Nanlaki ang mata ni Ashley ng makita nya kung gaano kalaki ang Galleria Mall. Sobra ang traffic habang papunta sila. Ilang minuto na rin sila ay hindi pa rin umuusad at naiinip na si Tanaga.
"Sato, wala bang ibang entrance na pwede nating daanan, kanina pa tayo dito eh' hindi man lang tayo umuusad." Tanong ni Tanaga na halatadong naiirita na.
"Titingnan ko po sir Jones." Kinuha ni Sato ang kanyang cellphone at nagsalita siya upang tanungin ang computer system ng cellphone niya. [Siri! Is there another way to go to the mall beside this road?] Aniya ni Sato sa computer app. na 'Siri'
Sumagot naman ang cellphone ni Sato. [There's another street where you can access to go to the mall.]
"Ah! Meron daw po!"
"Eh' ano pa ang hinihintay mo?" Pabalang na sagot ni Tanaga
Sato: [Siri! Give me direction please!]
Siri: [At the light, turn right to Westheimer road. Straight ahead to the ramp and go to the valet parking]
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com