webnovel

Live a Normal Life

UMUWI kami sa bahay namin kinagabihan para ibalita kila daddy na nag-proposed na si Gelo sa akin.

Yung pagkagulat ko kaninang nag-proposed sya ay mas nadagdagan pa nung makarating kami sa bahay namin. Paano ba naman nung dumating kami ay nasa dining area na silang lahat at kasalo sa dinner ang pamilya ni Gelo.

" You knew about this?" namamanghang tanong ko. He just nodded. He embraced me tight and kiss my temple.

" Akala ko pa naman hindi ka pa magpo-propose ng formal,eh ano to?"natatawang tanong ko.Napakamot pa sya sa ulo nya bago sya sumagot.

" Eh kasi baby nasabi na ng daddy mo sa kanila kanina kaya hayan sumugod na sila dito. Alam mo naman kung gaano sila ka excited na ma-engaged na tayo.."

" Sorry anak pero wag kang mag-alala tayo-tayo lang naman ang makakaalam nito. Alam naman namin na gusto nyong maging private yang relasyon nyo ni Gelo. Ipapaalam natin sa publiko ito kapag ready ka na.Kapag nakatapos ka na. Napag-usapan na namin yun ni Gelo. Relax ka lang anak. Just live a normal life at huwag kang magpapaapekto sa tsismis at intriga. Alam mo ang totoo sa inyong dalawa kaya ginawa ni Gelo ito para masiguro na kayo na nga at kayo hanggang sa dulo." turan ni dad habang yakap yakap ako.

" Salamat dad.Alam ko naman po na nandyan lang kayong lahat para suportahan kami ni Gelo. Nagtitiwala at naniniwala po ako sa pagmamahalan namin. Kung may mangyari man po na hindi maganda sa relasyon namin,alam ko po na mareresolbahan namin yon dahil nandyan kayong lahat.Hindi nyo kami pababayaan."

" Tama yon anak. At huwag mong isipin na magkakahiwalay kayo ni Gelo, mahal na mahal ka ng anak ko at hindi nya hahayaan na may masamang mangyari sa relasyon nyo.Ang nangyari sa ate at kuya mo ay hindi nangangahulugan na mangyayari din sa inyo.Alisin mo ang takot mo at tama ang daddy mo,just live a normal life. Nandito lang kami." turan naman ni tita Mindy.

Masaya naming pinagsaluhan ang masarap na hapunan na hinanda ng mga kapamilya namin at ang lahat ng agam-agam ko ay isinantabi ko na. Tama sila, ang nangyari sa mga kapatid ko ay hindi mangyayari sa amin ni Gelo basta't manatili lang kaming matatag sa kahit na ano mang pagsubok ang ibato sa amin ng tadhana. Hindi lahat ng artista ay pare-pareho ang kinahihinatnan ng lovelife nila, gaya nga ng sabi ni Gelo,if something 's happen along the way, lagi lang naming tatandaan na kami pa rin ang ending.

_______________

Lumipas ang mga araw at naging normal lang ang buhay namin ni Gelo. Patuloy sya sa acting career nya, marami syang movie na naka-line up bukod pa sa teleserye nya na naka-ere sa primetime. Hindi kami madalas nagkakasama. Tuwing weekends ay sa condo ako umuuwi kahit wala sya. Ginagawa ko ang mga gawaing bahay na nakagawian ko ng gawin kapag walang pasok sa school. Nakakapag-usap naman kami, every night ay tinatawagan nya ako. Kung may taping sya sa malapit, pasikreto akong nanonood kahit na kung minsan nginangatngat ng selos ang puso ko dahil may mga kissing scene sya with Charmaine Gonzalo.

Madalas nya akong sabihan na wag manood ng tv lalo na kapag may tsismis tungkol sa kanya. Hindi daw maganda sa kalusugan ko kasi nagagalit lang daw ako. Sinusunod ko naman kaya lang kung minsan sa sobrang pagka-miss ko sa kanya, nakakalimot ako sa pangako ko,pinapanood ko sya at hayun nga ang ending,high blood na naman ako.

Huling araw na ng finals namin then after nito sem break na. Medyo excited na si Venice at Charlotte dahil magta-travel ang pamilya nila kasama sila. Si Venice ay sa France ang punta nila samantalang sa Korea naman sila Charlotte. Walang balak mag travel sila daddy ngayon dahil kakauwi lang nila from US, kaya naman ang bakasyon ko ay sa bahay lang ako. Siguro dun na lang ako sa condo namin ni Gelo maglalagi kahit wala sya madalas. Maglalaba at maglilinis na lang siguro ako. Plano ko rin bumisita sa bahay namin sa Tagaytay at mamili ng ilang gamit para dun. Pansin ko kasi na medyo kulang na ang gamit sa kitchen at ilang furnitures sa living room.

