MAPAYAPA yan ang buhay ko bago siya dumating. Dati naman 'di rin ako ni-nonose bleed, eh ngayon? Halos araw-araw akong sumpungin ng nose bleed. TATANGA-TANGA ganyan ako dati bago niya ko turuan ng mga tamang asal. Dati naman laging may nawawala sa 'kin, lagi rin akong may kaaway sa kanto. May kasabunutan sa mall, may kaflirt na lalake sa park. Pero ngayon? Halos 'di na ko lumabas dahil mas inuna ko siya. GAGA AT BALIW walang makakatalo ata sa akin. Ganyan nga ako at Queen ako ng mga gaga't baliw sa Pinas. Dati naman may grupo pa akong kasama makipag-away. Tatawanan namin yung nahulog na ice cream sa cone. Pagt-tripan namin yung mga lassengerong tambay. Eh ngayon ba? Kaya ko pa bang gumawa nang masama ngayong lagi-lagi ko na siyang kasama?
Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko ng unti-unti siyang nilalamon ng liwanag galing sa kapangyarihan ni Kupido.
Hinila kong muli ang mga kamay ni Yohan, "Kupido, tama na! 'Wag!"
"Ana, remember. I'll always love you..." Pailing-iling ko siyang hinila papalayo sa liwanag pero pilit parin iyong sumusunod sa kanya.
"Kupido! Lamabas ka! Palayain mo na siya!" Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa dami ng luha ko.
"Ana, let me go now..." Unti-unti nang kumalas ang mga daliri niya sa pagkakakapit sa akin.
"Hindi!" Napayuko ako pero pilit pa rin siyang hinihila. "Yohan... mahal din kita..."
At parang mistulang orasang ang gubat. Tumigil ang pag-ikot ng mundo, tumigil sa pag-agos ang luha ko.
Isang mabilis na hangin sa likod ko ang tanging gumalaw sa gubat na ito.
Isang yakap ang muli kong naramdaman at isang bulong na muling nagpaluha sa akin.
"I'll love you, always and forever."
Tapos nawala na yung Yohang hawak-hawak ko sa harapan kanina... Naging ang nakangising si Kupido na ang nasa harapan at hawak-hawak ko.
...