webnovel

Chapter 12

100 miles away mula sa city na tinitirhan nila.

6:00AM

Nakatayo sa gilid ng kalsada si Aikoh habang nakatayo sa likod niya si Joakim.

Nakaharap ngayon si Aikoh sa isang bundok na parte ng isang mountain range na kung tawagin ay 'Dragon Mountain Range'.

"Joakim wag mo na kong antayin umuwi," Sabi ni Aikoh kay Joakim bago nagumpisang akyatin ang Dragon Mountain Range.

Tumango si Joakim bilang sagot bago nagdrive pabalik sa city.

Napakainportante ng mountain range na ito kay Aikoh dahil ito ang 'Ancestral Ground' ng kanilang angkan. Dito ipinanganak ang kanilang angkan. Dito rin siya ipinanganak at lumaki. Dito siya unang nangarap. Dating puno ang lugar na ito nang mga tawanan ng mga kabataan at usapan ng mga matatanda pero dahil sa kanya, siya nalang ang nagiisang natira. Dahil sa kasakiman ng puso niya, wala na ang mga tao na dating sumusupurta sa kanya. Wala na ang lugar na pwedi niya tawaging tahanan.

11 AM

Pagkatapus nang limang oras na paglalakad, nakarating si Aikoh sa pangatlong bundok ng Dragon Mountain Range.

Matatagpuan dito ang isang lawa na napapalibutan ng mga matatayog na puno. Napakaliblib ng lugar na ito to the point na kung hindi mo alam ang lugar na ito beforehand, hinding hindi mo ito mahahanap.

Memories flooded down his mind. Ito ang lugar kung saan nakatayo ang dati niyang tahanan. Naalala niya pa ang mga panahon kung saan naglalaro siya kasama ang kanyang mga kababata sa tabi ng lawa na ito. Pero ngayon, alaala nalang sa kanyang isip ang nananatili. Even the tiniest proof na nagexist dati ang kanyang angkan is gone.

Nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa isang cliff wall kung saan merong waterfalls.

Naglakad si Aikoh papunta sa falls pero nang kaharap na niya ang mga tubig na bumabagsak mula sa taas, huminga siya nang malalim bago sinubukang tumagos sa tubig.

Dahil sa taas ng waterfalls, maiimagine mo ang pressure ng tubig na bumabagsak sa katawan ni Aikoh pero wala siyang reaction kahit isang ngiwi. Tila hindi niya ito ramdam.

Nang nakalagpas na siya sa falls, sumalubong sa kanya ang entrance ng isang cave.

Di nagdalawang isip si Aikoh na maglakad papasok sa cave na ito.

Ilang minutong paglalakad,nakaabot siya sa isang pintuan.

'

"Grave of the Dragons"

Binasa ni Aikoh ang nakasulat sa taas ng pintuan. Napuno ng kalungkotan ang kanyang isipan.

Naalala niya nung sinusulat niya ang mga salitang yan ibabaw sa pintong siya mismo ang gumawa. Dahil sa tindi ng kanyang kalungkutan, ginawa niya ang buong kweba nato gamit lamang ang kanyang sariling mga kamay.

Pagkapasok niya sa pintuan, sinalubong siya ng isang napakalawak na kwarto pero ang kakaiba sa kwartong ito ay puno ito ng mga libing.

Ito ang libingan ng kanyang buong angkan. Biglang napaluhod si Aikoh habang umiiyak. Naalala niya ang mga panahon kung saan inilibing ng kanyang sariling mga kamay ang kanyang mga kapamilya. Simula nung araw na yun, pumupunta siya dito once a year.

"Andito na ulit ako, Kamusta na kayo," Ramdam na ramdam ang pait mula sa boses ni Aikoh habang nagsasalita. Wala na ngayon ang kanyang nonchalant expression. Replaced by pain.

"Alam niyo, gusto ko nang magpahinga, namimiss ko na kayong lahat. Until now, di ko parin napapatawad sarili ko dahil sa mga nagawa ko na nagdulot ng kamatayan ninyong lahat."

Hagulgol ni Aikoh sa harap ng napakaraming libingan.

FLASHBACK

Sa isang munting village sa loob Dragon Mountain Range na kung tawagin ay Dragon village, nakatira si Aikoh.

"Balang araw, makakalabas ako dito, magiging pinakamakapangyarihang tao ako at mabubuhay ng walang hanggan." Sabi ni Aikoh sa kanyang mga kalaro.

A decade later, nakatayo si Aikoh sa harap ng isang army na consist of fifty thousand soldiers.

Isa na siya ngayong heneral.

Suot suot niya ang same battle armor na nakita nila Yasumi s luob ng kanyang bahay.

"Ngayon, nakatayo ako sa inyong harap di bilang isang heneral kundi bilang isang kapatid. Tandaan niyo sana na nasa likod natin ang ating mga pamilya, umaasa saatin para sa mapayapang buhay. Pagumatras tayo ngayon, wala na tayong mauuwian. Kahit kamatayan ang kakaharapin natin, di natin to hahayaan!"

Iniangat niya ang kanyang broadsword at sakay sa kanyang kabayo, sinalubong niya ang mga papalapit na kaaway.

A decade passed.

Sa pamamagitan ng rebolusyon, naging hari si Aikoh.

Decades passed, naging High General si Aikoh ng emperyo.

Ang hindi napapansin ni Aikoh, unti unti na siyang binabago nang kanyang kapangyarihan.

Tulad ng nangyari sa pagiging hari niya, nagumpisa siya ng rebolusyon laban sa emperador.

Pagkatapus ng ilang taon sa pakikipaglaban, nanalo siya at naging emperador.

Nang naging emperador siya, he filled his path with the blood of those people who opposed him. Slaughtered millions of innocent people to the point where he literaly painted the earth red.

He became the Tyrant of the East. The Warlord of the Eastern Empire!

Kasama ang kanyang army, sinalakay niya ang Western Empire!

Pinatay niya ang milyon milyong sundalo at mga sibilyan sa gyera laban sa Western Empire. Ilang taon ang lumipas, he became successful in his endeavour and slaughtered the entire royal family from the Western Empire. This made Aikoh the most powerful emperor in the entire world.

Di pa nakontento si Aikoh. Pagkatapus niya iorganize ang kanyang mas pinalaking emperyo, inataki niya ang North and South, unified the wilderness na puno ng mga kriminal, at linusong ang pitong karagatan.

He became unstoppable. If someone would pile the people he killed, it would become a gigantic mountain that would reach the heavens!

Isang araw nakaupo siya sa kanyang trono ng biglang may batang lalaki ang lumitaw sa kanyang harap.

"Pangahas! Sino ka?!" Sigaw ni Aikoh. Mararamdaman mo sa kanya ang dominance ng isang pinakamakapangyarihang tao na nabubuhay sa mundo.

Pero bago paman matawag ni Aikoh ang royal guard, napansin niya na tila huminto ang oras. Nakikita ng kanyang sariling mga mata bawat butil ng alikabok sa ere at iba pa.

"Ako ang Dios ng Buhay at Kamatayan, narinig ng kalangitan ang daing ng mga di na mabilang na inosenteng napatay mo, pinadala ako rito para patawan ka ng kaparusahan sa iyong kalapastanganan," Nagsitayuan lahat ng balahibo ni Aikoh.

"Isa itong malaking kahangalan! Anong Dios ng Buhay at Kamatayan? Anong parusa?! Ako ang nagiisang dios sa buong mundo! HAHAHA," sabi ni Aikoh habang tumatawa na tila ba isang malaking kalokuhan lang ang lahat ng to.

Bab berikutnya