webnovel

Chapter 30

ELLA

"Ang sabi ng doktor, over fatigue lang daw siya kaya biglang hinimatay. Stress dahil sa nangyari kay papa, sa pagbagsak ng kumpanyang pinagtratrabahuhan niya, at stress dahil hindi siya matanggap sa kahit anong trabaho." Mahinang aniya ni Ate Shiela sa tabi ko at nakatingin din kay mama na natutulog.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

'Hindi siya matanggap?'

Lumingon ako kay ate Shiela at nagtatakang tumingin sa mata niya.

"Paanong hindi siya matanggap? May kasalanan ba siya sa kumpanya nila?"

Umiling naman ito at ngumiti ng maliit.

"Yun ang katanungang inaalam namin. Pati na rin ang pagkakakulong ni papa."

Agad akong sumeryoso ng maalala ang sitwasyon ni papa.

"Sino sa tingin niyo ang gumawa non kay papa?"

Halos magdugo na ang kamay ko dahil sa madiin na pagkuyom ko.

Umiling siya at tumingin sa akin.

Yung seryosong tingin na parang nagpapahiwatig ng kakaiba.

"Hindi pa namin alam. Pero Ella, may mas importante kang dapat malaman."

Bumundol ang kaba sa dibdib ko ng marinig iyon.

"Ano yon?"

"S-sigurado ka bang gusto mong malaman?"

Hindi man sigurado ay tumango na ako para malaman kung ano 'yon.

Napabuntong hininga siya at tumingin sakin.

"Ella. Are you related not with our father."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at tinusok ng maliliit na karayom sa puso ko. Hindi man diretso ang pagsasalita niya ng Ingles ay naintindihan ko ang sinabi niya.

'T*ng*n*.'

Nag uunahang tumulo ang luha ko at halos matanggalan na ako ng lakas dahil sa sinabi niya.

"Sa umpisa palang Ella. Hindi mo na kadugo si papa."

MIRA

"A-aray naman!" Daing ko at pinalo si Jeremy ng mahina sa braso.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya naman napanguso nalang ako.

Nililinis niya kasi ngayon yung sugat ko sa braso na nadali kanina nung hinuli ko yung apat na lalaki.

*FLASHBACK

"I don't mind."

"I can take care of those three on the left."

Pagkatapos na pagkatapos sabihin ni Myra ang mga katagang yon ay agad akong umalis sa pwesto ko. Nagtago muna ako sa isang sulok at tinanggal ang blouse at palda ko.

Naka t-shirt na blue lang ako tapos isang shorts na medyo mahaba na color itim.

'Hay. Buti nalang talaga at nakashirt ako.'

Nilagay ko na din ang blue na mask ko at itinali ang buhok pa ponytail. Nang matapos kong ayusin ang sarili ko ay dahan dahan akong pumunta sa mga lalaking nakatago sa kanan.

Inilagay ko muna ang dagger ko sa likod ko at tahimik kong nilibot ang pwesto na kinalulugaran nila. Dalawa ang nasa taas ng puno, isa ay nakadapa at nakatingin sa mansyon, at ang isa naman ay nakaupo lang at may nakasuksok pang earphones sa tenga.

'Sosyalin ang isang to.'

Napalingon naman ako sa taas ng magsalita ang isang lalaki.

"Uy pre! Nawala yung isang babae!" Sigaw nung isang lalaki na nasa puno.

"Ha?! Eh diba sinabi ko sa yo bantayan mo?! Engot ka talaga Fred!" Inis na sabi naman nung katabi niya at binatukan siya.

"Para namang makakaalis yon Lem. Baka nagtago lang. Babae lang yon pre. Kaya wag kang matakot jan!" Sabi pa nung Fred at tumawa pa.

Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Tumigil nga kayong dalawa jan sa taas. Hayaan mo na yung babae. Hindi din naman makakasugod yon dito." Saway na naman nung lalaking nakadapa at nakatago.

'Babae lang pala ha? Tignan natin pag sasabihin niyo pa yan mamaya.'

Mukha na akong baliw kakangisi dahil sa mga iniisip ko.

