webnovel

Chapter 6

Stephanie

Did I hear it right? Pinsan? Pinsan niya 'tong haliparot na babaeng 'to na kung makalingkis ng braso kay PJ e akala mo pagmamay-ari niya si PJ? Pinsan niya 'tong babaeng 'tong walang pakundangang hinalikan si PJ sa harap ko? Pinsan niya 'to? So okay na ngayong maghalikan ang magpinsan? Nasabatas na ba na pwede na ang INCEST?!

I looked at PJ, eyes asking kung anong ibig sabihin nito pero dahil hindi naman kami close.. inirapan lang niya 'ko. I'm fighting the urge to roll my eyes at him. Naaalala ko pa 'yung banta niya kanina e.. pero iniisip ko din kung ano kaya ang kaya niyang gawin?

"Wait a minute.. do I know you?" tanong sa akin ni Clarisse habang nakataas ang isang kilay. pigilan niyo ko.. aahitin ko 'yan! "'cause I think I did." Dagdag nito.

"I don't think so. Ngayon lang kita nakita e." i replied. Ang alam ko, walang anak si Tita Bettina.. meron pala? Wala kasing nakwento kasi sa akin ni Lolo Rafael e. baka di din niya alam but that's impossible. Apo niya si Clarisse. He should've known kung may anak si Tita Bettina.

Tita Bettina ang tawag ko kay Tita Bettina kasi mabait siya sa akin. Kung ang mommy at daddy ni PJ ay kulang nalang, ilubog ako sa kinatatayuan ko.. Tita Bettina was different. Mabait siya sa akin. Sila lang ni Lolo Rafael ang tumanggap sa akin.

Kaya nga nabigla ako na may botique na pala siya. i was 12 years old ng huli ko siyang nakita. 10 years na ang mabilis na lumipas.

I move a little ng lumapit sa akin si Clarisse. Tinitigan niya akong mabuti. She looked at me as if I'm the one who's responsible on killing Jose Rizal.. na para bang isa akong alien from outerspace. Lumapit pa siya at sinipat sipat ako.

"Hey!" iniwas ko ang braso kong hahawakan sana niya. Ano bang problema ng babaeng 'to? Tinignan ko si PJ para sana magpatulong pero dahil nga hindi kami close, wala siyang ginawa. He's looking at me blankly. Walang ekspresyong makikita sa mukha niya.

I frowned.

"I knew it! Ikaw ang ampon ni Lolo Rafael!" Clarisse huffed and stares at me angrily. Lumapit siya kay PJ at inilingkis na naman ang kamay sa braso ni PJ. I can't help to roll my eyes. Kung kanina, nasaktan ako sa paghalik niya kay PJ.. ngayon.. I'm pissed off! Big time! Nawiwili siyang gawin 'yan huh?

'Inggit ka lang e! kasi pangarap mong maganyan si PJ pero hindi mo magawa!' bulong ng isang parte ng pagkatao ko na agad kong pinalis sa isip ko.

Hindi ako maiinggit sa walis na 'yan! Hindi!

"Why are you marrying that bitch?" sabay turo sa akin ni Clarisse. "i thought you hated her! bakit mo siya papakasalan?!" medyo histerikal na siya sa pagtatanong kay PJ.

Ayos a. Kung makatawag ng bitch.. parang hindi ako nageexist sa lugar na 'to. Parang hindi ako nakikita a.

"Clarisse. I don't have to explain myself to you." Tinanggal ni PJ ang kamay ni Walis este Clarisse sa braso niya at lumapit sa akin. "I'll marry her whether you like it or not.. and you disliking the idea won't change my mind on marrying her." inakbayan ako ni PJ. Pakiramdam ko lumulutang ako sa langit matapos niyang sabihin ang mga iyan. Pero agad din akong bumagsak sa lupa ng maalala ko kung bakit niya ako papakasalan. He'll benefit kapag kinasal kami.

Nakita kong yumuko si Clarisse and muttered her sorry. Maya-maya, itinaas niya ang mukha at may ngiti na sa mga labi niya. 'yung ngiting pang-evil witch? Ganun!

"Well.. kung gusto mo siyang pakasalan.. Okay! Sige na.. Wala ka nang maririnig from me. Susukatan ko na siya. I'll be personally make her wedding gown." Lumapit na siya sa akin at nagsimula nang kunin ang body measurements ko.

