My Demon [Ch. 22]
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang umaandar ang kotse ni Demon. Ako lang ang mag-isang nakaupo sa back seat dahil wala siya. Sabi ng driver nya mag-isa syang umuwi ngayon gamit ang bagong motorbike nito na binigay ng parents nya kagabi lang.
Okay lang. Natatahimik ang mundo ko at--- oo na nga! Hindi na okay. Nabibingi na kasi ako sa sobrang katahimikan eh. Nasanay na ata ako na may nangbubully sa'kin. Parang . . . nakaka-miss tuloy.
Woops! Hindi si Demon ang namimiss ko, ah! Kaka-kita ko lang sakanya kanina eh. Oo nga! Hindi sya yung namimiss ko. Yung mga asaran namin. Oo nga! Bakit ba ayaw nyong maniwala?
Biglang pumreno ang kotse kaya halos masubsob na ko. Fortunately at naka-seat belt ako.
Hindi na ko nagtanong pa sa driver kasi agaw atensyon ang lalaking naka-motor na nakaharang sa harap ng kotse. Riding in tandem? Haluuh ka!!
Naka-leather jacket ang taong nakasakay sa motor at naka-helmet na tinted ang salamin kaya hindi ko makita ang mukha nya.
Matapos ang ilang segundong pangba-block nya sa kotse ni Keyr, pinaandar na nya ang motor nya.
Akala ko aalis na sya. Hindi pala. Pinaandar nya lang ang motor nya papunta sa gilid ng kotse, sa side ko. Kinabahan naman ako kasi baka riding in tandem nga ito.
Hindi pa naman pinaaandar ng driver ang kotse. Magkakuntiyaba ba sila? Baka kidnapin nila ako at hingan ng ransom ang mga magulang ko kasi akala nya mayaman ako porket nakasakay ako sa mamahaling kotse.
Alam naman ng driver na hindi ako mayaman at kay Demon ang kotseng ito. Waaah! Ang gulo! Bakit naman kasi hindi pa pinapaandar ng driver itong kotse eh.
Tok! Tok! Tok! Kumatok ng tatlong beses si Mr. Riding In Tandem sa bintana ng kotse na katabi ko.
Sa takot ko, umusog ako ng upo palayo imbes na ibaba ang binatana.
Tok! Tok! Tok! Bumilis at lumakas ang katok. Nagagalit na ata.
"Mam, buksan mo na ho para di magalit si Sir," wika ng driver. Nakatingin sya sa'kin sa rearview mirror.
Sir? Ibig sabihin bossing nya nga si Mr. Riding In tandem? Haluuuuh!!! Demon, where are you na ba?
Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Panay na ang katok. Mabilis at mas malakas. Lalo akong ninerbyos.
Tinakpan ko nalang ang tenga ko para hindi marinig ang lakas ng tunog gawa ng pagkatok nya. Sa kung paano nya katukin ang bintana ng kotse ngayon, halatang-halata ang pagkainis nito.
Tinted naman yung window kaya hindi nya ko makikita. Eh, kung lumabas kaya ako gamit ang kabilang pinto? Nah, baka barilin nya ko.
Tumigil ang pagkatok. Hindi dahil sa titigil na talaga sya. Kundi para suntukin ang bintana nang malakas. Kitang-kita ko kung paano nag-crack iyon.
Outch. Ang sakit nun, pero parang hindi sya nasaktan. Hindi nya ininda eh.
Hinubad nya ang helmet na suot nya at yumuko para masilip ako sa loob through tinted window. Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko.
Si Demon. Sumisigaw-sigaw sya sa labas. Hindi ko rinig ng malakas dahil nasa loob ako ng kotse.
Ilang sandali pa bago nag-sink in sa'kin ang lahat. Sya ang nag-block ng way ng kotse ni Demon na sya din. Akala ko riding in tandem na. Siya lang pala.
Agad akong umabante at nagmamadaling binuksan ang pinto. Patay, galit na galit si Demon.
"ANO BA?! KANINA PA KO KATOK NG KATOK, BAKIT AYAW MO KONG PAGBUKSAN?" pasigaw na bungad nya pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.
Nakaupo lang ako sa edge ng upuan ng kotse habang pinagmamasdan syang maglabas ng hinanakit.
Black leather jacket plus cool motorbike. Pwede na syang maging gangster.
Bumaba ang tingin ko sa kamay nya na may dugong pumapatak; bunga ng pagsuntok nya sa bintana. Napakamanhid talaga ng nilalang na 'to. Kung ako may ganyan, malamang lumuluha na ko sa sakit.
"Di mo ba narinig yung sinabi ko kanina sa caf?!"
Tumingala uli ako para makita sya. Salubong na salubong ang kilay nya. Awww. Ang kyut!
"Sabi ko, Later, sa likod ng school."
Luh, oo nga pala. Sinabi nya yun, hindi lang masyadong na-digest ng utak ko. Grabe naman kasi yung phrase nya eh. Di pa ginawang sentence para malinaw. Atsaka, ano? Later, sa likod ng school? Anong meaning nun?
