ng size para sa kanya nang may yumakap sa baywang nito. "Gotcha!"

"Morella!" gulat na usal ni Hiro.

"So you came here to visit me, huh?" Morella said with a wide smile. Ni hindi ito inalis ang pagkakayakap sa baywang ni Hiro kahit na maraming taong nakatingin. "Na-miss mo ako, no? Kaya nga iniwan ko ang work ko para makita ka." Mukhang ito ang manager ng boutique.

"No," tanggi ni Hiro. "Actually, I am just walking around until…"

Nakatitig lang siya sa babaeng nakalingkis kay Hiro. Maganda sana kaso nuknukan ng kapal ng make up. Mukha pa ngang mas matanda siya kay Hiro. Ito na ba ang girlfriend ni Hiro? Mukha silang mag-ate. Hindi bagay.

Naramdaman ni Morella na nakatingin siya dito kaya sa kanya bumaling at tiningnan mula ulo hanggang paa. "Hi!" bati niya. "You must be Hiro's girlfriend."

"Yes, I am. At sino ka naman?"

"I am Jemaikha, his old friend. Nagkataon lang na nagkita kami dito sa store." Inilahad niya ang palad. "I am glad that I finally met you."

Matabang ang ngiti nito nang kamayan siya. "Hindi ko alam na may kaibigan pala siyang babae. You are not familiar. You don't visit Stallion Riding Club?"

"I had never been there."

"Doon ko lang kasi nakikilala ang mga kaibigan ni Hiro."

Nalito siya. Kapag ba hindi nakakapunta ng Stallion Riding Club ay hindi na pwedeng maging kaibigan ni Hiro?

Nag-init ang mata niya nang makita kung paano idikit ni Morella ang katawan kay Hiro. Gosh! Hindi ko iyan nagawa kay Hiro noong boyfriend ko pa siya. At wala kaming kahilig-hilig sa PDA.

Naisip niya na baka nagbago na si Hiro. After all, she was not her boyfriend anymore. Si Morella na ang girlfriend nito.

"Well, I have to go now. It's nice to see you, Morella. Bye, Hiro!"

As in goodbye. Wala na talaga akong pag-asa sa iyo kahit sa ilusyon. Nadisilusyon na kasi siya nang makita ang bagong nobya nito. Masakit!

Dali-dali siyang lumabas ng boutique. Di na niya hinintay pa na magsalita si Hiro. Great! Kinalimutan na niya ang birthday gift niya sa akin dahil lang nakita niya ang girlfriend niya.

Bab berikutnya