webnovel

Chapter 14

"Magandang gabi po sa inyong lahat. First and foremost, maraming salamat po sa pagpunta ninyong lahat sa gabing ito. Sana po ay patuloy ninyong tangkilikin ang aking Phil's Place sa mga susunod na araw." panimula ni Phil. "Let's own this night. Let's have fun. Order as much as you want. This night is all for you." sabi ni Phil at nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat. "At para gumanda ang gabi, please welcome, my bestfriend, to give us her own rendition of Maybe This Time, Lexi." pagpapakilala ni Phil sa kaibigan. Nagpalakpakan at nagsigawan ang lahat lalo na ng makita nila kung gaano kaganda si Lexi. Sumipol ang mga kalalakihan dahilan para malukot ang mukha ni Jake. At nagsimula ng tumugtog ang banda at tumahimik ang lahat ng madinig ang magandang tinig ni Lexi.

"Pare, laway mo." Biro ni Allen kay Jake. Natawa naman ang mga kaibigan nila. "Talented talaga si Lexi noh?" sabi ni Tanya. "Oo nga, kakainggit nga yang babae na yan. Di lang maganda at sexy, matalino at talented pa." sabi naman ni Melanie. "Kulang na nga lang diyan eh boyfriend." sabi naman ni Heleana na nakatingin kay Jake na halos tunawin si Lexi. "Kung ako lang naging lalake, liligawan ko talaga yang si Lexi at di ako titigil hangang di ko siya napapasagot." sabi naman ni Joana. "Phil, di ba crush mo si Lexi, bakit di mo siya ligawan?" tanong ni Dave na natutop naman ang bibig ng lingunin siya ni Jake. "Ilang beses na ko nagpropose diyan, ang kaso ilang beses na din ako nabasted." sabi ni Phil at natawa sila. "Alam ko kung bakit." sabi ni Ron na nakatingin kay Jake. "First love never dies..." kanta ni Ron dahilan para tumingin ang lahat kay Jake.

Natapos na ang kanta ni Lexi. "More! More!" sigaw ng lahat. Kinuha ni Phil ang microphone sa kaibigan. "Mamaya po ulit siya kakanta. At dahil gusto nyo, heto pa po ang isang kaibigan ko na maghahandog sa inyo ng isang awit. Please welcome,ake, with his song Love Someone." pagpapakilala ni Phil kay Jake. Muling nagpalakpakan ang lahat. Kinikilig ang mga kababaihan sa kagwapuhan ni Jake. At tulad nung una, tumugtog na ang banda at nanahimik ang lahat at ninamnam ang magandang boses ni Jake.

"Ang gwapo talaga ni Jake noh?" Sabi ni Joana. "Korek! Para siyang di tumatanda." sabi ni Heleana. "At ang macho din." sabi naman ni Melanie. "Single siya di ba?" tanong ni Tanya pero ang tinatanong lang talaga ay si Lexi. "Ewan ko." maikling sagot ng dalaga. "Paano kung ligawan ka ni Jake?" tanong ni Allen. Hindi agad nakasagot si Lexi. "Crush mo siya nung highschool tayo di ba?" tanong ni Dave. "Dati pa yun. Mga bata pa tayo noon." sagot ni Lexi. "Eh, paano nga kung ligawan ka niya ngayon, may pag-asa ba siya?" inulit ni Ron ang tanong ni Allen. "Naalala nyo, basted na ko sa kanya nung highschool tayo so I doubt liligawan niya ako. Baka wala pa ko sa kalingkingan ng mga naging girlfriend niya." sabi ni Lexi. "Masyado ka naman mean sa sarili mo. You're beautiful inside and out, Best." sabi ni Phil na sinigundahan ng mga kaibigan.