" Hay salamat mga besh at tapos na ang finals. Thank God wala tayong bagsak sa mga mahihirap nating subjects. Juskohan, medyo nawindang ang mga brain cells ko dito sa finals, ang hirap ng mga questions. Buti pa tong si Aira, highest sa lahat ng subjects." himutok ng kikay na si Venice.

" Magtaka ka pa dyan kay besh eh malusog ang mga brain cells nyan, sagana sa protein at micro nutrients with ginko biloba extracts. " segunda naman ng isa pang paminsan-minsang luka-luka na si Charlotte.

" Tse! kung ano-anong sinasabi nyo dyan! Masaya kayo kasi magta-travel kayo. Uwian nyo ako ng pasalubong kung hindi sa airport pa lang banned na kayong dalawa. "

" Oo naman besh pagdating ko pa lang ng France bibili na agad ako ng pasalubong para sayo.Lot dalhan mo to ng Korean oppa at kim chi ha? Kawawa naman sa bahay lang sya ngayon magbabakasyon. " pang-aasar pa ni Venice. Natatawa na lang si Charlotte sa kanya.

" Ewan sayo Venice Anne. Mang-asar ka pa. Hindi ko babantayan si Clyde habang wala ka." banta ko.

" Uy wag naman besh. Sige na behave na ako. Ano na nga yung favorite perfume mo? " natawa na lang kami ni Charlotte sa kanya. Pagdating kasi kay Clyde, nagiging seryoso sya.

Nung sumapit ang uwian ay naggala muna kaming tatlo sa mall. May bibilhin pa kasi sila na ilang gamit para sa trip nila abroad. Sa makalawa na ang flight nila Charlotte papuntang Korea at sa susunod na araw matapos nun naman sila Venice.

Hindi muna ako umuwi ng bahay pagkagaling namin sa mall. Tumawag muna ako kay mommy para magpaalam at saka nag-drive na papunta sa condo namin ni Gelo.

Pagdating ko ng condo ay sinimulan ko ng maglinis matapos kong magbihis ng pambahay. May mga damit naman ako dito kasi nga tuwing weekends ay dito ako naglalagi. Ilang piraso lang naman ang dinala ko pero nung minsang dito ako umuwi, nagulat na lang ako ng makita ko na medyo puno na yung closet ng mga damit ko. Pinamili pala ako ni Gelo nung nasa Hong-Kong sila para sa screening nung movie nila dun. Nakakatuwa lang na alam nya yung taste ko sa damit, pati yung kulay na gusto ko at tama yung size. Nga lang yung mga underwear at pantulog na binili nya ay medyo daring kaya madalang ko rin na isuot.

Matapos maglinis ay isinalang ko naman yung mga damit na marumi sa washing machine. Medyo marami ngayon kasi ilang araw na silang may taping. Nakakauwi lang siya dito sa condo para maligo at magpalit ng damit tapos nun aalis na naman agad sya para sa taping ulit. Kung minsan may tv guesting sya sa mga noon time show. Sobrang busy talaga nya. Kapag may break ng ilang minuto sa taping saka lang nya naisisingit ang pagtawag sa akin.

Ayos lang naman sa akin yon basta once a day ay nakaka-usap ko sya. Hindi yung katulad nung una na parang nangangapa ako sa dilim dahil walang paramdam mula sa kanya. Simula nung ma-engaged kami, he makes sure na mayroon kaming time everyday na mag-usap kahit through phone lang, kahit ilang minuto lang. Gusto kasi nya na nalalaman nya ang nangyayari sa akin at ganun din naman ako sa kanya.

Halos gabi na nung matapos ako sa paglalaba. Tumawag ako kay mommy na hindi muna ako uuwi dahil napagod ako sa paglilinis at paglalaba. Pinayagan naman ako at sinabihan na magpahinga na lang.

Noodles at club house sandwich lang ang kinain ko for dinner. Nakakatamad na kasing magluto dahil mag-isa lang naman ako. Sa susunod na araw pa matatapos ang taping nila Gelo para dun sa teleserye. Tinatapos na nila yung mga eksena dahil matatapos na yung serye. Pang 3 months lang kasi ang pag ere nun sa primetime. Ayaw na ng network yung masyadong matagal na teleserye. Hindi kasi nabibigyan ng chance yung ibang talents nila na naka-contract sa kanila.