After 10 minutes or so.. natapos na ang sukatan at nagpaalam na aalis na. Naunang lumabas si PJ para kunin ang sasakyan. Naglakad na ako papunta sa pinto ng hawakan ni Clarisse ang kamay ko at iharap ako sakanya.

"Ngayon pa lang, I'll send you my best wishes. Pero alam ko namang hindi kayo magtatagal so.. enjoy while it lasts." she smiled at me witchily.

Hinila ko ang kamay kong hawak niya at lumabas na ako sa botique na 'yun. Baliw ang babaeng 'yun! Hinihimas ko ang brasong hinawakan niya dahil medyo masakit. Kung makahawak kasi kala mo hindi tao ang hinawakan e. tsk!

"Tutunganga ka nalang ba diyan o sasakay ka?" pagsusungit ni PJ sa akin. Nasa harap ko na pala ang sasakyan niya.. hindi ko napansin.

I opened the door and climbed up to his car. Put my seatbelts on and stare at the window pero hindi kumikilos 'yung katabi ko. nilingon ko siya and I saw him looking at me.

"What?" tanong ko sakanya. His gaze addled my mind. Nakakunot noo kasi siya. ano kayang iniisip niya?

"Nothing," then he looked at the road and drive quietly. Nakatingin lang ako sakanya. ito 'yung pinakafavorite kong hobby. Ang titigan si PJ.. 'yung mata niya.. ilong.. bibig.. pisngi.. paggalaw ng adam's apple niya.. I could look at him like this forever.

"I'm perfect.. alam ko na 'yan. Pero pwede ba? Huwag mo 'kong tignan. It's irritating!" how can he sound so angelic kahit na nagsusungit siya? nakatingin pa din ako sakanya ng bigla siyang nagpreno at bigla siyang humarap at kinabig ako. hinawakan niya ang batok ko and pull me closer to give me a breath taking kiss.

My eyes open widely. Nabigla ako sa ginawa niya!

"Ummmmp.. P...J..." that was all I managed to say against his mouth.

"Hmmmmm.." he pulls me closer and I feel his hands touching my covered bosom.

"Hmmm.." I made a soft moan. I parted my lips and he thrust his tounge inside me. teasing mine.

I can feel fire building up inside me.

I put my hand on his cheeks pero tinaggal niya agad ito at tinapos ang halik. I just wanted to touch him.. masama ba 'yun?

"Siguro naman hindi mo na 'ko tititigan." Inilapat niya ang noo niya sa noo ko at bahagya pang hinihingal dahil sa makaputol hiningang halikan na naganap.

I flushed. Kasi naman! Gusto ko lang naman siyang titigan.. hindi ko naman sinabing he needs to kiss me!

Umayos na siya ng upo and continue driving. Kung pwede lang akong lamunin ng upuan na 'to.. sana mangyari na! Nakakahiya ka Stephanie!

I looked down at my hands on my lap. Ayoko nang tignan si PJ.. although gusto ko 'yung halik.. nakakahiya naman. Mas gusto ko siyang hawakan.. pero the moment I touched his cheeks, inalis niya agad ang kamay ko.. na para bang napaso siya sa ginawa ko.

"Si Clarisse.. ampon siya ni Tita Bettina." Napalingon ako kay Pj nang magsalita siya. out of the blue kasi magsasalita nalang bigla. Muntanga.

"Huh?" hindi ko masyadong nagets. Narinig ko lang Clarisse tsaka Tita Bettina.

"Tita Bettina adopted Clarisse when she's 6. Clarisse is 22.. magkaedad lang kayo. And both of you were adopted at the same age."

So?

"Ayaw ni Tita magpakasal kaya nag-ampon nalang siya ng bata na ituturing niyang anak.. and that's Clarisse.." paliwanag pa din ni PJ habang nagdadrive. Paano ko ba sasabihing wala akong pakialam kay Clarisse?

"Bakit hindi siya nababanggit ni Lolo?" knowing Lolo Rafael.. madaldal 'yun at palakwento..

He shrugs. "Baka nakakalimutan lang. Clarisse lived in States. Kaya hindi din sila close ni Grandpa."

"Kayo? Bakit kayo close?" it was too late ng marealize kong nasabi ko 'yun. Iniisip ko lang 'yun e!

"Yes. We're close. Sa States din ako tumira remember?" pagpapaalala niya sa akin. Hindi nalang ako sumagot. Walang coordination ang utak at bibig ko e. nakakasira ng buhay!

