webnovel

Gino Santayana Chapter 2

Kung tutuusin ay kasama si Gino Santayana sa top ten most gorgeous regular customer nila. May ari ang pamilya nito ng ilang sikat na resort sa Northern Luzon. He was tall and color was slightly tan. Masarap titigan ang mukha nito dahil madalas ngumiti. He got assertive eyes with long and curly lashes, his greatest asset.

Pero kasama rin ito sa top ten playboy. Tuwing pupunta ito sa branch nila ay iba't iba ang kasama nitong babae. Matatangkad, magaganda, mayayaman at pwedeng-pwedeng ipan-display. Mga babaeng malayo sa tulad nila ni Weng na mga simpleng empleyado lang. Maganda rin naman siya. Asset niya ang mata niya na may mahabang pilik-mata at ang ngiti niya. But she was not the assertive type. Kailangan pa siyang titigang mabuti para gumanda nang gumanda.

"Wala akong pakialam sa babae niya. Si Gino lang ang gusto ko. Tinatawag ka na yata nila. Asikasuhin mo ang crush ko, ha? At lalagyan ko ng gayuma ang order niya. At palalagyan ko naman ng ipis ang sa girlfriend niya."

"Luka-luka." Nilapitan niya ang table nila Gino. "Good afternoon, Sir, Ma'am. May I take your order, please?"

"Café Vienna please," wika ni Gino. "How about yours, Mitchell?"

Lumabi ang babae. Model iyon ng bagong brand ng papaya soap na napanood niya sa TV. "I want a Flat White."

"Anything else to go with your espresso and flat white? You can also try our cakes if you want," suhestiyon niya.

Tumaas ang kilay ni Mitchell. "Narinig mo ba na sinabi kong gusto ko ng cake? All I want is a flat white. If I want to order something else, I will tell you."

"Mitchell, nagsa-suggest lang naman siya," saway ni Gino sa nobya. Saka nakangiting bumaling sa kanya. "That's all, Miles. Thank you."

Tumango siya at nagngingitngit na bumalik sa counter. "Iyan na ang order ng Gino mo at ng girlfriend niyang impakta!" sabi niya kay Weng at sa manager na si Arlene. "Nagsa-suggest lang naman ako, tinarayan na ako."

"Wala tayong magagawa. Customers sila," sabi ni Arlene.

"Bakit naman kasi kung sinu-sino pang babae ang isinasama niya dito? Pwede namang ako na lang ang yayain niyang mag-date, hindi ba?" nangangarap na wika ni Weng habang nakatingin sa direksiyon ni Gino.

"Kahit sa panaginip, hindi siya makikipag-date sa iyo." Hindi katulad ni Alain. Simple lang. Madaling pangarapin. At hindi paiba-iba ng girlfriend. Hamak na may pag-asa siyang mapansin ni Alain. Di tulad ni Gino na ubod nang palikero.

Tinulungan niyang mag-serve si Marlon sa function room. Nawala ang init ng ulo niya nang ngitian siya ni Alain. "Hi!" nakangiti nitong bati.

"Good afternoon, Sir. Here's your order," aniya at inilapag ang blueberry cheesecake at café latte na madalas nitong order-in.

"Thank you," anito at binalingan na ang team leader nito.

Abot-tainga na ang ngiti niya paglabas ng function room. Simple lang naman ang kaligayahan niya. Makita lang niya si Alain, makausap ito saglit at ngitian nito ay kumpleto na ang araw niya. Walang sinuman ang makakasira sa mood niya.

Ganado niyang inasikaso ang ibang order ng customers. "Your order, Ma'am," aniya at inilapag ang flat white coffee na order ng model na si Mitchell.

Tiningnan lang ni Mitchell ang kape at nakataas ang kilay na tumingin sa kanya. "Did you put skim milk on our coffee?"

"No, Ma'am. It's just regular fresh milk."

Itinulak nito palayo ang tasa ng kape at tumayo. "I told you twice that I want skim milk? Hindi mo ba iyon narinig? Or do I have to spell it for you? S-K-I-M milk!"

Nagulat siya sa pagwawala nito. Wala naman siyang natatandaan na may sinabi itong skim milk. Kung may naka-voice recorder lang ang boses nito nang um-order, mapapatunayan niyang wala itong special request. Natural lang na maging keen sila sa mga special request ng mga customers nila.

"Mitchell, calm down. It's really nothing," wika ni Gino. "If you want one with skim milk, then we will order one. You don't have to freak out."

Luminga-linga si Gino. Mukhang naiilang na ito dahil pinagtitinginan na sila ng ibang mga customer. Pero mukhang walang balak magpaawat ang girlfriend nito. Parang gusto nitong ipakita sa lahat kung paano ito mag-eskandalo.

"No! I waited forever to have my coffee. Tapos palpak naman ang service nila. I want to talk to the manager now!" sigaw ni Mitchell.

Bab berikutnya