webnovel

Chapter 2

"May problema ka sakin?" Walang kaflavor flavor na tanung ni Aikoh.

"Ah, Wala, wala," Dali daling umiling si Yasumi sabay tapon ng kanyang atensyon sa kanilang professor.

A few minutes later, she cast a glance towards Aikoh. Nakita niya si Aikoh na natutulog habang nakaheadphone.

"Estudyante ba talaga siya? Ba't parang nakitambay lang dito?"

Tulad nung nauna, may mga professor na hindi na nagpa 'introduce yoursef'. Pero nang dumating ang panghuli nilang professor, naging kabado ang lahat.

"Okay, introduce yourselves at front. One by one,"

"Sh*t"

"Sir naman eh,"

"Is it still necessary?"

"In english po ba o tagalog?"

"Wanfort ba sir?"

"Any language would be acceptable," Sabi nang professor nila sabay ngiti.

Everyone took turn in introducing themselves.

A few minutes later, si Yasumi, Aikoh at ang isa pang babae na katabi ni Yasumi nalang ang hindi pa nakakapagpapakilala.

Tumayo na ang babae na katabi ni Yasumi at naglakad papuntang harap.

"Hi~ I am Akaza Shiori. 19 years old. Transferee po ako galing Oakwood University," Pagkatapus niya ipakilala ang kanyang sarili nagbow muna siya sa lahat bago bumalik sa kanyang upoan.

Kuminang ang mga mata nang mga lalaki sa room nung nakita nila si Akaza.

Si Akaza, sa totoo lang, may natural talaga siyang kagandahan. Maputi, mahahabang pilik mata, pinkish cheeks and cherry-like lips.

At dahil katabi ni Akaza si Yasumi, siya ang sunod na tumayo. Kinakabahan talaga siya. Ba't ba kasi may paganito ganito pa eh.

"H~hi, A~ko pala si Ahm Y~yasumi Hiroyo. Ahhhm~ 18~18 years old po." Nakayukong pagpapakilala ni Yasumi.

"Ah~ Eh~ Eh~ Ahm~" One of their female classmates teased.

"HAHAHAHAHAHAHAHA" Nagsitawanan naman ang lahat nang kanilang kaklase maliban kina Akaza at Aikoh.

"That's enough," Saway nang kanilang professor na nagpatahimik naman sa lahat.

"Go back to your seat Miss Hiroyo," Agad tumakbo pabalik sa kanyang upo-an si Yasumi habang nakayuko.

"Yanyan," Pagcomfort ni Akaza kay Yasumi.

"Yanyan?" Nagtatakang tanong ni Yasumi kay Akaza.

"Oo~ Yanyan! Cute kasi kaya yan nalang itatawag ko sayo ha," Nakangiting sabi ni Akaza kay Yasumi.

"Ahhh~ Zaza? Hehe~" Yasumi giggled. Instant friends na agad sila. Ang bilis talaga magbago nang mood ng mga babae. Kanina, nahihiya at malungkot pa si Yasumi pero ngayon, chismisan na silang dalawa ni Akaza.

"I am Aikoh Jūkichi. 19,"

Pagkatapus magpakilala ni Aikoh, bumalik na siya sa kanyang opoan. Tahimik lang ang lahat mula simula hanggang sa natapus si Aikoh.

"Yun lang?" Bulong ni Yasumi mula sa kanyang upoan. Napakamisteryuso naman nang lalaking to. Tinitrigger niya curiosity ni Yasumi.

"Ayeeeee~ Crush mo siya?" Panonokso ni Akaza nang mapansin niya ang titig ni Yasumi kay Aikoh.

"Luh~ hindi ah!" Depensa ni Yasumi.

"Kunwari kapa eh~ hehehe," Dagdag ni Akaza.

"Balakajan," Yasumi rolled her eyes na nagpagiggle kay Akaza.

The class went on without a hitch.

Naglalakad si Aikoh pabalik sa kanyang bahay nang may maramdaman siyang nakasunod.

Lumiko si Aikoh sa isang kanto at nagtago sa anino nang isang pader.