Kaloka sya, ha! Di sinabi kung anong gagawin ko dun. Di ko tuloy gets.
"Ayaw mo atang sumabay sa'kin na tayong dalawa lang," mahinang sabi nya at may narinig akong tampo sa boses nya.
Gusto ko sanang humagikgik dahil another "first time" yun kay Demon. Kaso, baka guni-guni ko lang yun. Masabihan pa kong assumera.
Bumaba sya at binuksan ang upuan ng motorbike nya at may inilabas na helmet na hindi tinted ang salamin unlike ng suot nya.
"Oh." Inabot nya sa'kin yun.
Tinanggap ko naman agad. Nakaupo pa rin ako sa edge ng upuan ng kotse.
Sumakay na ulit sya ng motorbike nya at sinuot muli ang helmet nya pagkatapos pinaandar ang engine.
He cocked his head to my side and glared at me. Okay. Got it.
Sinuot ko ang helmet at mabilis na bumaba ng kotse. After kong isara ang pinto, umangkas na ko sa motorbike ni Demon. Ang ganda ganda!
Kumapit ako sa jacket ni Demon at pinaandar na nya ang motor nya.
Dapat pala tinali ko ang buhok ko. Ang bilis naman kasing magpaandar ni Demon, pati buhok ko hinahangin. Base sa driver nya, kagabi lang daw sya binilihan ng motorbike. So bakit parang expert na sya sa pagmamaneho ng motor? Para syang motor racer sa bilis mag-drive. Baka naman hindi ito ang first time nyang magkaroon ng motor o kaya naman dati na syang nagmamaneho ng ganito.
May nadaanan kaming convenient store kaya kinatok-katok ko ang suot na helmet ni Demon. Nagpunta kami sa gilid ng kalsada at doon sya huminto.
Binaba nya ang helmet nya. Inaasahan kong babalingan nya ko ng masamang aura at magsasabing, "ANO NA NAMAN BA?!"
But he glanced at me over his shoulder with his casual-cool look. Hindi sya nagsalita. Binibigyan nya lang ako ng tinging nagtatanong na "Bakit?".
Kung hindi siguro dahil sa helmet na suot ko, mas malapit pa ang mukha nya sa'kin.
"May bibilhin lang ako," sabi ko sakanya.
He nodded.
Humawak ako sa magkabila nyang balikat para makababa ako. Sakto kung saan huminto si Demon nandoon ang convenient store. Hindi ko na kailangan pang tumawid ng kalsada.
Bumili lang ako ng bandage para sa sugat niya sa kamay. Nilagay ko yun sa loob ng bag ko. Dinalian ko pa nga ang pagbili at paglabas ng convenient store kasi baka mag-init na naman ang ulo ng gwapong nag-aantay sa'kin sa labas. Alam nyo naman ugali nun.
Nakasandal sya sa motorbike nya na parang nakaupo at nakapamulsa ang mga kamay nang matanaw ko sya habang papalabas ng convenient store. Tulala pang nakatingin sa kawalan.
Para syang model!
Sinabi kong dinadalian ko para hindi mag-init ang ulo nya, pero heto ako ngayon, huminto sa paglalakad at inilabas ang phone mula sa bulsa ng skirt ko. Pumwesto ako sa kung saan makukuhaan ko sya ng mas maayos at mas maganda.
Click! Wow. Adonis is that you?
Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang stolen picture nya na kakakuha ko palang. Naka-side view pa at model na model ang dating. For sure, masasabunutan ako ng mga classmates kong babae lalo na si Angelo sa kilig kapag nakita nila ang oh so gorgeous stolen shot ni Demon na ito.
Hindi pa ko gaanong nakakalapit, napatingin na si Demon sa'kin. Noong una seryoso ang mukha nya, pero matapos nya kong titigan ng ilang sandali habang ako ay naglalakad, umangat ang sulok ng labi nya.
Dahil sa ngiti nyang iyon- sa ngiti nyang nang-aasar, siningkitan ko sya ng mga mata.
"Ba't ganyan ka makangiti?" tanong ko nang makalapit ako sakanya.
Tinawanan nya muna ako bago sumagot, "Minahal mo naman yang helmet ko?" Umalis na sya sa pagkakasandal sa motorbike nya at sumakay then nagsuot muli ng helmet.
At kahit pinaandar na nya ang engine, rinig na rinig ko pa rin ang mahina nyang pagtawa.
Napahawak ako sa ulo ko. ASDFGHJKL!!!! Kaya naman pala ko pinagtitinginan sa convenient store kanina dahil nakasuot pa pala ako ng helmet.
Aaah! Nakakahiya! Shockness naman oh!
"Nakanguso ka na naman," ani Demon. Nakahawak na sya sa *hawakan* at kahit di ko kita ang mukha nya dahil sa suot nyang helmet, alam kong natatawa sya.
Kaysa sa magmukok dito sa gilid ng kasalanan dahil sa kahihiyan, umangkas na uli ako sa motorbike nya.
Nakakahiya talaga! This was really one of my most embarrasing moment in my life!