webnovel

Business Partners

Shanaia Aira's Point of View

MAAGA akong gumising with a light mood. Kinapa ko ang kabilang side ng kama. Lumapad ang ngiti ko ng mahawakan ko si Gelo. Simula nung maging busy sya sa mga tv guestings nila ni Gwyneth, bihira ang pagkakataon na magising ako na nasa tabi ko pa siya.

Medyo sinumpong naman ako ng kapilyahan ko. Dahan dahan akong bumangon para pumunta sa bathroom saka nag-toothbrush. Nang matapos ako ay pumatong ako sa kanya at pinaghahalikan ko ang kanyang mukha. Bihira ko ng magawa sa kanya ang ganito pero mukhang sobrang himbing ng loko. Hindi man lang natinag. Pagod siguro.

Nakakapagod ba ang hand exercise?

Siguro.

Sinubukan kong halikan ang labi nya. Wala pa rin, tulog pa rin kahit na nilaliman ko na yung halik.

Teka nga...

Mukhang hindi naman yata tulog ito eh. Ma-testing nga..

Dahan-dahan kong ibinaba ang pajamas nya.

Dahan-dahan...

" Hey! What are you doing?"

" Ay bakulaw!"

" Pinagsasamantalahan mo ba ako baby?" tanong nya. Pigil ang ngiti ko na sumulyap sa kanya.

" Hindi ah! Assuming ka!" kaila ko.

" Anong hindi? Eh bakit nandyan ka sa ibabaw ko? Bakit nakababa ang pajama ko? Palabas na si junjun oh. Anong balak mo, hmm?" sunod-sunod na tanong nya na ngising-ngisi pa.

" Wala akong balak noh! Ginigising lang kita eh ayaw mong magising, kaya si junjun mo ang gigisingin ko sana. " nakayuko ako habang nagsasalita, bigla kasi akong nahiya sa kanya.

" Ay sayang wala ka palang balak. Ready pa naman ako." sabi nya tapos hinila ako pabagsak sa dibdib niya. Niyakap nya ako ng mahigpit. Hinayaan ko sya. Hinayaan ko ang posisyon naming dalawa. Ang sarap sa pakiramdam na ganito kami ka-intimate na dalawa. Hindi kami nag-uusap, pinapakinggan ko lang yung pintig ng puso nya. Kahit ganito lang kami, kontento na ako.

" Bhi wala ka bang work ngayon?" tanong ko matapos ang ilang minutong pananahimik. Medyo nangangalay na rin ako kaya umalis na ako sa ibabaw nya. Umupo ako sa gilid ng kama at hinarap sya.

" Meron. May photo shoot kami ni Gwyneth sa isang clothing company mamayang 4pm. Why? May pupuntahan ba tayo?" tanong nya. Bumangon na rin sya at tinabihan ako.

"Uhm, gusto ko sanang pumasyal kila mommy. Ang tagal na rin nung huli tayong pumunta dun. May photo shoot ka pala, kaya kahit ako na lang."

" No. Maaga pa naman kaya ngayon na tayo pumunta. Doon na tayo mag-lunch. Then after lunch, ihahatid na ulit kita dito saka ako tutuloy sa photo shoot. "

" Okay lang ba bhi? "

" Oo naman! Ano ka ba baby? Di ba nag-usap na tayo tungkol dyan? " tanong nya.

" Oo nga. Kaya lang kasi may trabaho ka. Baka makaabala lang ako. "

" Baby! " may pagbabanta sa tono nya.

" Oo na bhi. Sabi ko nga wag na akong makulit. "

" Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo. "

Sabay na kaming lumabas ng kwarto matapos nyang maligo. Habang naliligo sya, nagliligpit naman ako ng higaan namin.

Nagluto ako ng breakfast na magana naming pinagsaluhan. Natutuwa ako na magkasabay na ulit kaming kumain ng agahan. Nung mga nakaraang araw kasi hindi kami nagkakasabay dahil palagi syang nagmamadali.