At dun nakita ni Aikoh ang imahe ng isang babae na tila ba may hinahanap.

At ang babae ay walang iba kundi si Yasumi Hiroyo.

"Asan naba ang lalaking yun?" Sabi ni Yasumi habang nagkakamot siya nang batok. Dahil sa curiosity niya, di niya mapigilan ang sarili na sumunod and find out what this guys is hiding nung makita niya na naglalakad palabas ng campus si Aikoh.

"Bakit mo ko sinusundan Miss Hiroyo?" Isang flat na boses ang nagsalita sa kanynag likod.

Nang marinig ito ni Yasumi, bigla siyang namutla. Kilala niya ang owner ng boses na yun. Si Aikoh Jūkichi!

"Ah~ Eh~ W~wala. Hehe," Hinarap niya si Aikoh habang nakangiting hilaw at nagkakamot ng batok.

Aikoh didn't answer and stared more intensely at her.

"S~sige, U~uwi nako," Natataranta si Yasumi sa titig ni Aikoh and as a way of escape, she scurried away. She is wishing that her mother has given her two more legs at birth to run faster.

Tinitigan ni Aikoh ang papalayong imahe ni Yasumi habang pailing iling. Siya lang ang nakakaalam sa kung ano man ang iniisip niya ngayon.

"Maligayang pagbabalik master. Kamusta po ang araw ninyo sa bagong ninyong paaralan?" Nang makarating si Aikoh sa kanyang bahay,sinalibong siya ni Joakim sa pinto habang nakangiti.

"Mabuti naman," Tumango si Aikoh bago sumagot with a smile-not smile expression.

"Master, may bisita po kayo," Joakim informed him.

"Sino?" Nagtatakang tanong ni Aikoh.

"Si ginoong Hironaga Yasuhiko po." Sagot ni Joakim.

Iisa lang ang taong nakakakilala sa kanya like how familiar he is with the back of his own hand. Si Hironaga Yasuhiko.

Matagal na niyang kasama si Joakim at alam niya lahat ng mga secreto ni Aikoh pero iba si Hironaga.

Naging witness si Hironaga sa buhay ni Aikoh simula pa nung pinanganak siya at ang totoo niyan, si Hironaga ang may kasalanan kung bakit siya nasa kasalukoyang sitwasyon niya ngayon.

Naglakad si Aikoh papunta sa kanyang study room para makipagkita sa kanyang bisita.

"Aikoh! Long time no see~" Nang makapasok si Aikoh at Joakim sa kwarto, sinalubong sila nang isang bata na nasa 9-10 years old. Meron siyang dark hair, healthy complexion but his eyes are ash gray.

"Joakim, iwan mo muna kami," utos ni Aikoh kay Joakim.

"Antagal nating hindi nagkita," Pasimpleng saad ni Hironaga. Nakakapagtaka dahil kahit bata ang imahe ni Hironaga, matanda ito kung kumilos. You can also see wisdom between his brows.

"Sampong taon palang nuong huli tayong nagkita Hironaga." Komento ni Aikoh sa sinabi ni Hironaga.

"10 years is quite a long time my friend, and one more thing~ ilang beses ko bang sasabihin sayo na 'Hiro' nalang itawag mo sakin ah? Nakakatanda yung Hironaga eh," Sabi ni 'Hiro'.

"Yeah right," Aikoh flatly spoke.

"Mukhang hindi mo parin nakikita ang solusyon ah," Nakangiting sabi ni Hiro.

"Hinding hindi matatapos ang parusa sayo hanggat hindi mo nakikita diyan sa puso mo ang solusyon. Wag mo rin sanang kalimutan na hindi pa dumarating ang pinakamahirap na parte nang iyong parusa. Bilang kaibigan mo, I'm going to warn you na ihanda mo ang sarili mo," Dagdag ni Hiro na hindi naman maintindihan ni Aikoh.

"Ano ibig mung sabihin?" Tanong ni Aikoh.

"Maiintindihan mo rin ako pagdating ng panahon Aikoh," Mysteryusong saad ni Hiro.

Bab berikutnya