"When I saw you again, that was when I knew that I wasn't healing myself the right way. Dahil sa bawat babaeng nagiging girlfriend ko, hinahanap ko ang isang parte mo."
Jhunnica had always loved Eneru's scent. Kaya naman kahit hindi niya agad natandaan at nakilala ang lalaki nang muli silang magkita, nang dahil sa gamit na pabango ay naalala niya kung sino ito. He was the boy who always followed her around back in high school. "Eneru Villasis?" Napanganga na lang si Jhunnica nang sundan ng tingin ang papalayong sasakyan. "Ikaw na iyan?" Anak ng teteng! Ano ba ang pinagkakaabalahan niya noong nasa high school sila at hindi niya pinansin ang napakaguwapong nilalang na iyon?