"Hmmmm.." hininto niya ang sasakyan dahil red light. Hinawakan niya ang baba at parang nag-iisip.

"Are you jelous with her?" he arched a brow on me.

"Excuse me? Bakit naman ako magseselos dun sa babaeng 'yun?" pamatay malisya kong tanong! Ground! Eat me now!

He looked at me na para bang nagdududa sa sinasabi ko.

"Tsaka.. bakit ako magseselos? E kaya lang naman tayo magpapakasal dahil sa makukuha mo diba? Wala tayo dapat karapatan sa attachments ng isa sa iba." Masakit talagang pakinggan. He'll marry me dahil lang sa makukuha niya.. samantalang ako.. I'm more than willing to marry him dahil mahal ko siya.

"Walang karapatan? Let me remind you honey that the moment you said yes to me.. sa akin ka na! MINE ALONE." Ayun lang at pinaandar na niya uli ang sasakyan.

Kung ako ang papipiliin.. oo naman! Sa'yong sa'yo na 'ko PJ!

Tinignan ko siya and he looks so serious while driving. He's the epitome of handsomeness.. meron ba nun? Basta siya 'yun!

Napansin kong tinatahak namin ang daan papunta sa Sweet Desire. Buti naman! Ipinark niya ang kotse niya sa tabi ng isang mercedez benz. Kanino 'yun? Ayos a! Mukhang may bigtime costumer kami!

Pumasok na 'ko sa loob at naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

Sinalubong ako agad ni Cristine.

"Finally you're here! Hindi na niya ako kukulitin! Bakit ba kasi hindi mo sinasagot ang phone mo? Sino ba kasi ang-"

"Ahem!" napatigil si Cristine sa pagtikhim na ginawa ni PJ.

"Uh.. Hi PJ." Bati ni Cristine sa lalaking nasa likod ko.

Pero dahil hindi din sila close ni PJ.. tinanguan lang ito ni PJ.

"Sino naghahanap sa'kin?" tanong ko kay Cristine na mukhang nabato-balani na dahil sa lalaking ubod ng gwapo na nasa likuran ko.

"Ha? Ah.. si.."

"Stephie!" malakas na sigaw ng isang lalaki mula sa kitchen at patakbong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Blue!" ginantihan ko ng yakap si Blue. Ilang buwan ko ding hindi nakita 'to e.

"Finally! Nandito ka na! I missed you!" niyakap niya ako uli. That's what I love about this man. Napakalambing!

"I missed you too.." I whisper at his ear.

"Blue.." napalingon si Blue sa likod ko. ay oo nga pala! I'm with PJ.

"PJ.. pare! Kelan ka pa dumating? Pasalubong ko?" tinapik ni blue ang balikat ni PJ.

"Just recently. Ikaw?" pormal na tanong ni PJ kay Blue. Bestfriends sila diba? Bakit ganyan lang ang salubong niya kay Blue?

"Ngayon lang." He smiled playfully then snake his arms around me.

"Blue.. ano ba?" tinatanggal ko ang kamay niya pero mas hinigpitan niya lang ang hawak sa akin.

"Namiss ko kasi si Stephanie kaya umuwi na 'ko. ikaw? Bat ka umuwi?" tanong ni Blue kay PJ habang hawak pa din ako sa bewang.

PJ looked at Blue's hand na nasa bewang ko bago sumagot.

"I'm getting married." I feel like my body stiffed for a moment. I should be used on this. Kapag inaannounce niya na ikakasal na kami.. pero bakit kinakabahan ako?

"Talaga pare?! Congrats!" binitiwan ako ni Blue ang hugged PJ. "Tell me.. who's the unlucky girl?" then tumawa siya pagkatapos.

"Stephanie." I saw Blue's jaw dropped. As in napanganga siya sa sinabi ni PJ. Tumingin sa akin si Blue then kay PJ ulit.

"You've got to be kidding me!" bakas pa din ang pagkagulat sa mukha ni Blue.

"Ask her." PJ waved his hand on me. ako pa talaga ang pinagsabi!

"Stephie.. is it true?" hinawakan ni Blue ang magkabilang balikat ko.

"Yes." I mutter.

Halatang nalungkot si Blue sa nangyari. Well.. Blue is very vocal on sayinghe likes me.. and I like him too.. 'yun nga lang.. may isang tao na na nagtayo ng bahay sa puso ko.. si PJ.

