webnovel

53rd Chapter

Paolo's Point of View

After kong makipag-usap sa isa sa mga kaibigan ni Lolo ay hinanap ko na si Eloisa.

Nasa may malapit siya sa buffet. Napangiti ako. Gutom na siguro siya.

Kumunot ang noo ko ang makita ko si ate na sumulpot sa tabi ni Eloi. Nakipag-usap siya sa dalawang babaeng malapit sa kinalalagyan ni Eloisa.

Papalapit na ako doon ng ako'y matigilan.

Mayroong lalaking naka-puting polo. Iyong tindig na iyon. Alam ko na agad kung sino.

Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba sa engagement ko pa siya dadating?

Bigla kong naalala si Eloisa na nandoon. Magkalapit na sila. Nanlalaki naman ang mata ni ate Pauline. Dali-dali akong pumunta doon. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Paolo. Kamusta?" tanong ni dad. Mas lalo siyang tumanda. Marahil dahil sa stress.

I chuckled. "Okay lang po. Uuna na kami."

"Teka lang, ano mo siya?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot bagkos ay bumaling na ako sa papalabas. "Ano ka niya?" Napatigil ako sa pagtigil ni Eloisa dahil sa paghawak ni dad ng braso nito.

Tinitigan ko si dad.

"Let her go." ani ko at marahas na alis ng pagkakahawak niya dito. "She's the person I am going to marry. So if you will excuse us. Let's go." I said. Tinahak namin ang direksyon papalabas.

Tangina lang. Sunud-sunod na ang magiging problema sa pagdating ni dad.

He's worse than Lolo. Siguro dahil na din sa ginawang pagpalit ni mom sa kaniya sa ibang lalaki. Kaya naging ganito niya. He hates me. Mas mahal niya si ate. Dahil, kamukha niya ito samantalang ako, kamukhang-kamukha ko si mom. Kaya galit na galit sa akin 'yon, ridiculously speaking.

Nang makarating kami sa kotse. Pagkapasok ko ng driver's seat. Sinimulan na ni Eloisa ang pagtatanong.

"What was that? Bakit naman umalis tayo agad. Hindi ko pa nababati ang ate mo. At yung dad mo, hindi mo manlang siya niwelcome." aniya. Nilingon ko siya na naka-upo sa passenger seat.

She don't know anything about my dad. Bakit ko iwewelcome ang isang tulad niya?

I smirked. "Why would I welcome a destroyer." I said. "Tutulog ako sa condo mo ha? Tabi ulit tayo." pag-iiba ko ng usapan sabay kindat sa kaniya

"Tss." nakangiti siyang tumango.

Habang nagdadrive ako ay nilingon ko siya.

Mahimbing na siyang natutulog habang nakasandal sa pinto. Inayos ko ang kaniyang upuan para makahiga siya. Gumalaw siya ng bahagya.

"Hindi pa sa ngayon. At isa pa. Huwag mo muna sa kaniyang sabihin ito. Gusto ko ang mismong magsasabi sa anak ko."

I'm guilty for keeping a secret to her. She deserve the truth. Karapatan niyang malaman pero ayokong mamroblema pa siya at ayokong pangunahan ang dad niya. Nangako akong hindi ako magsasalita. Promise is a promise.

Nang makapagpark ako ay inalis ko ang aking seatbelt at lumabas sa kotse. Pinuntahan ko ang seat ni Eloisa. Binuksan ko ang pinto nitoat saka ko inalis ang kaniyang seatbelt.

'I'm sorry for keeping a secret to you, Eloi,' isip ko. Hinalikan ko ang kaniyang noo. May kasalanan ako sa kaniya. Nagsisikreto ako. Pero ayon ay para sa ikaaayos niya. I don't want to hurt her. It's for the best.

"Paolo?" matamlay na sabi ni Eloi.

I looked at her. Hinawakan ko ang mukha niya. "Taas na tayo? I know you're already tired." I said.

Inalalayan ko siyang bumaba. She's still wearing her dress. She's so hot as hell. I can't stop looking at her.