Matapos magligpit ng pinagkainan ko ay naghanda na ako para matulog. I sigh deeply when I saw the huge bed. Maayos ito at halatang hindi man lang natutulugan. Kawawa naman ang Gelo ko, simula nung magbalik showbiz madalang ng makatulog ng maayos. Nag-aalala na nga ako sa kalusugan nya.

Nanood muna ako ng tv dahil hindi pa naman ako inaantok. Saktong yung teleserye na nila Gelo ang palabas. At gaya nung nakaraan, nagagalit na naman ang puso ko dahil ka-eksena nya yung sanitary napkin na yon at nauwi na naman sa kissing scene yung eksena nila.

Naiiyak na ako habang nanonood. Paano ba naman kasi bigay na bigay sa paghalik yung babaing yun kay Gelo. Heto na nga ba ang sinasabi ni Gelo sa akin, na huwag akong manood ng teleserye nya dahil magagalit lang ako.

Eh kasi naman bakit may kissing scene pa?

Ako lang dapat ang humahalik sa kanya. Kainis naman!

" Bwisit na babae to, bigay na bigay pa. Ilang take kaya to? Baka mamaya sinasadya nyang magkamali para makarami sya sa baby boy ko. Huhuhu. Mamaga sana nguso mo!" litanya ko. Panay na ang ngawa ko habang nakatingin sa tv.

" Sabi na kasing huwag manood ng tv, ang kulit. " napabalikwas ako ng marinig ko ang boses nya.

" Bhi?! " patakbo syang lumapit sa akin at niyakap ako.

" Sabi na sayo di ba? Hayan tuloy nasasaktan ka lang sa nakikita mo. " turan nya habang panay ang halik sa ulo ko at hinahagod ang likod ko.

" Kasi naman ako lang dapat ang humahalik sayo. Huhuhu.. ayaw kitang i-share sa iba bhi!"

" Trabaho lang yan baby. Hindi kasama ang feelings ko habang ginagawa ko yan. Kita mo nga nakapikit ako kasi ini-imagine ko na lang na ikaw yan para magawa ko ng maayos at isang take lang. Huwag ka ng umiyak. Isang take lang yan. " pag-alo nya sa akin.

Hindi ako kumibo. Nanatili lang akong nakasubsob sa dibdib nya. Na-relax na ako, naamoy ko na kasi sya.

" Kumain ka na bhi? Hindi kasi ako nagluto, wala ka kasing nabanggit kanina na uuwi ka. "

" Yeah, kumain na ako. May hinandang pagkain sa set kanina. By the way, may klase ka pa ba? Di ba tapos na kanina yung finals ninyo?" biglang tanong nya.

" Oo tapos na kanina. Sem break na. Sa November pa ang balik namin. Why? "

Hindi siya kumibo sa halip pumunta sya sa may bed side table at may kinuha sa drawer doon.

" Here. " sabay abot sa akin nung white envelope. Binuksan ko kaagad at namangha ako sa nakita. Dalawang plane ticket ang nandon.

" Really bhi? " napapangiti sya sa reaction ko.

" Yeah. Magbabakasyon tayong dalawa. Sem break mo na at tapos na rin yung taping ko. Bakasyon ako ng 3 weeks kaya uubusin ko yun sayo. Babawi ako dun sa mga special occasion na dapat magkasama tayo pero hindi ko nagawa dahil sa sobrang hectic ng sched ko. Gusto mo ba yon baby? "

" Oo naman bhi. Tinatanong pa ba yan? "

" Good. Halika na matulog na tayo pagkatapos nating mag jack en poy. " turan nya na may pilyong ngiti sa labi.

" Sus hayan ka na naman bhi. Mukhang hindi mapagkakatiwalaan yang ngiti mong yan. "

" Naman ako pa ba? Kasama to sa pagbawi ko. Come on ng makarami tayo baby. "

Awtomatikong namula ang mukha ko. Grabe talaga tong si Gelo, sakit katawan na naman ako nito. Ito ang hindi alam ng mga fans nya, yung kung gaano sya kapilyo.

Napangiti na lang ako. We are back to our normal life. And this is what I've been waiting for. To live to our normal life once again, kahit sandali lang.

Bab berikutnya