"Sana maging masaya kayo pareho." He smiled at me. alam ko malungkot siya pero anong magagawa ko? kumbaga renter lang si Blue.. si PJ.. dun na talaga nakatira..

"We will.." sagot ni PJ dito.

"Siguraduhin mo lang." May himig pagbabantang sabi ni Blue kay PJ. "Nasa loob 'yung pasalubong ko sa'yo. tara!" then he drag me to the kitchen. Sanay na sanay na si Blue dito sa shop. Tumutulong din siya sa akin minsan magbake ng cakes.

Nakita kong nagdilim ang mukha ni PJ sa pagkakahawak sa akin ni Blue. Gusto kong isiping nagseselos siya pero asa naman ako diba? Kung meron mang nararamdaman si PJ towards me.. HATE 'yun. At hindi lang basta hate.. MATINDING HATE. Kaya no chance na magseselos siya sa amin ni Blue.

"Will you bake your wedding cake?" tanong sa akin ni Blue. Well.. I haven't think of that yet. Baka kanina lang napag-usapan ang wedding diba?

"Uh.. I don't know.. baka may kunin si Lolo Rafael na magbebake e.. 'yung mas magaling." I'm trying to be casual. Nasa loob din kasi ng kitchen si PJ.

"You can do it if you want. It's your wedding cake by the way." Sabat ni PJ. 'your wedding cake'? Hindi man lang 'our wedding cake'. Ako lang ba ang ikakasal?

"Okay." Pilit kong inignora ang nararamdaman kong inis kay PJ. Hindi naman makakatulong 'yun e.

♪The day we met.. frozen I held my breath..

Right from the start, I knew that I found my home

For my heart beats fast, colors and promises..

How to be brave.. how can I love when I'm afraid to fall..

But watching you stand alone..

All of my doubt, suddenly goes away somehow..

One step closer..♪

Nagriring na naman 'yung phone ko. inabot sa akin ni PJ ang phone ko then I answered it quickly.

"Hello?" bati ko sa caller..

"Hi Stephanie! Nandyan ba 'yung dalawa kong magaling na kaibigan?" it was Cupid.

"Uh.. yeah.." tinigna ko ang dalawang lalaking kasama ko.. both looks like trying to hide na nakikinig sila sa usapan namin ng kausap ko.

"Sabi na e! Inunahan na naman ako sa'yo. papunta na 'ko diyan! Bye!" then he hang up.

Pupunta siya dito? Ano ba 'tong shop ko? tambayan?

"Who's that?" sabay na tanong ni PJ at Blue.

"Si Cupid. Hinahanap kayo." I'm starting to prepare my ingredients. Magbebake ako ulit.

"Why?" sabay ulit silang dalawa.

I rolled my eyes.. pero siyempre siniguro kong hindi nakikita ni PJ.

"I don't know. Pero pupunta daw siya dito."

"What?!" okay.. sabay uli sila.. choir ba ito?

"Cupid called and he's looking for the both of you.. he also said that he's coming.. now pwede ba.. huwag nga kayong magsabay pareho. Walang choir dito." Tinalikuran ko na sila pareho. Mabuti pang kausapin ang harina.

"Hintayin ko nalang si Cupid sa labas.." then Blue walked out.

Akala ko lumabas na din si PJ sa kitchen at ganun nalang ang gulat ko ng hilahin niya ako at hawakan sa bewang. Isinandal niya ako sa ref sa loob ng kitchen and push himself closer to me.

He cupped my face then kissed me hard. Tasting every part of my mouth.

"Hmmmm.." I moaned. Isang araw pa lang pero nasasanay na ako sa halik niya.

"Hmmmm.. Fvck!" he whispers against my mouth.

Naramdaman kong may matigas na bagay na bumubunggo sa puson ko. napadilat ako ng marealize kung ano 'yun.

Confused. Tumingin ako kay PJ. He puts his forehead on mine.

"Uulitin ko. AKIN KA LANG." Then he stormed out of the kitchen.

I clasp my hand on my chest. Ang bilis ng takbo ng puso ko. hinawakan ko din ang labi ko na hinalikan ni PJ seconds ago. I can still feel his soft lips..

"Sa'yo lang ako PJ.. sa'yo lang.." bulong ko.

Bab berikutnya