'Let the game begin.'

Agad kong inakyat ng dahan dahan ang puno at tumabi dun sa dalawa. Hindi parin nila ako napapansin dahil dumadaldal pa sila, kaya naman kinausap ko na sila.

"Mind to share your thoughts?" Nakangising sabi ko sa kanila.

Agad naman silang lumingon sa pwesto ko at halos magkandaugaga na kunin ang armas nilang nasa tagiliran nila.

Bago pa nila madukot ay kinuha ko na ang dagger ko at itinutok sa leeg ng lalaking katabi ko.

"Grab that gun of yours, I'll make sure this guy won't be able to make it alive." Malamig na sabi ko at seryoso siyang tinignan.

Napansin ko ang malalim na paglunok niya at tinignan ang kaibigan niyang hawak hawak ko ngayon.

Nang alam kong hindi niya na dudukutin ang baril niya ay itinulak ko pababa ang kaibigan niya.

"ARAY!" Rinig na rinig ang daing ng lalaki sa pagkahulog. Sa taas ba naman kasi ng puno na pinaghulugan niya ay siguradong mababalian yon.

Nang malaglag siya ay agad kong hinila ang isa pang lalaki na may hawak ng baril. Mabilis kong hinablot ang baril at tinutukan siya sa ulo.

"Live or Die?" Malamig na tanong ko pa dito.

Ramdam ko ang panginginig niya at ang panlalamig niya sa sobrang takot.

"L-live." Mautal utal na sabi niya.

Tinulak ko siya bigla bigla pababa ng puno at inilagay ang baril sa gilid ko.

*BANG

Halos mapatalon na ako sa puno sa sobrang gulat dahil sa bumaril malapit sa akin.

"Tss." Yung lalaking nakadapa kanina ay nakatutok na ang baril sakin.

Tumayo ako sa sanga ng puno at itinaas ang kamay ko. Isang sign na sumusuko na ako.

Nang medyo ibaba niya ang baril niya ay tumalon agad ako sa mismong taas niya at lumapag ang paa ko sa dibdib niya.

Sinipa ko siya sa *Toot *Toot para hindi na makagalaw.

Nagsisisigaw siya don at hinayaan na siyang magpagulong gulong sa damuhan.

"Last one." Bulong ko sa sarili at tinignan ang lalaking naka earphones pa din ngayon at nakapikit ang mata.

'Aba. Señorito ang lokong to.'

Mahina kong sinipa ang kanang paa niya na nakaunat para magising siya.

"Hmm."

"Infairness ha! Gwapo ka kaso sayang bad ka." Bulong ko at sinipa ng malakas ang paa niya.

Akala ko ay magigising na siya pero ni isang reklamo ay wala akong narinig. Mahimbing pa din siyang natutulog at parang walang problema sa mundo.

Sasapakin ko na sana siya nang narinig ko ang pagsigaw ng isang lalaki sa likod ko.

Huli na ng mapansin ko na isasaksak niya ang knife na hawak niya sa akin. Nakaiwas ang tagiliran ko pero hindi ang braso ko.

'Tss.'

Tinignan ko ang dugo na tumutulo sa lapag at sinamaan ng tingin ang lalaking humiwa sa akin.

"You'll regret this." Malamig na sabi ko at sumugod sa kanya.

Inis ko siyang sinuntok sa mukha at sinipa sa tagiliran.

"AAHH!" Daing neto at tumumba na.

Lumapit ako sa kanya at inapakan ng madiin ang dibdib niya.

"Do it once, I'll let you live. But do it twice, I'll let you suffer until you die."

Sinuntok ko siya muli at sinipa ang *Toot *Toot ng sobrang lakas.

"Ayan. Para wala ka ng future."

Tumalikod na ako at naglakad paalis. Sinulyapan ko muna sa gilid ang lalaking natutulog pa din hanggang ngayon at tuluyan ng naglakad papuntang mansyon.

'Pasalamat ka at gwapo ka. Kundi kanina ka pa din bugbog.'

*FLASHBACK ENDS*

Bab berikutnya