Nang makasakay kaming elevator pipindutin ko na ang floor ng aming unit ay sinabi niyang sa rooftop muna kami. Siya ang pumindot nito.

"You're already tired." ani ko sa kaniya. I can see on her eyes tiredness. But she insisted to go there. Ayoko namang 'wag siyang samahan.

"Konti lang," she said. "I just want to see the stars tonight."

~*~

Umupo kami sa gitna ng rooftop mayroong batong upuan dito.

Nakasandal ang kaniyang dalawang kamay na nasa likuran sa upuan habang nakatingala sa langit.

"Naniniwala ka bang kapag namatay ang isang tao, they'll turn into a star?" tanong niya sa akin. Nakatingala pa rin siya at tinitingnan ang mga kumikislap na bituin.

I shrugged. "I am not sure. It's sound fake but we don't know if it's really ain't true."

She smiled then sighed. "Alam ko ilang beses ko ng sinabi ito. Uulitin ko ulit. If there's something happening. Spill it. Don't keep something on your own." Inayos niya ang upo niya. Nagulat ako dahil bigla niyang isinandal ang ulo ko sa kaniyang braso. "Lean on me. I know there really is something happening. Kung hindi mo pa kayang sabihin sa akin. I'll wait. Remember that I am always right beside you."

Nangingilid na luha ko, fuck.

Sa sobrang dami kong problema bumagsak na ito. Agad kong pinunasan. "Wooh. I'm fine." I said.

Tumango niya.

Inalis ko ang pagkakasandal ko sa balikat ni Eloisa nang tumunog ang aking phone. Someone's calling.

It's lolo.

"Sasagutin ko lang." I said.

"Okay, go." aniya habang nakangiti.

Lumayo ako ng konti sa kinauupuan ni Eloi, at sinagot ang tawag ni Lolo.

"Hello?" bati ko sa kabilang linya.

"Umuwi ka na. Respeto na lang sa tatay mo. Kakauwi lang niya. Welcome him if you want."

I smirked. "Lo, ayoko."

"Go. Home. Now." his voice scary. It ended that way.

Hinalikan ko noo ni Eloisa at nagpaaalam.

I'm so sorry.

~*~

Eloisa's Point of View

He left me. I think that's good enough. Gusto kong makasama niya ang dad niya. Gusto ko tulad ng papatawad niya sa mom niya, mapapatawad niya rin ito sa ginawa nito sa kaniya. Hindi ko alam ang tunay na kwento but I am rooting on it.

Huminga ako ng pagkalalim-lalim at saka nag-exhale.

I want him to be happy. I want him to forget his past if ever. I want him to have a perfect family. Has a mom, dad, sister and brother.

Tumayo ako. I hugged myself. Napaka-lamig. I was stunned to see the city lights.

Ngumiti ako habang yakap-yakap pa rin ang akong sariling sumakay ng elevator.

~*~

Nang pumasok ako sa eskwelahan. Ganun pa rin. Everyone's busy. Malayo-layo pa naman ang midterm. Pero baka ngayon na nagsisimula ang laban.

I saw Lilian, but she's busy typing on her laptop.

Even the kost impossible thing is possible right now. I saw Julian and Japs doing a thesis in the library. Pumasok kasi ako doob dahil tinanong ko kung nasaan siya, si Julian. Nasa library daw sila ni Japs.

Hays, they're all busy.

My week happened to be the most busiest week ever. Maski ako at si Paolo ay naging busy sa schoolworks. Thesis kay Mrs. Auravel ang nagpasakit sa aking ulo. Siya iyong tipo ng professor na perfectionist. Bawal typos, grammatical error o maski spacing. She's too perfectionist.

Today is Saturday. I decided to relax from schoolworks. Niyaya ko sila Andy at pumayag naman sila.

"Smile!" ani Julian habang kami ay naggro-groupie. Tapos na kaming kumain ng Lunch at ngayon ay manonood naman kaming movie.

Sa fourth floor. Tiningnan ko iyong pinaka-dulo. Andon pa kaya si Ash? This is the same mall na pinuntahan namin ni Paolo.

