Nang malaman kong hindi pala umalis ng bansa si Celine plano ko na sana syang puntahan sa bahay nila pero pinigilan ako ni Zia. Ang masakit pa non ay ang malaman kong pinagtaguan nya ako sa loob ng isang taon. Isang taon akong nagmukang tanga kahahanap sa kanya sa ibang bansa yun pala ay nandito lang naman pala sya sa Pinas. Napakasakit. Alam kong malaki ang kasalanan ko pero bakit ganito ang ginawa nya sakin. Sobra naman ang sakit na binigay nya sakin. Buong magdamag yun lang ang iniisip ko habang kasama ko ang dating iniwasan ko para sa kanya. Ang dami kong ginawang pagbabago sa buhay ko para sa kanya pero hindi pa pala sapat yun para maisip nyang mahal ko talaga sya at hindi ko kayang gawin ang mga bagay na yun.
Nasa harap ako ngayon ng bahay nila.
"Celine!! Celine lumabas ka dyan!! Alam kong nandyan ka!! Celine!!"
Sigaw ko habang kinakalampog ko ang gate nila. Hindi na nya ako mapagtataguan. Alam kong nandito sya.
"Lumabas ka dyan Celine!! Alam kong nandyan ka!! Alam kong naririnig mo ko!! Lumabas ka dyan!!" Pero wala pa din lumabas. Inakyat ko na ang gate nila. Wala akong pakialam kahit pa sabihin na trespassing ako. Kailangan kong makaharap si Celine. Nang makapasok ako ay agad akong tumakbo papunta sa pinto ng bahay nila saka yun kinalampog.
"Celine!! Harapin mo ko!! Lumabas ka dyan!! Hindi mo na ako mapagtataguan pa! Celine!!!"
At bumukas ang pinto at bumungad sakin ang isang mukha na matagal ko ng hindi nakikita. Ang mukha na matagal ko ng hinanap.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sakin ng wala man lang kaemo- emosyon. Ganito na ba talaga kamanhid ang pakiramdam nya para sakin?
Agad ko syang niyakap ng mahigpit. Ang yakapin sya ng ganito ang matagal ko ng hinintay. I'm longing for this.
"Bitawan mo ko. Bitawan mo sabi ako eh!" At itinulak nya ako. Hindi ako makapaniwalang nagagawa nya sakin ito.
"Pano ka nakapasok dito!? Sino ba ang nagpapasok sayo!?"
"Celine. Celine bakit?"
"You know what, umalis ka na. Umalis ka na bago pa ako tumawag ng security!"
"Sige tumawag ka ng security! Ipqgtabuyan mo ko Celine! Celine bakit? Pano? Pano mo nagagawa sakin to? Pano mo nagawang tiisin ako at pagtaguan ng ganon katagal!?"
"Umalis ka na Xander!"
"Sagutin mo ko Celine!!?"
"Dahil ayokong makita ka! Ayokong makita ang kahit na anino mo!! Ang kahit isang bakas mo!!"
"Bakit!?"
"Bakit? Tinatanong mo ko kung bakit!? Dahil kinamumuhian kita!! Nandidiri ako sayo!! Kinasusuklaman kita!! Pinatay mo ko!! Pinatay mo ang baby ko!"
"Celine hindi ko pinatay ang anak natin!!!! Bakit? Ginusto ko bang mawala ang anak natin!? Ginusto ko bang mangyari ang lahat ng yun!?"
"Niloko mo ko Xander!! Dahil sayo nawala ang baby ko!!"
"Celine hindi kita niloko!! Ilang beses ko bang sasabihin sayo yun!!"
Napatingin ako sa likod nya. May isang lalaki ang nakatayo don at alam kong kilala ko sya.
Si Leo.
Pero anong ginagawa nya dito? Bakit
Bakit may hawak syang baby?
Anak ba nila yun?
Sya ba ang ipinalit nya sakin?
Kaya ba nya ako pinagtaguan ng ganon katagal ay dahil sa kanya?
"Anong ginagawa ng lalaking yan dito?"
Tumingin si Celine sa likod nya at saka nilapitan si Leo.
"Kasal na ako. Kasal na kami ni Leo. May anak na kami. Kaya umalis ka na! Umalis ka na at wag mo na akong guluhin pa!"
Kasal? Anak? Hindi totoo yun. Hindi totoo ang lahat ng to.
"Hindi totoo yan!"
"Kasal na kami ni Leo at yun ang totoo. May anak na nga kami eh. Kaya umalis ka na. Tigilan mo na ako!"
"Kaya mo pala ako pinagtaguan. Ha. Hahahaha kaya mo pala ako pinagtaguan dahil lumandi ka na at naghanap na agad ng iba. Isang taon. Isang taon Celine. Isang taon kitang hinanap sa ibang bansa nandito ka lang pala kasama yan lalaking yan!?"
"Hindi ko naman sinabing hanapin ko ko diba!? At matagal na tayong tapos!"
"Oo!! Hindi mo sinabi pero ginawa ko dahil mahal kita!!! Dahil mahal kita!! Pero nagmuka akong tanga!! Napakalaki kong tanga dahil hinanap pa kita!!" Nanginginig na ako sa galit pero hindi na ako umiiyak. Sya ngayon ang umiiyak.
"Oh bakit ka umiiyak!? Wag kang umiyak!! Panindigan mo lahat ng sinabi mo Celine. Tapos? Kung noon hindi ako pumayag. Siguro sapat na ang nakikita kong lumandi ka na sa iba para naman marealize kong hindi na nga tayo at hindi ka karapatdapt ipaglaban at mahalin. Wag kang magalala Celine. This will be the last time you'll see me like this. Maging masaya ka na sana!"
Saka ako umalis. Hindi ko na kaya ang nakikita ko. Hindi ko akalain na kaya nyang gawin sakin ang bagay na yun. Bakit Celine.? Bakit nagawa mo sakin to.