Natapos na ang kanta ni Jake. Bumaba na siya ng stage at bago pa siya makabalik sa lamesa ng mga kaibigan ay may lumapit na sa kanyang babae. "Pwede magpapicture?" sabi ng babae na halatang nilalandi si Jake. "Tingnan mo si Jake, naka isa na." sabi ni Ron. Tiningnan naman ni Lexi ang lugar kung saan nakatayo ang dalawa. Parang may sumundot na kung ano sa dibdib niya kaya iniwas niya ang tingin. "Oh, may isa pa. Aba nakakarami na ah." sabi ni Allen. "Kung magpapaligsahan tayo ng padamihan ng babae na makikilala ngayon gabi, tiyak mananalo sa atin si Jake." sabi ni Dave. "Phil, baka pwede naman makilala ang Best mo." nagulat sila ng lumapit ang isang grupo ng mga kalalakihan sa table nila. "Pare, pasensya na ha pero bawal eh." sagot ni Phil.

Si Brix Tuazon ang nagtanong kay Phil kung pwedeng makilala si Lexi. Isa siya sa mga college classmate ni Phil. "Pare naman, parang wala tayong pinagsamahan niyan ah." sabi ni Brix. "Pasensya na talaga, Pare, pero hindi talaga pwede." sabi ni Phil. Alam ni Phil ang likaw ng bituka ni Brix. Kapag may natipuhan itong babae ay agad-agad liligawan at pagkatapos makuha ang Bataan ay iiwanang luhaan. "Hi, Miss, ako nga pala si Brix. And you are?" sabi ni Brix na nilahad ang kamay. Alam ni Lexi na nakainom na ang binatang kaharap niya kaya para wala ng gulo ay kinamayan niya na ito. "Lexi." sabi ng dalaga. "Lexy, Sexy, uy, magkarhyme." sabi ni Brix at ngumiti ng nakakaloko. Bibitaw na sana si Lexi sa kamay ni Brix pero hindi ito pinakawalan ng binata.

"Pwede ka bang makatable?" tanong ni Brix. "Pare." sabi ni Phil. "Pasensya na pero ayoko." prankang sabi ni Lexi. "Woah, barado ka, Pre." buyo ng isang kasama ni Brix. Kanina pa nagtitimpi sila Phil, Allen, Dave, at Ron. Ayaw nilang gumawa ng gulo dahil kay Phil pero nakakapikon na talaga ang ginagawa nito kay Lexi. "May problema ba?" Tanong ni Jake ng makalapit na sa lamesa ng mga kaibigan. "Wala naman, Pare, inaaya ko lang naman si Lexi sa table namin." sabi ni Brix. "Pasensya na pero kasama namin siya at di siya pwedeng makitable sa inyo." sabi ni Jake. Dahil hawak-hawak pa din ni Brix ang kamay ni Lexi ay hinila niya ito dahilan para ma-out of balance si Lexi. Ang akala ni Lexi ay babagsak siya sa mga kamay ni Brix pero ng imulat niya ang kanyang mga mata ay yakap na siya ni Jake.

"Pare, please, huwag kang gumawa ng gulo. Nakikiusap ako." sabi ni Phil na pinigilan si Brix na akmang susugurin si Jake ng biglang hablutin ang kamay nito para mabitawan si Lexi. "Hindi pa tayo tapos!" sabi ni Brix sabay duro kay Jake. "Pasensya na kayo, takaw-away talaga ang mga iyon." hinging paumanhin ni Phil.

"Ok ka lang?" tanong ni Jake kay Lexi. Tumango ang dalaga pero hanggang ngayon ay malakas pa din ang tibok ng puso niya at hindi niya alam kung para saan ba ito. Dahil ba ito sa takot na naramdaman niya ng hilahin siya ni Brix o dahil sa pagkakayakap sa kanya ni Jake. Nakita ni Jake na namumula ang kamay ni Lexi dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Brix sa kanya kanina. "Phil, may first aid kit ka ba?" tanong ni Jake. "Yap, nandoon sa kwarto, bakit?" tanong ni Phil at tinaas ni Jake ang kamay ni Lexi. "Teka, kukuhanin ko." sabi ni Phil. "Huwag na, papasok na lang kami doon." sabi ni Jake. Nagkatinginan naman ang kanilang mga kaibigan at nagkangitian ng makahulugan.

Bab berikutnya