"Malapit na ba movie natin?" I asked.

"Thirty minutes pa," sagot ni Andrea pagkatapos tumingin sa kaniyang relo.

I nodded. "May titingnan lang ako d'on." sambit ko. Nang pumayag sila ay naglakad na ako papuntang pet shop.

Wala na siya.

Pumasok ako para itanong kung nasaan na ito.

"Umm. Hi? 'Di ba, you're selling off a russian blue cat? Nabili na ba ito?" tanong ko sa babaeng nasa cashier.

"Russian blue cat? Sorry. Hindi po namin binebenta iyon. Pinagroom lang po iyon ng may-ari that time, nung Lunes po," she said.

Tumango-tango ako. "Ah. Okay. Thanks." sabi ko at naglayag na papalabas.

~*~

After we finished the movie, we decided to go home.

"Bye!" sambit ko ng ibaba ako ni Julian sa tapat ng MLC. "Thank you gals! Mwah!" Nag-flying kiss ako sa kanila. Ganun din ang kanilang ginawa.

Naglakad na ako papasok. Sakto namang tumawag si Paolo.

"Asan ka na?" he asked from the other line.

"Papasakay na pong elevator. Ikaw?" tanong ko.

"Dito lang sa mansyon." aniya.

"Hmm... kamusta schoolworks?" bumukas na ang elevator. Pumasok ako doon at pinindot ang aking floor.

Ilang segundo bago siya nakasagot. "Okay lang naman, patapos ko na 'yong individual thesis. Terror talaga ni Mrs. Auravel, 'no?"

"Yap." I nodded while heading to my unit.

"Papasok na akong unit ko."

"A-Ah ganon." he said.

Tumunog na ang pagbukas ng aking unit. Biglang naging itchy ang aking ilong.

Nang pagkahubad ko ng aking sapatos. May naramdaman akong malambot na nakadampi sa aking paa.

Nanlaki ang mata ko ng makita kong isa itong pusa.

"Hala! Paano ka nakapasok dito?" I said. Napakunot ako ng buong akalang basta pusa lang ito pero kamukhang-kamukha ito ni Ash na isang russian blue cat!

"Tss. Syempre may nagpapasok sa kaniya." ani ng isang boses sabay ngisi.

I looked at him with a frown. "Ano 'to?"

"Pusa." binigyan ko siya ng nakapanlilisik na tingin. He chuckled. "Joke lang ito naman. That russian blue cat was owned by ate Pauline. Iyong nandon tayo sa mall. Pinalinis ni ate 'yang si Milo kaya alam ko ang lahi nito. That's why I said resources kuno."

"Then bakit dala mo ito---" I wasn't able to finish my line because of my allergy. Napabahing ako.

Hinawakan ni Paolo ang dalawang balikat ko. "Okay ka lang ba?" he frowned. "Bakit naluluha mata mo?" tanong niya.

"I have an allegy to cats." Nanlaki ang mata niya.

"Tangina. Tara na, Milo." aniya at kuha ng pusa.

"Teka la---" lumabas na siya.

Umupo ako sa sofa at hindi na napigilang mapangiti. Kinikilig ako.

Nang pumasok siya ulit sa aking unit ay isinandal niya ang kanan niyang kamay sa pader.

"Tss. Da't sinabi mong allergy ka pala sa pusa. E, 'di sana. Hindi ko na lang hiningi iyong si Milo sa ate ko."

"Hiningi mo?" tanong ko.

He nodded. "Na may kapalit." I gave him an anong-kapalit look. "Kotse ko." aniya pa.

Tumayo ako at pinalo ang balikat niya.

"You said. You want him. Kaya hiningi ko."

"I'm feeling sorry for your sister. Alaga niya siya, e," sabi ko.

"Sa akin hindi ka sorry? Tss. Kotse ko kapalit." he pouted.

"Hindi naman sa ganon."

"Madaming pets 'yon. Hindi lang si Milo." aniya.

I nodded. "Pede ba nating dagdagan ng Ash name ni Milo?" tanong ko.

He smiled. "Oo naman."

