webnovel

Chapter 57

My Demon [Ch. 57]

"Sir, eto na po yung susi. Pasensya na kung natagalan─" Natigilan sa pagsasalita si Kuyang Janitor nang mapansing wala ng pinto ang rooftop. Halos malaglag pa ang panga niya nung napatingin siya sa pintuang winasak ni Demon.

Saktong nasa loob na kami nang dumating siya.

Sinamaan lang siya ni Demon ng tingin at hindi na pinansin. Naglakad na kami papunta sa hagdan para bumaba at doon sasakay ng elevator.

Kahit basang-basa na yung jacket niya, pinatong niya pa rin yun sa'kin kanina.

Nakaakbay pa siya sa'kin habang naglalakad kami. Kung wala lang akong utang na loob sa kanya, malamang sasapakin ko siya sabay banat na pumaparaan lang siya para manyakan ako. Hindi lang kasi basta akbay ang ginagawa niya. Halos magkadikit na kami at parang nayakap pa rin siya sa'kin.

Okay lang din naman. Gusto ko rin naman eh. Hihi! Ang ano ko talaga. Kanina lang may paiyak-iyak pa kong nalalaman, ngayon umaarangkada na naman. LOL. Bakit ba? Sa kinikilig ako eh. Try niyo kayang magpayakap sa taong gusto niyo tapos ganito pa kagwapo at . . . hmmm . .. ang bango-bango talaga ni Demon!

"Bakit ba ayaw mong sabihin sa'kin kung sino?" tanong ni Demon.

Nagtitinginan kami sa salamin ng elevator. Hindi niya pa rin inaalis ang pagkakaakbay sa'kin. Kitang-kita ko tuloy ang nakakakilig naming posisyon sa salamin. Mas magmumukha kaming couple kung ipupulupot ko ang isa kong braso sa waist niya. Hihi! Enebe!

Ang tangkad niya. Hanggang balikat niya lang ako. Pero sa nakikita ko sa salamin, bagay na bagay pa rin kami. Sabi nga nila, "Tall boy and small girl could make a cute and perfect couple". Ayee! Kami yun, diba? Kami nga yun wag ka nang umangal! Pabugbog kita sa katabi ko eh.

Pinitik ni Demon ang noo ko kaya nawala ako sa reverie.

"Tinatanong kita! Bakit ayaw mo ba sumagot?!"

Eh bakit lagi ka rin highblood?

"Ayoko eh."

"At bakit?"

"Kasi baka kung anong gawin mo sa kanya." Nakikita ko ang sarili kong naka-pout.

"Talagang mas inaalala mo pa kung ano'ng gagawin ko sa taong yun kaysa sa sarili mo. Pa'no nalang pala kung hindi ako nakapunta? Ang hirap mong galitin." Nagsalubong ang mga kilay niya then he murmured, "Malalaman ko rin kung sino siya."

Hanggang sa makalabas kami ng elevator, papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya, hindi niya inalis ang pagkakaakbay sa'kin as if protektadong protektado niya ako. That arm that surrounds me says that, "No one can harm this girl".

Ang saya-saya ko talaga. Napaka-swerte kong binibini dahil may Keyr Demoneir na palaging nasa tabi ko who can be the bully king of my life and also my knight in shinning armor.

"Pa'no ka nga pala napadpad sa rooftop? Hindi ka naman pumasok sa school ah," sabi ko sa kanya pagkasara nung driver sa pinto ng kotse.

Magkatabi kaming nakaupo sa back seat. Pareho kaming may tuwalya, binigay ito sa'min nung driver kanina.

Hindi naman siya sumagot. Nakatingin lang siya sa harapan.

"Demon, bakit nga?" Hinawakan ko siya sa braso at niyugyog iyon. "Teka, bakit ang init mo?"

"Ang dami mong tanong."

Umandar na ang kotse. Nakatingin pa rin ako kay Demon habang siya naka-diretso lang ng tingin.

Ngayon ko lang napansin na medyo pale ang mukha niya tapos mas mapula ang labi niya ngayon compare sa natural lips niya. Pati yung cheeks niya medyo mapula. Hindi kaya . . .

Sinapo ko siya sa leeg.

"Ano na naman ba?" Kita mo 'to, highblood na naman.

"Demon, may lagnat ka."

Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago binalik ang tingin sa harapan.

Nakaramdam ako ng hindi-ko-maipaliwanag-kung-ano. May sakit siya pero hindi siya nag-atubiling magpaulan para lang mapuntahan at iligtas ako.

Bakit ka ba ganyan, Demon? Lalo akong nafa-fall sa'yo niyan eh.

"Tunaw na ko," aniya. Tumingin siya sa'kin tapos . . . tapos ngumiti! Waaah! How I love that mesmerizing smile of him!

Hinawakan niya ang buhok ko at sinabing, "Straight na naman ang buhok mo." Dahan-dahan niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

Hinayaan ko nalang siya dahil alam kong masama ang pakiramdam niya at kailangan niyang magpahinga.

"Demon, pa'no ka nga kasi napadpad dun?" pangungulit ko sa kanya. Nacu-curious kasi ako kung paano niya nalamang andun ako. To think na hindi pa siya pumasok kanina sa school.

"Di ko sasabihin."

"Luh, bakit naman? Sabihin mo na kaseee!"

"Sabihin mo muna kung sino ang nagpapunta sa'yo sa rooftop."

That made me shut. Hindi ako nakapagsalita. Naiinis ako kay Alfred dahil alam kong pinlano niya ang lahat para ma-lock ako sa rooftop, pero kahit ganun, classmate ko pa rin naman siya. Naaawa ako sa kanya kung sakaling may gawing hindi maganda si Demon sa kanya. Alam niyo naman siguro kung paano makipaglaban 'yang si Demon.

Bahala nang ang karma ang gumanti kay Alfred. At isa pa, ayokong mangbugbog na naman si Demon. Sasakit na naman ang ulo ng parents niya lalo na ang daddy niya kapag nalaman nitong may ginulpi na naman si Demon.

"Soyu," tawag niya sa pangalan ko. Kinuha niya ang kamay ko at nilaro-laro ang aking mga daliri.

"Hmm?"

"Alam mo bang hindi pa ako nagsisimula, napanghinaan na agad ako ng loob?"

Napa-huh ako. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ba ang ibig niyang sabihin. Isa pang ipinagtataka ko: si Demon? Napanghinaan ng loob?

"Pero naisip ko na ako nga pala 'to─ hindi sumusuko basta-basta sa laban."

Yumuko ako para makita ko siya. "Tungkol saan ba 'yang sinasabi mo?"

With his head against my shoulder, he looked up to me. "You'll see, paghihirapan ko ang gusto kong maging akin."

Magtatanong pa sa sana ako kasi hindi ko talaga maintindihan ang mga pinagsasasabi niya kaso huminto na ang kotse kasabay ng pagsabi nung driver na, "Nandito na po tayo."

Pagtingin ko sa bintana, nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Hindi na rin malakas ang ulan di tulad kanina, ambon nalang.

"Salamat talaga, Demon. Inom ka ng gamot para mawala yang lagnat mo," bilin ko sa kanya.

"Yes, Boss!" nakangiting sabi niya. Nag-salute pa.

Natawa kaming dalawa. Binuksan na nung driver ang pinto sa gilid ko kaya bumaba na ako.

Nginitian ko si Demon, at bago ko pa tuluyang isara ang pinto ng kotse . . .

"Good night, beautifully cute!"

Bab berikutnya