Medyo maaga pa nung makarating kami sa amin. Sabado ngayon kaya malamang nasa bahay silang lahat. Pwera na lang siguro kay ate Shane, artista yon kaya paiba-iba ang schedule.

Nung makapasok na kami ng bakuran, may namataan si Gelo na pamilyar na sasakyan sa garahe namin.

" Kotse ni daddy to ah. Ano kaya ginagawa nya dito ng ganito kaaga?"

" Baka may pinag-uusapan sila ni daddy tungkol sa trabaho nila sa congress. Tara na ng malaman natin." hinigit ko sya sa braso at hawak kamay kami habang papasok ng bahay.

" Hello everybody! " masiglang bati ko kaya napalingon silang lahat. Nandoon nga si tito Archie kausap ni daddy at kuya Andrew tapos si mommy.

" Oh mabuti at napadalaw kayong dalawa." sabi ni mommy. Lumapit kami ni Gelo sa kanila at nagmano. Nagkamay sila ni kuya Andrew. Yumakap naman ako kay kuya at hinalikan naman nya ako sa ulo.

" Mamayang hapon may photo shoot si Gelo kaya dumalaw na kami ngayon. Makikikain po kami ng lunch dito." tugon ko kay mommy.

" Ay oo naman. Kahit araw-araw kayong makikain dito mga anak, walang problema, mas masaya nga yun." turan ni mommy. Nag-excuse naman sya saglit para pumunta sa kitchen upang abisuhan ang kusinera na magdagdag ng iluluto.

" Dad ang aga nyo po yata dito? " tanong naman ni Gelo kay tito Archie.

" Ah oo, mabuti at nandito ka anak ng marinig mo ang usapan namin. May itinatayo kasi kaming business ni pareng Adrian. Furnitures na pwedeng i-export. Actually, naumpisahan na namin, itong si Andrew ang nag-ayos ng mga permit at lahat ng papeles na kailangan. May pwesto na rin para sa bodega at factory, yung lupa natin sa Laguna, kasalukuyang tinatayo na yung building dun at yung showroom naman, yung bakanteng pwesto sa tabi ng coffee shop ng mommy mo at ni mareng Elize. In two months time baka mag operate na kami. " pahayag ni tito Archie.

" Wow! Ganun kabilis? " namamanghang turan ni Gelo.

" Medyo natagalan nga kami dahil sa trabaho. Nauna pa nga kami sa coffee shop ng mga nanay nyo. Hindi rin madali kasi may bodega at factory na kailangang ipatayo tapos may mga machine pa na kailangang bilhin. Pero lahat ng iyan, naayos na. " sabi naman ni daddy.

" Wala kaming kamalay-malay na may ganyan pala kayo. " sabi ko.

" Masyado kasi kayong busy ni Gelo sa buhay nyo bunso. " asar ni kuya Andrew.

" Syempre kuya, estudyante ako tapos siya naman artista, malamang busy nga. Maiba ako, kasosyo ka ba nila kuya?" tanong ko kay kuya Andrew.

" 20 percent lang ang share ko tapos tig 40 percent sila. " sagot ni kuya.

" Maganda yan kuya. Medyo mahirap lang ang paghahanap ng kahoy lalo na at de kalidad na kahoy ang gagamitin nyo pang-export. " saad ni Gelo.

" Wala naman masyadong problema sa kahoy, may tutulong sa amin at may permit na rin kami. " si tito Archie ang sumagot.

" Nag-offer naman ng tulong si senator sa amin kung sakaling magka-problema sa mga kahoy. " inporma ni daddy.

" Senator? Sinong senator dad? " tanong ko.

" Senator Faelnar. " tipid na sagot ni daddy.

Nagkatinginan kami ni Gelo. Mukhang pareho kami ng naiisip. Hindi maganda ang kutob ko pero isinantabi ko lang. Masama ang humatol lalo na't wala namang ginagawa pa.

Sana lang mali ako.

Sana nga...

Bab berikutnya