Hindi alam ni Dr. Garcia na naghihinala na si Tanaga at Ashley sa kanya. Naguguluhan sila kung bakit panay ang sulyap nito kay Ann. Pilit nilang tinatangal ang maghinala na perverted ito. Wala silang kaalam alam ay ganoon din si Dr. Garcia na naghihinala sa kanilang dalawa. Naisip niyang tingnan kung tama ang kanyang hinala.
"Miss Wen, kung okay lang sayo, pwede ko ba tanungin kung Pilipino ka?"
"Opo, Pinoy po ako, pero hindi po ako pinanganak dito. Pinanganak po ang nanay at lola ko sa Pilipinas, pero ako hindi. Pinanganak ako sa Las Vegas. Hindi pa ako nakapunta sa Pilipinas, ngayon palang," sagot ni Ann habang nakangiti.
Gumaan ang pakiramdam ni Dr. Garcia nang marinig niya ang sagot ni Ann. Ibig sabihin nito na hindi siya ang tao na akala niya. Pero mukha namang mas matanda ito ng ilang mga taon sa iniisip niyang tao.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com