"Ikaw muna mag-alaga kay Ash Milo, please?" I asked.

"Tss. Oo na. Oh! Hindi pa pala nakain 'yon. Puntahan ko lang sa unit ko at papakainin ko." sabi niya at takbo papapalabas.

I smiled. Ang cute niya.

~*~

Sunday morning ay, tumawag si Mama. She wants to see me daw. Gusto ko rin siyang kamustahin.

Nang matapos na akong mag-ayos ay may nag-doorbell.

It's Paolo.

"San punta mo?"

"My mom called me. Gusto niya daw akong makita."

Tumango siya. "Hatid kita?"

Umiling ako. "Huwag na." sambit ko. "Una na ako, ha? Pakainin mo si Ash Milo. Ikaw rin magbreakfast ka na." sabi ko at sarado ng aking unit at lakad papuntang elevator.

Tiningnan ko siya. I bid goodbye. He smiled and waved at me too.

Pumasok na ako sa elevator.

Ilang araw din akong hindi nakadalaw kay Mama. I hope she's really fine now.

Bumungad sa akin si Lola Stella.

Niyakap niya ako. "Tara na pasok ka na. Namiss kitang bata ka." aniya.

"Lola Stella naman, ilang araw lang po akong hindi dumalaw," ani ko kay Lola sabay ngisi.

~*~

Nasa hapag-kainan kami. Nakaupo ako sa tabi ni ate Cass habang si Kuya ay katabi si Mama. May kulang. Tiningnan ko ang upuan ni Papa. Bakante ito. Pero mayroon pa ring kubyertos at pinggan.

Habang nakain ay hindi mawala-mawala sa isipan ko kung nasaan si Papa. Nasaan siya?

I took a deep breath before asking. "Nacontact niyo na po ba si Papa?" tanong ko na nagpatigil sa kanilang tatlo na kumain.

"H-He's busy sa work, anak."

"But, Mama. Sabi ni ate Cass---" ate hold my hand sabay iling.

Natapos ang pag-dalawa ko kay Mama na wala akong narinig na balita tungkol kay Papa. Nag-Lunch lang kami at yun na 'yon. Akala ko it's a family reunion for instance. Ngunit hindi. Wala pa rin si Papa.

I took the bus. Upon going to MLC. Doon talaga ang way ko pero naisip kong dalawin manlang ang mom si Paolo. Pumunta ako sa isang supermarket at bumili ng pede kong dalhin para sa kaniya. Hindi ko naibigay ng harapan ang binili ko noon kay Ace. Gusto kong malaman kung nagustuhan niya ba ito.

Habang ako ay nasa bus. Nagtetext sa akin si Paolo.

Paolo:

Natutulog si Ash Milo. Look.

Attached Photo.

I clicked it.

Napangiti ako.

Me:

Ang cute niya.

Paolo:

Ako ba?

Tss. Itong isa talagang 'to.

Me:

Pede na.

Tumigil na ang bus at bumaba na ako sa bus stop ng ospital. Pumasok na ako doon at naglagay na ng aking pangalan sa vistor's book.

Nakasakay na ako sa elevator ng tumawag si Paolo.

"Tss. Pede na ako sa pagiging cute? That's enough, though. Kasi alam ko naman sobrang gwapo ko." pagyayabang ni Paolo na nasa kabilang linya. "Asan ka na pala? Sabi mo kanina nasa bus ka na. Bakit wala ka pa rin?" he asked.

I smiled when the elevator opened. "I'll be visiting your mom. Andito na ako sa ospital. Malapit na nga ako sa kwarto niya." aniya.

"Ano?! Stop right there!" sabi niya na sakto namang nasa harap na ako ng kwarto ng kaniyang ina.

"Ha? Bakit----" napatigil ako ng binuksan ko ang pintuan ng kwarto ni Tita Ayen.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa aking nakikita. Buhat-buhat ng isang lalaki ang isang bata.

Iyong taong ilang araw na naming hindi macontact. Ni hindi namin alam kung nasaan. Nandito lang pala siya.

It was my dad.

Bab berikutnya